(savings)at pamumuhunan (investments) Ano ang Ikatlong Modelo? • Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalwang pangunahing sektor-ang sambahayan at bahay-kalakal. • Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay- kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap. • Dito pumapasok ang sambahayan,bahay kalakal at pamilihang pinansiyal/bangko. • Dito pumapasok ang pamilihang pinansyal o financial market. • Ito ay ang mga pinansyal na institution katulad ng bangko at kooperatiba Ano ang Sambahayan? • Sambahayan ang nag-iimpok ng Pera sa pamilihang pinansiyal. • Ang mga lokal na tao na nagkokonsyum sa mga produkto ng mga bahay-kalakal na siya ring magbabayad ng buwis na isang sangay na nakakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya. • Ang sambahayan ay nagtitipis o nagiimpok para sa kinabukasan. Ano ang Bahay-kalakal? • ang bahay kalakal ay mangungutang sa bangko o pamilihang pinansiyal ng Pera Na inimpok ng mga sambahayan. • lumilikha ng produkto. • Sa plano ng produksiyon maitatakda ng bahay kalakal ang uri at dami ng produkto na kakayaning malikha. • Maari rin mangutang ang bahay-kalakal sa mga pinansyal na institution para palaguin ang negosyo. • Ang mga produkto ay dumadaan muna sa proseso ng bahay- kalakal bago ito maibenta sa mga pamilihan. Ano ang pinansyal market ( Financial Market)? • Bukod sa pamimili ang paglikha ng produkto, ang pagiimpokat pamumuhunan ay nagiging mahahalagang gawaing pang- ekonomiya • Nagaganap ang nasabing gawain sa mga pamilihang pinansyal ( financial market). Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo
PAMILIHAN PARA SA SALIK NG PRODUKSIYON
• Ang mga pamilihan para sa salik ng
produksiyon ito ang tumutukoy sa isa sa mga aktor sa paikot daloy ng ekonomiya. • Dito namimili, umuupa, o gumagamit ang bahay- kalakal sa mga salik na produksiyon upang makagawa ng mga kalakal at serbisyo. COMMODITY O TAPOS NA PRODUKSIYON
• Ito ang binibili ng mamamayan o mamimili
upang mapunan ang kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pagkonsumo nito. • Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang bahagi ng natanggap na kita • Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na na impok (savings).ito ang inilalagak sa pamilihang pinansiyal kabilang sa naturang pamilihan ang mga bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop , at stock market. • Samantala sa pagtagal ng panahon hindi lamang pagtubo ang iniisip ng bahay-kalakal. Ninanais din itong mapalawak ang negosyo sa ibat-ibang panig ng bansa. • Maaring hindi sapat ang puhunan nito sa pagpapalawak ng negosyo. Ngunit maaring patuloy namang gaganda ang negosyo nito kung lalawak ang sakop ng produksyon.