You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 9

Dignidad sa Paggawa

Ikalawang Markahan Ikalimang Linggo Modyul 5

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng


dignidad ng tao at paglilingkod.
Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o
barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.

0
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang
modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang
layunin sa paggamit nito.
 Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
 Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling nalinang.
 Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
 Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
 Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas
ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat
ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
 Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

MGA BAHAGI NG MODYUL

 Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
 Paunang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
 Balik-Tanaw - ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at
kasanayang nalinang na.
 Maikling Pagpapakilala ng Aralin - dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
 Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
 Tandaan - dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
 Pag-alam sa mga Natutuhan - dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong
aralin.
 Pangwakas na Pagsusulit - dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

1
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod bilang


katunayan ng iyong pagkatuto.
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa tungo sa pagtataguyod ng dignidad
ng tao.
2. Naipakikita ang sariling kakayahan sa paggawa na may kapakinabangan sa sarili,
kapuwa at lipunan.
3. Nakakabuo ng sariling opinyon mula sa pagsusuri ng resulta ng sarbey ng mga
layunin sa paggawa ng tao gamit ang mga layunin sa makabuluhang paggawa
bilang batayan.
4.

UNANG PAGSUBOK

Bago ka magsimula sa ating mga aralin ay iyo munang tayahin ang mga dati mo ng
kaalaman sa paksang ito.

Panuto: Isulat mo sa patlang ng bawat bilang ang pinakawastong sagot.


____ 1. Ito ay uri ng paggawa na nagmumula sa isip at ideya.
A. kilos B. manwal C. pangkaisipan D. propesyunal
____ 2. Angking katangian ng kilos ng tao na iba sa iba pang nabubuhay na nilalang.
A. pagkakaroon ng kalayaan C. pagkakaroon ng pakiramdam
B. pagkakaroon ng isip D. pagkakaroon ng pang-unawa at kalayaan
____ 3. Ang dignidad ng tao ay naihahayag at naitataguyod sa pamamagitan ng __________.
A. kilos B. paggawa C. pakiramdam D. talino
____ 4. Sa larangan ng paggawa ay ibinababa ang tao sa pagiging makina kung ito ay ______.
A. ginagawa kapalit ng paghihirap ng iba C. para sa sariling kapakanan lamang
B. nawawalan ng kabuluhan D. paulit-ulit at impersonal
____ 5. Ang paggawa ay kilos na nagmumula sa isip (intellect) at kilos loob (will). Alin sa mga
pangungusap ang tama kaalinsunod ng pahayag na ito?
A. Ang kilos ng hayop at halaman ay isang paggawa.
B. Ang tao ay nabubuhay upang magtrabaho lamang.
C. Lahat ng kilos ay isang paggawa.
D. Tanging tao lamang ang may kakayahan sa paggawa.
____ 6. Hindi lang ang pisikal na bahagi kundi pati ang isip at kalayaan ng tao ay sangkot sa
paggawa. Samakatuwid ang paggawa ay isang _______________.
A. kilos na batay sa sa instinct C. panlipunang gawain ng tao
B. pagtugon sa pangangailangan ng tao D. personal na gawain ng tao
____ 7. Ang mga sumusunod ay ang mga karapatan na inilatag ng United Nations sa Pandaigdig
na Pagpapahayag ng mga Karapatang Pantao, MALIBAN sa:
A. Magtatag at umanib sa mga unyon ng manggagawa para sa pangangalaga ng
kanyang mga kapakanan.
B. Maisabuhay ang mga birtud at maging daan tungo sa pagpapalaya sa tao mula sa
pagiging makasarili.

2
C. Paggawa, sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay, sa makatarungan
at kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban sa
kawalang mapapasukang hanap-buhay.
D. Pantay na bayad ng kapantay na gawain, nang walang ano mang pagtatangi.
____ 8. Tungkulin ng tao na lumikha ng mahusay na produkto na may kapakinabangan sa
kagaling ng kapwa at pagkamit ng kabutihang panlahat. Ang pahayag na ito ay
tumutukoy sa tungkulin ng tao sa _________________.
A. Diyos B. lipunan C. pamilya D. saril
____ 9. Nawalan ng hanapbuhay si Mang Ronaldo na isang jeepney driver dahil sa pandemic.
Upang maitawid ang pamilya ay napilitan siyang mamalimos sa kalsada. Aniya ay kahit
nakakahiya ay ginagawa niya ito kaysa sa magnakaw sapagkat kapos ang ayuda na
kanilang natatanggap. Patuloy bang naitataguyod ni ng lipunan at mga institusyon nito
ang kaniyang dignidad ni Mang Ronaldo bilang tao sa sitwasyong ito?
A. Oo, sapagkat ang gawaing ito ay napapangatwiranan ng malubhang sitwasyon.
B. Oo, sapagkat mas marangal ang panlilimos kaysa sa pagnanakaw.
C. Hindi, sapagkat ang panlilimos ay nakakahiyang gawain.
D. Hindi, sapagkat ang sitwasyong ito ay hindi makatao at sumisiil sa kaniyang mga
karaptan at tungkulin bilang isang manggagawa.
____ 10. Sa kabila ng tagumpay ay patuloy na nagpapasalamat si Andrea sa mga biyayang
kaniyang natatanggap at ibinabahagi niya ito sa pagkakawanggawa sa mga batang
kapos ang mga magulang upang sila ay pag-aralin. Nagbibigay siya ng scholarship sa
mga kapat-dapat na mag-aaral mula elementary hanggang sila ay magtapos ng kolehiyo.
Aling layunin ang ipinapamalas ni Andrea upang maging makabuluhan ang kaniyang
paggawa?
A. Kitain ang salapi para sa kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Maiangat ang kultural at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
C. Maipahayag ang ating pagmamahal sa mga taong ating kinakalinga at tulungan din
ang mga nangangailangan.
D. Makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.

