You are on page 1of 29

MODYUL 3 ESP GRADE 9

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
Inihanda ni: ERIC P. VALERIANO
PAGTUKLAS NG
DATING
KAALAMAN
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang
tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa
sagutang papel.
1. Ang paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay” ay nakaugat sa
katotohan na…
a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos
2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas
de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at
pangangailangan ng tao
3. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao
ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula
pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman
kaliangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng
buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa
kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa
ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya
nakukuha ang labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban
sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan
5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa
kanyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa
lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa
kanyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa
lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat
ng pangangailangan ng mga tao
6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang
ekonomiya ng bansa.
ACTIVITY: SURVEY
Magsagawa ng isang survey sa mga kapwa mag-
aaral sa paaralan. Tanungin ang mga kapwa
mag-aaral ng mga sumusunod:
a. Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang
araw?
b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa
kanilang baon?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na
baon? Ipaliwanag
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon?
e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon,
paano sinosolusyonan ang kakulangang ito?
ACTIVITY: SURVEY
3. Isulat ang mga ito sa malinis na papel.
Maaaring magpa-xerox ng maraming kopya
upang maibahagi sa mga mag-aaral at mga
magulang
4. Matapos na makuha ang mga papel na kanilang
sinagutan ay kuhanin ang
pangkalahatang resulta ng dalawang survey na
isinagawa.
5. Gumawa ng ulat mula sa pangkalahatang resulta
PAGLINANG NG MGA
KAALAMAN, KAKAYAHAN AT
PAG-UNAWA
ACTIVITY: VIDEO ANALYSIS

