You are on page 1of 16

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Katarungang Panlipunan
Unang Linggo
Edukasyon sa Pagpapakatao Ika 9 na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Katarungang Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad,

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito ipang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-ari ng mga iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Trixy Joy B. Banda
Editor:
Tagasuri: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo, Robert C. Doria
Tagaguhit:
Tagalapat: Richard N. Escobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division


Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : info@deped-davaocity.ph
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Katarungang Panlipunan
Unang Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.

Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa pagsagot sa


mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin
na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

1
Alamin Natin

Sa Modyul 1, natutuhan mo na mahalaga ang pagsisikap ng bawat tao sa


pagkamit at pagpapanatili ng kabutihang panlahat sa lipunan. Isa sa mga nararapat
pagsikapan upang makamit ito ay pagsasabuhay ng mga moral na pagpapahalaga na
magpapatatag sa lipunan. Pangunahin sa mga moral na pagpapahalagang ito ay ang
katarungang panlipunan.
Bakit mahalaga sa ating pakikibahagi sa lipunan ang pagkakaroon ng
katarungang panlipunan? Paano ka tutugon sa hamon ng pagsasabuhay ng
katarungang panlipunan?
Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na:
Paano makipag-ugnayan ang bawat mamamayan sa kaniyang kapuwa sa
kanilang pagkakasamang pag-iral?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


Mula sa: Kagawaran
kakayahan ng Edukasyon. Edukasyon sa PagpapakataoBaitang 9, Modyul
at pag-unawa:
Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 1.
1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan. (EsP9KP-IIIc-9.1)
2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at mamamayan. (EsP9KP-IIIc-9.2)

2
Subukin Natin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at pillin ang pinakatamang
sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Paano natututunan ang katarungang panlipunan?


a. Binubulong ng anghel c. Basta alam mo lang
b. Tinuturo ng mga magulang d. Sinisigaw ng konsensya

2. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?


a. Palaging nakasasalamuha ang kapuwa
b. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
c. Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap
d. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao

3. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging


makatarungan?
a. Natutong tumayo sa sarili at hindi ng umaasa ng tulong mula sa pamilya
b. Nagiging bukas ang loob na tumatanggap sa pagkakamali at hindi
naninisi ng iba
c. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga
kapatid
d. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa
karapatan sa iba

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng hindi mabisang pagsasanay


sa pagiging makatarungan?
a. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase
b. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki
c. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi
d. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa
araw-araw

5. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng


katarungang panlipunan?
a. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang
panlipunan
b. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan
mo para sa iyong sarili
c. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon
sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapuwa
d. Makikita ang kahalagahan para sa lipunan

3
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang
pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.

__________1. Ang tuon ng katarungan ay ang labas sa sarili.


__________2. Ang katarungang panlipunan ay isang mahalagang pundasyon ng
panlipunang pamumuhay.
__________3. Nagsisimula sa pamilya ang katarungan.
__________4. Ang katarungan ay batay sa desisyon ng tao.
__________5. Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa
pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.

Aralin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa Gawin Natin.

“Walang iwanan”. Sa ano-anong situwasyon o konteksto mo narinig ang


pahayag na ito? Anong pagpapahalaga ang masasalamin sa katagang ito?
Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangang ito kung
may nabubuong ugnayan sa atin-isang ugnayang dapat na pinamamayanihan ng
katarungan.

Kahulugan ng katarungan
Ano ang katarungan? Ayon sa karaniwang kahulugan nito, ang katarungan ay
pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ito ay
isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng katarungan ay
ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa pagkiling ng
sariling interes. Ano naman ang nararapat sa kapuwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa
kaniyang hindi malalabag na espasyo ng kaniyang pagka indibidwal-ang kaniyang
dignidad bilang tao. Ang pagkatao ng tao ay isang katotohanang nangangailangan ng
ating pagkilala at paggalang. Ang katarungan ay nakabatay sa pagkatao ng tao.
Halimbawa, ang paninira sa ibang tao ay isa ring paglapastangan sa iyong sariling
pagkatao.

Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na
gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibiduwal. Ang
kilos-loob na isang makatuwirang pagkagusto ay magpatatatag sa iyong pagiging
makatarungang tao. Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan, sinusunod mo ang
Likas na Batas Moral.

4
Makatarungang Tao
Ano ang isang makatarungang tao? Ayon kay Andre Comte- Sponville (2003),
isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa
batas at sa karapatan ng kapuwa. Isinaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat
ng tao. Itinatalaga mo ang iyong sarili para rito sa kabila ng napakaraming hindi patas
na situwasyon. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang laban
dahil sa katotohanang mahirap kalabanin ang mismong sarili.

Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan


Ano-ano ang indikasyon ng makatarungan o hindi makatarungang ugnayan sa
kapuwa? Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang magkakapitbahay,
magkakaklase o magka-opisina kung hindi sila umaasa, walang kompetisyon o hindi
nang-aagrabyado sa isat’-isa. Maaaring hindi makatarungan ang kanilang ugnayan
kung ang isang panig ay nagbibigay-hadlang sa pamumuhay at buhay ng kabilang
panig. Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi
hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba. Kung nilabag ang karapatang ito,
mawawalan ng katarungan. Hindi nila ito magugustuhan at maaaring magbunga ng
gulo sa buhay ng mga nasasangkot.
Ano ang papel ng katarungan sa ganitong situwasyon? Mahalagang tandaan
na ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng
bawat isa anumang ugnayan mayroon ka sa iyong kapuwa.

Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan


Sa pamilya, una among maranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa
iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan. Dito, unti-unti kang nagkakaroon ng
kakayahan na maunawaan kung ano ang katarungan. Dahan-dahang nahuhubog ang
iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal sa buhay. Mula nang mahubog
ang iyong konsensiya, natutuhan mo na ang katarungan at kawalan ng katarungan ay
hindi nakadepende kung nahuhuli ka ng iyong mga magulang o ng iyong mga kapatid
sa iyong mga nagawang pagkakamali. Hindi rin ito nakabatay sa mga patakaran na
sinasabi ng iyong mga magulang o ng sino pa man. Nauunawaan mo ito sa tulong ng
iyong mga karanasan kung saan ay isinaalang-alang mo ang kabutihang panlahat.
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng
iyong pagiging makatarungan. Iminumulat ka nila sa katotohanang ikaw ay may
karapatan at tungkulin bilang tao hindi lamang sa pamilya kundi pati na rin sa lipunan.
Ginagabayan ka nila upang mapahalagahan at maisabuhay mo sa iyong pang-araw
araw na ugnayan sa kapuwa ang mga karapatan at tungkuling ito. Samakatuwid, ang
tulong ng iyong kapuwa ay daan tungo sa pagiging makatarungan.
Malaki ang papel ng pagsasanay upang maging makatarungan ka bilang tao.
Ang pagsasanay na ito ay una mong nararanasan sa piling ng iyong pamilya. Kung
hindi mo ito nasisimulan at nagagawa sa pamilya, ang buong proseso ng pagiging
makatarungang tao ay maaaring mahirap para sa iyo. May apat na aspekto na
mahalagang pagtuunan mo ng pansin sa pagsasanay sa loob ng iyong pamilya upang

5
mahubog sa iyo ang katarungan. Narito ang mga askpektong titingnan mo sa iyong
sarili.

1. Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangan mong gawin


ang mga makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba? Ginagabayan ka ba
nila upang maiwasan mo ang hindi makatarungang gawain?

2. Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapuwa?
Kaugnay nito, tinutulungan ka ba nila na sanayin ang iyong sarili na magpa
alam kapag naghihiram ka ng gamit ng iyong kapatid?

3. Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t-ibang


tao lalo na ang mga nakapaligid sa mga ito?

4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at


pagsasaayos ng iyong mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa iba?

