You are on page 1of 62

ARALIN 2

MGA ISYU SA PAGGAWA


ANG GLOBALISASYON AT ANG MGA ISYU SA PAGGAWA
 ANG GLOBALISASYON AT ANG MGA ISYU SA PAGGAWA

⚫ANO NGA BA ANG GLOBALISASYON SA PAGGAWA?

Ang Globalisasyon sa paggawa ay proseso ng


pagpapalit ng mga lokal na industriya at negosyo sa
isang mas global na konteksto. Ito ay madalas na
kaugnay sa paglipat ng produksyon sa ibang bansa
ng produksyon.
ANG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO AY
HUMAHARAP SA IBA'T IBANG ANYO NG
SULIRANIN AT HAMON SA PAGGAWA TULAD NG:

 Mababang pasahod
 Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya

 Job-mismatch bunga ng mga job-skills mismatch

 Kontraktuwalisasyon sa paggawa

 Mura at flexible labor


ILAN SA MARAMING NAIDULOT NG GLOBALISASYON
SA PAGGAWA AY ANG MGA SUMUSUNOD:

✓Una, demand ng bansa para sa iba't ibang


kayahan o kasanayan sa paggawa ng globally
standard.

✓Pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon Ang mga


lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang
pamilihan.
✓Pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at
mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba't
ibang gadget, computer/IT programs, complex machines
at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
✓Pang-apat, dahil sa mura at
mababa ang labor o pasahod sa mga
manggagawa kaya't madali lang sa
mga namumuhunan na magpresyo
ng mura o mababa laban sa mga
dayuhang produkto o mahal na
serbisyo at pareho ang kalidad sa
mga produktong lokal.
 Kakayahan na Makaangkop sa Globally Standard na
Paggawa

*Hamon ng globalisayon ang pagpasok ng Pilipinas sa


mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya,integrasyon
ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-
lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade
Organization o WTO. Bunga nito ay Binuksan ang
pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig.

Bunsod sa tumataas na demand para sa globally standard


na paggawa na naangkop sa mga kasanayan para sa ika-21
na siglo.Ito ay ang Media and Technology Skills, Leaming
and Innovation Skills, Communication Skills at Life and
Career Skills.
Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan
sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon
sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior
High School.

Sasanayin ang mga mag-aaral sa mga kasanayang


pang-ika-21 siglo upang maging globally competitive
na naabatay sa balangkas ng Philippine
Qualifications Framework - ang basic Education,
Technological- Vocational Education at Higher
Education (DepED 2012).
Dahil sa mataas na English Proficiency ng mga
manggagawang Pilipino patuloy ang pag-angat ng
Pilipinas sa larangan ng Business Process
Outsourcing.

Ang Pilipinas nag nangungunang bansa sa rehiyon


ng Asya sa larangan ng non-IT BPO Ito ang Sistema
ng pagkuha ng serbisyo ng pribadong kompanya na
ang kanilang tanggapan ay nasa ibang bansa at
pagkuha ng mga call center agent sa bansa upang
magtrabaho.
Gagampanan ng mga agent na ito ang iilang
aspeto ng operasiyon na naa Pilipinas upang
tugunan ang pangangailangan ng kanilang
kliyenteng kompanya na nakabase pa rin sa
ibang bansa.
Y
Ayon sa ulat ng Department of Labor and
Employment (DOLE, 2016)upang matiyak ang
kaunlarang pang-ekonomiya sa bansa
kailangang iangat ang antas ng kalagayan
ng manggagawang Pilipimo tungo sa isang
disenteng paggawa (decent work).
Apat na Haligi para sa Isang Disente at
Marangal na Paggawa.

Employment Pillar - Tiyakin ang paglikha ng mga


sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad
sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga
manggawa

Worker's Rights Pillar - Naglalayong palakasin at


siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa
at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa.
Social Protection Pillar - Hikayatin ang mga
kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa
paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa
proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap
na pasahod, at oportunidad.

Social Dialogue Pillar - Palakasin ang laging


bukas na - pagpupulong sa pagitan ng
pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya
sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective
bargaining unit.
KALAGAYAN NG MGA
MANGGAGAWA SA
IBA'T IBANG SEKTOR
A. SEKTOR NG AGRIKULTURA

Lubusang naapektuhan ang mga lokal na


magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang
mga dayuhang produkto sa bansa.

