You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Mga Gawaing Pampagkatuto para sa


Mag-aaral
Edukasyon sa sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan - Linggo 2
Layunin ng Lipunan: Kabutinang Panlahat

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456

1
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Learners’ Activity Sheet
Unang Markahan, Linggo 2: Layunin ng Lipunan: Kabutinang Panlahat
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Development Team of the Learners Activity Sheets


Writer/s: Jesselly C. Vales
Editor/s: Leonora G. Tabangcora, Gloria E. Bante, Cheryl Masalta, Lyn B. Tolentino
Illustrator:
Layout
Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Soroysoroy, PDO
Management Team: Minerva T. Albis
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Leonora G.
Tabangcora
Zandro T. Saturinas
Marilou P. Curugan

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Unang Markahan, Linggo 42
Gawaing Pampagkatuto Blg. 2
Layunin ng Lipunan: Kabutinang Panlahat

Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksyon: ___________


Guro: ___________________________________ Petsa; _________________________
Paaralan: _______________________________ Iskor: ________________________

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

 Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili


ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na
pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan; (EsP9PL-Ib1.3)
 Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor
sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
(EsP9PL-Ib1.4)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang tingting kung nag-iisa lang hindi niya magagawang makalinis. Ngunit kung
marami na nakabigkis mas madaling magamit. Dito pumapasok ang kahalagahan ng
pakikiisa. Ang kawalan ng pagkakaisa ang dahilan ng pagkawatak-watak. Sa
kasalukuyang sitwasyon ng bansa na nakararanas ng pandemiya dahil sa Coronavirus
Disease, marami ang nakararanas ng paghihirap, gayun na lang ang paglingap ng
pamahalaan subalit ito pa rin ay kulang at ang ilan ay hindi naaabutan ng tulong.
Maraming dahilan kung bakit lumalaganap ang ganitong sitwasyon sa gitna ng
pandemiya. Una, may mga taong makasarili, o sadyang sakim sa pera na sa halip na
ibahagi ang pondong para sa pagpapabuti ng lipunan ito ay pilit na binubulsa.
Pangalawa, ang pagkakanyakanya ang nagiging dahilan ng pagkawatak-watak.

Ayon sa isang aklat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 (De Guzman, et al., 2018),


ipinagwalang bahala ang tungkulin na dapat sana ay ginagampanan nang maayos.
Dagdag pa nito, may mga institusyon at samahan tayong kinaaaniban sa pamilya, sa
paaralan at sa pamayanan. May tungkulin din tayo sa ating bansa. Hindi lang sa sarili.
Nais natin ng maunlad na lipunan. Ibahagi mo ang ang sarili sa pamilya. Tumulong ka
sa mga gawain. Sa paaralan, makiisa sa mga proyektong ipinatutupad. At sa inyong
pamayanan, ang boluntaryong pagtulong, pagdamay, pakikiisa sa kabila ng iyong edad,
kasarian at antas sa buhay ay mahalaga upang maibahagi mo ang iyong sarili.

Tandaang di ka mabubuhay ng mag-isa. Kailangan mo ang iyong kapwa gaya ng


pangangailangan nila sa iyo. Hindi ka dapat na maging sakim o makasarili. Ang lahat ng
ating ginagawa ay dapat nakalayon sa Kabutihang Panlahat, dahil ito ang tunay na
“boss” ng bayan, hindi ang namumuno o ang mga pinamumunuan bagkus ang
Kabutihang Panlahat.
3
Ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng
tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Makakamit lamang ito kung makikilahok at
makikipamuhay ka sa kapwa.

Magbigay ng sariling opinion ukol sa mga katagang ito: “Binubuo ng TAO ang
LIPUNAN, Binubuo ng LIPUNAN ang TAO”

Ipinapahiwatig ng mga katagang ito na walang lipunang mabubuo kung wala ang
mga tao dahil saklaw ng lipunan ang mga taong nasasakupan nito.

LIPUNAN - Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan


sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang
kultura at/o mga institusyon.

KOMUNIDAD - Ito ay maaaring isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao, na


nabubuhay na magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras o ugnayan

KABUTIHANG PANLAHAT

- Kabutihang naayon sa moralidad ng tao at likas na batas moral.

MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT

1. Nakikinabang sa benepisyo hatid ng kabutihang panlahat, subalit


tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.

2. Mga indibidwal na may personal na mithiin.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiambag sa


organisasyong mithiin.

PAMILYA - Pangunahing yunit ng lipunan - Lipon ng dalawa o higit pa sa


dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento ng kasal o sa
pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tirahan.

PAARALAN - Isang organisasyon, institusyon o lugar kung saan hinuhubog at


nililinang ang kaisipang moral, pisikal at spiritual ng mga mag-aaral.

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Narito ang mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat:

1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit


tinatanggihan ang bahaging dapat gamapanan upang mag – ambag sa pagkamit nito.
Ang mahalaga sa iba ay ang pakinabang na kanyang makukuha sa kabutihang panlahat
na nagmula sa malasakit at pagsasakripisyo ng iba. Nakikinabang lamang siya ngunit
walang ambag o pakikibahagi na nanggagaling sa kanya.

2. Ang indibidwalismo o paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin. Nais ng


taong maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin nang walang ibang
nanghihimasok o nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong ganito na magambala ang
kanyang personal na buhay – nagnanais na “mapag – isa.” Hindi niya pinapakay ang
pakinabang mula sa kabutihang hatid ng sakripisyo ng iba subalit ayaw rin niyang
4
magambala para sa kabutihan ng iba. Sa kulturang ito, mahirap makumbinse ang
taong isakrispisyo ang kaniyang kaunting kalayaan, personal na hangarin at pansariling
interes para sa kapakanan ng “kabutihang panlahat” dahil sa kaniya, hindi niya
kailangang mag – ambag sa kabutihang panlahat kundi ang manatiling malaya sa
pagkamit ng kanyang personal na kabutihan.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya


kaysa nagagawa ng iba. Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan
ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba. Halimbawa, upang kayanin
ng mga mahihirap ang pagbili ng produkto, kailangang tanggapin ng negosyante ang
mababang tubo o kita mula sa mga produkto. Ang tingin ng ilan sa ganitong sitwasyon
ay hindi makatarungan.

Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat Tatlong kondisyon ang


kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon kay Joseph de Torre (1987):

1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang


malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal at katarungan. Mahalagang palaging
nasa isip ng lahat ang tunay na kahulugan ng kalayaan dahil may panganib na isipin
ng ilan na walang hanggan ang kanyang kalayaan. Mahalaga ang diyalogo upang
maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin at pananaw. Madalas na ang
sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay ang kakulangan ng pag – uusap. Kung
hindi mananaig ang pagmamahal at katarungan sa kanila sa lahat ng pagkakataon,
hindi ganap na kakayanin ng simuman na isantabi sa ilang pagkakataon ang kanyang
pansariling kaligayahan at kapakanan para sa kabutihang panlahat. Ang dalawang
pagpapahalagang ito ang susi upang makamit ng lipunan ang kanyang tunay na
layunin at tunguhin.

2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. Hindi


magiging ganap ang isang lipunan at ang mga taong kasapi nito kung hindi naigagalang
ang pangunahing karapatan ng tao. Ang karapatan ang nangangalaga sa dignidad ng
tao at nagtataguyod ng pagkakapantay – pantay. Hangga’t nananaig ang diskriminasyon
sa lipunan, nagpapahiwatig itong hindi pa ganap ang pagsasaalang – alang ng mga tao
sa kabutihang panlahat.

3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang


kaganapan. Ang lipunan ang dapat na maging instrumento upang makamit ng tao ang
kanyang kaganapan bilang tao. Kung walang nagagawa ang lipunang kaniyang
ginagalawan upang siya ay umunad bilang tao, masasabing hindi pa tunay na patungo
ang lipunan sa tunay nitong layunin, ang kabutihang panlahat. Maaaring hindi rin
nagagawa ng bawat sektor ng lipunan ang kanyang tunay na gampanin para sa tao at
para sa lipunan. Tandaang binanggit sa unang bahagi ng babasahing ito na, binubuo ng
lipunan ang tao, hindi lamang ang tao ang bumubuo sa lipunan.