Ang apat na aspekto ng pagsasanay na ito ay ginagamitan ng iyong isip at


kilos-loob na isa sa mga paksa na pinag-aralan mo sa Baitang 7. Ang una at ikaapat
na mga punto ay mga pagsasanay ng iyong issip, ang ikatlong punto ay ng iyong isip
at ikalawang punto ang pagsasanay mo ng iyong isip atkilos-loob. Pinagsisikapan
nating suriin ang mahalagang papel na ginagampanan ng iyong pamilya sa paghubog
ng iyong pagkatao tungo sa pagiging makatarungan. Sa puntong ito ng iyong buhay,
magiging mas bukas pa sana ang iyong isip sa pagtanggap ng paggabayng iyong mga
magulang. Sana hindi mo hayaang mauwi lamang sa wala ang mga ginagawa nilang
ito na tanda ng kanilang pagmamahal. Pinapahalagahan mo ba ang pagmamahal
nila? Paano?

Ang Moral na kaayusan bilang batayan ng legal na kaayusan ng katarungan

Bakit ginagawang batayan ng legal na kaayusan ang moral na kaayusan? Kung


titingnan nating mabuti ang tanong na ito ayon sa tunayna diwa ng pagpapakatao, ang
batas sibil ay nararapat na nakababatay sa Batas Moral. Ibig sabihin ang mga legal
na batas ay kailangang nakaangkla sa moralidad ng kilos. Kung hindi, ang legal na
kaayusan ay mawawalan ng kahulugan. Ihinihiwalay kasi ito sa moral na kaayusan.
Mahalagang malaman mo na ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral
na batas. Ang legal na kaayusan kung gayon ay nararapat na maging tulay ng moral
na kaayusan ng lipunan.

Kaugnay ng pahayag sa itaas, ang batas moral ay maituturing na isang panloob


na aspekto ng katarungan. Ang batas sibil ay ang panlabas na aspekto nito. Sabi nga,
“Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Kung kaya, ang sistemang
legal ng lipunan ng Pilipinas ay nararapat na nagbibigay ng proteksiyon sa karapatang
pantao ng bawat mamamayan nito. Mahalagang sinisegurado ng batas legal ng bansa

6
ang katarungan para sa lahat. Sa mata ng batas na ito ay nararapat na walang
mahirap o mayaman, mahina at makapangyarihan. Sa batas, ikaw at ako ay pantay.
Subalit, bakit nangyayari na ang sistemanglegal na dapatay pumuprotekta sa mga
mahirap at mahina ay nagagamit ng mga mayayaman at makapangyarihan? Bakit
nagiging instrumento ito ng walang hustisya at pang-aapi? Nilalabag nito ang
pangunahing batas ng pagpapakatao-ang Likas na Batas Moral.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para


sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015),

Gawin Natin

Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga
mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga sagot sa isang pirasong papel.
1. Ano ang katarungan?
2. Bakit nangangailangan ng panloob na kalayaan ang pagtataguyod nito?
3. Ano-ano ang mga paraan upang maging isang makatarungang tao?
Ipaliwanag
4. Saano kailan mo nasasaksihan ang kawalang-katarungan?
5. Bakit nararapat na ibinabatay sa Batas Moral ang Batas Legal? Ipaliwanag
6. Bilang isang kabataan, suriin sa iyong pamayanan o sa ating tagapamahala
ang tatlong (3) paglabag sa katarungang panlipunan. Ipaliwanag bakit ito ay
paglabag.

Sanayin Natin

Panuto: Mula sa iyong pagkatuto sa babasahin, punan ng mga angkop na salita ang
pangungusap sa ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto.

Ang tuon ng 1. ______________ ay ang 2. __________sa sarili.


Nangangailangan ito ng 3. ___________ na 4. ______________ mula sa
pagkiling ng sariling 5. ________________.

