You are on page 1of 16

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan- Modyul 1:
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong
Akademik,Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo ,at Isports

ii
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – Ikasiyam na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 1 : MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG


TRACK O KURSONG AKADEMIK.TEKNIKAL-BOKASYONAL,SINING AT
DISENYO, AT ISPORTS

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang pamahalaan ng
Pilipinas.Gayumpanan, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan
ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagpakakakitaan, kabilang sa
mga maaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento,seleksiyon,tula,awit,larawan,ngalan ng produkto o


brand name,tatak o trade mark,palabas sa telebisyon,pelikula,atbp.) na ginagamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at ng may akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Pangasinan I

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: EMILY C. ESPELITA


Head Teacher III , EsP Dept.
Punong-guro: CARINA C. UNTALASCO, PhD
Principal IV
Pandistritong Tagapamahala: ROGER B. UNTALAN, EDD
Division Management Team
Pansangay na Tagapamanihala:
Pansangay na Tagapamanihala/ OIC : ELY S. UBALDO, CESO VI
Punong Tagamasid Pansangay,CID : CARMINA C. GUTIERREZ, EdD
Tagamasid Pansangay, Edukasyon sa Pagpapakatao: LALAINE R. ROSARIO, EdD
Tagamasid Pansangay, LRMDS : MICHAEL E.RAME, EdD
Tagamasid Pansangay, LRMDS : RUSTICO P. ABALOS, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office I Pangasinan


Department of Education-SDO Pangasinan I
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telephone No. (075) 522 2202
Email Address: pangasinan1@deped.gov.ph

iii
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan- Modyul 1:
Mga Pansariling Salik sa Pagpili
ng Track o Kursong Akademik,
Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Disenyo, at Isports

iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang Siyam ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
pinamagatang Mga Pansariling Salik sa pagpili ng Track o Kursong
Akademik.Teknikal-Bokasyonal,sining at Disenyo ,at Isports!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao-Baitang Siyam ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul na pinamagatang Mga Pansariling Salik
sa pagpili ng Track o Kursong Akademik.Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Disenyo ,at Isports!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

v
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman


mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming pang isang kuwento, awitin tula, pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
reyalidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sangguninan Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

vi
1.Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2.Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3.Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4.Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5.Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6.Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin
Handa ka na ba? Handa ka na bang pumili ng nais mong track o kurso sa
Senior High School? Kailangan mong magpasya at pumili para sa iyong sarili kung
ano ang nais mong kuning track o kurso.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula


Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o negosyo; (EsP9PKIV-13.1)

2. Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad


ang kanyang hilig, mithiin, lokal at global na demand.(EsP9PKIVa-13.2)

Bago simulan ang Gawain sa Modyul , sagutin mo muna ang mga katanungan sa
ibaba.

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
papel.
1.) Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa
pagpapasya at malayang pagsasakilos ng kanyang pinili at ginusto nang may
pananagutan dito?
a. Kagalingan mangatwiran at matalas na kaisipan
b. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
c. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
d. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
2.) Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang
makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay
makipag-ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
a.makiangkop c. makipagkasundo
b.makialam d. makisimpatya
3.Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may
kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na
maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha,
paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa
pagkuha ng datos at iba pa?
a.Hilig c. Pagpapahalaga
b.Kasanayan (skills) d. Talento
4.Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao
ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa
Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o
talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa
pagtuntong mo sa Senior High School?
a.Pahalagahan at paunlarin
b.Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d.Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
5. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa
mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
c. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
6. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang
kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa
ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang
institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga
paalaala daan upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni
Cita?
a.katayuang pinansyal c. mithiin
b.hilig d. pagpapahalaga
7. Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kaniyang mga
magulang sa negosyong ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa
kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-
aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng
kaniyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon ngayon dala niya ito lalo na
kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos sila ng
medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng
kurso?
a. Pagpapahalaga b.hilig c. katayuang pinansyal d. kasanayan
8. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational
book, kasabay din nito pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad
nang siya ay sumasali sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya sa
pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang
magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga
sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang
tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
a.kasanayan b. mithiin c. hilig d. pagpapahalaga
9.Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa
gusto niyang kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa
Maynila. Gayunpaman, ang kanilang lokal na pamahalaan ay nanghihikayat ng
mga potensyal na sila ay sasailalim sa 6-month training, at pagkatapos ay may
naghihintay na trabaho sa mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na
pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. sa Middle East. Sa kaniyang pagsasarili,
naisip niyang ito ang magiging daan tungo sa kaniyang magandang pangarap para
sa kaniyang sarili at pamilya. Pumayag siya at naging desidido sa kaniyang
desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang bilang tugon sa lumalaking
demand sa lipunan? Ano ang isinaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging
desisyon na maghanap ng alternatibo
a. katayuang pinansyal b. pagpapahalaga c.mithiin d. kasanayan
10.Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang
kahusayan niya sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang
determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang
kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung
ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang
lalo pa siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang
kuning propesyon. Kahanga-hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na
magpasya para sa kaniyang sarili. Anong pansariling salik ang naging tuntungan
niya sa pagpili ng kurso?

a.mithiin b. pagpapahalaga c.kasanayan d. hilig


Aralin 1: MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG TRACK O KURSONG
AKADEMIK.TEKNIKAL-BOKASYONAL ,SINING AT DISENYO, AT ISPORTS

Balikan
Naalala mo pa ba ang mga natukoy mong track o kurso noong nasa baitang
7 ka? Ano-ano ito? Mula sa pagbabalik-tanaw mo, dalawang taon mula ngayon,
may pagbabago kaya sa iyong talento, hilig, kasanayan (skills),pagpapahalaga,
mithiin? Gayundin sa nais mong kuning track o kurso sa pagtuntong sa Senior
High School?

