You are on page 1of 15

Ang Ifugao ay sinasabing nagmula sa salitang “i-pugo” na nangangahulugang “mula sa lupa

o burol”. Ayon sa kanilangalamat, ang “Ifugao” ay hango sa salitang “ipugo”. Ito ay isang
butil ng bigas na ibinigay sa kanila ng kanilang bathala nasi Matungulan. Hanggang sa
kasalukuyan ay inaani pa rin ng mga Ifugao ang ganitong uri ng butil. Sa panahon ng
mgaEspanyol, pinalitan nila ang “Ipugo” at ginawang “Ipugaw”. Makaraan ang ilang taon, sa
pananakop ng mga Amerikano,binago nila ang “Ipugaw”. Ginawa nila itong “Ifugao” at iyan
na ang tawag sa kanila hanggang sa kasalukuyan.Noong unang panahon, ang Ifugao ay
bahagi lamang ng Mountain Province. Ito ay naging ganap lamang na lalawigannoong ika-18
ng Hunyo taong 1966. Matatagpuan sa mga hilagang bulubundukin ng Pilipinas ang tribong
ito. Maymalawak na lugar ang lalawigang ito, humugit kumulang 1942.5 sq. Km. Ang mga
karatig lalawigan nito ay Bontoc(hilaga), Kankana-ey (kanluran), Gaddang (silangan) at
Ikalahan at Iwak (timog). Ang lalawigang ito ay mayroongsampung munisipyo na binubuo
ng Banaue, Hungduan, Kiangan, Lagawe, Lamut, Mayoyao, Potia, Hingyan, at Tinoc.
AngLagawe ang sentro ng lalawigang ito.Ang mga Ifugao ay mahahalintulad sa mga Asyano
ngunit sila ay may mas maitim na balat. Ang mga lalaking Ifugao aypalaging mayroong
dalang sandata. Ang mga Ifugao, babae man ito o lalaki, ay nagsusuot ng mga alahas sa
katawan.Karaniwang gawa ito sa ginto, perlas at iba pang mga diamante.

Ang Ifugao ay isa sa mga lugar na masasabing malaking parte nito ang hindi
naimpluwensiyahan ng mgamananakop na Espanyol. Ang mga katutubong matatagpuan rito
ay mayroong mayamang kultura attradisyon. Bago pa man dumating ang mga Espanyol,
mayroon na silang sariling paraan ng pamumuhayna hanggang ngayon ay mapapansin pa rin.
Mula sa dokumetaryong Bulubunduking Buhay, nailarawan dito ang iba’t ibang gawain at
tungkulin ng kalalakihan at kababaihan. Mahalaga ang papel ng mga lalaki sa Ifugao,
gayundin ang mga babae. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga katutubo sa Ifugao
aypagsasaka. Mula sa bulubundukin, nakagawa sila ng hagdan hagdang palayan o payo na
siyang tinutukoysa dokyumentaryo bilang buhay. Dito kasi nakasentro ang kanilang
pamumuhay at ito ang basehan ngyaman ng isang tao. Mahalaga ang tungkulin ng mga
kababaihan lalo na sa panahon ng tag-araw. Silaang nangangalaga at nag-aani ng mga palay.
Matapos anihin ang mga palay, lilinisan na nila ang payo upang makapaghanda sa susunod na
pagtatanim. Sa panahon ng pag-aani, nagsasagawa rinsila ng ritwal bilang pasasalamat ngunit
di tulad sa ibang mga katutubo, lalaki ang siyang nangunguna saritwal. Ang tawag sa kanila
ay mumbaki. Gayunpaman, ang kababaihan at kalalakihan ay may pantay na pagtingin sa
isa’t isa. Sa pagtatapos ng tag-araw, ang mga kalalakihan ay naghahanda na para
sapangangayaw. Ang mga kababaihan naman ay naiiwan lamang sa kanilang mga tahanan
upang mag-alaga.Pagdating sa pagpapakasal, malaki ang impluwensiya ng babae. Matagal at
magastos angparaan ng pag-aasawa noon. Kinakailangan munang magbigay ng dowry ang
lalaki at pagkatapos ay titirasila sa iisang tahanan. Kung mabubuntis ang babae, saka lamang
sila maaring ikasal. Samakatuwid, sababae nakadepende kung maikakasal sila o hindi.
Malaya ang mga babae sa pakikipaghiwalay sakanilang asawa kung hindi nagampanan ng
kanyang asawa ang tungkulin nito. Malaya rin silangmadesisyon para sa kanilang pamilya.
Hudhud ang tawag sa epiko ng Ifugao. Mahalaga ang papel ng kababaihan rito. Sinasabi sa
isang kwento, habang nag-aani ang mga kababaihan ay may isang lalaki raw na sumulpot at
saka nagkwento. Nawala siya at namatay ang lahat ng babaeng nakakita sa kanya maliban sa
isang batang babae. Ang batang babaeng ito raw ang siyang nagturo at nagpalaganap nito.
Ang hudhud ay karaniwang kinakanta ng mga kababaihan. Ang pinakamahaba nito ay
umaabot sa tatlo hanggang apat na araw. Mula rito, masasabi nating may mayamang kuwento
ang mga Ifugao.