BALIK-TANAW

Sa nagdaang aralin ay iyong naunawaan na ang mga batas na ipanapatupad sa


ating lipunan, maging ito man ay sibil o bunga ng pagkakasundo ng mga tao sa isang
komunidad, institusyon, at pamilya, ay nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural
Moral law). Iyong nahinuha na ang Likas Batas Moral ay likas na umiiral sa tao bilang
nilalang na may isip at kilos loob, at siyang nagsisilbing batayan ng kilos ng tao tungo
sa kaniyang kaganapan. Sa huli, anumang batas na ginawa o gagawin ng tao ay
nararapat na umayon sa Likas Batas Moral upang protektahan ang mga pangunahing
karapatan na likas na nagmumula sa dignidad ng tao – ito ay hindi lamang dapat basta
ligal kundi moral.
Mahalaga ang mga konsepto na ito sa pag-unawa ng sunod mong aralin sapagkat
ito ang pundasyon ng kahalagahan ng paggawa ng tao tungo sa pagtataguyod ng
dignidad ng tao.

3
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Nailalarawan mo ba sa iyong isip ang kalalagayan ng ating lipunan kung sakaling


huminto ang tao sa kaniyang paggawa? Sa wari ba ay titigil ang mundo sa pagsulong
nito at mababalewala ang lahat ng pinaghirapan ng mga taong nauna sa atin na
nagsumikap. Gayundin ay mahirap isipin ang kaunlaran ng ating lipunan sa hinaharap.
Imposible man ang lubos na paghinto ng tao sa kaniyang paggawa ay maari pa di na
bumagal ang pagsulong ng lipunan kung ang mga mamamayan nito ay hindi
nauunawaan ang tunay na kahulugan ng paggawa at relasyon nito sa kaganapan ng
tao. Ikaw, nauunawaan mo ba kung ano ang paggawa at ang kahalagahan nito? Ano
nga ba ang paggawa at bakit tayo gumagawa?

Sa modyul na ito ay iyong tutuklasin ang kahalagahan ng paggawa sa


pagtataguyod ng dignidad ng tao. Sa iyong paglalakbay sa pag-unawa sa paksang ito,
ikaw ay gagabayan ng mga babasahin sa bawat aralin upang mapalalim ang iyong
pang-unawa sa paksa: 1) Ang Paggawa at ang Dignidad ng Tao, 2) Layunin ng
Paggawa. Kalakip ng bawat aralin ay ang mga gawain at pagsasanay bilang pantulong
na mga gawain sa sistematikong pag-unawa sa paksa ng modyul na ito.

ARALIN 1: Ang Paggawa at ang Dignidad ng Tao


Mga Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng
tao at paglilingkod.
2. Nakabubuo ng pangunahing konsepto ng paggawa bilang pagtataguyod ng dignidad
ng tao.
3. Naipamamalas ang kahalagahan ng paggawa tungo sa paglilingkod at sa
pagtataguyod ng dignidad ng tao.

NILALAMAN NG ARALIN

Ang paggawa ay ang anumang gawain ng tao na pinaglalaanan


ng pisikal at iba pa niyang kakayahan upang lumikha ng isang bagay,
mano-mano (manwal) man o sa larangan ng pangkaisipan (ideya).
Dito ibinubuhos ng tao ang kaniyang kakayahan upang makalikha
ng kaniyang mga pangangailangan. Tulad ng sabi ni Karl Marx, sa
lahat ng nilalang, tanging ang tao ang may kakayahan na gumawa
ng kaniyang sariling pagkain. Dito ay sangkot ang kabuuan ng ating
pagkatao sa lahat ng kaniyang aspeto kung kaya ang paggawa ay
hindi lamang isang gawain ng tao kundi ito ay isang PERSONAL na
gawain ng tao. Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the
Church, “bagaman ang paggawa ay hindi lamang ang layunin ng
buhay, ito ay mahalagang bahagi ng kalagayan ng tao.” Ang
paggawa ay isang reyalidad ng buhay at bahagi ng pag-iral natin bilang isang tao.

