You are on page 1of 3

EPEKTO NG MIGRASYON

1. Pagbabago ng populasyon
Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon sa mga bansang mabilis
tumaas ang populasyon, lalo na sa mga naghihirap na mga bansa, tinataasan ang mga buwis na ipinapataw sa mamamayan para
sa impraspraktura, edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan. Nagiging suliranin din ito kung hindi kayang suportahan ng
ekonomiya ang paglaki ng populasyon. May mga naulat na kaso kung saan pinabalik ng mga bansa ang mga migrante sa kanilang
pinagmulan dahil sa krisis sa ekonomiya.
2. Kaligtasan at karapatang Pantao
Ayon sa International Organization for Migration , umabot na sa milyon-milyong migrante ang walang kaukulang papeles taon-taon.
Ang mga migranteng ito ay naharap sa mapanganib na mga paglalakbay, pang-aabuso ng mga ilegal na recruiter at smuggler,
mahihirap na kondisyon ng pamumuhay, at kawalan ng suporta pagtapak nila sa ibang lupain. Sanhi ng kanilang ilegal na
kalagayan, takot din silang humingi ng tulong sa pamahalaan kapag nakararanas sila ng mga pang-aabuso.
3. Pamilya at Pamayanan
Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.
Nangungulila ang mga anak at naiiwan sa pangangalaga ng ibang kaanak tulad ng lolo, lola, tiyo, o tiya. Ang pagkakaroon ng
matibay na ugnayan ng extended family o mga kaanak ay nakatutulong upang masiguro ang mabuting pagpapalaki sa kabataan
kahit na malayo ang kanilang mga magulang.
4. Pag-unlad ng Ekonomiya
Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas, maraming OFW ang nakapag-ahon sa kanilang
pamilya sa kahirapan.
5. Brain Drain
Kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t ibang larangan ay mas pinili nilang mangibang bansa
dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila. Bunga nito hindi na sila nakatutulong o nakapagsisilbi sa sariling
bayan.

_1. Anu-anong bansa ang madalas puntahan ng mga manggagawa?


A. USA, Canada, Qatar C. USA, Saudi Arabia, UAE
B. USA, Saudi Arabia,Italy D. USA, Malaysia, United Kingdom
_____2. Sa anong kontinente madalas nangingibang bansa ang mga Pilipino?
A. America C. Asya
B. Europa D. Africa
_____3. Sa mga bansa sa talahanayan, saan madalas naaabuso ang mga
manggagawang Pilipino?
A. Italy C. UAE
B. Saudi Arabia D. Malaysia
_____4. Anong bansa sa Asya ang madalas na pinupuntahan ng mga
manggagawang Pilipino?
A. UAE C. Saudi Arabia
B. Singapore D. Qatar
_____5. Ano ang mabubuong konsepto tungkol sa talahanayan?
A. Mas marami sa mga Pilipino ang nagnanais na mangibang bansa.
B. Pinapangunahan ng mga mayayamang bansa ang paglakas ng
ekonomiya sa pamamagitan ng migrasyon.
C. A at B
D. Wala sa nabanggit
Panuto: Tukuyin ang pinapahayag ng pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at
isulat sa patlang.
_____1. Isa sa mayamang bansa sa Europa na madalas dinarayo ng mga
manggagawang Pilipino.
_____2. Tawag sa perang pinapadala ng mga OFW para sa kanilang pamilya.
_____3. Batas na ipinatupad sa Italya para sa mga migrante na may layuning maayos
na integrasyon sa pagitan ng dayuhan at ng Italyano.
_____4. Pag-ako ng lalaki ng gawaing bahay ng asawang babae kapag nangibang
bansa ang babae.
_____5. Bansa kung saan sapilitang pinaalis ang 2 milyong migrante mula sa
bansang Ghana

