You are on page 1of 8

MODYUL 5

PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGMANGGAGAWA, PANGMAGSASAKA AT


PAMBANSA

Isyu pang manggagawa

Sa kasalukuyan maraming isyu at suliranin ang kinakaharap ng ating mga


manggagawang Pilipino, sa mga magsasaka at ang ating bansa, ngunit ang mga ito ay
ginagawan ng paraan ng kasalukuyang administrasyon upang masolusyunan ang
mgaproblemang ito. May mga programa at proyekto na ipinatutupad ang pamahalaan
upangmabigyan ng suporta ang mga mangagawang Pilipino gayundin ang mga
batas namagliligtas sa mga isyung ito.

Ang paggawa ay ang gawain ng mga tao na may layuning bumuo ng produkto o
magbigay ng serbisyo. Maaaring tumukoy ang paggawa sa lahat ng aspeto ng
mga tao na may layong bumuo ng isang bagay o pangyayari.

Kahalagahan ng paggawa o manggagawa

1.Lumilikha ng produkto na kailangan ng ating bansa.

2.Pinoproseso ang mga hilaw na material ng agrikultura.

3.Nagpapaandar at gumagamit ng makinarya at ibang teknolohiya.

4.Lumilinang ng likas na yaman.

5.Nagbabawad ng buwis sa pamahalaan.

6.Konsyumer ng mga produkto.

Uri ng Manggagawa

1.Manggagawang mental—Higit na ginagamit ang isip sa produksiyon. Ito ay tinatawag


na White Collar Job na mas ginagamit ang kanilang mental na kapasidad at
kaisipan.Halimbawa: Doktor, nars, guro, manager,
2.Manggagawang pisikal—Higit na kailangan ang lakas ng katawan sa gawain. Ito ang
tinatawag na Blue Collar Jobtumutukoy sa mga gawaing mas higit na ginagamit ang
lakas pisikal at enerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo.Halimbawa: Karpintero,
Kargador

MGA MAHALAGANG KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA:

Maraming mahahalagang karapatang manggagawa, subalit ang pinakamahalagang


karapatang manggagawa na itinataguyod ng International Labour Organization(ILO) ay
ang sumusunod.

1.Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.

2.Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo


sa halip na mag-isa.

3.Bawal ang lahat ngmga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping
trabaho at trabahong pangkulungan.Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng
pamimilit o ‘duress’.

4.Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.Samakatwi’d mayroong


minimong edad atmga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.

5.Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo


para sa parehong na trabaho.

6.Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib atligtas sa


mga manggagawa.Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib
at ligtas.

7.Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong


pamumuhay.

Panitikan sa isyung pang manggagawa

" Manggagawa " ni Jose Corazon de Jesus


Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday

alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan;

mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang

tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral

nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,

nang lutuin mo ang pilak ang salapi a lumitaw,

si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon'y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,

kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan

mula sa duyan ng bata ay kamau mo ang gumalaw

hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal

pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan.....

Bawat patak ng pawis mo'y yumayari ka ng dangal,

dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nng buhay na walang wakas, walang hanggan,

at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

Isyung magsasaka
Ang isyung pang magsasaka ay patungkol sa mga mahahalagang pangyayari saating
mga magsasaka, particular sa kanilang mga produkto na mayroong malakingepekto sa
ekonomiya ng ating bansa. Nasasakop rin ng isyung ito ang mga produkto ngating mga
magsasaka na inilalabas at ibinebenta sa ibang bansa.

Kahalagahan ng Pagsasaka

1. Pinakukunan ng kabuhayan –malaking bahagi ng kalupaan sa Pilipinas ay nakalaan


pa rin sa pagsasaka. At bagamat hindi direktang nakaapekto sa pangkabuhayan na
karaniwang Pilipino ang pagsasaka, mayroon pa rin itong epekto sa marami. Dahil
sa pagsasaka, nabibigyan ng trabaho ang mga Pilipino sa pagmamaneho,
paggawa ng daan, pagtitinda, pag-iinventory, at marami pang iba.

