Professional Documents
Culture Documents
Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba't ibang larangan
dulot ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba't ibang oportunidad
na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Sa
unang aralin ng modyul na ito ay nabatid mo ang naging impact ng globalisasyon sa
bansa sa pagbabago sa kaisipan at perspektiba ng mga mamamayan tungkol sa
pandaigdig na komunidad at pangangailangan ng bawat bansa. Natunghayan mo
rin sa unang aralin ang iba't ibang anyo ng globisasyon tulad ng globalisasyong
ekonomiko, teknolohikal, at sosyo-kultural.
Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng
bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga
isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus
patuloy pang lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa.
Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak
ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan
ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng pagggwa (decent work)
na naglalayong na magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anumang
ang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa. Matutunghayan
Social Protection Pillar Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot
sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa,
katanggap- tanggap na pasahod, at oportunidad.
A. Sektor ng Agrikultura
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga
lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang
produkto sa pamilihang lokal.
C. Sektor ng Serbisyo
Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito
na makakarating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Kaalinsabay nito
ang iba't ibang suliranin, bunsod ng globalisasyon sa pamamagitan ng patakarang
liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhan kasunduan
na kung binubuksan ng malaya ang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya
o TNCs kaya't sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa TNCS nalilimitahan
ang bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa kalakalan
Ayonandaladigan kalakadnal Economic Development Authority
(NEDA) a sarda 2610 Nigit 56.3 bahagdan ng berbisyo ka manggagawa sa bansa ay
kabilang sa sektor ng serbisyo, kaya't iminumungkahi ng kagawarang ito ang
paglalaan ng pamahalaan ng higit na prioridad sa pagpapalago ng sektor sa
pamamagitan ng kaniloy na pag-eenganyo sa mga dayuhang kompanya na
magpasok ng mga negosyo sa bansa dahil ayon na rin sa pagtataya sa 2016 Asia-
Pacific Economic Cooperation Summit na naganap sa bansa na ang mga
manggagawang Pilipino sa sektor ng serbisyo ang patuloy na tumutulong sa pag-
angat ng ekonomiya ng bansa.
Bunga ng isinagawang patataya ng APEC (2016) ay kinikilala ang Pilipinas bilang isa
sa "emerging and developing countries" sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng
serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi nito ay ang mababang pasahod sa mga
manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga mamumuhunan, tax
incentives. Ngunit kaakibat nito ang samu't saring suliranin tulad ng over-worked,
mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa
sa BРО dahil na rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho. Patuloy na pagbaba
ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterpirses (SMEs) sa bansa dahil pinasok
na rin ng mga malalaking kompanya o supermalls ang maliliit o mikro-kompanyang
ito sa kompetisyon na kung saan sila ay may kalamangan sa logistics, puhunan, at
resources (NEDA report, 2016).
Iskemang Subcontracting
Bunsod din ng globalisasyon mas naging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang
namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kumpetisyon sa hanay ng mga
dayuhan at lokal na kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat
ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa at hindi na naiwasang mapalaganap
ang iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa na naging malaking hamon sa
pagpapaangat ng antas ng pamumuhay ng uring manggagawa. Matutunghayan sa
Talahanayan 2.3 ang kabuuan ng mga manggagawa na nasa kategoryang non-
regular o mga manggagawang di-regular o kontraktuwal. Mapapansin din sa
talahanayan ang patuloy na paglago ng bilang mga uring manggagawa na di-regular
o nasa ilalim ng iskemang ito.
Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang lumalabas ng bansa taon-taon.
Ayon sa pagtataya umaabot na sa 8 milyon ang kabuuang OFW. Dahil sa kawalan ng
oportunidad at marangal na trabaho, naging patakaran na ng gobyerno ang
pagluluwas ng paggawa (labor) simula dekada 70. Mabilis na lumalaki ang bilang ng
Pilipinong nangingibang bayan para magtrabaho. Sa katunayan, ang OFW na
ngayon ang tinagurian na bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nito sa bansa na
dahilan kung bakit hindi sumasadsad ang ekonomiya kahit pa dumaan ito sa
matitinding krisis pampolitika't pang-ekonomiya. Ito rin ang isa sa mahahalagang
indicator ng papalaking pag-asa ng bansa sa panlabas na salik sa halip na sa
panloob na mga kondisyon ng patuloy na paggulong ng ekonomiya
Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng bansa taon-taon ay nasa 687,000 ayon
sa Philippine Labor Employment Plan (PLEP 2016). Hindi makasasapat kahit
ikumpara sa mga bagong pasok na puwersa sa paggawa na umaabot mula sa 1.3
milyon hanggang 1.5 milyon.
Ayon sa ulat ng isang grupo ng mga manggagawa, tinataya na aabot sa 1.2 milyon
na college at vocation graduates ng nagdaang taon (2016) ang mahihirapan sa
pagkuha ng mga trabaho dahil sa patuloy na mismatch sa kanilang kasanayan at
kakayahan mula sa kanilang tinapos na kurso sa kakailanganing kasanayan at
kakayahan na hinihingi ng mga employer sa bansa at sa labas ng bansa (TUCP,
2016).
Dagdag pa sa ulat ng DOLE (2016), ayon sa kanilang Labor Market Information para
sa taong 2013 hanggang 2020 tinataya na aabot sa 275 na iba't ibang trabaho ang
kinilala ng kanilang kagawaran na hard to fill o mga trabaho na mahirap punan
mula sa mga major at emerging industries. Halimbawa ng mga nito ay ang 2-D
digital animator, agricultural designer, clean-up artist, cosmetic dentist, cosmetic
surgeon, cuisine chef, multi-lingual tour guide, at mechatronics engineer.
Hindi rin maikukubli ang katotohanang maraming estudyante lalo na yaong nasa
kolehiyo ay aktuwal nang nagtatrabaho (PLEP, 2011- 2016). May kalakihang bilang
sa hanay nila ang working student para tustusan at patapusin ang sarili sa pag-
aaral. Samantala, ang halos lahat ay dumadaan sa anim na buwan hanggang isang
taong OJT o Internship bilang bahagi ng kurikulum ng mga paaralan.
Samantala, ang mga full-time mother naman ang gumaganap sa halos lahat ng mga
gawaing-bahay tulad ng paglalaba, pamamalantsa, pagluluto at paglilinis ng bahay.
Nag-aalaga rin siya ng kaniyang mga anak at nag-aasikaso sa mga pangangailangan
ng asawa. Maliban dito, siya ang kalimitang nagtuturo sa mga anak na nag-aaral,
gayundin ang nagbabadyet sa mga gastusin sa bahay at gumawa ng paraan upang
pagkasyahin ang badyet para sa pamilya.
GROUP 3