Ang tungkulin ng kababaihan ay hindi nakukulong sa kung ano ang kanilang karaniwang
ginagawa. Sila ay malayang nakakapagtrabaho. Hindi mahigpit ang mga katutubong Ifugao
pagdating sa mga gawain. Mahalaga ang distribusyon ng trabaho sa kanila upang matapos
nila ang mga gawain. Masasabi ko pa ngang mas mabigat ang trabaho ng kababaihan kaysa
sa lalaki sapagkat napansin ko ito sa panahon ng pag-aani kung saan ang mga kababaihan ay
nag-aani habang ang mga kalalakihan naman ay abala sa pagluluto bilang paghahanda sa
pagdiriwang. Sa paglipas ng panahon, nabahiran na rin ng modernong pamamaraan ang
Ifugao ngunit mapapansin pa rin ang pagpapanatili ng kanilang kultura at tungkulin nila lalo
na ng mga kababaihan. Dahil hindi na napapanahon ang pangangayaw tuwing natatapos ang
tag-araw, ang mga kalalakihan ay naghahanap na lamang ng alternatibong hanapbuhay.
Samantala, ang kababaihan ay nagtratrabaho din ngunit sa paraang kayang gawin sa tahanan
tulad ng paglililok at pananahi.

Mataas na pagtingin sa kababaihan bilang Binukot


Sa Bukidnon matatagpuan ang mga binukot o ang itinagong paborito at pinakamagandang
anak ng datu. Ang mga binukot ay ang prinsesa ng Visayas. Sila ay hindi maaring lumabas ng
pamamahay at masilayan ng sinag ng araw. Hindi rin sila maaring tumapak sa lupa. Ang mga
binukot ang siyang pinakapinong babae. Maganda ang balat, malambot ang palad at
talampakan at makinis ang mukha. Sa loob ng kuwarto, tinuturuan sila ng iba't ibang epiko at
pagsasayaw. Ito ang kanilang pinagkakaabalahan sa buong pamumuhay nila. Sila ang
itinuturing na pinakatalentado pagdating sa pagkanta at pagsayaw. Malaki ang respeto sa
kanila tulad ng kanilang papel sa lipunan. Nalalaman ng binukot ang lahat ng epiko at sila
lamang ang tanging nakakaalam nito. Ibig sabihin, ang kasaysayan ng kaniyang katutubo ay
nakasalalay sa kanya. Masarap ang pamumuhay ng isang binukot ngunit sila ay tuluyan nang
nauubos sapagkat wala nang kababaihan ang nagnanais na maging binukot dala na rin ng
modernong panahon. Ayon nga sa dokyumentrayo ni Kara David tungkol sa huling prinsesa,
unti unting nauubos ang mga binukot dahil sa pagbabago ng pagtingin ng mga kababaihan sa
pagiging binukot. Para sa mga batang kababaihan, ang pagiging binukot ay isa nang sumpa
dahil wala silang laya na lumabas at makapag-aral. Kahit na maraming tumatanggi sa
pagiging binukot ngayon, hindi pa rin maiaalis sa kanila ang mataas na pagtingin sa mga
binukot tulad ng dati. Kung ano ang binukot noon ay ganoon din kung sino sila noon.
Tanging ang pagiging binukot lamang ang nagbago.
Natatanging kababaihan sa Lake Sebu, South Cotabato
Matatagpuan ang mga T'Boli sa South Cotabato. Ang mga kababaihan na naninirahan o
kabilang sa katutubong ito ay mahusay pagdating sa paghahabi. Sa ganitong larangan,
makikita ang kababaihan bilang isang natatanging babae. Nagpapakita lamang ito na ang
isang babae ay may mga kakayahan na hindi maaring gawin ng tradisyunal na mga
kalalakihan. Pinaniniwalaang ang mga kababaihan lamang ang maaring gumawa ng tinalak
sapagkat sila lamang ang may kakayanang mapanaginipan ang disenyo ng isang tinalak.
Tanyag ang mga kababaihan dahil sa paggawa ng tinalak na may iba't ibang disenyo. Mahaba
ang proseso sa paggawa ng tinalak ngunit matiyaga itong tinatapos ng mga kababaihan.

Ang kalalakihan ay nabubuhay upang maging magiting na mandirigma samantala ang


kababaihan ay para maging isang pinakamahusay manghahabi. Ang kababaihan ay may kay
kakayanan ding maging

Pinuno. Boi ang tawag sa babaeng pinuno. Ang pagiging boi ay base sa sa kanilang
impluwensiya at sa husay sa paghahabi. Maaring mamana ang pagiging boi ngunit ito ay para
lamang sa mga babae.

Sa paglipas ng panahon, ang paghahabi ay ginagawa na rin ng mga kalalakihan ngayon. Ang
paggawa ng tinalaka noon ay isang prestihiyosong larangan ngunit ngayon, ito ay ginagawa
upang kumita. Hindi ko sinasabing ito ay masama o mabuti. Ang mahalaga ay hanggang
ngayon, ang paggawa ng tinalak ay mayroon pa rin. Ang paggawa ng tinalak ay simbolo ng
husay at talento ng natatanging mga kababaihan. Ito ay simbolo ng mahalagang papel nila sa
lipunang T’Boli.