2. Kontribusyon sa Pambansang kita –sa pambansa scale, nakatutulong ang


pagsasaka sa lipunan dahil nagagawa nitong punan ang isa sa pinakamalalaking
demand sa mundo: ang pagkain, at dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon ang
mga Pilipinong magsasaka na makatulong sa paglago ng ekonomiya.

3. Tulong sa International Trade –ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking eksporter ng


bigas, mais, saging, at tabacco sa mundo. Dahil sa mga pageeksport na ito ay
nakakapag-pasok tayo ng dolyar sa bansa, na siya namang ginagamit natin upang
makipagkalakal sa mga iba’t ibang bansa sa mundo. Dahil dito, nagkakaroon ng
mas mataas na tiwala ang mga investor na mag-impok at gumawa ng negosyo sa
bansa.

Dahilan ng mga Problemang Nararanasan ng Sektor ng AgrikulturaAng sektor ng


agrikultura sa Pilipinas ay nakakaranas pa rin ng maraming problema at di sapat
na programa n gating gobyerno lalo na sa pagsasaka.

Ilan sa mga kadahilanan ay ang mga sumusunod:

1. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya –Ang mga magsaaka ay


patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka katulad ng araro at
kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na Gawain kaya’t bumabagal din ang
produksiyon sa agrikultura.
2. Kakulangan ng sapat na impraspaktura at puhunan – Dahil sa kakulangan ng
sapat na imprastraktura at puhunan ay maraming produkto ang hindi napakikinabangan
dahil nasisira, nabubulok at nalalanta tulad ng gulay at prutas. Ang pagkasira ng mga
produktong ito ay bunga ng kawalan ng pag-iimbakan o storage at maayos na
transportasyon.

3. Pagbibigay prayoridad sa sector ng industriya –Malaki ring problema ang


pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa proteksiyon at pangangalaga sa
industriya. Sapagkat maraming mga manggagawa at namumuhunan sa sector ng
agrikultura ang nawawalan ng kita at nalulugi kaya’t nagiging dahilan ito sa pagbaba ng
produksiyon.

4.Pagdagsa ng dayuhang produkto sa Pilipinas –Isa rin sa masasabing


pinakamalaking suliranin ay ang pagdagsa ng dayuhang produkto o imported
goods. Globalisasyon ang nagging susi upang dumami ang dayuhang produkto sa
ating bansa. Isa ito sa suliraning mahirap masolusyunan dahil na sa dugo na natin ang
pagkahilig sa produktong gawa ng mga dayuhan. Ang suliraning ito ay ngadudulot ng
kompetensya sa pagitan ng local na produkto at dayuhang produkto sa bansa.

5. Pagliit ng lupang pangsakahan –Malaking problema ang paglaki ng populasyon


at pagiging modern n gating bansa dahil maraming mga gusali, komersyo, at
subdibisyon ang pinapatayo kaya’t patuloy na lumiliit ang mga lupa na maaari sanang
isaka at ang patuloy na pagkasira n gating kapaligiran.

Isyu sa Pagsasaka

Ang Pilipinas ay kilala bilang bansa na pinakamaraming likas na yaman di tulad


ng ibang bansa sa Asya. Buhat sa likas na yaman na handog sa atin ng Maykapal
binayayaan din tayo ng Agrikulturang dapat nating pagyamanin ngunit hindi natin
napapansin ang mga suliraning kinakaharap ng agrikultura. Samo’t saring isyu na
ang kinakaharap ng mga magsasaka sa panahon ngayon, kabilang na dito ang
mga sumusunod:

