Professional Documents
Culture Documents
GROUP THREE
Grade 10 – Rosary
Paraan ng Paglalahad:
Visual Aids
A. PAKSA:
Migrasyon
B. KONSEPTO:
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng paglipat o pag-alis mula sa
isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa, maging ito man ay
pansamantala o permanente. Maaring ito ay gawin ng indibidwal ng pami-
pamilya o ng mas malalaking grupo ng tao. Ang Migrasyon ay maaring internal
o sa loob ng bansa at external o palabas ng isang bansa.
Push Factor
– tumutukoy sa mga salik o dahilan para sa mga imigranting o pag-alis sa
isang lugar. Ang halimbawa ay ang kakapusan ng pagkain sa tinitirahang
dako, baha, digmaang sibil at kumakalat na sakit.
Pull Factor
– tumutukoy naman ang mga ito sa mga salik o dahilan sa
pagmimigrante o pagdating ng mga tao sa isang pook. Ang ilan sa mga
halimbawa nito ay ang kagandahan ng klima, sapat na suplay ng pagkain,
maayos na pamumuhay, matatag na gobyerno at pagkakaroon ng mas
maraming kalayaan ng mga mamamayan sa bansa.
Epektong Panlipunan
Epektong Pampolitika
Epektong Pang-ekonomiya
Mabuti
-Nagkakaroon ng panustos sa pang araw-araw na
pangangailangan ng isang taong naghahanap ng hanapbuhay sa
kanyang paglipat ng lugar.
Di Mabuti
- Labis na dami ng tao sa iisang lugar at nagsisiksikan ang mga tao
sa lungsod
- Nahihirapan ang gobyerno na magbigay ng serbisyo sa
dumaraming bilang ng tao sa lungsod.
- Kakulangan ng sapat na tao
Epekto sa Politika
Kahirapan
- Batay sa ikalawang survey na ginawa ng SWS o Social Weather
Stations, mahigit kumulang 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga
pamilyang Pilipino na nagsabi at itinuturing ang kanilang sarili bilang
mahirap. Kaya nais ng pamahalaan na tugunan ang kahirapan sa ating
bansa upang wala ng mga Pilipino ang magkaroon pa ng rason na
umalis sa ating bansa. Isa sa sanhi ng kahirapan ay ang pagkakaroon ng
mababang antas ng edukasyon.
Kakulangan sa Edukasyon
- Ang kahirapan ng isang bansa ay isang dahilan kaya marami sa mga
kabataan ang hindi nakakapag-aral. Isa pa sa mga dahilan kung bakit
hindi makapag-aral ang isang kabataan ay dahil sa kawalan ng trabaho
ng kanyang mga magulang at kung sakaling mayroon man ay kulang at
sapat na salapi lamang na panustos naman para sa kanilang makakain.
Hanapbuhay
- Isa ang hanapbuhay sa dahilan ng mga Pilipino kung bakit sila ay
lumilipat sa iba’t ibang lugar upang maghanap ng disente at may
malaking sahod na kita ng trabaho. Ang iba naman ay kapag
nakahanap na ng trabaho ay napagpapasyahang lumipat na rin ng
titirahan upang makaiwas sa trapiko at mapalapit sa lugar ng kanilang
pinagtatrabahuhan.
Gutom
- Dapat magkaroon ng maraming feeding program ang gobyerno
para mabawasan ang pagkagutom ng mga Pilipino. Isa ito sa mga
dahilan ng isang pamilya kung bakit sila ay palipat-lipat ng titirahan
upang makahanap ng mga syudad na mayroong mga libreng pakain at
libreng mga donsayon.
Benepisyo
- Dapat ay bigyan ng pamahalaan ng benipisyo ang isang
mamamayan upang makabawas sa mga pilipinong nais na magmigrate
sa ibang bansa. Kung bibigyan nila ng benipisyo ang mga mamamayan
tulad ng libreng pagpapa-aral sa mga anak nito, buwang buwang
pagpapacheck up at marami pang iba ay hindi na ito mapipilitan pang
lumipat sa iba pang lungsod o iba pang bansa.
Pagbabago ng Populasyon
- Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay
may tuwirang epekto sa migrasyon.