Una, ang paggawa ay isang personal na gawain na tanging tao lamang ang makagagawa,
dito nakikilala ang tao sa kaniyang dignidad. Ang tao ay bukod tanging nilikha sapagkat di tulad
ng ibang may buhay na nilalang, hayop at halaman, ang tao ay kumikilos ayon sa kanyang isip
(intellect) at kilos loob (will) at hindi ayon sa instinct o pakiramdam lamang. Ang pagkakaroon
4
ng mga pakultad na ito ang batayan ng dignidad ng tao na dapat naitataguyod at naihahayag
sa pamamagitan ng makataong paggawa. Ang paggawa ay isang pangunahing karapatan at
mabuti para sa sangkatauhan, isang kapaki-pakinabang na kabutihan, karapat-dapat sa tao
sapagkat ito ay isang angkop na paraan para sa kanya upang maipahayag at mapaunlad ang
kanyang dignidad (art. 287, Compendium of the Social Doctrine of the Church).
Subalit may mga gawain na sa halip na itaguyod ang dignidad ng tao ay bagkus
niyuyurakan ito: 1) Mga trabaho na nakakabagot, paulit-ulit, labis na nakababahala at
nakasisira sa kalusugan, impersonal at mapagmanipula; 2) mga trabaho na hindi nakakaambag
sa kagalingan ng tao at lipunan, at anti-social o nanghihikayat ng mataas na kompetisyon na
nagreresulta sa alitan ng mga manggagawa sa halip na kooperasyon (Moga, 1995). Ang mga
ganitong kalagayan ng paggawa ay bagkus ibinababa ang tao sa pagiging makina at hayop sa
halip na gabayan patungo sa kaganapan ng buhay.

Ang Spolarium ni Juan Luna ©


https://commons.wikimedia.org/wik
i/File:Juan_Luna_Spoliarium.jpg
Sa obra maestra na ito ay ipinakikita
ang sapilitang pagtatrabaho ng mga
Pilipino sa ilalim ng panahon ng
pananakop ng bansang Espanya.

Pangalawa, ang paggawa ay isang karapatan ng tao na dapat niyang matamo upang
makapamuhay ng may dignidad – “Ang mga karapatan ng mga manggagawa, tulad ng lahat
ng iba pang mga karapatan, ay batay sa likas na katangian ng tao at sa kanyang dakilang
dignidad” (art. 301, Compendium of the Social Doctrine of the Church). Ayon kay Fr. Bernard
Kelly (1989), “Ang karapatan sa paggawa ay bunga ng pagiging malaya ng tao bilang nilikhang
kawangis ng Diyos.” Ang ating dignidad ay nagmula sa Banal na Lumikha kung saan likas na
dumdaloy ang ating karapatan. Ang karapatang ito ay hindi nanggaling sa batas na ginawa ng
tao, bagkus ay ginawa ang batas batay sa Likas Batas Moral upang mapangalagaan ang mga
karapatang ito, at isa na rito ay ang karaptan sa paggawa.

Pangatlo, ang karapatan ay palaging may kaakibat na obligasyon kung kaya’t ang
paggawa ay isa ring tungkulin. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang
may pananagutan (Esteban, S.J. 2009). Hindi lang personal ang aspeto ng paggawa kundi
panlipunan din kaya ito ay isang tungkulin mo sa iyong sarili at sa kapuwa. Sa ating paggawa
ay nagagampanan natin ang ating tungkulin sa sarili na maitaguyod ang ating
pangangailangan, mapanatili at malinang ang sariling pagkatao, at makapamuhay ng may
dignidad. Ang katamaran ay nakapipinsala sa pagkatao ng tao, samantalang ang aktibidad ay
mabuti para sa kanyang katawan at kaluluwa (art. 265, Compendium of the Social Doctrine of
the Church). Ito naman ay tungkulin mo sa lipunan, isang obligasyong moral sa iyong kapuwa,
sapagkat nahuhubog ang lipunan sa pamamagitan ng paggawa ng tao bilang panlipunang
nilalang. Tayo ay tagapagmana ng mga ginawa ng naunang henerasyon, gayundin ay
tagapaghubog ng kinabukasan ng mga susunod na henerasyon (art. 274 Compendium of the
Social Doctrine of the Church). Kung kaya ang gawaing “mema” sa salita ng mga kabataan
ngayon ay hindi lamang pagsupil sa mga posibilidad ng sariling kakayahan kundi pagkakait din
sa kapakinabangan nito sa ibang tao at lipunan. Panghuli, ito rin ay tungkulin mo sa Banal na
5
Maylikha ng lahat. “Sa pamamagitan ng kanyang paggawa at pagiging masipag, ang tao - na
nakikibahagi sa banal na sining at karunungan – ay mas pinagaganda pa ang sangnilikha, ang
kosmos na inayos na ng Diyos Ama” (art. 266,
Compendium of the Social Doctrine of the Church). Ito
ay tungkulin mo sa Banal na Maylikha na iyong
ginagampanan sa pamamagitan ng pagkilos tungo sa
pagkamit ng kabutihang panlahat at sa kapakanan ng
iyong kapuwa na mas nangangailangan. “Ang paggawa
ng tao ay nakatutok tungo sa pagbuo hindi lamang sa
sambayanan ng tao kundi pati sa sambayanan ng
Diyos…ito ang nagbibigay sa paggawa ng tao ng
malalim na kahulugan.” (Michael D. Moga, S.J., 1995).