Ang pagpasok ng bansa at ng mga nakalipas na


administrasyon sa mga usapin at kasunduan sa
GATT, WTO, IMF-WB, at iba pang pandaigdigang
inistitusyong pinansyal ay lalong nagpalumpo sa
mga lokal na magsasaka bunsod ng pagpasok ng
mga lokal na produkto na naibebenta sa lokal na
pamilihan ng mas mura kumpara sa mga lokal na
produktong agrikultura.
Ilan sa mga suliraning kinakaharap ng mga lokal
na magsasaka ay ang:

⚫suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na ayuda


lalo na kapag may mga nananalasang sakuna sa
bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at iba pa.

⚫pagkonbert ng mga lupang sakahan upang


patayuan ng mga subdibisyon malls, at iba
pang gusaling pangkomersiyo para sa mga
pabrika, pagawaan bagsakan ng mga produkto
mula sa TNCS.
⚫patuloy na pagliit ng lupaing agrikultural at
pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan.
Nagbunga ng mga kagubatan, kakulangan sa mga
sakahan. Dumagsa ang mga nawalan ng
hanapbuhay sa mga pook rural, nawasak ang mga
mabubuting lupa na mainam sa taniman.
B. SEKTOR NG INDUSTRIYA
Lubusan ding naapektuhan ng mga TNCs
at iba pang dayuhang kompanya ang
sektor ng industriya bunsod din ng mga
naging kasunduan ng pilipinas sa ibat
ibang pandaigdigang institusyong
pinansyal.katulad ng mga imposisyon ng
IMF-WB binlang isa sa mga kondisyon ng
pagpapautang nila sa bansa.
Pagbubukas ng pamilihan ng deregularisasyon sa
mga polisiya ng estado.at pag sasapribado ng mga
pampublikong serbisyo. Isa sa mga halimbawa ng
industriya na naapektuhan ng globalisasyon ay ang
malayang pagpapasok ng mga kompanya at
mamumuhunan sa industriya na naapektuhan ng
Globalisasyon, telecommunikasyon, beverages,
mining at enerhiya na kung saan karamihan sa mga
kaugnay na industriya ay pagmamay-ari ng ibang
bansa.
Bunsod nito ang mga pamantayang pangkasanayan
at kakayahan, pagpili, pagtanggap,at pagsahod sa
mga manggagawa ay naayon sa kanilang mga
pamantayan at polisiya.
Kaakibat nito ang iba't ibang anyo ng pang-
aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad
ng mahabang oras ng pagpasok sa trabaho,
mababang sahod, hindi pantay na oportunidad sa
pagpili ng mga empleyado, kawalan ng sapat na
seguridad para sa mga manggagawa tulad ng
mga minahan, konstruksiyon, at planta na nag
poprodyus ng lakas elekrisidad na kung saan may
mga manggagawa na naaaksidente o nasasawi.
C. SEKTOR NG SERBISYO
Mahalaga Ang sektor ng serbisyo sa
daloy ng kalakalan nang Bansa dahil
tinitiyak nito na makakarating sa mga
mamimili Ang mga producto sa Bansa.

Kaalinsabay nito Ang iba't iBang


suliranin, bunsod ng globalisasyon sa
pamamagitan ng patakaran
liberalisasyon ng pamahalaan o Ang
pagpasok ng bansa sa mga dayuhan.
Kung binobuksan ng Malaya Ang
kalakalan ng bansa sa mga
produkto at serbisyo Mula sa
TNCs, nalilimitahan Ang bilang
ng kalakal at serbisyo na gawa
ng Pilipino sa pandaigdigan
kalakalan.
(NEDA) NATIONAL ECONOMIC
DEVELOPMENT AUTHORITY, 2016
mahigit 56.3 bahagda ng bilang ng
mga manggagawa sa bansa ay
kabilang sa sektor ng serbisyo.

Kagawarang ito Ang panaglan nang


pamahalaan ng higit na prioridad sa
pagpapalago ng sektor sa
pamamagitan ng pagpapatuloy na pag-
eenganyo sa mga dayuhang kompanya
na magpasok ng mga negosyo sa bansa.
(APEC) ASAI PASIFIC ECONOMY
SUMIT, naganap sa bansa na Ang mga
manggagawa Pilipino sa sektor ng
serbisyo Ang patuloy na tumutulong
sa pag-angat ng ekonomiya sa bansa.

