You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Mga Gawaing Pampagkatuto para sa


Mag-aaral
Edukasyon sa sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan-Linggo 8
Lipunang Sibil, Media, At Simbahan

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
1
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Learners’ Activity Sheet
Unang Markahan, Linggo 8: Lipunang Sibil, Media, At Simbahan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Development Team of the Learners Activity Sheets

Writer/s: Febe M. Rivera, Genisis L. Abila, Glorina A. Omallao

Editor/s: Leonora G. Tabangcora, Gloria E. Bante, Cheryl Masalta, Lyn B. Tolentino

Illustrator:
Layout
Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Soroysoroy, PDO

Management Team: Minerva T. Albis


Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Leonora G.
Tabangcora
Zandro T. Saturinas
Marilou P. Curugan

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph

2
(085) 839-545

3
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan- Linggo 8
Gawaing Pampagkatuto
Gawaing Pampagkatuto Blg. 8
Lipunang Sibil, Media, At Simbahan

Pangalan: _______________________________Baitang at Seksyon:____________


Guro: ___________________________________Petsa; ______________________
Paaralan: ________________________________Iskor: ________________________

Gawaing Pampagkatuto

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

a. Ang layunin ng lipunang sibil, ay ang likas-kayang pag-unlad, ay isang


ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad
ng katarungan panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic
viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan(gender equality)
at ispiritwalidad.

b. ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng


mga mamamayan sa pagpapasya.

c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katarungan


ang mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng
estado at sariling pagkukusa. (EsP9PL-Ih-4.3)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Lipunang sibil. Ito ay isang uri ng lipunan na kusang loob na nag-oorganisa ng


ating mga sarili tungo sa samasamang pagtuwang sa isa't isa. Tayong lahat ay kabilang
sa isang lipunang sibil sapagkat tayo ay mayroong pamilya at ang pamilya ang siyang
pinaka pangunahing unit ng isang lipunang sibil.

Ang media ay tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o namamagitan sa


nagpadala at pinadalhan. Sila ang naghahatid ng balita para sa lahat ng mga
mamamayan. Ito ay tinatawag na medium kung marami.

Ang simbahan ay nagsisilbing gabay natin sa espiritwal na kaganapan. Ito rin ay


isang panrelihiyong institusyon na siyang nagtataguyod sa ating pagganap.

Sa gawaing ito ay ating tingnan ang layunin ng lipunang sibil sa lipunan at


mamayang nasasakupan. Ating suriin ang lipunang sibil (civic society) sa ating
komunidad kung ito ba ay tumutulong upang makamit ang kabutihang panlahat.

4
II. Pinatnubayang Pagsasanay
Gawain 1: Pananaliksik

Panuto:
1. Bumuo ng pangkat na may apat hanggang limang pangkat ayon sa pagkakalapit ng
tirahan.
2. Magsaliksik sa mga magasin, newspaper o internet upang makakalap ng mga
impormasyon/usapin tungkol sa lipunang sibil.
3. Itala ang sumusunod na datos ukol sa napiling lipunang sibil:
a. Pangalan, pamunuan, at tanggapan ng lipunang sibil
b. adbokasiya ng lipunang sibil
c. layunin ng adbokasiya
d. Petsa kung kailan nagsimulang makisangkot ang lipunang sibil sa pamayanan
e. sariling pagtataya ng lipunang sibil sa antas ng tagumpay ng adbokasiya nito sa
pamayanan.

Gawain 2: Paggawa ng plano

Panuto:
1. Magplano ng bubuuing lipunang sibil kasama ang iyong kagrupo sa unang gawain
para sa hinaharap. Pagpasyahan ang format ng plano.

2. Pumili ng isang aspekto sa sumusunod:


a. Katarungang panlipunan
b. Pag-unlad ng Kabuhayan
c. Pakikilahok ng pamayanan
d. Pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan
e. Kapayapaan
f. Espirituwalidad

3. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba sa pagggawa ng plano.

Rubric/Pamantayan sa paggawa ng plano


PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS MARKA
Nilalaman Natutukoy ang
saloobin/damdamin 5
ukol sa gawain
Kaangkupan ng Naipaliwanag ang
ideya konsepto ng adhikaing 5
panlipunan
Presentasyon Naibigay ang
kahalagahan ng paksa 5
sa gawain
KABUUAN 15

5
III. Pang-isang Pagsasanay
Gawain 3: Pagtukoy ng mga Lipunang Sibil (Civic Society)

Panuto: Magkalap ng impormasyon tungkol sa mga iba’t ibang lipunang sibil (civic
society) ayon sa mga layunin at gawain nito. Maaring gamitin ang internet, mga
babasahin, o maaring magtanong sa mga nakakatandang may alam tungkol iba’t ibang
samahan na bumubuo sa lipunang sibil (civic society).

Punan lamang kahon sa ibaba.

Layunin Samahan Mga Gawain


Pangangalaga ng GreenPeace Nagusulong ng pangangalaga sa
kapaligiran kalikasan
Nagsulong ng organikong paraan
sa paggamit ng mga materyal sa
mundo.

Gender Equality

Katarungang NUPL o National Union Nagbibigay ng libreng serbisyo sa


Panlipunan of Public Lawyer korte
Nagsusulong sa karapatang pantao

Pang-ekonomiyang
pag-unlad

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong natuklasan sa gawain?


2. Sa iyong natuklasan, paano ka makakatulong bilang isang mag-aaral sa pag-
unlad ng lipunang sibil? Magpakita ng mga hakbang o maaring gawin.
Mahalaga ba ang lipunang sibil sa ating komunidad? Ipaliwanag.
IV. Pagkikilatis

Gawain 4

Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Anong pagpapahalaga ang maaaring magbunsod sa iyo upang makisangkot sa


isang lipunang sibil?
2. Ano ang layunin mo sa pakikisangkot na ito?

