You are on page 1of 7

AP REVIEWER

3RD QUARTER EXAM

POINTERS TO REVIEW

 Isyu sa Paggawa
 Migrasyon

ISYU SA PAGGAWA

Paggawa

- Tumutukoy sa mga trabaho, empleyo, pinagkakakitaan o negosyo at gawain.

Mga Epekto at rason ng Isyung Paggawa

- Nakaapekto sa mga manggagawa


- Dayuhang namumunuhan

Dulot ng globalisasyon sa paggawa

1. Demand ng bansa para sa iba’t ibang akayahan o kasanayan sa paggawa na Globally Standard
Globally Standard
- Dahil sa mataas na demand para sa Globally Standard, nagdagdag ng dalawang taon ang
larangan ng edukasyon na tinatawag na Senior High School
- Sasanayin ang mga mag-aaral sa mga kasanayang ika-21 na siglo upang maging Globally
Competitive na batay sa Philippine Qualifications Framework.
2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga local na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan
3. Pagpasok ng iba’t ibang gadget at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
4. Dahil sa mura at mababa ang labor or pasahod sa mga manggagawa madali mamunuhan na
magpresyo ng mura laban sa dayuhang produkto.
Ex: Compared sa pride ng Samsung Phones, Myphone phones (Brand of PH) have a cheaper use.
Low pay = Low price = People will be attracted to items with lower price therefore beating
foreign industry

SULIRANIN NG ISYUNG PAGGAWA

1. Kawalan ng seguridad sa pinasukang kompanya


- Not enough salary, no benefits, poorly maintained workplace
2. Job-mismatch
- May trabaho pero hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan
3. Mahabang pasahod
 Mura at flexible labor
- Isang paraan ng mga kapitalista upanng mamunuhan ng malaki sa paraan ng pagpapatupad ng
mababang sahod at paglimita ng panahon ng manggagawa.
 Dahilan ng pagkakaroon ng OFW
- Globalisasyon, dumarami ang mga bansang kulang ang lakas paggawa at umaasa sa pag-angkat
ng mga manggagawa.
4. Kontraktuwalisasyon
- Iskema upang higit na pababain ang sahod tanggalan ng benepisyo at tanggalan ng seguridad sa
trabaho ang mga manggagawa.

ISKEMANG SUBCONTRACTING

- Ang kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o subcontractor upang gawin ang isang
trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

Dalawang Anyo ng Subcontracting

1. Labor-only Contracting
2. Job-Contracting

 Labor-only Contracting
- Ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at and
pinasok niyang manggawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya
 Job-contracting
- Ang subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng
mga manggawang ipinasok ng subcontractor.
- Walang direktang kinalaman sa mga gawain ng company
- Hindi pinapayagan sa batas

KONSEPTO NG UNEMPLOYMENT

Unemployment

- Walang trabaho kahit na sila ay may sapat na kakayahan at pinag-aralan.


- Ex: Stay at home parents, tambay sa kanto

Underemployment

- Nagnanais ng magkaroon pa ng karagdagang pagkakakitaan o bagong trabaho


- Ex: Part-time Workers

Mga Uring Unemployment

1. Voluntary
- Kagustuhan ng isang tao na hindi magtrabaho
2. Frictional
- Naghahanap ng bagong trabaho
3. Stractural
- Hindi na kinakailangan sa ekonomiya
4. Seasonal
- Nagaganap dahil sa pagbabago ng panahon at okasyon.
5. Cyclical
- Krisis sa ekonomiya

MGA SANHI NG UNEMPLOYMENT

1. Mabilis na paglaki ng population


- Labis na supply ng lakas-paggawa
2. Kakulangan ng oportunidad
- Mababang kalidad ng sistema ng edukasyon
3. Hindi tugma ang pinag-aralan o skills gap
4. Walang pangmatagalang plano ang pamahalaan na makalikha ng trabaho
5. Pananalasa ng kalamidad sa bansa
6. Katamaran ng tao magtrabaho

EPEKTO NG PAGKAWALAN NG TRABAHO

1. Tumitinding kahirapan
2. Bad Mental Health
3. Increasing Crime rate
4. OFW Workers Increasing
5. Foreign Business > Local business
6. Slow economic growth

SOLUSYON SA PAGLUTAS NG UNEMPLOYMENT

1. Pagsasaayos ng sistema ng edukasyon


2. Pagbibigay ng kurso sa TESDA
3. Paglinang ng kasanayan ng manggagawa
4. Pagpaparami ng oportunidad
5. Modernasisasyon ng Agrikultura

DEPARTMENTS PARA SA MGA MANGGAGAWA

DTI (Department of Trade and Industry)

- Pinasisigla nito ang panlabas at panloob na kalakalan


- tinutulungan din nito ang mga negosyanteng humanap ng mga bagong pamilihan sa ibang bansa
para sa mga produktong local at inaakit ang ma dayuhang mangangalakal na matatag ng
kanilang industriya sa bansa.

