You are on page 1of 3

MIPUTAK NATIONAL HIGH SCHOOL

Amatong Road, Miputak, Dipolog City 7100

ESP 10
PANGALAWANG MARKAHAN (1 & 2 Module)

Pangalan _____________________ Baitang / Seksyon __________________


I. WRITTEN ASSESSMENT
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Sino ang nagsabi na ang kilos ng tao ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may control at pananagutan sa kaniyang sarili?
A. Santo Tomas de Aquino B. Agapay C. Aristoteles D. Felicidad Lipio
2. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa
kadahilanang ang_______ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
A. Isip B. Kalayaan C. Kilos-loob D. Dignidad
3. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain na
nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda
niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang -ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
4. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang
mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang mating
bunga.
5. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa
panloloko sa kaniya?
A. Walang kusang-loob B. Kusang-loob C. Di kusang-loob D. Kilos-loob
6. Para sa bilang na 6, 7 at 8.Tukuyin kung anong uri ng kilos ang ipinakita sa sumusunod na mga sitwasyon?
A. Kusang-loob. B. Di Kusang-loob. C. Walang Kusang Loob. D. Makataong Kilos.
9. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush.
B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.
10. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng ilong B. Pagpasok nang maaga
C. Pagsusugal D. Maalimpungatan sa gabi
11. Sa paggawa ng mabuti dapat piliin ng tao alin ang
A. Mas madaling isagawa
B. Mas nakakapagbigay ng malaking pakinabang sa mga karamihan
C. Nakakasiya sa Diyos at sa kapwa tao
D. Higit na nakabubuti sa kaniyang kamag-anak
12. Sa paggawa ng kilos dapat piliinnng tao ang
A. mas mataas ang kabutihan
B. mas higit ang ibubungang pakinabang
C. nagdudulot na higit na personal na kaayusan
D. mas malawak ang kapakinabangan
13. Ang sinasabing ‗pinakamataas na layunin‘ ay tumutukoy sa
A. Tagumpay ng pamilya
B. Masayang pamilya
C. Tagumpay sa pamumuhay
D. Tagumpay sa mundo at sa kabilang buhay
14. Ang uri ng kilos ay naayon sa uri ng
A. Kaalaman B. Kasanayan C. Kapaligiran D. Paniniwala
15. Malalaman ang nilalaman ng kalooban ng tao mula sa kaniyang
A. Kaalaman B. Hilig C. Hinanakit D. Kilos at salita
II. PERFORMANCE TASK
Panuto: Hanap-salita. Bilugan ang mga salitang lubos na kailangan sa pagbuo ng pasya.
TAYAHIN
1.C
2.A
3.C
4.D
5.C
6.B
7.A
8.C
9.B
10. C
11. C
12. A
13. D
14. D
15. D

You might also like