Professional Documents
Culture Documents
trabaho.
Lakas- Paggawa o force labor- Ito ay bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas na may trabaho o
empleyadong full-time, part time o naghahanap ng mapapasukang trabaho.
Underemployed- Ito ay ang mga taong nagnanais na magkaroon ng karagdagang oras ng trabaho.
Sanhi ng Unemployed
1. Hindi tugmang trabaho – ito ay ang kondisyon kung saan ang mga kwalipikasyon na hinahap ng
mga Negosyo, korporasyon, at iba pa ay hindi tugma sa mga natapos na edukasyon ng mga
mangagawa.
2. Ekonomikong implasyon - ang inflation ay pagbaba ng kapangyarihan sa pagbili ng pera ng isang
bansa.
3. Kakulangan ng opurtunidad para makapagtrabaho – likas na masisipag ang mga Pilipino ngunit
dahil sa hindi pantay na opurtunidad at pribilehiyo.
4. Kakulangan sa edukasyon - may mga kompanyang nangangailangan ng mga manggagawa na
nakapagtapos ng hayskul, bokasyonal at 4 na taong kurso sa kolehiyo.
5. Paglaki ng populasyon – ang populasyon ng Pilipinas ay patuloy ang paglaki taon-taon na
nagreresulta sa hindi matumbasang trabaho na para sa mamayanan.
Implikasyon ng Unemployment
1. Tumitinding kahirapan
2. -Naghihirap ang nakararami dahil sa wala silang mapakakakitaan o maliit ang natatanggap nilang
sweldo.
3. Naaapektuhan ang mental health o kalusugan ng pag-iisip ng mga tao
4. Nagpupunta sa ibang bansa ang mga manggawa upang maghanapbuhay at iniiwan nila ang
kanilang pamilya
5. Dumami ang mga dayuhan at dambuhalang local na negosyante kaya’t nalugi ang
napakaraming maliliit na Negosyo na nakapagbibigay ng trabaho sa ating bansa.
6. Humihina ang ekonomiya ng bansa dahil sa mas mahina ang produksiyon ng bansa at marami
ang mahihirap.
7. Mabagal ang pag-unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya.
TESDA
- Ang programang STEP o Special Training for Employment Program tumutugon sa mga partikular
na pangangailangan na kasanayan, at nagtataguyod ng trabaho, self-employment, partikular ang
mga aktibidad sa pagnenegosyo.
POEA
Hamon ng Globalisasyon
Globalisasyon
- Pag papalawig, pag paparami, at pag papatatag ng mga koneksyon at interacksiyon ng mga
bansa sa kapwa bansa, at bansa sa mga international organization sa aspekto ng ekonomiya,
politika, kultura, at kapaligiran
- Pag susulong ng pandaigdaigang kalakalan o international trade sa pamamagitan ng pag
bubukas ng mga pambasang hangganan at pagbabawas sa panghihigpit sa pag-angkat ng mga
produkto
Globalisasyon pang ekonomiya- Ang pag pasok ng mga dayuhang negosyo at nagreresulta sa mataas
na kalidad ngunit murang mga produkto at serbisyo
Globalisasyong teknolohikal- Bahagi nito ay ang mga teknolohiya para sa transportasyon, linya ng
komunikasyon, makina, mga pagawaan media, internet, koreo, at shipping services
Globalisasyong kultural- Ito ay nag bibigay daan upang maunawaan ang natatanging kultura na may
roon sa ibang bansa
Globalisasyon at ang kalikasan- Ang pangangailangan sa sobra sobrang raw materials, na higit pa sa
limitasyon na kayang ibigay ng kalikasan
- Ayun sa isang lathain noong 1987 na may pamagat na “our common future” o kilala sa mundo
bilang Brundtland report, ang sustainable delevelopment ay ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng tao sa kasalukuyan sa paraang hindi malalagay sa panganib ang
kalagayan ng mga susunod na henerasyon
1972 Stockholm conference- sa pandaigdigang pulong na ito nabuo ang konsepto ng sustainable
development
1987 United nations world commission of environment and development (UN WCED)- itinatag ng Un
ang komisyon upang itaguyod ang konsepto ng sustainable development. Layunin din nitong itaguyod
ang pagkakaisa ng mga bansa hinggil sa mga isyung pangkapaligiran at pangkaunlaran.
1992 Conference on the earth o earth summit- sa pandaigdigang pulong na ito binalangkas at pinagtibay
ang agenda for the 21st century. Naganap sa Rio De Janeiro Bazil.
2012 United Nations conference on sustainable development o Rio+20- isang pulong na nag bigay daan
sa pagtatag ng tinatawag na green economy
2015 United Nations sustainable development summit- Tinanggap sa kumprehensyang ito ang
resolusyon na Transforming our world; the 2030 agenda for sustainable development.
1. Pang ekonomiya-Ito ay ang isang Sistema na may maayos na ekonomiya na kayang makagawa at
makapagbigay ng mga produkto at tuloy tuloy na serbisyo
2. Pangkapaligiran- ito ang sistemang nagpapanatili nang sapat na mga likas na yaman, iniiwasan
ang pang aabuso sa mga pinagkukunan ng enerhiya at yamang likas
3. Panlipunan- ang sistemang ito ang tumutugon sa pangangailangan ng lipunan at nagsusulong ng
pagkakapantay-pantay ng lahat ng mamayanan sa pagtanggap ng mga serbisyong panlipunan.
Ayon kay Jonathan Harris, may-akda ng Basic principles of sustainable development (2000), ang tunay ay
nangangailangan ng malakihang pagbabago sa mga paraan na sustainable development ay
1. Agrikultura
2. Enerhiya
3. Industriya
4. Pinagkukunan ng renewable resources
- Agad tumugon ang pamahalaan ng pilipinas sa pananawagan ng Earth Summit na itaguyod ang
sustainable development sa lokas ng antas
Sa pamamagitan ng Executive order no.15 ni dating pangulong Fidel V. Ramos, nilikha ang Philippine
Council for sustainable development (PCSD) noong September 1, 1992.
- Ito ang magsisilbing mekanismo upang makamit ang prinsipyo ng sustainable development at
masiguro ang integrasyon nito sa mga pambansang polisya, plano at programa ng Pilipinas