DOLE (Department of Labor and Employment)

- pinangangalagaan nito ang kapakanan ng mga mangagawa upang hindi sila maabuso

POEA (Philippine Overseas Employment Administration)

- Protektahan ang karapatan ng OFW


TESDA (Technical Educational and Skills Development Authority)

- Tumutulong sa mga mamamayanan na mapaunlad ang kanilang kasanayan

MIGRASYON

- Tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan manging ito man ay
pangsamantala o permanente.
 Migrante – ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar

* Migrant – pansamantala

* Immigrant - pampermanente

URI NG MIGRASYON

Panloob na migrasyon (Internal Migration)

- Sa loob lang ng bansa nangyayari ang migrasyon


- Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na antas ng paglago ng mga lungsod kung saan 60
porsiyento ng populasyon ay naninirahan sa mga lungsod.
- Ayon sa ulat ng World Bank (WB) noong 2011, ang urban population ng Pilipinas ay umabot na
sa 61,925,169.87 noon pa lamang 2010

Migrasyon Panlabas (International Migration)

- Lumilipat na ang mga tao sa ibang bansa upang doon na manirahan o mamalago nang matagal
na panahon.
- Ayon sa estadistika ng UN noong taong 2013, 231.5 milyong tao o tatlong porsiyento ng
populasyon ng buong mundo ang nakatira sa labas ng kanilang bansang sinilangan
- December is the Month of Overseas Filipinos

Mga Sanhi ng Migrasyon

 Push Factor – negatibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon


 Pull Factor – positibong salik na dumarayo dahilan ng migrasyon

PUSH FACTOR

1. Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan


- Myanmar Civil War
- Aung San Suu Kyi Nobel Peace Prize winner 1991 International Court of Justice (The Hague)
2. Paglayo o pag-iwas sa kalamidad
3. Pagnanais makaahon mula sa kahirapan
- Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang
pamumuhay o economic migrants
ARMM – isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa buong pilipinas
- Ito rin ang nakakaranas ng maraming taong lumilipat ng tirahan upang makahanap ng panustos
sa pang-araw-araw na pangangailangan

PULL FACTOR

1. Pumunta sa pinapangarap na lugar o bansa


2. Magandang oportunidad gaya ng trabaho at mas mataas na kita
 Illegal Migrants
- Ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit
para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
- Border Wall
3. Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa
 Permanent Migrants
- Ay mga overseas filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa sa pagtungo sa ibang bansa
ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman
kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
4. Pag-aaral sa ibang bansa
 Temporary Migrants
- Tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles
upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.
- Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na nag-aaral sa bansa at mga negosyante na
maaari lamang manirahan pansamantala

Migrasyon ng Pilipino

Kabilang sa mga ito ang 3.5 milyong Pilipinong permanenta nang naninirahan bilang immigrant sa ibang
bansa, tulad ng United States, Canada, Australia, Japan, United Kingdom at Germany.

Mayroon ding 3.8 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) o temporary migrants na nagtatrabaho sa
mga bansang tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Hongkong, Japan, Italy at Spain.

EPEKTO NG MIGRASYON

1. Pagbabago ng Populasyon
- Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa
migrasyon

Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya, Latin America at Africa

2. Kaligtasan at Karapatang Pantao


- Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyon-milyong migrante ang
walang kaukulang papeles taon-taon.
Pang-abuso ng mga recruitment agency

Illegal recruiter

Nagiging biktima ng international

Syndicate or organized crime syndicate

3. Negatibong Implikasyon sa pamilya at pamayanan


- Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na
sa kanilang mga anak
- Ang 48 posiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay

PEMINISASYON NG MIGRASYON

Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon,


ang labour migration at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki

Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa
kasalukuyan ang mga manggagawang kababihan ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang
Asya at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.

Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng konspetong “house husband” kung saan inaako na ng lalaki ang
lahat ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina (kung ang ina ang nangibang bayan o
bansa) upang mapangalagaan ang buong pamilya lalo na ang mga anak.

Hindi ito marahil nakakaapekto sa kalagayang panlipunan ng mga lalaki at unti unti nang natanggap ng
lipunan sa kadahilanan na mas tinatanggap na dahilan ay upang mapaunlad at maiangat ang katayuan
ng kani-kanilang pamilya

4. Pag-unlad ng ekonomiya
- Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpaplano ng ekonomiya ng Pilipinas, maraming OFW
ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan.
- Ang kanilang Remittance o ipinapadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing kapital para sa
negosyo
5. Brain Drain
- Kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t ibang larangan ay mas
pinili nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila
- Malaking demand para sa mga skilled workers at mga propesyunal maraming kabataang ang
nahihikayat na kumuha ng kursi tulad ng engineering marine transportation, marine engineering
atbp. Dahil mataas ang demand.
6. Multiculturalism
- Isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsamasama nang payapa
at pantay-pantay sa isang lugar o bansa
KARAGDAGANG HAKBANG UPANG MAGING HANDA SA MGA EPEKTO NG MIGRASYON

- Pagpapanatili at pagpapatatag ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng


pamilya
- Ang pagkakaroon ng regular na ispiritwal na counseling sa mag-asawa.
- Ang pagpapaunlad at pagpapatatag sa kultura ng pamilyang Pilipino
- Mapanatili ang matatag na pagmamahalan, pagtitiwala at paggalang sa bawat miyembro ng
pamilya
- Pagpapalawak sa kamalayan ng mga kabataan ukol sa pagiging (??)

EPEKTO NG MIGRASYON NA DAPAT HARAPIN

1. Ang pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay


2. Maaaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa at panghihina ng katatagan ng pamilya
3. Ang nababagong konsepto ukol sa tradisyunal na pamilya sa transasyunal na pamilya
4. Ang pagkakaroon ng puwang at kakulangan ng makabuluhang komunikasyon at atensyon ng
magulang sa anak at ng anak sa magulang

You might also like