You are on page 1of 5

panahong pre-kolonyal

1. May kalayaang makapag-asawa ng marami ang mga kalalakihan noon at ayon sa Boxer Codex, ang
mga babae ay maaaring patayin ng asawa niyang lalaki kapag nahuli itong may ibang lalaki.

2. Maaaring maghiwalay ang mag-asawa ngunit hindi makakakuha ng pag-aari ang babae.

3. Sa kabila ng mga ito, may karapatan ang babae na maging isang babaylan, tagapaggamot, at pinuno
ng isang pamayanan habang ang lalaki ay mandirigma at may responsibilidad na magtanggol ng
komunidad.

Yung boxer cordex e manila manuscript yan

Seppppp pwedeng example to heheh na maeexplain

Malayang kababaihan sa Ifugao


Ang Ifugao ay isa sa mga lugar na masasabing malaking parte nito ang hindi
naimpluwensiyahan ng mga mananakop na Espanyol. Ang mga katutubong matatagpuan
rito ay mayroong mayamang kultura at tradisyon. Bago pa man dumating ang mga
Espanyol, mayroon na silang sariling paraan ng pamumuhay na hanggang ngayon ay
mapapansin pa rin. Mula sa dokumetaryong Bulubunduking Buhay, nailarawan dito ang
iba’t ibang gawain at tungkulin ng kalalakihan at kababaihan. Mahalaga ang papel ng mga
lalaki sa Ifugao, gayundin ang mga babae. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
katutubo sa Ifugao ay pagsasaka. Mula sa bulubundukin, nakagawa sila ng hagdan
hagdang palayan o payo na siyang tinutukoy sa dokyumentaryo bilang buhay. Dito kasi
nakasentro ang kanilang pamumuhay at ito ang basehan ng yaman ng isang tao. Mahalaga
ang tungkulin ng mga kababaihan lalo na sa panahon ng tag-araw. Sila ang nangangalaga
at nag-aani ng mga palay. Matapos anihin ang mga palay, lilinisan na nila ang payo upang
makapaghanda sa susunod na pagtatanim. Sa panahon ng pag-aani, nagsasagawa rin sila
ng ritwal bilang pasasalamat ngunit di tulad sa ibang mga katutubo, lalaki ang siyang
nangunguna sa ritwal. Ang tawag sa kanila ay mumbaki. Gayunpaman, ang kababaihan at
kalalakihan ay may pantay na pagtingin sa isa’t isa. Sa pagtatapos ng tag-araw, ang mga
kalalakihan ay naghahanda na para sa pangangayaw. Ang mga kababaihan naman ay
naiiwan lamang sa kanilang mga tahanan upang mag-alaga.
Pagdating sa pagpapakasal, malaki ang impluwensiya ng babae. Matagal at
magastos ang paraan ng pag-aasawa noon. Kinakailangan munang magbigay
ng dowry ang lalaki at pagkatapos ay titira sila sa iisang tahanan. Kung mabubuntis ang
babae, saka lamang sila maaring ikasal. Samakatuwid, sa babae nakadepende kung
maikakasal sila o hindi. Malaya ang mga babae sa pakikipaghiwalay sa kanilang asawa
kung hindi nagampanan ng kanyang asawa ang tungkulin nito. Malaya rin silang
madesisyon para sa kanilang pamilya.
Hudhud ang tawag sa epiko ng Ifugao. Mahalaga ang papel ng kababaihan rito.
Sinasabi sa isang kwento, habang nag-aani ang mga kababaihan ay may isang lalaki raw
na sumulpot at saka nagkwento. Nawala siya at namatay ang lahat ng babaeng nakakita sa
kanya maliban sa isang batang babae. Ang batang babaeng ito raw ang siyang nagturo at
nagpalaganap nito. Ang hudhud ay karaniwang kinakanta ng mga kababaihan. Ang
pinakamahaba nito ay umaabot sa tatlo hanggang apat na araw. Mula rito, masasabi nating
may mayamang kuwento ang mga Ifugao.
Ang tungkulin ng kababaihan ay hindi nakukulong sa kung ano ang kanilang
karaniwang ginagawa. Sila ay malayang nakakapagtrabaho. Hindi mahigpit ang mga
katutubong Ifugao pagdating sa mga gawain. Mahalaga ang distribusyon ng trabaho sa
kanila upang matapos nila ang mga gawain. Masasabi ko pa ngang mas mabigat ang
trabaho ng kababaihan kaysa sa lalaki sapagkat napansin ko ito sa panahon ng pag-aani
kung saan ang mga kababaihan ay nag-aani habang ang mga kalalakihan naman ay abala
sa pagluluto bilang paghahanda sa pagdiriwang. Sa paglipas ng panahon, nabahiran na rin
ng modernong pamamaraan ang Ifugao ngunit mapapansin pa rin ang pagpapanatili ng
kanilang kultura at tungkulin nila lalo na ng mga kababaihan. Dahil hindi na napapanahon
ang pangangayaw tuwing natatapos ang tag-araw, ang mga kalalakihan ay naghahanap na
lamang ng alternatibong hanapbuhay. Samantala, ang kababaihan ay nagtratrabaho din
ngunit sa paraang kayang gawin sa tahanan tulad ng paglililok at pananahi.