APEC (2016)- ito Ang bunga ng isinagawang


pagtataya,kinikilala Ang "emerging and
developing countries sa asya dahil sa pagyabong
ng sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi
nito ay Ang mababang pasahod sa mga
manggagawa Pilipino,malayang patakaran ng mga
tax incentive
OVERWORKED -ang samit-suliranin TOPO-
hindi normal na Oras ng pagtatrabaho.

(SMEs)-small medium enterpresis


Malaking kompanya o super mall maliit o
mikri kompanya.

Ito Ang kampetisyon na kung saan sila


ay may kalamanga sa lagitic puhunan
at resources.
ISKEMANG
SUBCONTRACTING
Bunsod din ng globalisasyon mas naging mabilis
ang pagdating ng mga dayuhang namumuhunan na
mas pinatingkad naman ng kumpetisyon sa hanay
ng mga dayuhan at lokal na kompanya at
korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat
ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa at
hindi na naiwasang mapalaganap ang iskemang
subcontracting sa paggawa sa bansa na naging
malaking hamon sa pagpapaangat ng antas ng
pamumuhay ng uring manggagawa.
Iskemang subcontracting

➤ tumutukoy sa kaayusan sa
paggawa kung saan ang kompanya
(principal) ay komukontrata ng isang
ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang
trabaho o serbisyo sa isang takdang
panahon.
Dalawang anyo ng subcontracting:

1.) LABOR-ONLY CONTRACTING ang


subcontractor ay walang sapat na
puhunan upang gawin ang trabaho O
serbisyo at ang pinasok niyang
manggagawa ay may direktang
kinalaman sa mga gawain ng
kompaya
2.) JOB-CONTRACTING - ang
subcontrator ay may sapat na puhunan
para maisagawa ang trabaho at mga
gawain ng mga manggagawang
ipinasok ng subcontractor.
UNEMPLOYMENT & UNDEREMPLOYMENT

May mataas na demand para sa globally


standard na paggawa, at pagtugon na
isinasagawa ng ating pamahalaan
tungkol sa hamon ng globalisasyon sa
paggawa.
Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang
lumalabas ng bansa taon-taon. Ayon sa pagtataya ang
kabuuan ng OFW ay umaabot na sa 8 milyon. Dahil sa
kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho, naging
patakaran na ng gobyerno ang pagluluwas ng paggawa
(labor) simula dekada 70. Sa katunayan, ang OFW na
ngayon ang tinagurian na bagong bayani dahil sa kitang
ipinapasok nito sa bansa na dahilan kung bakit hindi
sumasadsad ang ekonomiya kahit pa dumaan ito sa
matitinding krisis pampolitika't pang-ekonomiya.
Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa ay ang paglaki
ng bilang ng mga job-mismatch dahil sa hindi
nakakasabay ang mga college graduate sa demand na
kasanayan at kakayahan na entry requirement ng mga
kompanya sa bansa.

Ang patuloy na paglaki ng bilang ng job-skills mismatch


sa bansa ay maituturing ng krisis batay na rin sa ulat ng
DOLE (2016), ipinapakita sa kanilang records na mula sa
4.23 milyong bakanteng trabaho sa loob at labas ng
bansa na binuksan sa mga job fair ng DOLE para sa mga
manggagawang Pilipino ng taong 2014 at 2015, umabot
lamang sa 391,000 na mga aplikante ang natanggap
agad sa iba't ibang posisyon mula sa 1.29 milyon na
aplikante.
Ang pinakamalaki bahaghan ng mga manggagawa
na sinasabing vulnerable ay nasa sektor ng
agrikultura. Samantala, ang isang malaking bahagi
pa nito ay ang mga mala-manggagawa sa
kalunsuran na ang hanapbuhay ay para-paraan gaya
ng paglalako o ambulant vendor at sidewalk vendor.
Batay sa klasipikasyon ng gobyerno, ang 22
milyon na hindi bahagi ng Labor Force
Participation Rate o LFPR ay ang mga taong
may edad 15 pataas na may kakayahan nang
magtrabaho ngunit hindi pa aktuwal na
lumalahok sa produksiyon o naghahanap ng
trabaho. Ang pinakamalaking bilang nito ay
ang mga estudyante, mga full time mother at
mga taong umano'y tumigil na o nawalan na ng
sigla sa paghahanap ng trabaho (discouraged
workers).
Samantala, ang mga full-time mother naman ang
gumaganap sa halos lahat ng mga gawaing-
bahay tulad ng paglalaba, pamamalantsa,
pagluluto at paglilinis ng bahay. Nag-aalaga rin
siya ng kaniyang mga anak at nag-aasikaso sa
mga pangangailangan ng asawa.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority,