Panoorin ang GMA NEWS TV segment na 2000


Kadamay nagdulot ng kaguluhan sa puwershang pang-
aagaw ng mga bahay sa Pandi, Bulacan.
(I click ang larawan upang mapanood o I ang link sa
ibaba: https://www.youtube.com/watch?v=S_cwtPu14XI
ACTIVITY: VIDEO ANALYSIS
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Tama ba ang ginawa ng mga
miyembro ng KADAMAY sa pag-
ukopa ng bahay?
2. Sapat bang dahilan ang pagiging
mahirap upang makatanggap ng tulong
sa pamahalaan?
3. Dapat bang bigyan ng libreng pabahay
ang mga miyembro ng KADAMAY?
PAGPAPALALIM
BALIK-ARAL
• Pampolitika ang tawag sa paraan ng
pagsasaayos ng lipunan upang upang
masiguro na ang bawat isa ay malayang
magkakaroon ng maayos na pamumuhay,
makamit ang pansariling mithiin sabay ang
kabutihang panlahat.
• Upang maging maayos ang pamamahala
kailanganmasunod ang Prinsipyo ng
Pakikipagtulungan (Subsidiarity) at
Prinsipyo ng Pagkakaisa (Solidarity)
PANIMULA
• Isang debate sa mga pilosopo ang tanong
ukol sa pagkakapantay-pantay.
• Sa isang panig,may nagsasabing pantay-
pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos,
• Sa kabilang panig, may nagsasabi rin
namang hindi pantay-pantay ang mga tao.
May mga taong yayaman at patuloy na
yayaman at may mga taong mahirap at
mananatili sa kanilang kahirapan dahil
sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.
PRINSIPYO NI MAX SCHELER
• Bahagi ng pagiging tao ng
tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at
kahinaan. Nasa hulma ng
ating katawan ang kakayahan
nating maging isang sino.
• Dahil na rin sa hindi
pagkakapantay-pantay na ito,
kailangang sikapin ang
pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi
ng yaman ng bayan.
PRINISPYO NG PROPORTIO
• Ayon kay Sto. Tomas de Aquino :
“Ang angkop na pagkakaloob ng
ayon sa pangangailangan ng tao.”
• Hindi man pantay-pantay ang mga
tao, may angkop para sa kanila.
Kailangang maging patas ayon sa
kakayahan, ayon sa
pangangailangan.
ANG MGA PAG-AARI: DAPAT ANGKOP
SA LAYUNIN NG TAO
• Ang halaga ng tao ay higit pa sa anumang
bagay na ipinamimigay o ibinabahagi. May
yaman man o wala ang atao, siya ay may
halaga bilang tao.
• Gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi
upang makipagmayabangan sa iba, ibagsak o
pahiyain ang iba o makipagkompetisyon sa
iba. Gumagawa siya dahil nais niyang
ipamalas ang kanyang sariling galing.
Gumagawa siya upang maging produktibo
sa kaniyang sarili.
HANAPBUHAY HINDI TRABAHO
• Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang
buhay. Hindi siya nagpapakapagod lamang para
sa pera kundi para ito sa buhay na hinahanap niya.
• Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo
ng kanyang pagsisikap. Ito rin ay ang mga gamit
niya upang matulungan siyang mahanap ang
kanyang buhay.
• Ang mga gamit sa paligid at yamang
pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit
na palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang
mga ito upang umayon sa mga layunin ng tao.
NAIPAPAKILALA NG TAO ANG SARILI
SA KANYANG PAGGAWA
• Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na
ipakilala ang sarili. Hindi ang yaman, hindi
ang mga kagamitan na mayroon siya o
wala, ang humuhubog sa tao.
• Ang tunay na mayaman ay ang taong
nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang
paggawa. Hindi sa pantaypantay na
pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa
anomang ibinigay sa kanya ang kanyang
EKONOMIYA
• Galing sa mga griyegong salita na “oikos”
(bahay) at “nomos” (pamamahala).
• Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng
pamamahala sa bahay. Mayroong sapat na
budget ang namamahay. Kailangan niya itong
pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin
(kuryente, tubig, pagkain, panlinis ng bahay, at
iba pa) upang makapamuhay nang mahusay
ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao
(humane) ang kanilang buhay sa bahay at
upang maging tahanan ang bahay.
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
• Ang Lipunang Pang-ekonomiya ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
• Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat
bahay ay magiging tahanan.
• Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa
pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng
bayan.
• Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa
mga nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataon
upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon
sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan.
• Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga
tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-
unlad ng bansa.
• Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan
ang mga may kapital na siyang lilikha ng higit
pang mga pagkakataon para sa mga tao—
pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi
pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang
pamumuhay.
• Sa Lipunang Pang-Ekonomiya, ginagawa rin
nilang isang malaking tahanan ang bansa—isang
tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na
tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang
bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang
Panuto: Isulat sa papel kung ano
ang tinutukoy sa pangungusap.
1. Bahagi ng pagiging tao ng tao ang
pagkakaroon ng magkakaibang lakas at
kahinaan ayon kay ___________
2. Ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa
pangangailangan ng tao ayon kay _________
3. Ang tunay na _________ ay ang taong
nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang
paggawa.
Panuto: Isulat sa papel kung ano
ang tinutukoy sa pangugngusap.
4.Ang salitang Ekonomiya ay galing sa
mga griyegong salita na “oikos” na ang
ibig sabihin ay _______.
5. Ang _____________ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan
ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao.
PAGSASABUHAY
ACTIVITY: VIDEO ANALYSIS

Panuorin ang GMA News TV segment na Kape at


Balita na may titulong “Ekonomiya ng Pilipinas,
itinuturing na 'Best Performing in Asia' ng Phil. Chamber
of Commerce”. I click ang larawan para mapanood ang
video o link sa ibaba:
https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40
ACTIVITY: VIDEO ANALYSIS
Sagutin at isulat sa iyong journal ang mga gabay
na tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay na nakatulong sa pag-
angat ng ekonomiya ng pilipinas?
2. Ano ang maaari mong magawa o plano upang
makatulong sa pag-unlad na ito sa pamamaraan na
kaya mo sa ngayon?
3. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang
buhay ng isang tao?
TAKDANG ARALIN
• Ano ang pagkakaiba ng pantay
at patas?

• Bakit mas epektibo ang patas na


pagbabahagi ng yaman ng bayan
kaysa sa pantay na pamamahagi?

You might also like