You are on page 1of 7

Edukasyon sa pagpapakatao

03

Lipunan para sa Mabuting Ekonomiya

A. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya;


B. Nakapagsusuri ng mabuting maidudulot ng magandang
ekonomiya; at
C. Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang
lahat - walang taong sobrang mayaman at maraming
mahirap
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad
kundi sa pag-unlad ng lahat

Layunin
Pagkatapos ng aralin, inaasahang maipamamalas ng mag-aaral ang
sumusunod:
a. nasusuri ang magagandang naidudulot ng mabuting ekonomiya;
b. napatutunayan na ang mabuting ekonomiya ay:
 Marami ang may kaya at kaunti ang mahirap
 Para sa pag-unlad ng lahat hindi lang ang sarili; at
c. nakapagsasaliksik ng ibang bansa na may mabuting ekonomiya.

Kagamitan
 Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral.
 Internet

1
Nilalaman
Ang maayos at matatag na lipunan ay may mabuting ekonomiya. Ang
pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pangangasiwa sa yaman ng
bansa. Sa kasalukuyang panahon, marami sa ating kababayan ang
nagpupunta sa ibang bansa upang magtrabaho. Mataas din ang bilang ng
walang trabaho. May trabaho man, ngunit marami ang nagrereklamo sa
mababang pasweldo. Ano ba ang nararapat gawin upang maging mabuti ang
ating ekonomiya?
Sa araling ito, matutuklasan natin ang mga mahahalagang konseptong
nakakabit sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.

Paunang Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1. Ano ang tawag sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa mga


mamamayan na naapektuhan ng pandemyang COVID-19?
A. Ayuda B. Buwis
C. Donasyon D. Pantawid
2. Ano ang tawag sa mga negosyanteng namumuhunan sa isang bansa?
A. Intsik B. Kapitalista
C. Miron D. Oligarch
3. Alin ang maling dahilan ng tao sa pagmamay-ari ng mga bagay tulad ng
bahay, sasakyan at mga damit?
A. Upang maging mas kumportable ang buhay
B. Upang makatulong sa mga suliranin sa buhay
C. Upang may magamit para sa sariling pag-unlad
D. Upang malaman ng ibang tao na kaya nilang bumili ng gamit
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa ekonomiya?
A. Marami ang mayaman at kaunti ang mahirap
B. Marami ang may kaya, kaunti ang mahirap at mayaman
C. Marami ang mahirap, kaunti ang mayaman at kaunti ang may kaya
D. Marami ang may kaya, marami ang mayaman at marami ang mahirap
5. Paano magiging pantay-pantay ang mga mamamayan sa lipunan?
A. Ibahagi ang yaman ng bayan ayon sa laki ng pamilya
B. Ibahagi ang yaman ng bayan sa lahat ng walang trabaho
C. Ibahagi ang yaman ng bayan batay sa pangangailangan ng bawat isa
D. Ibahagi ang yaman ng bayan ng pantay-pantay sa lahat ng
mamamayan

Balik-Aral
Panuto:
1. Paghambingin ang tatlong konsepto na natutuhan mula sa nagdaang
modyul.
2. Isulat sa unang kolum ang pagkaunawa mo sa mga konsepto.
3. Isulat sa ikalawang kolum ang mga pagkakatulad ng mga konsepto.
2
4. Isaulat sa huling kolum ang pagkakaiba ng mga konsepto.

3
Ano ang sumusunod na Ano ang pagkakatulad Ano ang pagkakaiba ng
konsepto? ng tatlong konsepto tatlong konsepto
Lipunang Pampolitika

Prinsipyo ng
Subsidiarity

Prinsipyo ng Pagkakaisa

GAWAIN

Panuto:
Basahin ang sitwasyon at
ilagay sa loob ng kahon
ang iyong sagot:

Si Aling Ida ay isang


ina na may apat na anak.
Pantay ang pagmamahal
niya sa lahat ng kaniyang mga anak. Si Andrei ang panganay na anak, siya ay
nasa kolehiyo. Si Jade ang ikalawang anak, siya ay nasa Junior high school. Si
Hilary ay ikatlong anak, siya ay nasa elementarya. Si Aaron naman ang bunso,
siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Ang asawa niya ay si Mang Nemesio,
isang tricycle driver. Dahil maliit lang kinita ni Mang Nemesio, tatlong daan lang
ang binigay niya kay Aling Ida para sa baon na pera ng mga anak niya sa
pagpasok sa paaralan. Kung ikaw si Aling Ida, paano mo hahatiin ang P300 sa
apat na anak?

Mga Anak Andrei Jade Hilary Aaron Kabuuan


Baong =P300
pera

Pagsusuri
Panuto: Sagutan ang mga tanong at isulat ang sagot sa ibaba nito.
1. Paano mo hinati ang P300 sa apat na anak? Bakit ganito ang paghati
mo?

2. Sa tingin mo, mahirap ba o madali ang mag-budget ng pera sa


pamilya?
3. Kung ikaw naman ang namumuno sa isang bansa, paano mo gagawing
pantay-pantay ang mga tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Masasabi ba natin na mabuti ang ekonomiya ng bansa natin ngayon?


Ipaliwanag ang iyong sagot.