PERSONAL na
gawain ng tao
©https://www.pikrepo.com/ftjtq/the-creation-of-adam-painting

Sangkot ang Moral na


kabuuan ng ating obligasyon sa
pagkatao sa lahat PAGGAWA
sarili, kapwa, at
ng kaniyang aspeto
(katawan, isip, at Anumang gawain ng Diyos
kilos loob) tao na pinaglalaanan ng
pisikal at iba pa niyang
kakayahan upang
lumikha ng isang
bagay, mano-mano
(manwal) man o sa
larangan ng
pangkaisipan (ideya)

Karapat-dapat sa tao…
angkop na paraan upang
maipahayag at
mapaunlad ang kanyang
dignidad

MGA GAWAIN

Gawain 1: Ang Kilos na Paggawa


Panimula: Ano nga ba ang paggawa? Lahat ba ng kilos ay isang paggawa? Ano-ano ang
mga katangian na dapat taglayin upang ang kilos ng isang nilalang na may buhay ay
matawag na paggawa?
Panuto: Suriin mo ang mga larawan at tukuyin ang layunin ng kilos na kanilang ginagawa.
Isulat mo ito sa tapat ng bawat larawan. Matapos mong matukoy ang mga layunin ng
kanilang kilos ay sagutin mo naman ang mga katanungan ukol dito.

6
KILOS KILOS KILOS

LAYUNIN NG KILOS LAYUNIN NG KILOS LAYUNIN NG KILOS

1. Ano ang pagkakaiba ng kilos ng mga halaman, hayop, at tao? Ipaliwanag.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Sino sa mga ito ang may pagkaunawa at may makabuluhang layunin sa kaniyang kilos?
Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Gaano kahalaga ang paggawa sa tao upang maitaguyod niya ang kaniyang dignidad?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

7
GAWAIN 2: Produkto ko, Para sa Kapwa Ko
Panimula: Sa pagkakaroon ng isip at kilos loob ay nagkakaroon ng kamalayan ang tao
sa kaniyang kilos tungo sa isang tiyak na layunin kung kaya ang kilos na ito ay
tinatawag na paggawa. Ano kaya ang mga kinakailangan ng tao upang mabigyang
anyo ang isang bagay na walang saysay at ito ay maging kapaki-pakinabang? Ano
kaya ang epekto ng kaniyang paggawa sa lipunang kaniyang ginagalawan? Paano
kaya naitataguyod ng paggawa ang dignidad ng tao?
Panuto: Ipakita kung ano ang maari mong mabuo mula sa mga materyales na nasa
larawan upang ito ay mabigyang saysay bilang isang bagay na kapakipakinabang hindi
lamang sa sarili pati na sa lipunan. Ipakita mo ito sa pamamagitan ng pagguhit na may
maikling paliwanag o paglalarawan sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay sa maari
mong mabuo mula sa mga materyales na ito. Maaring pumili lamang ng ilan sa mga
larawan o kaya ay gamitin ang lahat ng materyales sa pagbuo ng iyong produkto.

8
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Kumusta? Naunawaan mo ba ang mga aralin sa modyul na ito? Ipahayag ang
iyong mga pagkatuto sa mga aralin sa bahaging ito.

1. Unang bahagi: Reaksiyon: Ipahayag ang iyong reaksiyon sa mga aralin sa modyul na ito.
Pumili sa mga reaksiyon o kaya naman ay iguhit ito sa blangkong bilog. Lakipan ng maikling
paliwanag.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

9
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ikalawang bahagi: Thoughts-Questions-Epiphany (TQE): Ipahayag ang iyong saloobin,
katanungan, at bagong natutunan sa araling ito.

T – Ano ang iyong mga saloobin sa araling ito?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Q – Ano ang iyong mga katanungan o agam-agam tungkol sa araling ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
E – Ano ang iyong mga reyalisasyon, napagtanto o bagong natutunan sa araling ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

ARALIN 2: Layunin ng Paggawa


Mga Layunin
1. Nasusuri ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o baranggay/pamayanan
kung ito ba ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod
2. Nakabubuo ng sariling opinyon mula sa maikling sarbey tungkol sa layunin ng tao sa
kanilang paghahanapbuhay.
3. Nasusuri ang sariling gawi, disposisyon at layunin sa paggawa.

NILALAMAN NG ARALIN

Ang pagtatrabaho ay isang hanapbuhay ika nga. Ginagawa natin ito upang patuloy na
mabuhay kahit na gawing umaga ang gabi. Mayroon tayong mga pinaglalaanan sa bawat pawis
at hirap sa pagtatrabaho. Subalit, para saan nga ba kung bakit tayo bumabangon sa umaga
upang simulan at tapusin ang isang araw sa paggawa? Ano ang layunin ng ating paggawa?

Ayon kay Michael D. Moga, S.J., kinakailangan ng tao ang gumawa ayaw man natin ito o
hindi dahil sa ilang mga dahilan:
Ang mga dahilang ito ay waring nagbibigay sa
atin ng pangangailangan upang gumawa subalit hindi
naman nagbibigay ng kabuluhan sa ating
pamumuhay. Bagkus ang trabaho ay umaalipin sa
tao at hindi nagbibigay ng lubos na katwiran sa
paggawa at ibinababa ang tao sa pagiging makina o
hayop.