MABUTI AT DI- MABUTING EPEKTO NG MIGRASYON SA IBA’T IBANG ASPETONG PANLIPUNAN,


PAMPULITIKA AT EKONOMIYA

PANLIPUNAN
Sa pagnanais na magkaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay, ninanais na lamang na manirahan sa
probinsya ng isang pamilya. Iiwan ang lungsod na kung saan ay laganap ang krimen at mapanganib na
paninirahan sa kabila nito may ilang kababayan pa rin tayong nakikipagsapalaran sa pag-asang
makakakuha ng magandang uri ng hanapbuhay at paniniwalang mas madali para sa kanila ang
makapasok ng trabaho sa lungsod. Laganap din ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga babaeng
naghahanapbuhay partikular sa ibang bansa dahilan upang maging kritikal ang gampanin ng
kababaihan sa labour migration. Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian sa
isang pamilya. Sinasabing kapag ang lalaki ang nangibang bansa, ang asawang babae ang mas higit na
umaako ng lahat ng gawaing pantahanan.
Sa kalagayan ng Pilipinas, kapag ang asawang babae ang nangibang bansa, pangkaraniwan ng
kumukuha ng tagapag -alaga ang lalaki sa kaniyang mga anak o ipagkatiwala ang ibang pantahanang
gawain sa kapatid na babae, sa magulang o di kaya ay sa mga kamag-anak.
Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon ng konseptong “ house husband” kung saan inaako na ng lalaki ang
lahat ng reponsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina, kung saan ang ina ang nangibang bayan
o bansa upang mapangalaagaan ang buong pamilya lalo na ang mga anak. Unti unti ng natatanggap sa
ating lipunan ang ganitong pananaw sa paniniwalang mapauunlad at maiiangat nito ang katayuan ng
kani-kanilang pamilya. Ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa ay malaking ginhawa para sa buong
pamilya dahil natutugunan nito ang lahat ng pangangailangan ng kaniyang pamilya subalit kaakibat nito
ang panganib na maibibigay sa kanila marami sa mga domestic workers ang napupunta sa maayos na
trabaho ngunit marami rin ang nahaharap sa mga pang-aabuso tulad ng hindi pagtanggap ng sahod,
pagkulong sa bahay ng kanilang amo, hindi pagkain, sobrang trabaho at ilang kaso ng matinding
psychological, pisikal at seksuwal na pang-aabuso
PAMPULITIKA
Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakaranas nito. Ang usaping
pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang
seguridad ay naapektuhan ng isyu ng migrasyon.
Kaya naman, higit kailanman kinakailangan ang higit na kooperasyon at ugnayan sa pagitan ng mga
bansang kasangkot sa usaping ito. Ilan sa maunlad na bansa sa Europa na madalas pinupuntahan ng
mga migranteng Pilipino ay mayroong polisiya tulad ng sa Italy na may “ batas sa seguridad”( legge sulla
sicurezza). Layunin nito ang magkaroon ng maayos na integrasyon ng mga dayuhan sa Italy at
magandang relasyon ng mga Italyano at mga dayuhan dito. Ito rin ay naayon sa Saligang Batas ng Italy
pagtupad sa tunay na pakikilahok ng mga dayuhan sa mga gawaing pang-ekonomniya, panlipunan, at
pangkultura. Sa madaling salita, ang mga migrante ay maluwag na tinatanggap nila bilang bahagi ng
kanilang pamayanan.
PANG - EKONOMIYA
Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang kanilang remittances
o pinapadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing kapital para sa negosyo. Napakarami na ring
mga OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya mula sa kahirapan at nakapagtapos sa kanilang mga
anak sa pag-aaral. Ayon sa datos na naitala
noong 2012, ang perang pinadala ng mga migrante papunta sa mga papaunlad na bansa ( developing
countries ), kabilang na ang Pilipinas, ay umabot sa $406 bilyon. Mas mataas ito nang 6.5 porsiyento sa
tala noong 2011. Kung idaragdag dito ang remittance papunta sa mayayamang bansa, ang kabuuang
padala ng mga migrtante sa kanilang bayan ay aabot sa $534 bilyon noong 2012. Ayon sa pag-aaral mas
marami sa mga kababaihang naghahanapbuhay sa ibang bansa ang madalas na magpadala ng pera
kaysa sa mga lalaking manggagawa.
Naging suliranin din ng mga bansang dinarayo ng mga migrante ang mabilis na paglaki ng populasyon,
naging epekto nito ay ang kawalan ng kakayahan na suportahan ng ekonomiya ang mabilisang pagdami
ng tao sa bansa. May mga naulat na kaso kung saan pinabalik ng bansa ang mga migrante sa kanilang
pinagmulan dahil sa krisis sa ekonomiya. Ito ang nangyari sa Nigeria noong 1983 kung saan sapilitan
nilang pinaalis ang 2 milyong migranteng karamihan ay mula sa Ghana

You might also like