ang unemployment rate at underemployment
sa bansa ay bumaba sa 4.7%, ang
pinakamababa sa loob ng tatlong taon.
Pinapahiwatig ng ulat na ito na ang
underemployment sa bansa ay laganap sa
mahihirap na rehiyon o sa mga rehiyon na
ang pangunahing hanapbuhay ay
agrikultural. Tinataya na maraming
nagtatrabaho na underemployed. Sila ang
manggagawa na nangangailangan pa ng
karagdagang oras sa pagtatrabaho o
dagdag pang hanapbuhay o bagong
hanapbuhay na may mahabang oras na
pagtatrabaho.
Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa
mga ganitong uri ng manggagawa upang
maging katanggap- tangap sila gayundin sa
mamamayan, tinatawag ito ngayong
homebase enterpreneurship, small business,
project contract, business outsourcing,
business networking sa mga ahente ng
seguro, halimbawa nito ay ang mga
produktong surplus (imported) mula sa mga
kapitalistang bansa.
Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng
globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na
pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang
pamilihan. Dahil dito, nagbago ang mga
kakailanganing kasanayan at salik sa
produksiyon. Iniaangkop ang kasalukuyang
kurikulum para sa demand ng globally
standard na paggawa.
Bunga naman nito malayang naipatutupad
ng mga kapitalista o mamumuhunan ang
iskemang kontraktuwalisasiyon para ibaba
ang gastos sa paggawa, alisin ang
anumang proteksiyon at ang tuwirang
responsibilidad nito sa manggagawa.
Laganap ang kalakaran ng mga
manggagawang kontraktuwal o naempleyo
sa pamamagitan ng ahensya.
Mura at Flexible Labor
-Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o
mamumuhunan upang palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pagpapasahod
at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa. Isang paraan upang makaiwas
ang patuloy na krisis dulot ng labis na
produksiyon at kapital na nararanasan ng
iba't ibang mga bansa.
-Paraan upang makaiwas ang patuloy na krisis
dulot ng labis na produksiyon at kapital na
nararanasan ng iba't ibang mga bansa.

⚫ Presidential Decree(PD)442 o labor code


- pinagtibay ito sa panahon ng
Rehiming Marcos
- pinagtibay ito bilang patakarang
pinaghanguan ng
flexible labor.
Ito ay ang mga isinabatas:

Investment Incentive Act of 1967


- para ilunsad ang
malayang kalakalan sa ilalim ng
pataharang neo-liberal.

RA 5490-para itayo ang Bataan Export


Processing Zone(BEPZ) at iba pang
Economic Processing Zone(EPZ)
bilang show case ng malayang kalakalan.
Corazon C. Aquino-sa kanyang
administration ay isinabatas ang Omnibus
Investment Act of 1987 at Foreign
Investment Act of 1991 batas na
nagpapatibay sa mga patakarang neo-liberal.

Sinusugan noong Marso 2,1989 ang labor


Code(PD 442) ni dating pangulong Marcos na
kilala ngayong RA 6715(Herreralaw) na
isinulong ni dating Senator Ernesto Herrera.
Ang gobyerno ay sinusunod ang mga
patakarang magpapalakas ng flexible
labor gaya ng Department Order No.10 ng
Department of labor and
Employment(DOLE) sa panahon ng
Administrasyong Ramos at Department
Order 1802 ng DOLE sa panahon paraan ng
Administrasyong Arroyo.
Department Order No.10
- probisyong maaaring ipakontrata ang mga
trabahong hindi kayang gampanan ng mga
regular na manggagawa
-Ito ay binalsa sa ilalim ng Department Order
1803

Department Order 1803


- Isinaad dito ang pagbabawal ng
pagpapakontrata ng mga trabaho.
EPEKTO NG
KONTRAKTUWALISASYO SA
MGA MANGGAGAWA
Noong taong 1992 wla pa Ang department
order NO. 10 at 1802 Ng DOLE, may 73%
nang pagawaan sa bansa ang gumagawa
ng ibat ibang flexible working
arrangements, ayon sa international labor
Organization o ILO.

