You are on page 1of 7

Lesson Plan in Edukasyon Sa Pagpapakatao

Pangalan Baao Community College Baytang/antas Grade 9


Guro Paulo, John Loyd S. Asignatura ESP
Oras at petsa ng pagtuturo Kwarter Una

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kalikasan ng
pangnilalaman lipunang sibil ,mga anyo nito, at ang mga ambag nito sa kabutihang
panlahat.
B. Pamantayan sa Nauuri ng mga mag-aaral ang mga anyo ng lipunang sibil ayon sa
pagganap adbokasiya nito.
C. Mga kasanayan sa Narito ang mga kraytirya ng mga pagtataya ng output sa kasanayang
pagkatuto pampagkatuto 4.4b”

a. Nakatukoy ang pagkakakilanlan (identity) ng mga lipunang sibil na


kumilos sa pamayanan, kung mayroon
b. Batutukoy ang mga adbokasiya ng mga lipunang sibil na kumilos
sa pamayanan
c. Nakatutukoy ang mga adbokasiya ng mga lipunang sibil na ito
d. Mataas ang antas ng tagumpay ng mga pagsusulong ng mga ito.

II. NILALAMAN Modyul 4: Lipunang sibil,media, at simbahan

lll. Mga kagamitan sa Modyul pang-magaaral, papel at panulat


pagtuturo
D. Sangunian
1. Mga pahina sa gabay ng
guro
2. Mga pahina sa Edukasyon sa pagpapskatao-ika-pitong baitang kagamitan ng mag-
kagamitan pang-mag-aaral. aaral.
3. Mga pahina sa teksbuk Modyol 4: Pg.50 – Pg.64
4. Karagdagang kagamitan
mula sa portal ng
learningresource.
E. Iba pang kagamitang Powerpoint at projector
panturo
lV. Pamamaraan

A. Balik-aral sa nakaraang Panuto: Basahin at unawain ang mga atyem at piliin ang titik ng
aralin at pagsisimula ng pinakatamang sagot; Isulat ang mga titk sa kuwaderno.
bagong aralin. 1. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating
magpatulong sa iba;
a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo mg mag-isa.
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.

2. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang


matiyak na:
a. ang lahat ay magiging masunurin
b. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
c. bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
d. walang magmamalabis sa lipunan.

3. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang


pangangailangan ng nakararami?
a. sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa
b. ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
c. walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
d. hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.

4. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang;


a. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
b. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
c. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
d. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.

5. Ang kahulogan ng mass media ay;


a. impormasyong hawak ng marami.
b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.
c. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami.
d. paghahatid ng maraming impormasyon.

B. Paghahabi sa layunin ng Panuto:


aralin Pag-aralan ang dalawang pagpipiliang mga gawain sa ibaba. Paaumili
ng isa sa mga ito. Makipangkat sa mga kaklaseng pumili rin ng
gawaing napili mo. Gawin ang iba pang mga panuto ayon sa napiling
gawain.

Unang Mapagpipilian (Pangkat A).


May naaalala ka bang mga organisasyon na dumayo sa inyong lugar
upang maghatid ng kawanggawa? Nabiyayaan ka na ba o ng iyong
pamilya ng ganitong paglilingkod –bayan? Anong serbisyo o tulong
ang naipaabot sa iyo?

Panuto;
1. Gumawa ng talaan ng mga natatandaan momg kahalintulad na
gawain sa inyong lugar. Gawin ito sa kuwaderno.
Pangalan o Uri ng Panahong Pananaw ng mga
uri ng paglilingkod inilaan tao tungkol sa
organisasyon resulta o epekto
ng serbisyo o
kawanggawa

2. Sagutin sa papel ang tanong na ito; Ano ang nagtutulak sa mga


taong ito upang magpakaabala at magpakagastos, gayong ni hindi
naman nila tayo kilala? Ipaliwanag.

3. Ibahagi sa klase ang mga sagot ng mga kasapi ng pangkat.

Ikalawang Mapagpipilian (Pangkat B):


May nabalitaan ka bang mga organisasyon na nagsagawa ng kilos-
protesta? Tungkol sa anong usapin ang kanilang ipinoprotesta?

Panuto:
1. Gumawa ng talaan sa kuwaderno ng mga natatandaan mong
kahatintulad na pagkilos na iyong nabalitaan.

Usaping Pangalan o uri ng Petsa o taon


ipinoprotesta organisasyon

2. Sagutin ang tanong na ito: Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong
ito upang iprotesta ang mga ganitong usapin?
3. Ibahagi sa klase ang mga sagot ng mga kasapi ng pangkat.

Panuto:
1. panoorin ang dokumentaryong “Like you, We have rights, too”
mula sa http//www.youtube.com/watch?v=D3zbal0_L9Y.
2. Itala sa kuwaderno ang mga usaping pinalutang ng mga
kinapanayam.
3. Pag-isahin sa pira ang mga naitala mo at ng mga kamag-aral.
4. bilang isang klase, gumawa ng concept map ng mga usaping ito.
5. Tukuyin kung alin ang pangunahing usapin.
6. Bumalangkas ng mga pagkilos na maaaring isakatuparan ng isang
lipunang sibil upang matugunan ang pangunahing usapin.
C. Pag-uugnay ng mga May mga bagay na tinatamasa ang ating pamilya sa kagandahang-
halimbawa sa bagong loob ng iba.
aralin.
Panuto:
1. isulat sa pisara ang mga uri ng paglilingkod na nakalap ng Pangkat
A.
2. Isulat din sa pirata ang mga usaping ipinoprotesta na nakalap ng
Pangkat B.
3. Isulat sa kuwarderno ang kabutihang maaring idulot sa ating
pamilya ng mga paglilingkod at pagpoprotestang ito.
4. Ibahagi sa kaklase ang mga naisulat sa bilang 3 ng panuto.