Mataas na pagtingin sa kababaihan bilang Binukot


Sa Bukidnon matatagpuan ang mga binukot o ang itinagong paborito at
pinakamagandang anak ng datu. Ang mga binukot ay ang prinsesa ng Visayas. Sila ay
hindi maaring lumabas ng pamamahay at masilayan ng sinag ng araw. Hindi rin sila
maaring tumapak sa lupa. Ang mga binukot ang siyang pinakapinong babae. Maganda ang
balat, malambot ang palad at talampakan at makinis ang mukha. Sa loob ng kuwarto,
tinuturuan sila ng iba’t ibang epiko at pagsasayaw. Ito ang kanilang pinagkakaabalahan sa
buong pamumuhay nila. Sila ang itinuturing na pinakatalentado pagdating sa pagkanta at
pagsayaw. Malaki ang respeto sa kanila tulad ng kanilang papel sa lipunan. Nalalaman ng
binukot ang lahat ng epiko at sila lamang ang tanging nakakaalam nito. Ibig sabihin, ang
kasaysayan ng kaniyang katutubo ay nakasalalay sa kanya. Masarap ang pamumuhay ng
isang binukot ngunit sila ay tuluyan nang nauubos sapagkat wala nang kababaihan ang
nagnanais na maging binukot dala na rin ng modernong panahon. Ayon nga sa
dokyumentrayo ni Kara David tungkol sa huling prinsesa, unti unting nauubos ang mga
binukot dahil sa pagbabago ng pagtingin ng mga kababaihan sa pagiging binukot. Para sa
mga batang kababaihan, ang pagiging binukot ay isa nang sumpa dahil wala silang laya na
lumabas at makapag-aral. Kahit na maraming tumatanggi sa pagiging binukot ngayon, hindi
pa rin maiaalis sa kanila ang mataas na pagtingin sa mga binukot tulad ng dati. Kung ano
ang binukot noon ay ganoon din kung sino sila noon. Tanging ang pagiging binukot lamang
ang nagbago.

Natatanging kababaihan sa Lake Sebu, South Cotabato


Matatagpuan ang mga T’Boli sa South Cotabato. Ang mga kababaihan na
naninirahan o kabilang sa katutubong ito ay mahusay pagdating sa paghahabi. Sa ganitong
larangan, makikita ang kababaihan bilang isang natatanging babae. Nagpapakita lamang
ito na ang isang babae ay may mga kakayahan na hindi maaring gawin ng tradisyunal na
mga kalalakihan. Pinaniniwalaang ang mga kababaihan lamang ang maaring gumawa ng
tinalak sapagkat sila lamang ang may kakayanang mapanaginipan ang disenyo ng isang
tinalak. Tanyag ang mga kababaihan dahil sa paggawa ng tinalak na may iba’t ibang
disenyo. Mahaba ang proseso sa paggawa ng tinalak ngunit matiyaga itong tinatapos ng
mga kababaihan.

Ang kalalakihan ay nabubuhay upang maging magiting na mandirigma samantala


ang kababaihan ay para maging isang pinakamahusay manghahabi. Ang kababaihan ay
may kay kakayanan ding maging pinuno. Boi ang tawag sa babaeng pinuno. Ang
pagiging boi ay base sa sa kanilang impluwensiya at sa husay sa paghahabi. Maaring
mamana ang pagiging boi ngunit ito ay para lamang sa mga babae.
Sa paglipas ng panahon, ang paghahabi ay ginagawa na rin ng mga kalalakihan
ngayon. Ang paggawa ng tinalaka noon ay isang prestihiyosong larangan ngunit ngayon, ito
ay ginagawa upang kumita. Hindi ko sinasabing ito ay masama o mabuti. Ang mahalaga ay
hanggang ngayon, ang paggawa ng tinalak ay mayroon pa rin. Ang paggawa ng tinalak ay
simbolo ng husay at talento ng natatanging mga kababaihan. Ito ay simbolo ng mahalagang
papel nila sa lipunang T’Boli.