1. Pagliit ng lupaing pansakahan


2. Paggamit ng teknolohiya

3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran

4. Kakulangan sa suporta mula sa iba pang sector

5. Pagbibigay prayoridad sa sector ng industriya

6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal

7. Climate change

Panitikan sa isyung mag sasaka

"Magsasaka" ni Bb. May anne joy D. Romanes

Magiting na tao, Atin s'yang hangaan

Hindi man kilala, Bayani ng bayan

Hapo sa trabaho, Babad sa arawan

Kanyang hanapbuhay, Pakainin si Juan

Binabalewala, Mahalaga pala

Kanyang bawat kalyo, biyaya ang dala

Sa hapag-kainan, dala'y pagpapala

'Pagkat siya'y sanay, 'Di nga sumasala

Kung s'ya kaya'y wala, Sitwasyon lalala

Saan ba kukuha, magugutom sila

Gulay, prutas, palay, 'pag ito'y nawala

Mahinang katawan, Sakit na malala

Sa buong maghapon, Sakit sa katawan


Anong igaganti, S'yang pasalamatan

Kapos man sa luho, 'Di matatawaran

Kanyang dugo't pawis, Serbisyo sa bayan

Isyung Pambansa

Ang mga isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka ay dapat na ituring na mga


isyung pambansa. Nakasalalay sa mga manggagawa ang pambansangekonomiya.
Nakasalalay naman sa mga magsasaka ang pambansang agrikultura. Kapwa may
ambag ang dalawang sektor sa araw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Kung kaya ang
ano mang isyung kinakaharap ng bawat isa ay nararapat lang maikintal sa kamalayan
ng bawat Pilipino.

" Change is coming,” iyan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa
kanyang kampanya sa pagkapangulo hanggang sa kanyang panunungkulan. Ang
administrasyong Duterte ay sumisimbolo bilang isang kamao na maaaring susuntok o
pupukol sa napakaraming suliraning kinakaharap ng bansa. Narito ang iilang isyu na
unti-unting nakikitaan ng pagbabago:

1. Kontraktuwalisasyon
2. Trapik sa Metro Manila
3. Mass Transport System
4. De-kalidad at Makamasang Edukasyon
5. Pagpapalaya sa mga Bilanggong Pulitikal
6. Tunay na Reporma sa Lupa
7. Biktima ng Bagyong Yolanda
8. Freedom of Information Bill
9. Pagresolba sa Problema sa Droga
10. Pagresolba sa Kahirapan

Iba pang mga isyung Pambansa


 Korapsyon - pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa
pamahalaan.
 Polusyon - pagkakaroon o pagdagdag sa kapaligiran ng mga bagay na
nakakarumi nito.
 Kakulangan ng mga pasilidad sa iba’t ibang sector ng pamahalaan tulad
edukasyon.
 Pag-implement ng K12 - kakulangan sa mga pasilidad, aklat at preparayon ang
nagging problema sa programang ito.
 Pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
 Bangsamoro - isang political entity na ipinalit sa ARMM. Ang kasunduang
ito ay naglatag ng daan tungo sa pagkakasundo o resolusyon ng historical
divide sa pagitan ng Gobyerno at ng Bangsamoro.
 Pampolitika - hindi maayos na patakaran ukol sa pulitika. Pulitikong hindi
karapatdapat sa kanilang posiyon.
 Judicial Killing - mga pagbitay na walang pahintulot ng batas bilang
lehitimong gamot sa kalupitan at krimen ay pinsala sa ating mga pamilya at
lipunan.
 Anti-Hazing Law - batas na ipinasa para magilbing gabay at nang
maiwasan ang mga nagdaang karanasan sa isyung ito.
 Oplan Tokhang - ang pagkatok ng mga awtoridad sa mga bahay ng mga
nasangkot sa ilegal na droga at makiusap na sumuko na at magbagong buhay.
 Pag-aagawan ng Pilipinas at China sa pagmamay-ari ng South China Sea.
 Occupy Pabahay - Kabiguan ng gobyerno sa pagresolba sa kahilingan ng
mahihirap sa Metro manila na mabigyan sila ng maayos at murang pabahay.

You might also like