D. Pagtalakay ng bagong Tayahin ang iyong Pag-Unawa


konsepto at paglalahad ng Panuto:
bagong kasanayan #1 1. Isulat sa kuwaderno ang sagot sa sumusunod na tanong:
a. Ano-anong pangangailangan ng iyong pamilya ang hindi niyo
kayang matamo kung sa iyong pamilya lamang iaasa? Ipaliwanag.
b. Ano-anong kalagayang panlipunan ang humahadlang kung kaya
hindi ninyo matamo ang mga ito? Ipaliwanag.
c. May mga hakbang bang ginawaga ng pamahalaan upang matamo
ninyo ang mga ito? Ipaliwanag

2. Bumuo ng pangkat na my limang kasapi. Talakayin at isulat sa


kuwaderno ang sagot sa sumusunod na tanong:
a. Sa ano-anong paraan tinutugunan ng lipunang sibil ang mga
pagkukulang ng lipunan? Ipaliwanag.
b. Magbigay ng iba pang mga usapin na hindi na tutugunan ng
lipunang sibil. Ipaliwanag
c. Magmungkahi ng mga adbokasiya na tutugun sa mga usaping ito.

E. Pagtalakay ng bagong Paghinuha sa batayang konsepto


konsepto at paglalahad ng Panuto:
bagong kasanayan #2 a. Sa ibaba, makikita ang mga mahahalagang salita/konsepto mula
sa babasahin. Ipakita ang kaugnayan ng mga ito sa bawat isa sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang batayang konsepto na sasagotan
sa mahalagang tanong sa simula ng modyul na ito. Lakipan ito ng
paliwanag.

2. Gamit ang sumusunod na salita/konsepto. Lumikha ng isang awit


na rap tungkol sa lipunang sibil na humihikayat sa mga tagapakinig
na mag-ambag sa pagsulong ng kabutihan.
Media

Pagsulong Kabutihang
panlahat
Likas-kayang
pag-unlad

Lipunan Simbahan

Usapin

Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao


Ano ang kabutihan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad
bilang tao?Ano-ano ang maaari kung gawin upang mailapat ang
aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
F. Paglinang sa kabihasnan Panuto:
(tungo sa Formative 1. Bumuo ng pangkat na my limang kasapi ayon sa pagkakalapit ng
Assesment) tirahan .

2. Bilang isang pangkat , pagpasiyahan ang sumusunod :


a. ang pamayanan kung saan magsasagawa ng pangangalap ng mga
datos (survey)
b. Ang lipunang sibil na kumikilos sa pamayanang napili

3. Itala sa kuwaderno ang sumusunod na datos ukol sa napiling sibil:


a. Pangalan,pamunuan, at tanggapan ng lipunang sibil.
b. adbokasiya ng lipunang sibil.
c. Layunin ng adbokasiya
d. petsa kung kalian nagsimulang makisangkot ang lipunang sibil sa
pamayanan.
e. Sariling pagtataya ng lipunang sibil sa antas ng tagumpay ng
adbokasiya nito sa mapayanan.

4. Itala sa kuwaderno ang sumusunod na datos na makakalap mula


sa mga naninirahan sa napiling pamayanan.
a. Mga usapin sa pamayanan na nangangailangan ng pagtugon
b. Pagkakasunod-sunod ng mga usapin ayon sa tindi ng
pangangailangan ng agarang pagtugon (prioritization)
c. Dahilan ng pagiging pangunahin ng usaping tinaya bilang una sa
talaan
d. Pagtaya ng mga naninirahan sa pamayanan sa antas ng pagtugon
ng lipunang sibil sa pangunahing usapin sa pamayanan.
d. Mungkahi ng pangkat ayon sa kinalabasan ng pangangalap ng
datos.

G. Paglalapat sa aralin sa Panuto:


pang-araw-araw na buhay Sumulat ng pagninilay sa journal sa mga pagkatuto gamit ang
talahanayan sa ibaba:

Ano-ano ang Ano ang aking Ano-anong hakbang


konsepto at pagkaunawa at ang aking gagawin
kaalamang reyalisasyon sa upang mailapat ang
pumukaw sa akin? bawat konsepto at mga pang-unawa at
kaalamang ito? reyalisasyong ito sa
aking buhay?

H. Paglalahat ng aralin Panuto:


Sagutin sa iyong journal :
1. anong pagpapahalaga ang maaaring mabunsod sa iyo upang
makisangkot saisang lipunang sibil?
2. ano ang layunin mo sa pakikisangkot na ito?

I. Pagtataya ng aralin Panuto:


1. Gabay ang mga konsepto sa pagpapalalim, pumili ng isang aspekto
sa sumusunod:
a. Katarungang panlipunan
b. Pag-unlad ng kabuhayan
c. Pakikilahok ng pamayanan
d. Pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan
e. Kapayapaan
f. Espirituwalidad
2. Magplano ng bubuuing lipunang sibil kasama ang iyong kamag-
aral o kapuwa kabataan sa hinaharap. Pagpasiyahan ang format ng
plano.
J. Karagdagang gawain para
sa takdang aralin at
remediation
V. REMARKS

VI. REFLECTION

VII. MGA TALA


A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral
na nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakayulong
nang lubos?Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasang
solusyonan sa tulong ng
aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kung
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:
John Loyd S. Paulo

You might also like