You are on page 1of 5

MODYUL 2: MGA ISYU SA PAGGAWA

Gawain 1: Balik – Aral

Batay sa inyong mga natutunan sa nakalipas na aralin, paanong


nakakaapekto ang globalisasyon sa ating pang-araw araw na
pamumuhay?

Gawain 2: Layunin

1. Nailalahad ang mga isyu sa paggawa sa bansa bunga ng


globalisasyon;

2. Nasusuri ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino sa


iba’t ibang sector.

Gawain 3: Pakinggan Mo!


Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa

Kasabay nang mabilis na pagbabagong dulot ng globalisasyon ay


ang hamon sa pamahalaan kung paano matutugunan ang mga
suliraning kaakibat nito. Mabilis na pagbabago, mabilis din na
pagkilos ang inaasahan sa iba’t ibang aspeto ng lipunan. Kung
hindi ito makasasabay, mas magiging malala ang maidudulot na
suliranin lalo na sa larangan ng paggawa.

Kalagayan ng Paggawa sa Bansa

Dahil sa globalisasyon, nahikayat nito ang mga dayuhang


pagnenegosyo sa bansa na nagdulot ng iba’t - ibang isyu sa
paggawa.

Ilan sa mga suliranin na kinakaharap ng mga


manggagawang Pilipino sa kasalukuyan ay ang mga:

 mababang pasahod

 kawalan ng seguridad sa kompanyang pinapasukan

 job-mismatch/job skills mismatch

 kontraktuwalisasyon

 mura at flexible labor

 mahirap na kalagayan ng mga manggagawa sa panahon ng

pandemya (COVID-19)
KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG SEKTOR

A. SEKTOR NG AGRIKULTURA

Malaki ang naging epekto ng pagdagsa ng mga dayuhang


produkto sa mga lokal na magsasaka dahil sa mas mababa nitong
presyo dulot ng mga insentibong ibinigay ng pamahalaan sa mga
dayuhang kompanya.
Mga suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka:

a. kakulangan sa patubig

b. suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa panahon ng sakuna


(bagyo, tagtuyot, pandemya)

c. pagsalin ng mga lupang sakahan (land conversion) upang gawing


subdibisyon, malls, pabrika at iba pa na nagdulot ng:

1. pagliit ng lupaing agrikultural


2. pagkawasak ng kabundukan at kagubatan
3. pagkasira ng biodiversity
4. pagkawala ng hanapbuhay sa mga pook rural

B. SEKTOR NG INDUSTRIYA

Bahagi ng naging kasunduan sa pagitan ng International


Monetary Fund – World Bank (IMF-WB) na isang pandaigdigang
institusyong pinansyal at ng Pilipinas kung saan naging kapalit ng
kanilang pagpapautang sa bansa ay ang pagbubukas ng ating
pamilihan at industriya sa mga dayuhang kumpanya.
Kaalinsabay nito ang pagkakaroon ng pag-abuso sa karapatan ng mga
manggagawa tulad ng:

a. mahabang oras ng pagpasok sa trabaho

b. mababang pasahod

c. hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado


d. kawalan ng sapat na seguridad kung may maaksidente o masawi

C. SEKTOR NG SERBISYO

Ang patuloy na pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa


(APEC 2016) ay nangangailangan ng higit na prayoridad mula sa
pamahalaan kung paano matutugunan ang kapakanan ng mga
manggagawa sa sektor ng serbisyo upang makatulong sa paglago
ng ekonomiya ng bansa.
Maliban sa mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino, sila ay
nakararanas din ng iba’t ibang suliranin tulad ng:

a. over-worked

b. mga sakit na nakukuha ng mga nasa BPO dahil sa hindi normal na oras ng
pagtatrabaho

c. patuloy na pagbaba ng bilang ng mga Small Medium Enterprises (SMEs)


dahil sa pagpasok ng mga supermalls

Mga kinakailangang pagbabago sa larangan ng paggawa sa bansa


bunsod ng globalisasyon:

WTO ( World Trade Organization) - isang pandaigdigang


organisasyon sa pakikipagkalakalan na nagtatakda ng mga
pamantayang global sa iba’t ibang kasanayan at kakayahan sa
paggawa

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga kasanayang


lilinangin sa mga mag-aaral upang maging globally competitive ay
gaya ng mga sumusunod:

1. Media at Technology Skills

2. Learning and Innovation Skills

3. Communication Skills

4. Life and Career Skills


Ayon sa DOLE apat na haligi para sa isang disente at marangal na
paggawa (DOLE 2016). Ito ay ang mga sumusunod:

1. Employment Pillar - Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng


trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na
workplace para sa mga manggagawa.

2. Worker’s Right Pillar - Naglalayong palakasin at siguruhin ang


paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad
ng mga karapatan ng mga manggagawa .

3. Social Protection Pillar - Hikayatin ang mga kompanya,


pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap tanggap
na pasahod at oportunidad.

4. Social Dialogue Pillar - Palakasin ang laging bukas na


pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan at mga manggagawa.

Gawain 4: K-K-P-G Tsart

Gawain 5: Sagutin Mo!

Gawain 6: Data Retrieval Chart

You might also like