You are on page 1of 1

Dana Jill Santiago Grade 9- Plutonium

1. Ano ang ipinahihiwatig ng may-akda? Ipaliwanag.


Sa tulang Gising, JUAN gustong ipahiwatig ng may akda ang kahalagahan ng
pagkakaisa at pagkakaunawaan. Kung ating titignan o oobserbahan ng maigi ang takbo
ng ating lipunan may isang bagay na agad ay ating makikita ito ay ang kawalan ng
pagkakaisa at pagkakaunawaan.  Ito ang nagiging sanhi ng mabagal na pag-usad ng
ating bansa. Itong ating kakulangan ng pagkakaisa at pagka-unawaan ay isang bagay na
marahil ay gusto niya na bigyan natin ng pansin. Para sa kanya na kahit ano man ang
probinsyang ating pinanggalingan, una sa lahat at ano pa man ang mangyayari tayo ay
Pilipino pa rin. Iisang bansa lamang ang ating pinanggalingan at ang kapakanan at
kinabukasan ng bansang ito ay nakasalalay sa atin. Ano man ang papel na ating
ginagampanan tayo ay Pilipino pa rin. Di natin kayang bumuhay ng patay ngunit kaya
naman nating magkaisa. Ang mahalaga na tayo ay magkaisa at magkaunawaan alang-
alang sa ating magandang kinabukasan.

2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan?


Ipaliwanag.
Ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan ito ay ang
pagkakaunawaan ng bawat isa. Kung ang mga namumuno o namamahala at ang mga
taong bayan ay mayroong pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ang mga magaganda
at maayos na mga proyekto na nais ipatupad ng mga nasa kapangyarihan ay di na
kailangang kwestiyonin, mas mapapadali rin ang pagpapatupad nito at mas mabilis na
makakamit ng taong bayan ang mga benepisyo nito. 

3. Para sa iyo, ano ang mukha ng isang matiwasay na lipunan?


Para sa akin ang mukha ng isang matiwasay na lipunan ay mayroong masaganang lugar
kung saan mababa lamang ang porsiyento ng insidente at krimen, Mayroong pantay-
pantay na karapatan at hindi nagbabase sa estado ng pamumuhay, Napapanatiling
malinis ang kapaligiran, Namumutawi ang respeto sa kapwa tao o paggalang ng bawat
isang indibidwal, At siyempre magkakaroon ng matiwasay na samahan sa pagitan ng
namamahala at mga nasasakupan nito.

You might also like