Maria Calara, ang babaeng likha ng Espanyol


Sa panahong pre kolonyal, ang kakabihan ay malaya, may mataas na pagtingin at respeto at
may kakayanang mamuno sa lipunan. Ang pagiging binukot ay maaring maihalintulad sa
babaeng likha ng mga Espanyol dahil sila ay hindi maaring lumbas subalit taliwas sa
paniniwala ng mga Espanyol, ang mga kababaihan ay maaaring magkaroon ng mataas na
tungkulin sa isang lipunan. Ang binukot ay isang mahalagang elemento ng lipunan base sa
kanyang tungkuling ginagampanan. Ang malayang Ifugao at ang pagiging Boi ng
mgakababaihan ay salungat sa paniniwala ng mga Espanyol sa mga kababaihan. Para sa mga
Espanyol, ang mga kababaihan ay walang puwang sa isang lipunan at walang karapatang
mamumuno. Hindi nirerespeto ang mga kababaihan. Kaya naman sa pagdating ng Espanyol,
nawala ang tinatawag na “malayang babae” maliban na lamang sa mga pangkat etniko na
hindi nila naimpluwensiyahan. Hanggang ngayon, ang pakikisalamuha sa kababaihan ng mga
katutubong ito na matatagpuan sa Ifugao, Panay,at South Cotabato ay tulad pa rin ng dati.

Marami sa atin ang nagsasabi na ang dalagang Pilipina ay yaong tulad ni Maria Clara.
Ngayon, napagtanto ko na ang tunay na Pilipina ay ang mga kababaihan sa mga pangkat
etniko. Nagbago man ang panahon at paraan ng kanilang pamumuhay, makikita pa rin ang
mahalagang papel ng kababaihan sa kanila. Dumating ang Espanyol, Amerikano at mga
Hapon, natapos ang ikalawang digmaang pandaigdigan, nagkaroon na ng People Power, at
nagkaroon na ng isyu sa mga lupang pinag-aagawan, ang pagtingin sa kababaihan ay ganoon
pa rin sa pangkat etniko. Pansamantalang nag-iba ang pagtingin sa mga kababaihan sa
panahon ng mga Espanyol o sa panahong kolonyal ngunit ang malayang babae ay unti unti
ring naibabalik rin noong matapos ang pananakop hanggang sa kasalukuyan.

Kultura at Tradisyon ng mga Igorot

Ang Igorot ay isang primitibong pangkat etniko sa Pilipinas. Ang kultura at tradisyon ng mga
Igorot ay popular dahil sa kanilang mga kasuotan ng bahag, pamumuhay sa pamamgitan ng
mga root crops at sa maraming dasal para sa pag-aasawa, paglalakbay at pagsasaka.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Komunikasyon

May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot:
ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ito ay pinagsisikapang
i-preserba ng Gobyerno upang mapanatili ang lahi nila.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Kostumbre

Pamilyar tayo sa kanilang pananamit. Sa kanilang kasuotan, ang mga babae ay nag susuot ng
mga makukulay na patadyong o mahahabang palda, nagsusuot din ang mga babae ng kwintas
at palayok sa ulo. Ang mga lalaki naman ay naka-bahag.

Mahalaga sa kanila ang may mga “”tattoo”” sa katawan yamang may sinisimbolo ito sa
katapangan at reputasyon ng isa sa kanilang lipunan. Sila ay maingat sa pagpili ng
makabagong mga pananamit. Yamang pinalalaki silang higit na mahalin ang kanilang
kostumbre.
Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Hanap-buhay

Mayroon lamang simpleng pamumuhay tulad ng:

Pagtatanim at pag-aani
Pangangalakal
Pangangahoy
Pangangaso
Pagtitinda
Paghahabi
Pagsasaka.

Ang mga Root Crops na kanila mismong pangunahing pagkaian ay kanila din mismong
itinatamin gaya ng kamote, mais, patatas, carrots, gabi at mga prutas na matatagpuan sa
kagubatan.

Malaking bahagi ng kanilang pamumuhay ang mga kabundukan at iba pang yamang-lupa.
Kasing halaga ng

Kanilang kontribuyson sa mundo na Banaue Rice Terraces o Hagdan-hagdang Palayan.

Pero sa ngayon, marami sa mga kabataang Igorot ang pumapasok na sa paaralan. At ang ilan
sa kanila ay nagtatapos sa mataas na digri sa kolehiyo. Kaya inaasahan na ang kanilang uri ng
karera na pinipili ay sumasabay sa agos ng modernisasyon. Ang ilan sa kanila na
nakapagtapos ay bumabalik upang tulungan ang kanilang angkan sa higit na pagpapayaman
ng kanilang lupain.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Relihiyosong Paniniwala


Katulad ng iba pang etnikong grupo, ang mga Igorot ay mayaman din sa mga ritwal. Marami
sa kanilang mga dasal ay patungkol sa pagliligawagan, pag-aasawa at pag-aanak. Mayroong
mga bahagi dito ang mga espiritu na inaakala nilang nagliligtas sa isa.
Maliban doon, ang pakikidigma, debosyon sa pagsamba, pagpili ng karera o paglalakbay ay
mayroong listadong mga dasal o orasyon na kailangang gawin sa pamamagitan ng kanilang
lider.

Bagaman ang Pilipinas ay nasakop ng Espanyol sa napakahabang panahon, napanatili ng


Igorot na malaya sa kanilang impluwensya. Ang dahilan ay ang pagiging bulubundukin ng
kanilang lugar. Nahadlangan na sakupin sila o siluin man lamang ng mga panghihikayat.

