Professional Documents
Culture Documents
Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa
isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang
inflow, entries or immigration. Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas
ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures or outflows. Kapag ibinawas ang
bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration.
Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo. Nandarayuhan ang mga
tao bilang manggagawang manwal, highly qualified specialists, entrepreneur, refugees o bilang
isang miyembro ng pamilya.
Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang The Age of
Migration na sa buong mundo, iba’t ibang anyo at daloy ng migrasyon ang nakapangyayari
bilang tugon sa pagbabagong pangkabuhayan, pampolitikal, kultural at marahas na tunggalian
sa pagitan ng mga bansa.
1. Globalisasyon ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon. Ang
mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand, Canada at
United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang
bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Malaking bilang ng mga migrante ay mula
sa mga bansa sa Asya, Latin America at Aprika. Sa iyong pananaw, bakit kaya madalas
dayuhin ang mga bansang nabanggit sa binasang teksto? Ipahayag ang iyong saloobin.
Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi
dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang
pinuntahan.
Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang
bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang
may takdang panahon.. Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na nag
aaral sa bansa at mga negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim
(6) na buwan.
Sa pag-aaral na ginawa ni Raharto (2013) kapag ang lalaki ang nangibang bansa hindi
ito masyadong nakakaapekto sa pamilya kapag responsibilidad ang pag uusapan sa
dahilan na patuloy na ginagawa ng babae ang kanyang responsibilidad bilang asawa at
nananatiling “breadwinner” ang lalaki. Subalit sa kaso ng Pilipinas at Thailand, napag
alaman at lumabas sa pag-aaral na malaki ang epekto kapag ang isa sa magulang o
pamilya ang nangibang bansa dahilan ito sa tradisyunal na kaisipan ng nasabing bansa
lalo na kung babae ang umalis upang magtrabaho malayo sa pamilya dahil mas higit na
nararamdaman ng 230 mga anak ang kawalan ng isang miyembro kahit pa ito ay
nakakatulong ng malaki sa pagpuno ng gastusin sa kanilang pamumuhay.
Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng konseptong “house husband” kung saan
inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina
(kung ang ina ang nangibang bayan o bansa) upang mapangalagaan ang buong
pamilya lalo na ang mga anak. Hindi ito marahil nakakaapekto sa kalagayang
panlipunan ng mga lalaki at unti unti nang natanggap ng lipunan sa kadahilanan na mas
tinatanggap na dahilan ay upang mapaunlad at maiangat ang katayuan ng kani-kanilang
pamilya. Mahalagang banggitin na maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng
proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais
nilang puntahan. Halimbawa na lang ang bansang Bangladesh na nagpanukala ng
tamang edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga
domestic workers. Ito ay upang maiwasan ang mga undocumented workers na laganap
sa ibat ibang panig ng mundo. Sa bansang Nepal nagkaroon din ng panukala na ang
lahat ng employer o recruitment agency ay dapat na magkaroon ng approval permit
mula sa kanilang embahada bago kumuha ng mga Nepalese worker upang
maprotektahan ang kanilang mga mamamayan at maiwasan ang mga illegal na
pagpasok sa ibang bansa.
Ang Bologna (bo-LO-nya) Accord ay hango mula sa pangalan ng isang unibersidad sa Italy na
University of Bologna kung saan nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga
bansa sa Europe ang isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa
upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang
nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.
Isa pang dahilan dito ay ang kakulangan ng bilang ng taon sa basic education kaya naman
second class professionals ang tingin sa maraming mga Pilipino. Kung ihahambing sa
maraming bansa, isa na lang ang Pilipinas sa may pinakamaikling bilang ng taon ng basic
education. Bilang tugon ng pamahalaan ay ipinatupad ang K to12 Kurikulum na naglalayong
iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Inaasahan ng repormang ito na maiangat
ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa at matugunan ang suliranin sa kawalan ng
trabaho sa bansa.