Sa pagkakaroon ng isip at kilos loob, ang mga


pakultad na biyaya ng pagiging kawangis ng
Maylikha na batayan ng dignidad ng tao, ang tao ay malay sa kaniyang kilos kung kaya’t ito ay

10
may layunin na nagbibigay kabuluhan sa kaniyang paggawa di tulad ng ibang nilalang na hindi
tao o isang makina na walang buhay. Mayroong mga layunin na mas dakila pa kaysa sa
sapilitang pagtugon mula sa mga hinihingi ng ating material na kalikasan, lipunan, at sariling
pagnanasa. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga
pangunahing pangangailangan.
2. Upang malinang ang mga kakayahan, at maipahayag ang sarili.
3. Upang aktibong makapamuhay at maging aktibong miyembro ng isang komunidad.
4. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.
5. Upang maiangat ang kultural at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
6. Upang maipahayag ang ating pagmamahal sa mga taong ating kinakalinga at tulungan din
ang mga nangangailangan.
7. Upang maisabuhay ang mga birtud at maging daan tungo sa pagpapalaya sa tao mula sa
pagiging makasarili.
8. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao.

Kailangang ibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang
matamasa ang bunga ng kaniyang pinagpaguran. Nakalulungkot na may mga taong tinitingnan
ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng tunguhin. Inaakala
ng marami na ito na ang kaganapan ng kanilang pagkatao. Ngunit sa maraming mga
pagkakataon, nahihinuha ng tao na kahit gaano na ang kaniyang nararating, kahit gaanong
yaman na ang kaniyang naipon, o kahit gaano na katas ang paggalang ng ibang tao sa kaniya
dahil sa kaniyang nakamit, ay hindi parin makakamit ng tao ang tunay na kaligayahan na siyang
pinakahuling tunguhin ng tao. Kailangang maging malinaw na ang pagbibigay ng iyong lahat ng
panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan
ng Dakilang Maylikha.

MGA GAWAIN

GAWAIN 1: Para Saan Ka Bumabangon


Panimula: Bakit tayo gumigising sa umaga at nagsusumikap sa araw-araw? Iyong
alamin ang iba’t ibang dahilan kung bakit nga ba naghahanapbuhay ang tao.
Panuto: Makipagtulungan sa isa mong kamag-aral at gumawa kayo ng maikling survey
sa sampung katao mula sa iyong pamilya at ilang mga kapitbahay. Itanong sa kanila
kung bakit kailangan ng tao na maghanap-buhay. Matapos ang survey, sundan ang
mga hakbang upang i-organisa ang iyong datos.
1. Pagsama-samahin at ilagom ang kanilang tugon sa isang graph. Gumamit ng
akmang graph tulad ng bar graph, pie chart, atbp., upang ipakita ang resulta ng
iyong sarbey.
2. Lakipan ang iyong graph nang pasalitang interpretasyon.
3. Matapos mong mabuo ang graph at ang interpretasyon nito ay sagutin naman
ang mga tanong pagsusuri.
Limitasyon ng gawaing ito:
1. Ang pakikipagtulungan mo sa iyong kamag-aral ay limitado lamang sa
pagkuha ng datos mula sa survey.
2. Ang pag-oorganisa ng datos at pagsagot sa mga tanong para sa pagsusuri ay
gagawin mong mag-isa.

11
Chart / Graph

Pasalitang Interpretasyon

Pagsusuri

1. Ano ang nabuo mong opinyon tungkol sa pangunahing lumalabas na dahilan ng


paghahanapbuhay?

2. Ito ba ay naaayon sa pagtataguyod ng dignidad ng tao? Pangatwiranan.

12
3. Kung susuriin mo ang iyong mga dahilan sa paggawa, aling layunin sa paggawa ang
madalas mong naisasaisip? Ipaliwanag.

GAWAIN 2:
Panimula: Sa unang Gawain ay iyong nasuri ang iba’t ibang dahilan ng
paghahanapbuhay ng tao. Kung ikaw naman ang tatanungin, ano sa iyong palagay ang
dapat na pangunahing dahilan ng paghahanapbuhay ng tao upang tuwirang
maitaguyod ang dignidad ng tao sa larangan ng paggawa? Lakipan ng maikling
paliwanag.
Panuto: Ipahayag ang iyong naiisip na nararapat na pangunahing dahilan kung bakit
kailangang maghanapbuhay ng tao. Ipamalas ito sa pamamaraan na akma sa iyong
interes at kakayahan tulad ng pagguhit, pagsulat ng maikling tula o sanaysay, collage,
slogan, at poster. Makipag-ugnayan sa iyong guro kung may ibang pamamaraan na
nais mong gawin na wala sa nabanggit. Gawin ito nang malikhain sa hiwalay na papel.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Kumusta? Naunawaan mo ba ang mga aralin sa modyul na ito? Ipahayag ang
iyong mga pagkatuto sa mga aralin sa bahaging ito.

1. Unang bahagi: Reaksiyon: Ipahayag ang iyong reaksiyon sa mga aralin sa modyul na ito.
Pumili sa mga reaksiyon o kaya naman ay iguhit ito sa blangkong bilog. Lakipan ng
maikling paliwanag.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

13
2. Ikalawang bahagi: Thoughts-Questions-Epiphany (TQE): Ipahayag ang iyong saloobin,
katanungan, at bagong natutunan sa araling ito.