Pinagmulan ng mga Igorot


Ang salitang Igorot ay ipinangalan ng mga Espanyol sa etnikong grupong ito bilang tawag sa
mga tribong hindi nila nakolonisa sa Luzon. Ito ay mula sa: “Golot” o mountain chain, ang
pinagmulan ng salita at dinagdagan ng unlaping “I” na nangangahulugang “nakatira sa”.

Sila ay naninirahan sa may Cordillera, sa isla ng Luzon. Mayroong anim na lalawigan sa


Cordillera Administrative Region (CAR) na matatagpuan sila. Ang mga ito ay ang

Abra
Apayao
Benguet
Ifugao
Kalinga
Mountain Province

Sa tuwing binabangit ang salitang “Igorot”, hindi matulungang may diskriminasyon na


naglalaro sa isip ng mga tao. Ano nga ba ang pinagkaiba natin sa mga taong taga-ibang
lupain? Sinasabing nag-ugat ang mga taga-baba at mga taga-kabundukan sa parehong mga
ninuno. Ang mga Igorot ay yaong mga taong lumipat sa mga kabundukan upang makahanap
ng ibang buhay, o upang lisanin ang mga bayang nanganganib sakupin ng ibang lahi. Sila ay
tumira sa tinatawag nating ngayong Rehiyong Cordillera. Sa pagdaan ng mahabang panahon,
ang mga Igorot, kasama na ng iba pang mga tribong hindi nagpasakop, ay nagkaroon ng
kulturang natatangi sa kanila. Naipagpatuloy ng mga Igorot ang mga sinaunang gawain
samantalang ang mga naiwan sa mga kapatagan ay nagkaroon ng maraming pasanin. Ito ay
mga paghihirap, mga sakripisyo, at mga luha na siya naman nilang ipinagkatulad sa mga
Pilipinong taga-timog.
Madaming mga gawain na makikita sa karamihan ng mga Igorot ngunit nagkakaiba ang istilo
sa iba’t- ibang mga tribo. Ang ilang mga gawain at paniniwala ng mga Igorot ay nakasaad sa
sulating ito. Ang pangunahing pinagkunan ay ang mga karanasan ng aking lola. Ibig sabihin,
ang mga ito ay gawain sa Mountain Province ngunit may konting halo sa mga paniniwala ng
mga Ilocano sa Cervantes.

Hindi nalalaman kung kailan pa nagsimula ang mga kaugaliang mga ito. Basta ayon sa mga
matatanda, ito ay ginagawa na noon pang buhay si ganito na anak ni ganito at pinsan ni
ganito na siya namang apo ni ganito. Ang mga kaugaliang ito ay pinaabot sa mga sunod na
henerasyon sa pamamagitan ng pagkukuwento o aktibong partisipasyon sa mga ritwal.

SAPO (KULAM)
Ang sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na nakakapagtaka ma’y
nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito upang makapagdulot ng kung hindi
maganda ay kasawiang- palad sa taong tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng mga
mambonong (mambonon sa iba), o mga pari. Ngunit maari din daw manahin ang talentong
ito. May ritwal na gagawin ang mambonong upang magtawag ng diwata. Gumagamit ng
representasyon para sa taong nais i- sapo, madalas na isang manok. Kinakantahan ng dasal at
sinasayawan upang ang diwata, o espiritu ng mga ninuno ang magpapatotoo sa mga
hinihiling.

Hindi lahat ng tao ay tinatablan ng sapo, lalo na kung siya ay may matatag na
pananampalataya. (Hindi lamang nasabi kung ito’y pananalig sa Diyos ng mga Kristiyano o
sa Bathala ng mga ninuno.) Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay napupunta sa isa pang taong
mahalaga sa kanya, kung di kaya’y bumabalik ito sa nais magpalagay ng sapo. Babala ng
mga matatanda sa mga kadalagahan, huwag daw itaboy ang isang manliligaw. Bagkus ay
kausapin na lamang daw ito nang matiwasay upang maiwasan ang anumang disgrasya.
Sinasabing malawak pa rin ang paggawa nito sa ilang parte ng Mt. Province, Kibungan,
Bokod, at lalo pa sa Abra.

PAGLIBING
Ang paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay. Nagtatawag sila
ng mambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na dito ang paghingi ng tawad
para sa mga kasalanan ng namatay at pagbebendisyon sa pamilyang naiwan. Para sa mga
mayayaman, nagkakaroon ng kanyao na nagtatagal ng di kukulanging isang lingo, minsan ay
umaabot pa ng dalawang buwan.
Ang namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay na
naging mahalaga sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang pagtawid sa
kabilang buhay. Inaasahan din nila ang pagpaparamdam ng kanyang kaluluwa sa ikatlong
araw, lalo na sa mga kapamilya at kaibigan. Sinasabing ito ang panahon ng pag-ahon ng
kaluluwa sa pook ng mga kagalang-galangang ninuno.

Sa mga Ibaloi naman, pumapaslang sila dati ng isang kabayo upang maging sakayan ng
kaluluwa sa kanyang paglalakbay. Dati pa, marunong ang mga katutubong magmummify. Ito
ay natatangi sa istilo ng mga Egyptian at Aztecs sa pagkat kasamang napre-preserba ang balat
habang ang bangkay ay naka-posisyong paupo na para bang giniginaw. Kaya lamang,
nakalimutan na din kung paano ito ginagawa. Mayroon pang natuklasan na isang mummy
dito na sinasabing mahigit apat dantaong gulang na.

