You are on page 1of 18

MODULE 4.

2- EsP 9
PAGGAWA BILANG
PAGLILINGKOD AT
PAGTATAGUYOD NG
DIGNIDAD NG TAO
LEARNING COMPETENCIES
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng
dignidad ng tao at Paglilingkod
 Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o
baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at Paglilingkod
 Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao
ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga
ng kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit
niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao
 Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit
ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong
nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong
teknikalbokasyonal
Mahalagang tanong:
Bakit mahalaga ang
paggawa sa lipunan?
Ano ang paggawa?
Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning
makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
Ang paggawa ay isang aktibidad ng tao. Maaari itong
mano-mano o nasa larangan ng ideya.
Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa.
Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa
paggawa (Institute for Development Education, 1991).
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na
nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at
pagkamalikhain; at ang produkto nito, ay magbubunga
ng pagbabago sa anomang bagay.
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
1. Kumita ng salapi na kaniyang kailangan
upang matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan. Kailangan ng taong gumawa
para mabuhay. Hindi maaaring maging katulad
siya ng isang parasite na laging iniaasa sa iba
ang kaniyang ikabubuhay. sa pamamagitan ng
paggawa, napagyayaman ang kaniyang dangal.
2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-
angat at pagbabago ng agham at
teknolohiya. Mahalagang taglayin ng
lahat ng tao ang malalim na pagnanais na
maibahagi ang kaniyang kakayahan para
sa ikauunlad ng lipunan.
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng
lipunanang kinabibilangan. Ang paggawa ay
nararapat na patuloy na nagpapayaman sa
kultura ng lipunan na kinabibilangan. Hindi
nito dapat na pinapatay ang ating
pagkakakilanlan para lamang makasunod sa
agos ng modernisasyon.
4. Gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga
nangangailangan. Kailangan ng taong gumawa
upang tumugon sa ninanais ng Diyos at
paunlarin ang sangkatauhan. Ang paggawa ay
isang moral na obligasyon para sa kapwa at sa
lipunan na kaniyang kinabibilangan • Upang higit
na magkaroon ng kabuluhan (purpose) sa pag-
iral ng tao. Ang buhay na walang patutunguhan
ay walang katuturan at ang paggawa ang
nagbibigay ng katuturan dito.
Subheto at Obheto ng Paggawa (Subject and Goal of
Labor) • Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang
gumawa, ngunit binibigyang-diin na ang paggawa ay
para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Hindi
maaaring ituring ang tao bilang isang kasangkapan na
kinakailangan para mapagyaman ang paggawa;
bagkus, kailangan niya ang paggawa upang makamit
niya ang kaniyang kaganapan.
Panlipunang Dimensyon ng Paggawa
 Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at
kasama ang kapwa. Ito ay paggawa ng isang bagay
para sa iba.
 Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas
para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa
ating kapwa.
 Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ang tunay
na tataya sa paggawa.
TANDAAN: • Ang paggawa ay higit sa pagkita lamang
ng salapi; tunay na pinakamataas na layunin ng
paggawa ay ang pagkamit ng kaganapan bilang tao.

Bakit mahalaga ang paggawa sa tao?


Ano ang mga mabubuting naidudulot nito sa ating
pagkatao?
Malaki ang naitutulong sa atin ng Teknikal at Bokasyonal sa pang araw -
araw. Ano nga ba ang salitang Teknikal at Bokasyonal? Ayon sa natutuhan
ko ang Teknikal ay may kinalaman sa iyong mga kahusayan sa mga
gawain/trabaho o sa ingles ay "skills", ang Bokasyonal naman ay ang
kurso/track na iyong pinili. Ang kaugnayan ng Teknikal at Bokasyonal
naman ay katulad ng pagpili ng kurso/track, ito ay dapat binabase sa sarili
mong kakayahan at sariling kahusayan.

Ang Teknikal - Bokasyonal ay malaki ang naitutulong sa


Edukasyon, pagpili ng Trabaho, at sa Pagnenegosyo. Nakakatulong ito sa
Edukasyon dahil dito mas pinapalawak ang mga kakayahan mo sa paggawa
na maaaring magamit sa paghahanap ng Trabaho at sa Pagnenegosyo. Ang
Teknikal - Bokasyonal ay may kaugnayan sa mga trabahong may kinalaman
sa paggawa tulad ng mga pagluluto, paghahabi, pag - eencode ng mga
programa sa kompyuter, atbp.

You might also like