T – Ano ang iyong mga saloobin sa araling ito?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Q – Ano ang iyong mga katanungan o agam-agam tungkol sa araling ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
E – Ano ang iyong mga reyalisasyon, napagtanto o bagong natutunan sa raling ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

TANDAAN

1. Ang paggawa ay ang anumang gawain ng tao na pinaglalaanan ng pisikal at iba pa


niyang kakayahan upang lumikha ng isang bagay, mano-mano (manwal) man o sa
larangan ng pangkaisipan (ideya).
2. Ang paggawa ay isang personal na gawain na tanging tao lamang ang
makagagawa, dito nakikilala ang tao sa kaniyang dignidad.
3. Ang paggawa ay isang karapatan ng tao na dapat niyang matamo upang
makapamuhay ng may dignidad; ito rin ay isang tungkuling kailangang isagawa
nang may pananagutan.
4. Ang kilos ay matatawag lamang na paggawa kung ito ay mula sa isip at kilos loob
(pakuldad ng tao) kung kaya’t ito ay iba sa kilos ng mga hayop at halaman.
5. Naitataguyod ng tao ang kaniyang dignidad sa pamamagitan ng paggawa sapagkat
sa pamamagitan nito ay naipamamalas niya ang kaniyang mga kakayahan bilang
nilalang na nabiyayaan ng isip at kilos loob; kaalinsabay nito ay nahuhubog niya
ang kaniyang sarili patungo sa kaniyang kaganapan bilang tao. Ang tao, bilang
nilalang na may isip at kilos loob ay kumikilos ng may layunin o mayroong
kamalayan sa kaniyang ginagawa.
6. Sa pagkakaroon ng isip at kilos loob, ang mga pakultad na biyaya ng pagiging
kawangis ng Maylikha na batayan ng dignidad ng tao, ang tao ay malay sa kaniyang
kilos kung kaya’t ito ay may layunin na nagbibigay kabuluhan sa kaniyang paggawa
di tulad ng ibang nilalang na hindi tao o isang makina na walang buhay.

14
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isulat sa patlang ng bawat bilang ang pinakawastong sagot.
____ 1. Ito ay anumang gawain ng tao na pinaglalaanan ng pisikal at iba pang kakayahan upang
lumikha ng isang bagay.
B. kilos B. manwal C. paggawa D. pangkaisipan
____ 2. ito ay ang batayan ng kilos ng tao upang ito ay matawag na paggawa.
C. instinct at pakiramdam C. isip at kilos loob
D. isip at talino D. kilos loob at kalayaan
____ 3. Sa pamamagitan ng paggawa ay naihahayag ng tao ang kaniyang _____________.
B. dignidad B. iniisp C. instinct D. pakiramdam
____ 4. Sa kawalan ng kabuluhan ng hanapbuhay, ang tao ay ibinababa sa pagiging ______.
C. hayop B. makina C. walang buhay na nilalang D. lahat ng nabanggit
____ 5. Ayon kay Karl Marx, sa lahat ng nilalang, tanging ang tao ang may kakayahan na
gumawa ng sariling pagkain. Ipinapahiwatig ng pahayag na ito na _______________.
A. alipin ang tao ng paggawa.
B. ang paggawa ay isang tunguhin ng buhay.
C. ang paggawa ay mahalagang bahagi ng ating buhay.
D. ang tao ay nabubuhay upang magtrabaho lamang.
____ 6. Ang paggawa ay isang personal na gawain ng tao dahil __________________.
A. Ito ay isang pangkaisipang gawain.
B. ito ay isang pisikal na gawain.
C. sangkot dito ang buong aspeto ng tao.
D. sangkot dito ang isip at kalayaan ng tao.
____ 7. Bilang isang karapatan, ang paggawa ay tungkulin din ng tao sa lipunang kaniyang
ginagalawan. Ang pahayag na ito ay _________________.
A. Tama, sapagkat nakikinabang ang ating kapuwa mula sa produktong bunga ng
mahusay na paggawa.
B. Tama, sapagkat obligasyon nating mapaulnad ang ating sariling kakayahan.
C. Mali, sapagkat ang tao ay may tungkuling kaakibat ng paggawa.
D. Mali, sapagkat ang paggawa ay isang karapatan ng nararapat sa tao upang
maitaguyod ang kaniyang dignidad.
____ 8. Sa pamamagitan nito ay nagagampanan ng tao ang tungkulin niya sa Banal na Maylikha
sa larangan ng paggawa.
A. Pagbuo ng sambayanan ng Diyos sa pamamagitan ng pagkamit ng kabutihang
panlahat at pagtugon sa mga mas nangangailangan.
B. Paglikha ng mga bagay na nagdudulot ng kaunlaran sa lipunan kapalit ng pighati
ng mga nasa laylayan at pagkawasak ng kaayusan sa lipunan.
C. Pagpapaunlad ng sariling mga kakayahan.
D. Puspusang paghahanapbuhay upang matugunan ang mga sariling pagnanasa.
____ 9. Sino ang nagpapakita ng halimbawa ng wastong disposisyon upang maging
makabuluhan ang paggawa ng isang tao.
a. Ginugugol ni Gino ang ilang araw sa kaniyang bakasyon upang magboluntaryo bilang
frontliner sa kanilang barangay na may sapat na proteksiyon mula sa kumakalat na
virus.
b. Gumagamit si Mina ng mga indigenous material sa kaniyang produktong pangexport
upang maipakilala ang husay ng lokal na produkto sa ibang bansa.
c. Pinatutubuan ni Madeline ng dobleng halaga ang bawat galon ng alcohol dahil ito ay
in-demand at upang mabawi niya ang nawalang kita dahil sa pandemic.
d. Upang tumaas ang sales ng team ay siniraan ni Rody ang kabilang team at makuha
ang mga kliyente nito.
A. Gino at Madeline B. Gino at Mina C. Madeline at Rody D. Mina at Rody
15
____ 10. Sa paggawa ay naitataguyod ang dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagkilala sa mga
karapatan ng isang manggagawa. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapamalas
ng konseptong ito?
A. Kumpleto sa gamit pangkaligtasan at may patas na pasahod at benepisyo ang mga
construction worker ni Mrs. Cano upang masiguro kapakanan ng kaniyang mga
manggagawa.
B. Marahas na dinispersa ang mga manggawang nagra-rally para sa dagdag na
pasahod at kaligtasan sa lugar pagawaan sa factory ng sardinas.
C. Sampung oras kada araw ang duty ni Mang Andres bilang security guard sa sahod
na mas mababa sa minimum wage.
D. Sapilitang tinanggal ni Mr. Sim ang karamihang regular na manggagawa sapagkat
mas matipid ang paggamit ng makabagong makina kaysa sa manwal na paggawa
ng kaniyang tauhan.