LIFE AFTER DEATH


Pinaniniwalaang pagkamatay, ang kaluluwa ay pumupunta sa mundo ng mga ninuno. Sa mga
nahaluan ng Katolikong paniniwala, sinasabi nilang ang mga kaluluwa ay pumupunta sa
purgatoryo habang hinihintay ang araw ng pagsasakdal. Ngunit itong mundo rin nating ito
ang purgatoryo. Sila ang mga naninirahan sa mga sapa, mga gubat, mga puno, mga tutubi, at
lahat na yata ng mga likas na bagay. Anito ang tawag sa mga ito. Ang mga anitoay
kinatatakutan at nirerespeto ngunit hindi sila diyos. Ang mga diyos (bathala) naman ay higit
na may kapangyarihan sa kanila. Pinaniniwalaan ding may kataas-taasang diyos na siyang
lumikha sa sanlibutan. Nakakalito sa pagkat siya ang Tinuturingang ‘Bathala’ ng ibang tribo..

ILANG PANINIWALA
Pagtawag ng pangalan.
Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang anino.
Maari daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa hiwalay sa katawan nito.
Kapag nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang sakitin at tulala. Sa ibang tao, palagi niyang
mapapanaginipan ang lugar na pinuntahan niya. Makikita niya ang sariling libang na libang
sa mga tanawin at mga bagay doon. Ayon sa aking Lola, ito daw ang nangyari sa aking
pinsan na dalawang taong gulang noon. Lumipat sila mula sa Apugan, Itogon. Sa mga
sumunod na araw ay naging matamlay at pala-tae. Sinubukan nilang ipagamot sa
pamamagitan ng medisina, sa abot ng kanilang makakaya. Nang walang nangyari,
Minungkahi ng isang matanda na ipatingin siya sa isangmambonong. Sinabi na naiwan daw
ang Kanyang kaluluwa sa pagkat aliw na aliw sa kanya ang isang batang anito. Sunod nito,
nagkaroon ng ritwal ng panggagamot. Tinawag ng mambonong ang anito at mga magulang
nito. Hiniling nila ang paglaya ng bata sapagkat ano nga daw ba ang gagawin nila sa isang
tao. Ang mga tao ay hindi karapata-dapat sa mgaanito, na sila ay madudumi at hindi
maipaghahambing sa kanila. May paghahandog ng Manok, sa kagustuhan na rin ng mga
anito. Matapos nito, agad din naming gumaling ang bata at Bumalik na sa dati.
RITUALS
Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-
iba sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon
gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito
nagtatapos ang gamit nito. Maari din itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya
ng paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol
sa mga dapat na gawin ng isang bayan. Marami din talagang iba’t-ibang mga kaugaliang
napapaloob sa kanyao.

Ang pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit sa kadangyan. Doon sasabihin ng


kadangyan (isang uri ng pari) kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na nagpapakatay ng
sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga diwata. May mga biro na
depende lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o sa dami ng mga pakakaining
manonood. Ang mga pinaslang na hayop ay nagsisilbing paghahandog sa mga diwata (anito,
ninuno) at mga bathala. Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo,
pagsasayaw, kantahan, at iba pa. Kung ano man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling
ang uri ng sayaw, o tayaw. Madalas na ginagamit ang mga gongs na gawa sa makapal na
bakal. Sinasaliwan naman ito ng iba pang mga tambol gaya ng solibao habang ang mga tao
ay nagkakantahan, nagtatawanan, at pinagsasaluhan ang watwat (pinakuluang karne ng
baboy). Para sa kanyao ng pasasalamat, ang laman ng kanta ay ukol sa mga masasaganang
ani at iba pang mga dapat ipagyamang bagay. Sinasaloob din ang mga matatalinhagang sabi
ng mga ninuno. Ngayon, ang kanyao ay hindi na masyadong isinasagawa o kung oo man ay
hindi na gaya nang dati na magarbo at detalyado. Noong panahong nakalipas, ito din ang
nakakapagsabi sa kayamanan ng tao, o Yung sinasabi nating status quo.

Reaksyon, Suhestiyon, at iba pang kuro-kuro


Nakakatakot din pala ang pamumuhay ng ating mga ninuno. Bukod sa mga delubyong dulot
ng mga piskal na bagay, naroon din ang tuwi-tuwinang banta ng kalikasan kasama na ng mga
nilalang na di nakikita. Malaki marahil ang naging epekto nito sa pamumuhay natin ngayon.
Dahil sa paggalang na ito, mayaman pa rin ang kapaligiran sa likas na yaman. Sa kabilang
banda, marahil ay ito din ang isang kadahilanan kung bakit may hangganan ang
teknolohiyang nabuo ng mga ninuno kung ikukumpara sa ibang dakilang nasyon na naging
tanyag sa kanilang mga nagawa sa kabuuan ng kasaysayan. Pinagtataka ko lamang kung bakit
hindi sila naging tamad. Dinahilan ni Rizal na isang ugat ng katamaran ng mga Pilipino ay
ang mayamang mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan. Isa pa, may mga parte din
sa Kordilyerang talaga namang mainit.(clarification: Jose Rizal reasoned that hot climates can
lead to sloth) Para sa ating mga pinanganak sa mundo ng mga Kristiyano, nakakalito din na
maniwala sa mga ani- anito. Sa aking palagay, totoong nangyayari ang mga ito, may mga
mirakulo, may mga kakaibang pangyayari. Ngunit ayon sa Bibliya, ang mga ito ay
kagagawan ng demonyo. Matalino din daw sila. Kaya nilang mag-astang mabuti, kaya din
nilang gumawa ng mga mirakulo upang maniwala ang mga tao sa kanilang kapangyarihan.
Yun daw ang pinagmulan ng lahat ng kaguluhan, ang pagnais ni Lucifer sa kapangyarihan na
higit sa ginawad sa kaniya. Kung kaya’t dapat tayong magkaroon ng solidong paninidigan sa
Diyos. Sa kabilang banda, iyon na lamang ba muli ang tanong? Lagi na lamang bang mabuti-
masama; Diyos-demonyo; puti-itim; araw-gabi? Nakakalito talaga. Ano nga rin ba kaya ang
korelasyon ng pananampalataya ng mga ninuno (Animismo) sa ibang dakilang relihiyon
kagaya ng Kristiyanismo, Buddhismo, o Islam?

