You are on page 1of 5

TUKURAN TECHNICAL – VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Tukuran , Zamboanga del Sur


LEARNING ACTIVITY SHEETS NG ARALING PANLIPUNAN - GRADE 10
Unang Markahan – Ika-apat na Linggo
Name of Learner: _________________________________ Grade Level: ______________________
Section: __________________________ Date: ______________ Contact Number: ______________

I. Nilalaman: Kahalagahan Ng Kahandaan,Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong


Pangkapaligiran

II. Panimula o Susing Konsepto:

Taon-taon,maraming kalamidad ang nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo .Ito’y nag iiwan ng
malaking pinsala sa ating buhay,ari-arian at kapaligiran. Binibigyan ng pansin sa nakaraang modyul ang mga
paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. Kanino nga
ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t ibang hamong pangkapaligiran na ating nararanasan? Ito ba
ay tungkulin ng pamahalaan o ng mamamayan? Ang iyong matutuhan ay maaari mong magamit sa hinaharap at
ikaw mismo ay maaaring maging kabahagi sa pagtugon ng mga hamong ito.

III.Kasanayan sa Pagkatuto at kuda:

Nasusuri ang Kahalagahan ng Kahandaan,Desiplina at Kooperasyon sa pagtugon sa mga Hamong


Pangkapaligiran

IV: Panuto

Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang bagay na dapat tandaan:


A. Gamitin ng maayos ang Learning Activity sheet/GawaingPagkatuto
B. Basahing Mabuti at sundin ang mga panuto sa bawat Gawain;
C. Isulat ang minyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.

V. Gawain:
Gawain 1: Suriin at pag-aralan ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang I kung ito ay tama at
M kung ito naman ay mali.

_____1. Upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng natural na kalamidad,makinig sa radio, alamin lagi ang
mga pahayag,babala at maging alerto.
_____2. Ang dapat gawin kung may lindol ay hold,drop,cover.
_____3. Ipinaskil ni Inay sa ref ang numero ng teleponong dapat tawagan sa oras ng sakuna.
_____4. Kapag may parating na bagyo mag panic buying ng mga kakailanganin ng iyong pamilya.
_____5. Maging mahinahon kung may lindol.
_____6. Sa panahon ng kalamidad “Ligtas ang may alam”.
_____7. Pagkatapos ng unang pagyanig ng lindol at nasa loob ng bahay, marahang lumabas sa kinalalagyang
lugar.
_____8. Makinig sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may paparating o inaasahang bagyo na tatama sa
inyong lugar.
_____9. Kung lumilindol at nasa labas ng bahay ,sumilong sa isang nakaparadang sasakyan o anomang
malaki at matibay na bagay.
_____10. Magplano ng gagawin kapag may parating na kalamidad.

Gawain 2: Dugtungan ang sumusunod na mga grupo ng salita .Ilagay sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

1. Ang kahandaan ng bawat tao sa pagtugon ng hamong pangkapaligiran ay mahalaga sapagkat


_________________________________.
2. Sa panahon ng kalamidad napakahalaga ang maging desilpinado sapagkat
_____________________________________.
3. Sa pagtugon ng hamong pangkapaligiran napakahalagang may kooperasyon ang mga tao sapagkat
______________________________.
4. Kung ikaw ay naabutan ng baha sa daan,ano ang maaari mong gawin upang iligtas ang sarili sa
pagbaha __________________________.
5. Mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag,babala at alerto patungkol sa kalamidad
dahil________________________________.
Gawain 3: Summary Chart
Suriin ang katanungan pagkatapos ay punan ng sagot ang summary chart. Ilagay sa hiwalay na papel ang
iyong sagot.

Sa panahon ng kalamidad, paano mo maipakita ang kahandaan,desiplina,at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran?

Kahandaan Disiplina Kooperasyon

Batay sa aking natutunan , masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay
dapat
na__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

VI. Pamprosesong Tanong


1. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto patungkol sa kalamidad?
2. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad?
3. Ano ang iyong gagawin kung naninirahan ka sa mababang lugar at peligroso sa baha?

VII. Rubric sa Pagpupuntos:

Rubric sa Pagmamarka ng Gawain 3 At Pamprosesong Tanong


KRITERYA 5PTS. 4PTS. 3PTS. 2PTS.
Kaalaman sa Ang pangunahing Ang mga Hindi lahat ng Ang pangunahing
Paksa kaalaman ay pangunahing ay pangunahing kaalaman ay hindi
inilahad at naibigay kaalaman ay kaalaman ay inilahad at
ang kahalagahan inilahad subalit inilahad natalakay
hindi wasto ang
ilan.
Organisasyon Organisado ang Organisado ang Hindi masyadong Hindi organisado
mga paksa at paksa subalit hindi organisado ang ang paksa at
maayos ang maayos ang paksa at presentasyon
presentasyon presentasyon presentasyon

VIII.Pangwakas:
Ibigay ang iyong sariling opinyon tungkol dito. Kung ikaw ay magiging isang Punong Barangay, paano mo
pamahalaan ang iyong nasasakupan patungkol sa kahalagahan ng pagiging handa, desiplinado at may
kooperasyon sa panahon ng kalamidad?

IX. Mga Sanggunian


Araling Panlipunan 10 Modyul Kontemporaryong Isyu(Draft) pages 82-89

Inihanda Ni: Naitala Ni: Inaprobahan:

MARIA ANGELICA C. EPANTO MERCEDITA I. FRIAS LUTHER D. CASTELO , EdD


Guro Head Teacher-I Secondary Principal-IV

You might also like