Papel ng mga kababaihan noong panahon ng Espanyol:

Ang mga babae sa panahon ng Espanyol ay ginagalang. Sila ay kinakailangang nasa loob lamang ng
tahanan o ng paaralan. Ang kanilang tradisyunal na gampanin ay para sa tahanan lamang. Sila ay ang
responsable upang mangasiwa sa mga pangangailangan sa tahanan. Sila ay sinasanay na maging
mabuting ina at asawa, at hindi nila kinakailangang makaabot sa mataas na edukasyon upang magtapos
bilang propesyonal, doktor, inhinyera at iba pa. Ang simbolo ng kababaihan noon ay si Maria Clara -
mahinhin, mayumi kung magsalita at tahimik kung kumilos.

Bukod dito, kung sila man ay kailangang dumalo sa isang kaganapan, kinakailangan na sila ay may
kasamang kamag-anak.

Samantala, may iilan namang mga kababaihan ang lumabas sa tradisyunal na gampanin ng mga babae
noong panahon ng mga Espanyol at hindi nila hinayaang makulong sa kalagayan ng mga kababaihan sa
Pilipinas noon. Ang mga kababaihang ito ay umabot sa mataas na uri ng edukasyon at nagtapos bilang
mga abogada, doktora, at iba pa. Ang ilan naman ay sumali sa mga pag-aaklas laban sa mga Espanyol. Ito
ay ang tinatawag na hindi-tradisyunal na gampanin ng mga kababaihan noong panahon ng mga
Espanyol.

Papel ng mga kalalakihan sa panahon ng Espanyol:

Ang gampanin ng lalaki noong panahon ng Espanyol ay sila ang responsable upang magtrabaho para sa
kanilang pamilya.
Bukod dito, ang gampanin ng mga lalaki noon ay pangunahing napairal ng patakaran na tinatawag na
polo o “polo y servicio”. Ang “polo y servicio” ay isang patakaran noong panahon ng mga Espanyol kung
saan sapilitang pinaglingkod sa pamahalaang Kastila ang mga kwalipikadong mga kalalakihan.

Ang mga sapilitang isinasali sa patakarang “polo y servicio” ay ang mga kalalakihang may edad na 16
taong gulang hanggang 60 taong gulang. Sila ay pinaglilingkod sa pamahalaan sa loob ng 40 na araw sa
isang taon. Sila ay gumagawa ng mga istruktura kagaya ng mga daan, tulay, gusali, simbahan nang
walang pahinga at tuluy-tuloy. Ang mga kalalakihang miyembro ng mga may-kayang pamilya ay
hinahayaang magbayad ng multa o “falla” upang makaiwas sila sa paglahok sa “polo y servicio”.

Bukod dito, ang mga lalaki rin ang mga namumuno ng mga pag-aaklas laban sa mga mananakop na
Espanyol noong mga panahon na iyon.

PANAHON NG AMERIKANO:

sa pagsakop naman ng mga amerikano, ang babaeang babae ay binigyan na ng karapatan na makapag-
aral dahil sila ay nagpakilala ng libreng sistema ng pampublikong edukasyon na nagbibigay ng
oportunidadsa kahit sinong bata kahit ano pa man ang kasarian. mula noon, marami ng mga kababaihan
ay nagingmga propesyonal na. masasabi na naging mas liberal na rin ang mga babae sa mga panahon na
ito, dahilnatutunan na nilang gamitin ang body language para mag pakita ng interes sa lalaki.

PANAHON NG HAPONES:

Ang tungkulin ng lalaki at babae noong panahon ng Hapon ay magkaiba. Ang tungkulin ng mga lalaki
noong panahon ng Hapon ay ang paglaban sa mga Hapones. Samantala, tungkulin ng mga babae noong
panahon ng Hapon ay ang paggawa ng mga gawaing bahay at pakikilahok din sa giyera. Ang iba pang
detalye tungkol dito ay nasa ibaba.

Tungkulin ng mga lalaki at babae noong panahon ng Hapon na maging bahagi sa paglaban sa mga
Hapones. Gampanin ng mga babae at lalaki sa panahong hapones na sumali sa HUKBALAHAP (Hukbong
Bayan Laban sa Hapon o The Nation’s Army Against the Japanese Soldiers sa Wikang Ingles). Ang
HUKBALAHAP ay isang grupo ng mga Pilipino na lumalaban sa mga Hapon noong panahon ng pananakop
ng mga Hapon.

Bilang karagdagang impormasyon, iniiwan ng mga kababaihan ang kanilang tahanan upang magtrabaho
o makilahok sa giyera. Noon, kung may trabaho man o wala ang mga babae, inaasahan din silang
gumawa ng mga gawaing bahay bukod pa sa pakikilahok sa HUKBALAHAP.

You might also like