You are on page 1of 2

UGNAYAN NG SEKTOR NG AGRIKULTURA AT INDUSTRIYA

Sa aspekto ng pag-uugnayan, ang sektor ng industriya at agrikultura ay may direktang pakinabang sa bawat isa.
Nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto ng industriya.
Ang mga sangkap na ito ay nagkakaroon ng transpormasyon, nadadagdagan ng halaga, at nag-iiba ng anyo ayon
sa magiging gamit at pakinabang dito. Ang dinadaanang proseso ay nangangahulugan ng maraming
pangangailangan tulad ng lakas-paggawa, iba’t ibang sangkap sa produksiyon at iba pa.

Sa kabilang banda, ang mga kagamitang ginagamit sa agrikultura tulad ng traktora, sasakyang pangisda, at iba
pa ay produktong mula sa industriya. Ginagamit ang mga ito upang magkaroon ng mas mataas na produksiyon
na magbibigay ng mas malaking kita sa namumuhunan at mas maraming produkto para sa mga mamimili. Ang
ugnayang ito ay nagpapakita ng lubos na pagtutulungan sa mga sektor ng ekonomiya.

Ang sektor ng industriya ay nakapagdudulot ng napakalaking kontribusyon sa ekonomiya. Sa bawat litro ng


pintura na magagawa, nangangailangan ito ng maraming kemikal na sangkap sa paggawa, lalagyang lata o
plastik, tatak, at iba pang impormasyong nakasulat dito, mga sasakyan na maghahatid sa pamilihan, kagamitan
na maghahalo, mag-filter, at mag-store sa produkto. Maliban pa dito, mangangailangan din ng koryente at tubig
upang mabuo ang mga ito. Gagamit ng mga serbisyong pinansyal, marketing, sales, at istratehiya upang
masigurong maibebenta ang mga produkto. Dahil dito, kung magiging malusog ang kapaligiran na akma sa
pagnenegosyo, ang sektor ng industriya ay maaaring maging tagapagpaandar ng ekonomiya (Batungbakal, 2011)
na magbibigay ng maraming hanapbuhay para sa mga Pilipino.

Sa usapin ng mga manggagawa, sinasalo ng sektor ng industriya ang mga mamamayang iniwan ang gawaing
pang-agrikultura dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Maaaring ang dahilan ay ayon sa sumusunod:
•Nakikipagsapalaran sila sa kalunsuran o sa lokasyon na may sonang industriyal upang maging mga
manggagawa sa mga pabrika;
•Unti-unting nauubos ang mga lupaing tinatamnan dahil ginagamit bilang residensiyal, industriyal, o
panturismo. Dahil dito, limitado na ang mapagkakakitaan ng mga mamamayang nabibilang dito;
•Malawakang pagpalit-gamit ng lupa o (mula lupang agrikultural patungong residensiyal,);
•Usaping pangkapayapaan;
•Laganap na pangangamkam ng lupa (land grabbing);
•Mababang kita sa sektor ng agrikultura;
•Mataas na gastusin sa sektor ng agrikultura;
•Paglisan sa lupang sakahan bunga ng natural na kalamidad;
•Kombinasyon ng mga nabanggit.

MGA PATAKARAN AT PROGRAMA UPANG MAPAUNLAD ANG SEKTOR NG INDUSTRIYA AT


PANGANGALAKAL

“In 2009, the Philippines ranked 43rd out of 57 countries and last among five ASEAN members; next to last in
infrastructure; and 51st in economic performance in the IMD Global Competitiveness Report; and placed 139th
out of 180 countries (6th among the ASEAN-6) in the Transparency International’s Corruption Perception Index.
In 2010, the country ranked 144th among 183 countries and also last among the ASEAN-6 in the International
Finance Corporation/ World Bank’s (IFC/WB)” – National Development Authority

Batay sa mga impormasyong ito, ang pamahalaan ay bumuo ng Philippine Development Plan 2011-2016 bilang
pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Sa nasabing plano, ang sumusunod na aspekto ay tututukan: (a) mas
maayos at akmang kondisyon sa pagnenegosyo, (b) mataas na produktibidad at maayos na paggawa; at (c) mas
mabuting kalagayan para sa mga mamimili