Kaya mahalaga ring matiyak na ang integridad at katatagan ng pamilya ay


mapangalagaan dahil ang pamilya ang pangunahing yunit sa paghubog ng
mapanagutang mamamayang mulat sa tunay na kahulugan ng kabutihang panlahat.

5
Hindi namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang
kabutihang panlahat. Ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit sa iyong
kapwa.

Tandaan, ang tunay na paggalang sa dignidad ng tao ay nangangailangan ng


pagkamit sa kabutihang panlahat. Ganap lamang na masasabing tunay na kinikilala
ang dignidad ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang kabutihang panlahat.
Nararapat magmalasakit ang lahat upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong
panlipunan.

Mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan ngunit lahat ng


bagay, gaano man kahirap ay magagawa kung talagang nais. Sabi nga, “kung gusto,
may paraan; kung ayaw, palaging may dahilan.”

III. Pinatnubayang Pagsasanay

Gawain 1: Pagpaplano, Susi sa Hinaharap!

Panuto: Magplano ng isang gawain na makapagpapakita ng kabutihang panlahat.


Gumawa ng isang listahan ng mga magkakasunod-sunod na hakbang kung paano ito
isasagawa

Pamantayan sa Pagwawasto:

Nilalaman - 50%
______________________ Presentasyon - 30%
______________________ Pagkamalikhain - 15%
______________________
Pagkana sa panahon - 5%
______________________
______________________ 100%

6
Gawain 2: Konsepto Ko, Like Mo!

Mga Panuto:

1. Mula sa Gawain 1, isasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga


ilang larawan na nagpapakita ng gawaing komunidad o panlahat.

2. Gumawa ng isang video presentation gamit ang mga nakuhang larawan at


ilagay sa facebook; gawing sukatan sa paglinang ng kaalaman ang mga likes o komento
nito.

Pamantayan sa Pagwawasto:

Nilalaman - 50%
Presentasyon - 30%
Pagkamalikhain - 10%
Puntos ng Pakagusto - 5%
(Facebook Likes)
Pagkana sa panahon - 5%
100%

Gawain 3: Tukuyin Mo Ako!

Panuto: Piliin ang titik na may tamang kahulugan na nasa kahon at isulat sa
patlang ng bawat aytem.

a. Tulong c. Pamayanan e. Batas

b. Bayanihan d. Anti-korapsyon f. Karapatan

__________1. Nagpapakita ng pagtutulungan, pagdadamayan at pagkakaisa.


__________2. Pamamahagi ng pagkain, damit at pera sa mga mahihirap.
__________3. Ito ay karaniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o
pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak o pamamahay na
may pinagsasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na
pagsasamahang panlipunan.
__________4. Ito ay mga alituntunin sa magandang asal na nag-uutos o nagbabawal sa
pagitan ng tao at kapisan.
__________5. Ang kapangyarihan o kalayaan na matarog na ipinagkaloob ng sinuman.

7
IV. Pang-isang Pagsasanay

Gawain 1: Ang layunin ng ating lipunan ay mabigyan ng matiwasay na


pamumuhay ang bawat mamamayan.
Panuto: Sa inyong sulatang papel gawin ang mga sumusunod:

1. Paano nakatutulong sa isang indibiwal ang mga sumusunod na institusyon?

• Paaralan
• Simbahan
• Pamilya
• Negosyo
• Pamahalaan

2. Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa ating lipunan kung ang bawat
sektor na ito ay hindi naisakatuparan ang kanilang tungkulin sa lipunan?

Pamantayan sa Pagwawasto:

Nilalaman - 50%
Presentasyon - 30%
Pagkamalikhain - 10%
Pagkana sa panahon - 5%
100%

Gawain 2: Tayahin ang iyong Pag – unawa!

Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. Ano ang naunawaan mo sa iyong
binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang
sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahulugan ng kabutihang panlahat?


2. Ano ang tunay na layunin ng kabutihang panlahat? Paano ito makakamit?
3. Paano makakatulong ang lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao?
4. Magpahayag ng halimbawa nang pagsisikap ng bawat tao na makamit at
mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral
na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan.
8
5. Magbigay ng mga proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

V. Pagkikilatis

Panuto: Isulat sa unang kahon ang mga personal na kabutihang inaasam mo sa


kasalukuyan. Sa kabilang hanay, isulat kung paano mo maiaalay at maitatalaga ang
bawat isa para sa kabutihang panlahat.