Nakakalungkot din naman na nawawala na ang mga kaugaliang ito. Ang maituturo kong
isang dulot ay ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ngunit talaga sigurong nakatatak na sa
atin ang mga nakagawian sapagkat matagal na panahon din bago tuluyang nagpabinyag ang
ilang katutubo.

Sa punto naman ng Katolisismo (at iba na ring sektor ng relihiyon), mapapansing ginamit
(ginagamit pa rin) ang akulturasyon upang makapagbinyag ng mas higit pa. Sa isang banda,
nababago nito ang istilo, gamit, at paraan ng ilang kaugalian. Halimbawa na marahil ay ang
pagkanyao bilang misa para sa Diyos. Ngunit iba na sigurong usapin yan at mas
makakabuting bumalik tayo sa pinag-uusapan.

Sa kasalukuyan ay unti-unti nang nalilimutan sa kasaysayan ang mga sinaunang gawain. Sino
o ano ang dapat sisihin? Ang teknolohiya? Ang globalisasyon? Nararapat din bang
panatilihin, o limutin ang mga kulturang ito? Ngunit hindi ba, ganoon ang kultura? Ito ay
patuloy na nagbabago upang makisalamuha sa patuloy ding nagbabagong pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.

Pinagtataasan man ng kilay, ang mga Igorot ay di maitatangging pride ng ating bayan.
Ngayon, kilala tayo dahil sa Hagdan-hagdanang Palayan, sa mga kweba ng Sagada, at kay
Apo Ano na isang mummy. Ngunit sana maintindihan din ng iba na hindi lamang tayo
hanggang doon, mga artifact ng nakalipas, mga subject ng eksibisyon. Madami tayong mga
katangian na talaga namang nakakamangha. Sabi nga nila, ang isang bayani ay hindi
makikilala sa kaniyang sariling bayan. Sa pagsasantabi sa atin ng iba pang mga Pilipino,
hindi nila napapansing naisasantabi din nila ang kanilang mga sarili, ang kanilang
kasaysayan, at ang kanilang mga ninuno.
Sa tuwing binabangit ang salitang “Igorot”, hindi matulungang may diskriminasyon na
naglalaro sa isip ng mga tao. Ano nga ba ang pinagkaiba natin sa mga taong taga-ibang
lupain?

Sinasabing nag-ugat ang mga taga-baba at mga taga-kabundukan sa parehong mga ninuno.
Ang mga Igorot ay yaong mga taong lumipat sa mga kabundukan upang makahanap ng ibang
buhay, o upang lisanin ang mga bayang nanganganib sakupin ng ibang lahi. Sila ay tumira sa
tinatawag nating ngayong Rehiyong Cordillera. Sa pagdaan ng mahabang panahon, ang mga
Igorot, kasama na ng iba pang mga tribong hindi nagpasakop, ay nagkaroon ng kulturang
natatangi sa kanila. Naipagpatuloy ng mga Igorot ang mga sinaunang gawain samantalang
ang mga naiwan sa mga kapatagan ay nagkaroon ng maraming pasanin. Ito ay mga
paghihirap, mga sakripisyo, at mga luha na siya naman nilang ipinagkatulad sa mga
Pilipinong taga-timog.

Madaming mga gawain na makikita sa karamihan ng mga Igorot ngunit nagkakaiba ang istilo
sa iba’t- ibang mga tribo. Ang ilang mga gawain at paniniwala ng mga Igorot ay nakasaad sa
sulating ito. Ang pangunahing pinagkunan ay ang mga karanasan ng aking lola. Ibig sabihin,
ang mga ito ay gawain sa Mountain Province

Ngunit may konting halo sa mga paniniwala ng mga Ilocano sa Cervantes. Hindi nalalaman
kung kailan pa nagsimula ang mga kaugaliang mga ito. Basta ayon sa mga matatanda, ito ay
ginagawa na noon pang buhay si ganito na anak ni ganito at pinsan ni ganito na siya namang
apo ni ganito. Ang mga kaugaliang ito ay pinaabot sa mga sunod na henerasyon sa
pamamagitan ng pagkukuwento o aktibong partisipasyon sa mga ritwal.