V. Ebalwasyon
Panuto:
Basahing Mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

6
1. Marami kang takdang aralin, ngunit kailangan mong maghugas ng pinggan
at maglinis ng bahay. Gusto mong hingiin ang tulong ng iyong nakababatang
kapatid, paano mo ito gagawin o sasabihin?
a. Ikaw na ang maghuhugas ng pinggan at maglinis ng bahay, marami
akong takdang aralin.
b. Uy, hati tayo, ikaw maglinis ng bahay, ako maghugas ng pinggan.
c. Pakitulungan mo naman ako sa paghuhugas at paglilinis ng bahay,
kailangan ko kasi matapos agad sa paggawa para makagawa agad sa takdang
aralin.
d. Sabihan ang iyong nanay na utusan ang kapatid dahil marami kang
kailangang gawin.
2. Ano ang HINDI totoo sa lipunang sibil?
a. ito ay boluntaryong pagtulong sa kapwa.
b. isinusulong nito ang pansariling interes ng mga pribadong indibidwal.
c. Hindi ito mula sa pulitiko o pribadong pamahalaan.
d. Tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mamamayan na hindi
naibibigay ng pamahalaan.
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa lipunang sibil?
a. Media c. Simbahan
b. Senado d. Non-Government Organization
4. Layunin ng lipunang sibil na ito na ipahayag ang katotohanan,
napapanahon at mahahalagang impormasyon sa mga mamamayan.
a. Simbahan b. Radyo c. Media d. Balita
5. Bahagi ng layunin ng lipunang sibil na ito na gabayan ang mamamayan na
matagpuan ang halaga ng kanilang buhay at ang mapaunlad ang kanilang
buhay-
ispiritual.
a. Paaralan b. Media c. Simbahan d. Facebook
6. Ang mga sumusunod ay katangian ng lipunang sibil, MALIBAN sa:
a. Pagsulong ng personal na interes.
b. Pagkukusang-loob.
c. Pagiging organisado.
d. Bukas na pakikipagtalatasan.
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng lipunang sibil?
a. Gawad Kalinga c. Bantay Bata
b. Department of Social Welfare and Dev’t d. Peace Advocate of
Zamboanga
8. Anong lipunang sibil ang makakatulong sa mamamayan na manatiling may
kaalaman sa napapanahong krisis pangkalusugan ng bansa?
a. Department of Health
b. Opisyal na Facebook Page ng Barangay
c. Malacañang Press
d. News Program ng mga estasyon sa telebisyon
9. Ang “stay at home” na kampanya ngayong panahon ng pandemic ay
inilunsad ng pamahalaan at sinusuportahan ng lahat ng pribado ay
pampublikong ahensya. Ano ang layunin nito?
7
a. Hindi mahawaan ng sakit ang mga kabataan
b. Maiwasan ang traffic upang mabilis ang pagresponde ng mga frontliners.
c. Magpatuloy ang trabaho kahit nasa kanilang bahay.
d. Ang hindi pagkalat ng sakit na COVID 19 at mapanatili ang maayos na
kalusugan ng nakararami.
10. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak
na:
a. ang lahat ay magiging masunurin.
b. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
c. bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.
d. walang magmamalabis sa lipunan.

VI. Karagdagang Gawain

Panuto:
1. Gabay ang mga konsepto sa pagpapailalim, pumili ng isang aspekto sa
sumusunod:
a. Katarungang panlipunan
b. Pag-unlad ng kabuhayan
c. Pakikilahok ng pamayanan
d. Pangangalaga ng Kapaligiran at kalikasan
e. Kapayapaan
f. Espirituwalidad
2. Magplano ng bubuuing lipunang sibil kasama ang iyong kamag-aral o
kapuwa kabataan sa hinaharap. Pagpasiyahan ang format ng plano.

8
Susi sa pagwawasto

Pinatnubayang Gawain

Gawain 1 Ebalwasyon

(Answers may vary) 1.C


2. B
Gawain 2 3.B
4. C
(Answers may vary)
5. C
Pang-isahang Pagsasanay 6. A
7. B
Gawain 3 8. D
9. D
(Answers may vary) 10. B

Pagkikilatis

(Answers may vary)

Karagdagang Gawain

(Answers may vary)

9
Mga Sanggunian:

Edukasyon Sa Pagpapakatao 9 Modyul ng Mag-aaral, pp. 54-62


https://brainly.ph/question/802495
https://quizizz.com/admin/quiz/5ea86cea0e961e001c71f3cd/esp-9-modyul-4-
lipunang-sibil
https://player.quizalize.com/quiz/1bb83423-f7ec-4116-99fc-dce983913d95
https://www.deviantart.com/tooniefied/art/Simbahan-ng-Basco-585613276
https://www.google.com/search?
q=gawad+kalinga&hl=fil&sxsrf=ALeKk03W3vByy2AJoRucMK7HjrsVFMC8Ew:162536712
0083&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjov8mutMjxAhVAwosBHXSQDjcQ_
AUoAXoECAIQAw&biw=1366&bih=581#imgrc=iImbSPqsAx_rcM
https://tl.wikipedia.org/wiki/GABRIELA

10
Writer/s: Marifel L. Crodua
School/ Station: Aurora National High School
Division: Schools Division of Agusan del Sur

For inquiries or feedback, please write or


call:
Department of Education- Agusan del Sur

depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

11

You might also like