PAGNINILAY

Natutuhan ko na …
______________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
__________________

Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Lucita A. Gener
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Validators: Lucita A. Gener


Paulo T. Adorio

Writer/s: Dennis Cano Calingasan


Teacher III, Raja Soliman Science and Technology High School

16
SANGGUNIAN

Babor, E. R. (2007)The Human Person Not Real, But Existing (2nd ed.). Quezon City: C & E
Publishing, Inc.

Gayola, S. T., Guevarra, G. A., Bonita, M. Y., Rivera, S. M., Celeste, E. G., Leano, M. R., . . .
Alagbate, N. R. (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul Para sa mga Mag-aaral
(Unang ed.). Valenzuela City: Bloombooks.

Gayola, S. T., Guevarra, G. A., Bonita, M. Y., Rivera, S. M., Celeste, E. G., Leano, M. R., . . .
Alagbate, N. R. (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay sa Pagtuturo (Unang ed.).
Valenzuela City: Bloombooks.

Moga, M. D. (1995). What Makes Man Truly Human. Makati City: St Pauls

INTERNET

https://childrenandarmedconflict.un.org/keydocuments/filipino/universaldeclara1.html

http://www.vatican.va/roman_curia/pontifical_councils/justpeace/documents/rc_pc_justpeac
e_doc_20060526_compendio-dott-soc_en.html

https://www.google.com/search?q=filipino+nurses+free+image&tbm=isch&ved=2ahUKEwjPlavx-
brqAhVGY5QKHX18DjQQ2-
cCegQIABAA&oq=filipino+nurses+free+image&gs_lcp=CgNpbWcQAzoGCAAQCBAeUP97WOWKAW
COjAFoAHAAeACAAZEBiAGpCJIBAzAuOJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=FFEEX8-
7DcbG0QT9-LmgAw&bih=714&biw=1519&tbs=sur%3Afm&hl=EN&hl=en#imgrc=7XSCLfXoBvydTM

https://ccsearch.creativecommons.org/search?q=carabao&license=&license_type=&categories=&e
xtenhttps://ccsearch.creativecommons.org/photos/fd9e7d9b-c98b-4b10-aa31-
e31f170ab8edsion=&aspect_ratio=&size=&source=&searchBy=&mature=false
https://www.google.com/search?q=thinking&tbm=isch&hl=EN&hl=en&tbs=itp%3Alineart%2Csur%
3Afmc&ved=0CAIQpwVqFwoTCKDump2fu-
oCFQAAAAAdAAAAABAI&biw=1519&bih=714#imgrc=3bxKy4R8SUJbSM
https://www.google.com/search?q=thinking&tbm=isch&hl=EN&hl=en&tbs=itp%3Alineart%2Csur%
3Afmc&ved=0CAIQpwVqFwoTCKDump2fuoCFQAAAAAdAAAAABAI&biw=1519&bih=714#imgrc=3bx
Ky4R8SUJbSM&imgdii=9ydrYTT08rBbAM
https://www.google.com/search?q=painter%20free%20image&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=sur%3Afm&ve
d=0CAQQpwVqFwoTCNivn5m5wOoCFQAAAAAdAAAAABAI&biw=1519&bih=714#imgrc=A0aTjTkXM-SbOM

https://www.google.com/search?q=painter%20free%20image&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=sur%3Afm&ve
d=0CAQQpwVqFwoTCNivn5m5wOoCFQAAAAAdAAAAABAI&biw=1519&bih=714#imgrc=iqtWnmVlEMWolM