Sa taong 1992 at 1997, sa sektor ng


industriya pa lamang sa bawat isang
manggagawang regular na nakaempleyo
Limang konktuwal/kaswal.
1999 ay may 90% sa mga kompanyang
elektroniks Ang nag-eempleyo ang mga
kontimporaryong manggagawa dahil nagbabago-
bago ang mga job orders o purchase order ng
kanilang kalakal , at bumaba ang halaga ng
kanilang produkto sa pandaigdigang pamilya.

May 83% ng mga kompanya ang nag-empleyo ng


mga kaswal at kontraktuwal upang maiwan ang
pagkaroon ng unyon sa mga manggagawa noon.
Hindi naging maganda ang kalagayan ng
mga manggagawang kontraktuwal/kaswal.

Hindi Sila binabayaran ng karapatang sahod at


mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa
ng mga manggagawang regular.

Maiwansan ng mga kapitalista naging ang


pagbabayad ng separation pay, SSS,
Philhealth at iba pa.
Collective Bargaining Agreement (CBA)
Ayon sa CBA hindi nila natatamasa ang
mga benepisyong dahil hindi Sila kasama sa
bargaining unit.

Hindi rin Sila maaaring sumampa o bumuo


ng unyon dahil walang katiyakan Ang
kanilang security of tenure.
Department Order - A ng Dole tarong 2011
ay naghayag ng patakaran ng
pamahalaan laban sa pagpapakontrata.
Hinigpitan ang probisyo ng
pagpapakontrata,pinatingkangkad
(highlighted ) Ang usapin Ng karapatan ng
mga manggagawang kontraktuwal , at iba
pang karapatang tinatamasa ng mga
regular na manggagawa.
Pagbangon ng mga Mangagawa
at ang Kilusang Manggagawa
Kailangan din ng mga manggagawa ng
isang maksuring pagkakaisa at
determinasyon upang sulong ang
kanilang mga karapatan.
Kung ang mga kapitalista ay mulat sa
kalakaran na maging dating bawal sa
kontraktiwalasyon ay ligal na. Kailangan
maging mulat bilang uri at maging alerto
ang mga manggagawa para magapi ang
patakarang mura at flexible labor.
Kailangan ng pagkakaisa ng hanay ng mga
manggagawa tungo sa isang marangal na
trabaho para sa lahat.
Pag-corganisa ng hanay ng mga manggagawa
nang walang itinatangi-regular man o hindi,
kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho man
o wala, dapat isulong ang mga isyung magiging
kapaki pakinabang sa uring manggagawa.
Mas paigtingin ang pag- oorganisa at
pagpapakilos sa mga manggagawa sa bago
at mahirap na kalagayan.

Pagsulong sa ilang probisyon ng DO 18-A, na


angkop para maisagawa ang bagong kaayusan
sa paggawa.
Sa kabilang banda, hindi maitaas ang suweldo, hindi
maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan
ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa sapagkat
mahihirapan ang mga namumuhunan, negosyante at may-ari ng
Transnational Corporations (TNCs) na ipagkaloob ang mga ito
dahil sa patakarang umiiral sa ilang bansa na kakompetensiya
ng sariling bansa sa produksiyon, katulad ng China na may
mataas na demand ng pangangailangan ng mga pamumuhunan
dahil sa mababa, mura at flexible labor.
Mga Karapatan ng mga
Manggagawa ayon sa
International Labor Organization
(ILO)
⚫ ang mga manggagawa ay may karapatang
sumali sa mga unyon na malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at
tagapangasiwa

⚫ ang mga manggagawa ay may


karapatang makipag kasundo bilang
bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
⚫ bawal ang lahat ng mga anyo ng
sapilitang trabaho, lalo na ang
mapangaliping trabaho at trabahong
pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal
ang trabaho bungang ng pamimilit o
'duress'.
⚫ bawal ang mabibigat na anyo ng
trabahong pangkabataan.
Samakatwi'd mayroong minimong
edad at mga kalagayang
pangtatrabaho para sa mga
kabataan.
⚫ ang mga kalagayan ng pagtatrabaho
ay dapat walang panganib at ligtas sa
mga manggagawa. Pati kapaligiran at
oras ng pagtatrabaho ay dapat walang
panganib at ligtas.
⚫ ang suweldo ng manggagawa ay
sapat at karapatdapat para sa
makataong pamumuhay.

You might also like