5. Paano magiging mabuti ang ekonomiya ng bansa natin?

Paghahalaw

Lipunan para sa Mabuting Ekonomiya


Pantay-pantay ba o hindi pantay-pantay ang mga tao? Parehas itong
tama. Pantay-pantay dahil lahat ng tao ay may isip, kilos-loob, konsensiya,
kalayaan at dignidad. Pantay-pantay ang tao sa kanilang kalikasan. Hindi
pantay-pantay ang tao dahil ang bawat isa ay may sariling kaalaman at
kakayahan. May mga tao na may kaalaman at kakayahang sumayaw, lumangoy,
magpalipad ng eroplano, at iba pa. May kaniya-kaniya tayong kalakasan at
kahinaan. Ito ang bumubuo sa pagiging sino ng tao o identity.
Dahil hindi pantay-pantay ang mga tao, kaya nararapat na maging
pantay- pantay sila sa pamamagitan ng patas na pamamahagi ng yaman. Ito
ay sa pamamagitan ng prinsipyo ng proportio na ayon kay Sto. Tomas de
Aquino. Ang prinsipyo ng proportio ay ang angkop na pagbibigay ayon sa
pangangailangan ng tao. Kung ang ibibigay sa tao ay ayon sa kaniyang
pangangailangan, magiging pantay-pantay ang mga tao. Kung sa panahon
ng pandemya at magbibigay ng ayuda ang pamahalaan, dapat bang pantay-
pantay ang matatanggap ng mayaman, may kaya (middle class), at
mahirap? Ano ang mangyayari kung lahat ay bibigyan ng pantay-pantay na
ayuda? Magiging pantay-pantay ba sila?
Sa pagkakataon na hindi mabigyan ng ayuda ang mga mayayaman, hindi
ibig sabihin na hindi sila mahalaga dahil wala sa pagmamay-ari ng mga bagay
ang halaga ng tao. Ang tao ay mahalaga may mga pagmamay-ari man siya o
wala. Kaya ang mga mahihirap ang binibigyan ng ayuda dahil ito ay patas at
upang maging pantay-pantay ang mga tao sa panahon ng pandemya. Sa
lipunang may mabuting ekonomiya, pantay-pantay ang lahat ng tao hindi
maraming mahirap at hindi may iilan na sobrang yaman.
Kailangan ng tao ng mga pagmamay-ari dahil makatutulong ito sa
kaniya upang mabuhay. Kailangan niya ng bahay, damit, mga kagamitan at
iba pa upang siya ay maayos na mabuhay. Kaya siya naghahanap-buhay ay
upang mabuhay. Hindi siya naghahanap-buhay para dumami ang kaniyang
pagmamay- ari. Hindi hinahangad ng tao ang magkaroon ng pagmamay-ari
upang ipagyabang sa kaniyang kapwa. Nakalulungkot lamang dahil may mga
tao na ganoon ang layunin sa paghahanap-buhay, ang ipagyabang ang
kanilang mga pagmamay-ari.
Ang ekonomiya ay mula sa salitang Griyego na “oikos” (bahay) at “nomos”
(pamamahala). Ang Lipunang Pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan
ang mga yaman ng bayan ayon sa angkop na pangangailangan ng mga tao.
Ang mabuting ekonomiya ay yaong nakatutulong sa indibidwal at sa buong
lipunan. Sa mabuting ekonomiya, may mga kapitalista na nagbubukas ng
negosyo na nagbibigay ng trabaho sa mga tao sa lipunan. Kung ang mga tao
sa lipunan ay may maayos na hanapbuhay, naaalagaan nila ang kanilang
kaniya-kaniyang pamilya. Kung nagiging maayos ang kalagayan ng lahat ng
pamilya, nagiging maayos ang lipunan.

Tayahin ang iyong pag-unawa:

1. Ano ang mga katangian ng mabuting ekonomiya?

2. Ano-ano ang maidudulot ng mabuting ekonomiya? Ipaliwanag.

3. Sino ang nararapat na mas nakararami sa lipunang may mabuting


ekonomiya, ang mahirap o mayaman? Ipaliwanag.

4. Paano makatutulong ang mabuting ekonomiya sa indibidwal? Sa


lipunan?

Paglalapat
Panuto: Magsaliksik ng mga bansa na may mabuting ekonomiya.
1. Bumuo ng pangkat na may 5-6 na miyembro.
2. Magsaliksik at pumili ng isang bansa na may mabuting
ekonomiya. Magbigay ng mga patunay.
3. Suriin ang mga dahilan ng pagkakaroon nila ng mabuting ekonomiya.
4. Tukuyin din ang mga pagpapahalaga na nangingibabaw sa mga
taong naninirahan sa bansang ito na maaaring nakatulong sa
pagbuti ng ekonomiya nila.
5. Ilagay sa word document, ilagay ang mga sanggunian at ipasa sa guro.
6. Pumili ng isang miyembro na magbabahagi ng nasaliksik
na impormasyon.

Kasunduan
Panuto:
1. Kapanayamin ang iyong magulang tungkol sa tamang pamamahala
o pag-budget sa sariling pamilya.
2. Maghanda ng 2 sariling tanong tungkol sa paksa.
3. Isulat ang sagot ng iyong magulang sa word document.
4. Lagyan ng pangalan, baitang, asignatura, petsa, pangalan ng magulang
at ipasa sa iyong guro.

Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig: 35-44.

You might also like