You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Mga Gawaing Pampagkatuto para sa Mag-aaral


Edukasyon sa sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan-Linggo 5

Lipunang Pang-Ekonomiya

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456

1
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Learners’ Activity Sheet
Unang Markahan, Linggo 5 Lipunang Pang-Ekonomiya
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Development Team of the Learners Activity Sheets

Writer/s: Febe M. Rivera, Genisis L. Abila, Glorina A. Omallao

Editor/s: Leonora G. Tabangcora, Gloria E. Bante, Cheryl Masalta, Lyn B. Tolentino

Illustrator:
Layout
Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Soroysoroy, PDO

Management Team: Minerva T. Albis


Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Leonora G.
Tabangcora
Zandro T. Saturinas
Marilou P. Curugan

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph

2
(085) 839-545

3
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan- Linggo 5
Gawaing Pampagkatuto
Gawaing Pampagkatuto Blg. 5
Lipunang Pang-Ekonomiya

Pangalan: _______________________________Baitang at Seksyon:____________


Guro: ___________________________________Petsa; ______________________
Paaralan: ________________________________Iskor: ________________________

Gawaing Pampagkatuto

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

● Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.1)


● Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.2)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Narinig mo na ba ng salitang ekonomiya? Ninanais mo bang magkaroon ng mabuting


ekonomiya ang tahanan at lipunang iyong kinabibilangan?

Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin ay ang mga pagkilos na


masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinangungunahan ito ng estado na
nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman sa bayan. Ang bawat mahusay
na paghahanap buhay ng mga tao ay kilos na pangyayari sa kolektibong pag-unlad ng bansa.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Ano ang mabuting
ekonomiya? Para sa saan ang ekonomiya? Handa ka na bang unawain nang mas malalim ang
lipunan? Halika na!

II. Pinatnubayang Pagsasanay

Gawain 1: “Tara usap Tayo”

Panuto:
Unang bahagi
1. Makipag-ugnayan sa guro upang maisagawa ang pagpapangkat sa klase.
2. Magsagawa ng isang survey sa mga kapwa mag-aaral sa paaralan. Tanungin ang mga kapwa
mag-aaral ng mga sumusunod:
a. Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang araw?
b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa kanilang baon?
4
c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na baon? Ipaliwanag
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon?
e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, Paano sinosolusyonan ang
kakulangang ito?
Ikalawang Bahagi
1. Magsagawa ng kaparehong survey. Sa pagkakataong ito ay mga magulang naman ang
bibigyan ng mga tanong.
2. 2. Isulat ang mga sumusunod na tanong:
a. Magkano ang budget para sa isang buwan?
b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa tahanan?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang budget para sa isang buwan? Ipaliwanag.
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?
e. Kung hindi sapat ang budget, ano ang paraang ginagawa upang masolusyonan
ang suliranin?
3. Isulat ang mga ito sa malinis na papel. Maaaring magpa-xerox ng maraming kopya upang
maibahagi sa mga mag-aaral at mga magulang
4. Matapos na makuha ang mga papel na kanilang sinagutan ay kuhanin ang
pangkalahatang resulta ng dalawang survey na isinagawa.
5. Gumawa ng ulat mula sa pangkalahatang resulta at ibahagi ito sa klase. 6. Pagkatapos,
sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbubudget ng
perang kanilang hawak? Pangatwiranan.
b. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga magulang sa pagbubudget ng
perang kanilang hawak? Pangatwiranan.
c. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba o hindi na magbudget ng perang hawak?
Pangatwiranan.
d. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa perang kinikita?
e. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang wasto ang perang
kinikita?
f. f. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan ang sinasalamin ng nagdaang gawain?
Ipaliwanag.

Gawain 2: “Paggawa ng Bahay”


Layunin:
1. Masaksihan ang proseso ng palitan ng personal na kayamanan para sa mga kakailanganin sa
pagtupad ng tungkulin
2. Maipamalas ang kakayahang unahin ang grupo bago ang sarili
3. Mamulatan at matanggap ang hanggahan ng pagbibigay ng sarili
4. Matutuhang makipagtulungan sa iba sa pagtupad ng tungkulin
5. Makita ang papel ng estado sa lipunang pang-ekonomiya.
6. Matutuhang maging masinop sa mga kagamitan
7. Mamulat sa halaga ng pag-aari at panahon

Mga Gagamitin:

barbecue sticks masking tape piraso ng papel (reusable bond paper)