7
Tandaan Natin

Panuto:
1. Sa kolum 1 ng matrix isulat ang mga aytem ng palatandaan na kailangan mo
pang taglayin
2. Sa kolum 2, isulat ang tiyak na paraan o hakbang na iyong gagawin sa
pagsasakatuparan ng bawat palatandaan
3. Sa kolum 3 naman, isulat ang mga kaugnay na pagpapahalaga sa mga
palatandaan ng pagigingmakatarungang tao na mahubog sa iyong sarili.
Gabay mo ang halimbawa na nasa ibaba.

Mga palatandaan ng Mga paraan o hakbang Mga kaugnay na


pagiging makatarungang na gagawin ko sa pagpapahalagang
tao na kailangan mong pagsasakatuparan ng mahuhubog sa iyong sarili
taglayin bawat palatandaan
1. Hal. Isinasaalang-alang Hinaan ko ang volume ng Paggalang sa kapuwa
ko ang mga karapatan gaming speaker tuwing
ngmga tao sa aking pinatugtog ko ito upang
paligid hindi makaistorbo sa
aming kapitbahay
2.
3.
4.
5.

Suriin Natin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at pillin ang pinakatamang
sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Saan nagsisimula ang katarungan?


a. Bibliya c. Batas
b. Magulang d. Kapuwa

2. Ano ang palatandaan ng makatarungang tao?


a. Ginagamit ang lakas sa paggalang sa batas at karapatan ng kapuwa
b. Mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang tao kung kailangan
c. Pagiging matulungin sa mga taong maibabalik ang iyong tulong
d. Ipinapairal ang konsensiya

8
3. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katarungang panlipunan maliban sa
isa. Alin dito?
a. Nagtayo ng union si Daniel para protektahan ang kanilang karapatan
b. Ipinapakita sa publiko ang kaukulang budget para sa proyekto
c. Pagpataw ng tamang presyo sa bawat bilihin.
d. Kulang ang pasahod na ibinigay ng isang kompanya.

4. Alin ang makabuuang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?


a. Sundin ang batas trapiko at ang alituntunin ng paaralan
b. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa
c. Paggalang sa karapatan ng bawat tao
d. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, at paaralan,
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng palatandaan ng isang taong
makatarungan?
a. Sinusunod ang tuntunin ng paaralan c. Iginagalang ang batas
b. Magpapakatotoo d. Hindi umiimik

PANUTO: Piliin sa Hanay B ang hinihingi a Hanay A. Isulat sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

6. Pamilya a. Tuon ng katarungan

7. Labas sa sarili b. Mahalagang pundasyon ng panlipunang


pamumuhay

8. Katarungang Panlipunan c. Panlabas na anyo ng moral na batas

9. Legal na Batas d. Nagsimula ang katarungan

10. Katarungan e. Pagbibigay ng kapuwa ng nararapat sa isang


indibiduwal

9
Payabungin Natin

Photo Essay
Panuto: Gumuhit ng isang simbolo ng isang tao o organisasyon na kinilala ang
katarungang panlipunan sa panahon ng pandemya. Sa ibaba ng larawan, sumulat ng
maikling kwento base sa napili mong simbolo. Gawin ito sa isang pirasong papel.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output:

KRAYTIRYA PUNTOS

Tiyak at makabuluhan ang nagawang 40%


slogan

Malinaw at konkreto ang paggawa base 35%


sa napiling salita/konsepto

Malikhain at Malinis ang pagkagawa ng 25%


buong output

Pagnilayan Natin

Panuto.
1. Sa iyong journal o sa isang pirasong papel, isulat ang iyong nararamdaman at
reyalisasyon tungkol sa bahagi ng gagampanan mo sa pagpapairal ng
katarungang panlipunan.

10
11
Sanayin Natin Suriin Natin Subukin Natin
1. Katarungan 1. B 1. B
2. Labas 2. A 2. B
3. Panloob 3. D 3. D
4. Kalayaan 4. C 4. A
5. Interes 5. D 5. C
6. D 6. Tama
7. A 7. Tama
8. B 8. Tama
9. C 9. Mali
10. E 10. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa


Magaaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa


Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph


13

You might also like