Pangsariling Kabutihang
Kabutihan Panlahat

Hal: Pagkakaroon ng
Hal: Pagiging mekaniko
isang “shop” upang
upang magkaroon ng
maimpleyo ang ibang
mabuting hanapbuhay
manggagawa

9
VI. Ebalwasyon

Mga Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

A. Sabihin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap.

_____________1. Ang lipunan ay may karapatang piliin ang kanyang pangangalagaang


mamamayan.

_____________2. Ang pamilya ang kinikilalang may pinakamabigat na impluwensiya sa


paghubog ng moral at ispiritwal na pagpapahalaga ng tao.

_____________3. Sa isang tunay na lipunan, dapat ay pantay – pantay ang lahat ng tao sa
katarungan, pag – aari, talino at kakayahan.

_____________4. Ang lipunan ay kaloob ng Diyos ay hindi kailanman uunlad dahil ang
tao ay may potensyal na maging mabuti o masama.

_____________5. Dahil pamilya ang mahalaga sa pag – unlad ng tao, ang taong walang
pamilya ay walang kaganapan.

B. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.


______6. Ano ang tawag sa samahan ng mga taong may iisang layunin at nag –
uugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng pinagkasunduang sistema at pamamaraan?
A. Lipunan B. Komunidad
C. Institusyon D. Pamahalaan
______7. Ano ang kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng marami.
B. Kabutihan ng mga mayayaman.
C. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan.
D. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.
______8. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng kabutihang panlahat?
A. Kapatiran
B. Kapayapaan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
______9. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi
itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Sino ang nagwika nito?
A. Aristotle B. St. Thomas Aquinas
C. Bill Clinton D. John F. Kennedy
______10. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat
maliban sa:
A. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.

10
C. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa
nagagawa ng iba.
D. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit tumatanggi
sa pagbabahagi para sa pagkamit nito

VII. Karagdagang Gawain

Panuto: 1. Pumili ng isang gawain na iyong maitutulong sa panahon ng krisis o


pandemiya(Covid-19)

o Gumawa ng mga mask at PPE

o Gumawa ng slogan/video ng pagpapasalamat sa mga frontliners

o Makilahok sa programa ng barangay sa pamamahagi ng relief goods

o Mamahagi ng mga pangunahing pangangailangan sa mga lubos na naapektuhan


ng pandemiyang covid-19.

2. Gawaan ng kronolohiyang dokumentasyon ang napiling gawain.

Pamantayan sa Pagwawasto:

Nilalaman - 50%
Presentasyon - 30%
Pagkamalikhain - 10%
Pagkana sa panahon - 5%
100%

11
VIII. Susi sa pagwawasto

Pinatnubayang Gawain
Pagkikilatis
Gawain 1
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
Ebalwasyon
Gawain 2
1. Mali 6. B
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
2. Tama 7. D
Gawain 3
3. Tama 8. A
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
4. Mali 9. D
Pang-isahang Pagsasanay
5. Mali 10. A
Gawain 1
Karagdagang Gawain
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
Gawain 2

(ang sagot ay maaaring magkakaiba)

12
IX. Mga Sanggunian:

Mga Aklat:

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1 Pahina 1 - 20

Mga Mudyol

 Pasay ESP 9 Learning Materials, ESP 9 Learners Modules,

Learning Module Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN


XII

Alternative Delivery Mode - Learning ModuleKagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA


Region - Sangay ng Palawan

Website:

https://www.slideshare.net/geneferbuizon/esp-9-modyul-2-layunin-ng-lipunan-
kabutihang-panlahat

https://www.google.com/search?q=Lipunang+Politikal
%2C+Prinsipyo+ng+Subsidiarity+at+Prinsipyo+ng+Pagkakaisa&oq=Lipunang+Politikal
%2C+PrinsipyO

13
Writer/s: Jesselly C. Vales
School/ Station:
Division: Schools Division of Agusan del Sur

For inquiries or feedback, please write or


call:
Department of Education- Agusan del Sur

depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

14

You might also like