ruler
orasan pamaypay chalk pisara
5
Panuto:
1. Makipag-ugnayan sa guro upang maisagawa ang pagpapangkat sa klase. Hatiin ang klase sa
maliliit na pangkat na may tig-5 o 6 na miyembro ayon sa laki ng klase. Dapat ay pare-pareho ang
bilang ng mga kasapi sa bawat pangkat.
2. Kailangang makabuo ng isang bahay yari sa barbecue sticks, masking tape, at mga papel na
tumutupad sa mga sumusunod na pamantayan
a. may kabuuang taas na hindi bababa sa 5 pulgada
b. matibay
c. matitirhan (may bintana, pintuan, may hindi bababa sa apat na dingding, bubong na hindi
tatangayin ng bagyo at hindi pababagsakin ng ulan, sahig)
3. Ang materyales na gagamitin ay simbolikong bibilhin sa guro. Gamit ang kanilang mga
personal na kagamitan, ipagpapalit nila ang mga ito para sa kailangan nilang materyales.
4.Maaaring maging ganito ang palitan sa klase.
a. 1 barbecue stick = aksesorya sa katawan (relos, pulseras, headband, kuwintas, sinturon,
etc.)
b. 1 papel = 1 pares ng sapatos o tsinelas
c. 1 pulgadang masking tape = damit
5. Maaaring dumating sa punto na wala nang paninda o wala na ring maipampalit ang mga
pangkat. Mahalagang mapag-isipang mabuti kung paano ito sosolusyonan sa klase.
6. Anoman ang gagawin pagkatapos na maubos ang mga kagamitan sa guro ay hindi na
kailangan pang ipaalam sa kanya.
7. Bibigyan ng 20 minuto ang bawat pangkat na buuin ang bahay simula sa oras ng palitan ng
mga gamit.
8. Kapag ubos na ang oras, dadalhin ang mga nagawang bahay sa guro upang subukin ang mga
ito batay sa kraytirya.
a. Sapat ang taas ng bahay na ginawa
b. Maaaring matirahan ang bahay
c. Paypayan ang bahay upang makita kung tatayo ito laban sa bagyo
9. Pagkatapos, sagutan ang mga sumusunod na tanong:
a. Ikuwento ninyo ang nangyari sa inyong grupo. Saan kayo nahirapan? Ano ang ginawa
ninyo ukol dito? [Paano ninyo ito nalagpasan?]
b. Ano ang naramdaman ninyo nang kailangan ninyong ipagpalit ang inyong gamit para
makabili ng isang materyales? Ano ang pakiramdam nang naubos na ang inyong pampalit?
c. Ano ang napansin ninyo sa ibang pangkat? Paano natutulad o naiiba ang kanilang bahay at
ang proseso ng pagbuo nito sa inyo? Sa tingin ninyo, tama ba o mali ang kanilang ginawa?
d. Ano-ano kaya ang sinisimbolo ng mga sumusunod: (a) bahay; (b) guro; (c) palitan; (d)
orasan?
e. Ano-anong mga problema sa lipunan ang nakikita ninyong sinasalamin ng gawain?
f. Ano ang inyong natutuhan mula sa gawain?

6
III. Pang-isang Pagsasanay

Gawain 3 “Buuin Mo Ko!”


Panuto:
1. Isulat sa loob ng graphic organizer sa ibaba kung ano ang mga katangian ng mabuting
ekonomiya para sa iyo.

Halimbawa:
mataas na sahod

Mabuting

ekonomiya

2. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:


a. Ano-anong katangian ng mabuting ekonomiya ang naitala mo?
b. Ano ang naramdaman mo ukol dito?
c. Sa palagay mo, posible ba na makamit ito ng isang tahanan at ng isang lipunan?
Pangatwiranan.
d. Paano ka makibahagi sa pagkamit ng mabuting ekonomiya para sa inyong tahanan at
lipunan? Magbigay ng halimbawa.

IV. Pagkikilatis

Panuto: Gumawa ng isang tiyak na plano upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga na
magagamit sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.

GAWAIN PARAAN TIYAK NA HAKBANG KAILAN GAGAWIN MAGANDANG


NAIDUDULOT

1. Mag- Pagtitipid at Bumili lamang ng mga Araw-araw May magagamit na


ipon ng tamang bagay na pera sa panahon
pera pagbabadget kinakailangan ng kagipitan
ng pera

2.

3.

4.

5.

7
V. Ebalwasyon

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap
ay nagsasaad ng mabuting ekonomiya, MALI naman kung hindi.

1.Mayroong sapat na suplay ng mga produkto.


2. Pagdami ng bilang ng mga manggagawa at pagkakaroon ng maayos na pasahod.
3. Pagsunod sa mga batas.
4. Pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
5. Pag tapon ng basura sa tamang basurahan.

VI. Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan


1. Ang pagkakaroon ba ng libreng Edukasiyon para sa lahat ay indikasiyon ng mabuting
ekonomiya?Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang maaring maidulot ng mabuting ekonomiya sa iyong buhay?

8
Susi sa pagwawasto

Pinatnubayang Gawain

Gawain 1 Ebalwasyon

(Answers may vary) 1.TAMA


2. TAMA
Gawain 2 3.TAMA
4. TAMA
(Answers may vary)
5. TAMA
Pang-isahang Pagsasanay

Gawain 3

(Answers may vary)

Pagkikilatis

(Answers may vary)

Karagdagang Gawain

(Answers may vary)

9
VII. References/Mga Sanggunian:

De Torre, J.M. (1977). The Metaphysical ground of Social Ethics: The Roots of Society.2 nd
ed.Manila:Sinag-talaga Publishers,Inc

Edukasiyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015

Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 5 at


6 - Modyul 3: Lipunang Pang-Ekonomiya (Dibisyon ng Iligan City) Unang Edisyon, 2020

Frings, M.S. The Mind of Max Scheler. Milwaukee: Marquette University Press.
Plattel, M.G. (1965) Social Philosophy. Pittsburgh: Duquesne University Press, 1965

10
Writer/s: Marifel L. Crodua
School/ Station: Aurora National High School
Division: Schools Division of Agusan del Sur

For inquiries or feedback, please write or


call:
Department of Education- Agusan del Sur

depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

11

You might also like