Nasa unang hakbang ka ngayon ng pagplaplano sa iyong kukuning


kurso,ang pagsusuring pansarili (Self-Assessment).Binubuo ito ng pagtingin at
pag-unawa sa iyong sarili. Maari mo itong gamiting batayan upang malaman kung
ikaw ay nasa tama o angkop na kurso o trabaho, o kung nasa ibang direksyon o
linya ng trabaho ang nararapat sa iyo. Gawin muli ang sumusunod na pagsusuri
upang matukoy kung nagkaroon ng pagbabago sa iyong pansariling salik noong
nasa Baitang 7 ka at ngayong ikaw ay nasa Baitang 9 na.

TUKLASIN
Gawain 1.Pagsusuri ng Sarili

Sa talahanayan, isulat ang naging resulta ng iyong pagsusuri noong nasa Baitang
7 ka at ngayong nasa Baitang 9 ka na.
Mga Pansariling Salik Resulta ng Pagsusuri Resulta ng Pagsusuri
Noong Ngayong nasa Baitang 9
nasa Baitang 7 Ako na Ako
1.Talento -ito ay isang
pambihirang biyaya at likas na
kakayahang kailangang tuklasin
dahil ito ang magsisilbi mong
batayan sa pagpili ng track o
kurso.

2. Hilig nasasalamin sa mga


paboritong gawain na
nagpapasya sa iyo dahil gusto mo
at buo ang iyong puso

3. Kasanayan Kasanayan
(Skills) – Ang mga kasanayan ay
mga bagay kung saan tayo ay
mahusay o mahilig.
Ito ay iniuugnay sa salitang
abilidad, kakayahan(competency)
o kahusayan(proficiency)
 people skills
 data skills
 things skills
 idea skills
4. Pagpapahalaga (Values) -Ito
ay tumutukoy sa mga bagay na
ating binibigyang halaga .
5. Mithiin (Goals)- Ito ang
pagkakaroon ng matibay na
personal na pahayag ng misyon
sa buhay

PASIYA
Batayan o Dahilan ng Pasiya (kung nagbago o hindi

SURIIN
GAWAIN 2:

Pagkatapos masuri ang ibat-ibang katangian na naglalarawan sa Talento,


Hilig, Kasanayan, Pagpapahalaga at Mithiin pag-aralan ang Heksagon na
nakalarawan sa ibaba. Ito ay nagpapakita ng anim na pangunahing interes at
katangian ng mga tao/grupo sa bawat interes na ito.

R I

Grupo ng mga taong Grupo ng mga


talentong taong nais
pangmekaniko,nais magmasid,matuto,
ng mga bagay, mag-imbestiga,
makina,tools, magsuri,at lumutas ng
halaman o mga mga problema
hayop,o mga
gawaing outdoor

Grupo
Grupo ng ng
mgamga taong
taong
mahilig sa mga
masining,makabago,o may
datos,may
likas na galingabilidad
sa mga sa
mga C
numero,nais
gawaing ginagamit angAay
mga bagayona detalyado
imahinasyon
at nakalatag ang mga
pagkamalikhain
direksiyon

Grupo ng mga taong


nais gumawa kasama
ang iba mang-
ibamagpaliwanag,
impluwensiya,
magbigay alam,
manghikayat,manguna,
tumulong,makialam,
o maging lider
gumamot,o ng isang
anumang
organisasyon
kasanayan na may
gamit ang
iisang
salita tunguhin. E

s
PAGYAMANIN

Ang anim na interes na ito ay magkakaugnay batay sa kanilang


pagkakasunod-sunod at sa katapat nito ay ang mga magkakasalungat na
katangian ng bawat interes. Kulayan ang mga bahagi ng heksagon ayon sa tindi ng
iyong interes, pumili lamang ng tatlo.

PAGGAWA NG AKING HEKSAGON NG MGA HILIG

INVESTIGATIVE
REALISTIC ARTISTIC

CONVENTIONAL
SOCIAL

ENTERPRISING
ISAISIP
Mga Tanong:

1. Ano ang kinalabasan ng iyong pagsusuri sa heksagon?

2. May pagkakasundo ba ang bawat isa o magkakasalungat ang isa’t-isa?Ano-


ano ito? Alin ang mga magkasalungat?

3. Kung magkasalungat, ano ang implikasyon nito sa iyong pagpili ng track o


kurso?

4. Paano mo ito babalansehin upang makapili ka ng angkop na track o kurso


para sa iyo?
ISAGAWA
GAWAIN 3: FORCE FIELD ANALYSIS.