SAPO
Ang sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na nakakapagtaka ma’y
nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito upang makapagdulot ng kung hindi
maganda ay kasawiang- palad sa taong tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng mga
mambonong (mambonon sa iba), o mga pari. Ngunit maari din daw manahin ang talentong
ito. May ritwal na gagawin ang mambonong upang magtawag ng diwata. Gumagamit ng
representasyon para sa taong nais i-sapo, madalas na isang manok. Kinakantahan ng dasal at
sinasayawan upang ang diwata, o espiritu ng mga ninuno ang magpapatotoo sa mga
hinihiling.

Hindi lahat ng tao ay tinatablan ng sapo, lalo na kung siya ay may matatag na
pananampalataya. (Hindi lamang nasabi kung ito’y pananalig sa Diyos ng mga Kristiyano o
sa Bathala ng mga ninuno.) Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay napupunta sa isa pang taong
mahalaga sa kanya, kung di kaya’y bumabalik ito sa nais magpalagay ng sapo. Babala ng
mga matatanda sa mga kadalagahan, huwag daw itaboy ang isang manliligaw. Bagkus ay
kausapin na lamang daw ito nang matiwasay upang maiwasan ang anumang disgrasya.
Sinasabing malawak pa rin ang paggawa nito sa ilang parte ng Mt. Province, Kibungan,
Bokod, at lalo pa sa Abra.

PAGLIBING
Ang paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay. Nagtatawag sila
ng mambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na dito ang paghingi ng tawad
para sa mga kasalanan ng namatay at pagbebendisyon sa pamilyang naiwan. Para sa mga
mayayaman, nagkakaroon ng kanyao na nagtatagal ng di kukulanging isang lingo, minsan ay
umaabot pa ng dalawang buwan.

Ang namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay na


naging mahalaga sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang pagtawid sa
kabilang buhay. Inaasahan din nila ang pagpaparamdam ng kanyang kaluluwa sa ikatlong
araw, lalo na sa mga kapamilya at kaibigan. Sinasabing ito ang panahon ng pag-ahon ng
kaluluwa sa pook ng mga kagalang-galangang ninuno.

Sa mga Ibaloi naman, pumapaslang sila dati ng isang kabayo upang maging sakayan ng
kaluluwa sa kanyang paglalakbay. Dati pa, marunong ang mga katutubong magmummify. Ito
ay natatangi sa istilo ng mga Egyptian at Aztecs sa pagkat kasamang napre-preserba ang balat
habang ang bangkay ay naka-posisyong paupo na para bang giniginaw. Kaya lamang,
nakalimutan na din kung paano ito ginagawa. Mayroon pang natuklasan na isang mummy
dito na sinasabing mahigit apat dantaong gulang na.

LIFE AFTER DEATH


Pinaniniwalaang pagkamatay, ang kaluluwa ay pumupunta sa mundo ng mga ninuno. Sa mga
nahaluan ng Katolikong paniniwala, sinasabi nilang ang mga kaluluwa ay pumupunta sa
purgatoryo habang hinihintay ang araw ng pagsasakdal. Ngunit itong mundo rin nating ito
ang purgatoryo. Sila ang mga naninirahan sa mga sapa, mga gubat, mga puno, mga tutubi, at
lahat na yata ng mga likas na bagay. Anito ang tawag sa mga ito. Ang mga anito ay
kinatatakutan at nirerespeto ngunit hindi sila diyos. Ang mga diyos (bathala) naman ay higit
na may kapangyarihan sa kanila. Pinaniniwalaan ding may kataas-taasang diyos na siyang
lumikha sa sanlibutan. Nakakalito sa pagkat siya ang tinuturingang ‘Bathala’ ng ibang tribo.

BELIEFS
Pagtawag ng pangalan.
Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang anino.
Maari daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa hiwalay sa katawan nito.
Kapag nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang sakitin at tulala. Sa ibang tao, palagi niyang
mapapanaginipan ang lugar na pinuntahan niya. Makikita niya ang sariling libang na libang
sa mga tanawin at mga bagay doon.

Ayon sa aking Lola, ito daw ang nangyari sa aking pinsan na dalawang taong gulang noon.
Lumipat sila mula sa Apugan, Itogon. Sa mga sumunod na araw ay naging matamlay at pala-
tae. Sinubukan nilang ipagamot sa pamamagitan ng medisina, sa abot ng kanilang makakaya.
Nang walang nangyari, minungkahi ng isang matandan na ipatingin siya sa isang
mambonong. Sinabi na naiwan daw ang kanyang kaluluwa sa pagkat aliw na aliw sa kanya
ang isang batang anito.

Sunod nito, nagkaroon ng ritwal ng panggagamot. Tinawag ng mambonong ang anito at mga
magulang nito. Hiniling nila ang paglaya ng bata sapagkat ano nga daw ba ang gagawin nila
sa isang tao. Ang mga tao ay hindi karapat-dapat sa mga anito, na sila ay madudumi at hindi
maipaghahambing sa kanila. May paghahandog ng manok, sa kagustuhan na rin ng mga
anito. Matapos nito, agad din naming gumaling ang bata at bumalik na sa dati.

RITUALS
Ang kanyao ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba sa
bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng
masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos
ang gamit nito. Maari din itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng
paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa
mga dapat na gawin ng isang bayan. Marami din talagang iba’t-ibang mga kaugaliang
napapaloob sa kanyao.

Ang pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit sa kadangyan. Doon sasabihin ng


kadangyan (isang uri ng pari) kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na nagpapakatay ng
sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga diwata. May mga biro na
depende lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o sa dami ng mga pakakaining
manonood. Ang mga pinaslang na hayop ay nagsisilbing paghahandog sa mga diwata (anito,
ninuno) at mga bathala.

Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, pagsasayaw, kantahan, at iba


pa. Kung ano man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling ang uri ng sayaw, o tayaw.
Madalas na ginagamit ang mga gongs na gawa sa makapal na bakal. Sinasaliwan naman ito
ng iba pang mga tambol gaya ng solibao habang ang mga tao ay nagkakantahan,
nagtatawanan, at pinagsasaluhan ang watwat (pinakuluang karne ng baboy). Para sa kanyao
ng pasasalamat, ang laman ng kanta ay ukol sa mga masasaganang ani at iba pang mga dapat
ipagyamang bagay. Sinasaloob din ang mga matatalinhagang sabi ng mga ninuno.
Ngayon, ang kanyao ay hindi na masyadong isinasagawa o kung oo man ay hindi na gaya
nang dati na magarbo at detalyado. Noong panahong nakalipas, ito din ang nakakapagsabi sa
kayamanan ng tao, o yung sinasabi nating status quo.

Reaksyon, Suhestiyon, at iba pang kuro-kuro


Nakakatakot din pala ang pamumuhay ng ating mga ninuno. Bukod sa mga delubyong dulot
ng mga piskal na bagay, naroon din ang tuwi-tuwinang banta ng kalikasan kasama na ng mga
nilalang na di nakikita. Malaki marahil ang naging epekto nito sa pamumuhay natin ngayon.
Dahil sa paggalang na ito, mayaman pa rin ang kapaligiran sa likas na yaman. Sa kabilang
banda, marahil ay ito din ang isang kadahilanan kung bakit may hangganan ang
teknolohiyang nabuo ng mga ninuno kung ikukumpara sa ibang dakilang nasyon na naging
tanyag sa kanilang mga nagawa sa kabuuan ng kasaysayan. Pinagtataka ko lamang kung bakit
hindi sila naging tamad. Dinahilan ni Rizal na isang ugat ng katamaran ng mga Pilipino ay
ang mayamang mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan. Isa pa, may mga parte din
sa Kordilyerang talaga namang mainit.

Para sa ating mga pinanganak sa mundo ng mga Kristiyano, nakakalito din na maniwala sa
mga ani- anito. Sa aking palagay, totoong nangyayari ang mga ito, may mga mirakulo, may
mga kakaibang pangyayari. Ngunit ayon sa Bibliya, ang mga ito ay kagagawan ng demonyo.
Matalino din daw sila. Kaya nilang mag-astang mabuti, kaya din nilang gumawa ng mga
mirakulo upang maniwala ang mga tao sa kanilang kapangyarihan. Yun daw ang pinagmulan
ng lahat ng kaguluhan, ang pagnais ni Lucifer sa kapangyarihan na higit sa ginawad sa
kaniya. Kung kaya’t dapat tayong magkaroon ng solidong paninidigan sa Diyos. Sa kabilang
banda, iyon na lamang ba muli ang tanong? Lagi na lamang bang mabuti-masama; Diyos-
demonyo; puti-itim; araw-gabi? Nakakalito talaga. Ano nga rin ba kaya ang korelasyon ng
pananampalataya ng mga ninuno (Animismo) sa ibang dakilang relihiyon kagaya ng
Buddhismo, o Islam?

Nakakalungkot din naman na nawawala na ang mga kaugaliang ito. Ang maituturo kong
isang dulot ay ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ngunit talaga sigurong nakatatak na sa
atin ang mga nakagawian sapagkat matagal na panahon din bago tuluyang nagpabinyag ang
ilang katutubo.

Sa punto naman ng Katolisismo (at iba na ring sektor ng relihiyon), mapapansing ginamit
(ginagamit pa rin) ang akulturasyon upang makapagbinyag ng mas higit pa. Sa isang banda,
nababago nito ang istilo, gamit, at paraan ng ilang kaugalian. Halimbawa na marahil ay ang
pagkanyao bilang misa para sa Diyos. Ngunit iba na sigurong usapin yan at mas
makakabuting bumalik tayo sa pinag-uusapan.
Sa kasalukuyan ay unti-unti nang nalilimutan sa kasaysayan ang mga sinaunang gawain. Sino
o ano ang dapat sisihin? Ang teknolohiya? Ang globalisasyon? Nararapat din bang
panatilihin, o limutin ang mga kulturang ito? Ngunit hindi ba, ganoon ang kultura? Ito ay
patuloy na nagbabago upang makisalamuha sa patuloy ding nagbabagong pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.

Pinagtataasan man ng kilay, ang mga Igorot ay di maitatangging pride ng ating bayan.
Ngayon, kilala tayo dahil sa Hagdan-hagdanang Palayan, sa mga kweba ng Sagada, at kay
Apo Ano na isang mummy. Ngunit sana maintindihan din ng iba na hindi lamang tayo
hanggang doon, mga artifact ng nakalipas, mga subject ng eksibisyon. Madami tayong mga
katangian na talaga namang nakakamangha. Sabi nga nila, ang isang bayani ay hindi
makikilala sa kaniyang sariling bayan. Sa pagsasantabi sa atin ng iba pang mga Pilipino,
hindi nila napapansing naisasantabi din nila ang kanilang mga sarili, ang kanilang
kasaysayan, at ang kanilang mga ninuno.

You might also like