Inaasahang may pagbabago sa patakaran sa mga sumusunod:

•Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of 1987
upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng
Board of Investment (BOI)
•Pagpapatibay sa anti-trust/competition law upang malabanan ang mga gawaing hindi patas pagdating
sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga opisyal ng mga
kompanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo.
•Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas. Ito ay bilang suporta sa patas na pakikipagkalakan
at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa. Pagsisiguro din ito na ang Pilipinas ay
makasusunod sa pandaigdigang pamantayan pagdating sa panuntunan ng custom batay sa naging
komitment ng bansa sa Kyoto Convention.
•Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay magiging kaaya-
aya sa pagnenegosyo.
•Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang mga R and D na
isinasagawa batay sa RA 8424. Ito ay may layuning mahikayat ang mga pribadong sektor na magkaroon
ng inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at mapalakas ang pagsasagawa ng R and D para
sa kapakinabangan ng lahat
•Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksiyon sa mga negosyante na ang produkto ay
mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang kamay
•Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang suporta sa pagpapalawig at
pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho

Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan:

•Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang ng industriya sa


pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor, upang
magamit nang husto ang mga likas na yaman.
•Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng industriya.
•Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro ang kalidad sa pamamagitan ng
training at opportunity building.
•Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo (fiscal and nonfiscal) at manguna sa
paglulunsad ng promosyon ng mga produktong industriyal sa ibang bansa.
•Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa bunga ng katanggap-tanggap na
kapaligiran sa pagnenegosyo.
•Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang pribadong sektor, upang
mapalawak pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino sa iba’t ibang dako ng bansa.

Makikita rin ang layunin ng pamahalaan na maisaayos ang kalagayan sa mga sekondaryang sektor ng
industriya:

•Ang sekondaryang sektor na electronics ay kinikilala bilang pangunahing tagapagpakilos ng


ekonomiya. Upang masiguro ang pagkilala sa mga produktong ito na mula sa Pilipinas, ang
pagkakaroon ng brand. Dapat ding makaakit ng mga negosyanteng maaaring ang pokus ay iba pang
larawan na malaki ang demand tulad ng paggawa ng mga gadyet na patuloy na lumalaki ang
pangangailangan sa buong mundo.
•Sa tantiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), maaaring nasa siyam (9) na milyong ektarya sa
bansa ang posibleng may metallic na mineral. Dahil sa malaking potensiyal nito, ang pamahalaan
ay naglalayong mapabuti pa ang sekondaryang sektor na ito ng industriya. Nais na mapalakas ang
kakayahan nito na makabuo ng mga tapos na produkto mula sa mga hilaw na sangkap at maipagbili sa
dayuhang pamilihan. Habang nagnanais ang pamahalaan na mapabuti ang kontribusyon ng
pagmimina, hinahangad ding mapasunod ang lahat sa polisiya tungkol sa matalinong paggamit ng
ating likas na yaman. Ito ay pagsisiguro na magiging responsable ang bawat isa sa paggamit ng mga
yamang mayroon ang bansa habang nagkakamit ng kaunlaran.
•Ang patuloy na pagsasaayos ng impraestrektura ng bansa ay inaasahang magiging isa sa mga
prayoridad ng pamahalaan. Ang pagsasaayos ng mga kalsada, tulay, pagtatayo ng mga bagong
paliparan at daungan, at iba pa ay isang patunay kung gaano kaseryoso ang pamahalaan sa
pagpapatatag ng ekonomiya.
•Ang patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng mga insentibo ay magsisiguro upang ang iba pang mga
nakapaloob na gawain sa sektor ng industriya tulad ng homestyle products; pag-aalahas; motor vehicle
parts and components; tela; konstruksiyon at kaakibat na materyales, at iba pa ay magiging matibay na
sandigan ng ekonomiya. Ang mga polisiya ng bansa at pagbuo ng pangalan at kalidad sa mga
produktong mula sa bansa ay isang malaking hamon upang masiguro ang kakayahan ng industriyang
makipagkompetensiya sa mga bansang nangunguna sa kalakalang panlabas.

You might also like