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Juan_Luna_Spoliarium.jpg

https://www.pikrepo.com/ftjtq/the-creation-of-adam-painting

17
Susi sa Pagwawasto

10. A C 5. 10. C D 5.
9. B D 4. 9. D B 4.
8. A B 3. 8. B B 3.
7. A C 2. 7. B D 2.
6. C C 1. 6. D C 1.
Pangwakas na Pagsusulit Unang Pagubok

Rubrics Para sa mga Gawaing Sulatin (10 Puntos)


3 2 1
Malinaw na sumusunod Bahagyang sumusunod sa Nabigong sumusnod sa
sa tema / paksa paksa / tema paksa / tema
3 2 1
Malinaw na Bahagyang naipapahayag ang Nabigong ipapahayag ang
naipapahayag ang mga mga punto, may ilang hindi mga punto, lubhang
punto, malaya sa mga kinakailangan at mapanlinlang napakarami ng hindi
Nilalaman hindi kinakailangan at na ideya, ang ilang kinakailangan at
mapanlinlang na ideya, pananalitang ginamit ay hindi mapanlinlang na ideya at
akma ang mga akma, at ang karamihang mga pananalitang hindi
pananalitang ginamit, at bahagi ay lohikal na nakaayos akma, at ang karamihang
lahat ng bahagi ay lohikal tungo sa kabuuan ng tema / bahagi ay hindi lohikal na
na nakaayos tungo sa paksa. nakaayos tungo sa
kabuuan ng tema / kabuuan ng tema / paksa.
paksa.
Pagsunod sa 3 2 1
mekaniks/ Sumunod sa lahat ng Sinunod ang karamihan sa Sinunod ang ilan lamang
gabay mekaniks mekaniks sa mekaniks o wala ni-isa
1 0
Malinis Malaya mula sa mga hindi kinakailangang May mga elemento na nakakapagpalito
elemento na nakakapagpalito o nakagugulo o nakagugulo

Rubrics Para sa mga Pagsasanay na Sulatin (5 Puntos)


2 1 0
Malinaw na sumusunod Bahagyang sumusunod sa Nabigong sumusnod sa
sa tema / paksa paksa / tema paksa / tema
2 1 0
Malinaw na Bahagyang naipahahayag ang Nabigong ipahahayag ang
naipahahayag ang mga mga punto, may ilang hindi mga punto, lubhang
punto, malaya sa mga kinakailangan at mapanlinlang napakarami ng hindi
Nilalaman hindi kinakailangan at na ideya, ang ilang kinakailangan at
mapanlinlang na ideya, pananalitang ginamit ay hindi mapanlinlang na ideya at
akma ang mga akma, at ang karamihang mga pananalitang hindi
pananalitang ginamit, at bahagi ay lohikal na nakaayos akma, at ang karamihang
lahat ng bahagi ay lohikal tungo sa kabuuan ng tema / bahagi ay hindi lohikal na
na nakaayos tungo sa paksa. nakaayos tungo sa
kabuuan ng tema / kabuuan ng tema / paksa.
paksa.
1 0
Malinis Malaya mula sa mga hindi kinakailangang May mga elemento na nakakapagpalito
elemento na nakakapagpalito o nakagugulo o nakagugulo

18
Rubrics Para sa mga Gawaing Hindi Sulatin na Nangangailangan ng Pagkamalikhain (10 Puntos)
3 2 1
Malinaw na sumusunod sa Bahagyang sumusunod sa Nabigong sumusnod sa
tema / paksa paksa / tema paksa / tema
3 2 1
Malinaw na naipahahayag Bahagyang naipapahayag Nabigong ipapahayag ang
ang mga punto / mensahe, ang mga punto / mensahe, mga punto / mensahe,
malaya sa mga hindi may ilang hindi lubhang napakarami ng
Nilalaman
kinakailangan at kinakailangan at hindi kinakailangan at
mapanlinlang na ideya, at mapanlinlang na ideya, at mapanlinlang na ideya at,
lahat ng bahagi ay ang karamihang bahagi ay at ang karamihang bahagi
organisado tungo sa organisado tungo sa ay organisado tungo sa
kabuuan ng tema / paksa kabuuan ng tema / paksa kabuuan ng tema / paksa
upang epektibong ihatid upang epektibong ihatid upang epektibong ihatid
ang mensahe. ang mensahe. ang mensahe..
1
3 2 Napakaraming hindi
Malaya mula sa mga hindi May ilang mga hindi kinakailangang elemento
kinakailangang elemento na kinakailangang elemento na na nakakapagpalito o
nakakapagpalito o nakakapagpalito o nakagugulo sa kabuuan;
Malinis,
nakagugulo sa kabuuan; nakagugulo sa kabuuan; nabigong gumamit ng mga
Malikhain, at
Bawat isang ginamit na karamihan sa ginamit na disenyo na akma sa paksa
Mapamaraan
disenyo ay akma, disenyo ay akma, / tema, hindi organisado
organisado at nag-aambag organisado at nag-aambag ang mga bahagi nito at
sa kabuuan ng tema / sa kabuuan ng tema / bagkus ay nagdudulot ng
paksa. paksa. kalituhan sa kabuuan ng
tema / paksa.
Pagsunod sa 1 0
mekaniks/ Sinusnod lahat ng mekaniks Nabigong sundin lahat ng mekaniks
gabay

19

You might also like