Panuto: Tingnan at pag-aralan ang halimbawa sa ibaba.Subukang bumuo ng


isang Force Field Analysis.Ito ay isang tool sa paglutas ng isang suliranin ng
pagsasakatuparan ng iyong mga plano. Kasama rito ang pagsuri sa mga puwersa
(forces) na nakakaapekto sa iyong mga Gawain na maaaring nakatutulong o
nakasasagabal patungo sa pagkamit ng iyong Career Goal o mithiin sa buhay.

Mga Paraan para


Mga Pantulong na Puwersa
Mapalakas

Paglalaan ng malaking oras sa


Masusing pagsasanay
pagsasanay

CAREER
Pagkakaroon ng sariling GOAL:
Pag-ipunan ang kompyuter na
kompyuter Maging gusto kahit second hand
mahusay na
Computer
Programmer
Mga Paraan para
Mga Balakid sa Puwersa Mapahina

Magpatingin sa espesyalista
Pagkakaroon ng malabong sa mata
paningin

Magkaroon ng skedyul sa
Kawalan ng oras sa bawat gagawin
pagsasanay
Pagkatapos pag-aralan ang Force Field Analysis, gawin ang iyong sariling analysis .
Isulat ang mga kasagutan sa bawat kahon.

Mga Paraan para


Mga Pantulong na Puwersa
Mapalakas

CAREER
GOAL:

Maging
mahusay
na________
Mga Balakid sa Puwersa Mga Balakid sa Puwersa
__________
__________
__________

TAYAHIN
Sa bilang na 1-5 basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang grupo ng mga taong mapagmasid ,mapag-imbestiga ,mapanuri at


mahusay lumutas ng mga problema ay nabibilang sa grupo ng:
a. Realistic b. Investigative c. Social d. Enterprising
2. Ang mga sumusunod ay mga panloob na salik na nakakatulong sa pagpili
ng kurso maliban sa isa:
a. Pagpapahalaga b. Pinansiyal c. Hilig d. Talento
3. Ang mga taong mahilig sa mga gawaing may kaugnayan sa paggawa o
pagkumpuni ng sasakyan ay :
a. Artistic b. Conventional c. Realistic d. Investigative
4. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na panlabas na salik sa pagpili ng
kurso?
a. Mithiin b. Kakayahan c. Lokal na Demand d. Pagpapahalaga

5. Kapag ikaw ay nasisiyahan sa pagbabasa ng ibat-ibang babasahin ikaw ang


may angking talino sa

a. Logical/mathemathecal b. Verbal / Linguistic

c. Visual/Spatial d. Naturalist

Tama o Mali. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad


ng wastong diwa.

1. Ang pagsusuring pansarili ang huling hakbang sa pagpaplano sa iyong


kukuning kurso.
2. Ang pagsusuring pansarili ay binubuo ng pagtingin at pag-unawa sa iyong
sarili.
3. Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng track o kurso.
4. Nahuhubog lamang ng tao ang kanyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa
kanyang sarili.
5. Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay
maibabalik mo sa Diyos kung ano ang mayroon ka bilang tao.

Rubric sa pagpupuntos sa Gawain 1.

Lubos Kasiya- Hindi


Kraytirya na siya Kasiya-
kasiya- (4) siya
siya (3)
(5)
Maayos ang sagot sa ginawang
pagsusuri noong nasa ika -7 baitang pa
Maayos ang sagot sa ginawang
pagsusuri noong nasa ika- 9 baitang na
Nakita sa ginawang pagsusuri ang
pagbabago noong nasa baitang 7 at
ngayong nasa baitang 9
Kabuuang puntos
Rubric sa pagpupuntos sa Gawain 2

Lubos Kasiya- Hindi


na siya kasiya-
Kraytirya kasiya- (4) siya (3)
siya
(5)
Nakulayan ng maaayos ng heksagon ng
mga hilig bilang gabay sa pag-uugnay ng
mga interes na makatutulong sa
pagbabago ng isip tungo sa
paghahandang gagawin sa napiling track
o kursong akademik,teknikal-
bokasyonal,sining at disenyo at isports
Ang mga napiling kulayan ay angkop sa
mga pagbabago resullta ng ginawang
pagsusuri sa gawain 1
Kabuuang puntos

Rubric sa Pagpupuntos sa Gawain 3

Kraytirya Lubos Kasiya- Hindi


na siya (4) kasiya
kasiya- -siya
siya (5) (3)
Madaling maunawaan ng mga sagot sa
ginawang Career Goal sa pamamagitan
ng paggawa ng Force Field Analysis
Kompleto ang kasagutan sa ginawang
Force field Analysis

Kabuuang puntos

Mga Sanggunian

*Sangguniang Aklat: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 pahina 201-


*228.https://www.slideshare.net/RoselleVelasco/esp-9-modyul-13-mga-pansariling-salik-sa-pagpili-
ng kurso
*https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-13
Susi ng Pagwawasto

TAYAHIN
A.
1. B
2.B
3.C
4.C
5.B.

B
1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA

You might also like