You are on page 1of 3

Babaeng Pilipina

ni Eldon Atienza
Ang kababaihan sa Pilipinas ay bukod-tangi sa
lahat ng kababaihan sa buong mundo. May iba’t-
ibangkatangian at kakayahan na napatunayan nila
ito simula ng nagbago ang kultura sa pakikitungo
sakababaihan sa buong mundo.

Noong unang panahon, maipagmamalaki


natin ang mga dalagang Pilipina sila ay
mahinhin,konserbatibo, magalang, madasalin tila
parang isang ibong nasa hawla dahil sila’y madalas
lang na nasa kanilang mga tirahan. Sila ay
mahahawakan lamang ng isang lalaki kapag siya’y
isang ganap na asawa na.

Eto ay kwento ng mga matatanda noon, kapag


nag-asawa na sila ang
tagapagluto,maglalaba, magaalaga ng kanilang mga
anak. Magsisilbi sa asawa. Di sila pinapayagan ng
asawa na magtrabaho sa labas ng bahay para
kumita ng pera.

Lumipas ang mahabang panahon,  bagong


kulturang  mga  kababaihan,
nagkaroon ng malaking pagbabago. Modernong Pilip
ina, moderno na rin ang pag-iisip,matapang,
maabilidad, mas nagkaroon ng lakas ng loob na
makibaka sa buhay, at higit sa lahatay kaya nilang
tumayo sa sarilinilang mga paa.

Ang kagandahan nito ay nagagawa nila ang


kanilang kagustuhan hindi na sila palaging
nakakulong sa kanilang bahay at nagagawa narin
nila ang mga nagagawa ng kalalakihan katulad ng
pagiging pulis, sundalo, enhinyero, negosyante at
marami pang iba.Kaya rin nilang makilahok sa
paglalaro tulad ng basketbol, weightlifting, at iba
pang pampalarong pampalakasan.

Sa ibang bansa, marami ring mga kababaihan


ang naging matagumpay sa ibat-ibat larangan,
hinangaan ng buong mundo sa angking katalinuhan
sa pag awit tulad ni Charice, Lea Salonga, Pilita
Corales at marami pang iba. . Sa larangan ng pag-arte
tulad ni Nora Aunor, Sharon Cuneta, VilmaSantos
at marami pang iba. Higit sa lahat
ang kontribusyon ni dating Pangulong Corazon
Aquino nanaging ikalabinisang presidente ng
Pilipinas, isang huwarang babae na malaking
pagbabago sa politikaang ginawa nya sa ating
bansa, at naging ehemplo pa siya sa buong mundo
dahil sa magandang naidulo tng pangunguna nya
sa EDSA REBULOYSON, isang matapang na
babae ang humarap at tumalo sa panahon ng
diktadorya. Si dating Pangulong Gloria Macapagal
Arroyo naging ikalabing-apat naman bilang
president, matalino. Pinapatunayan nila na hindi
lamang ang mga lalaki ang kayang mamuno
sabayan. 

Ang mga kababaihan ay masyadong bukas ang


isipan sa mga bagay-bagay. Kaya naman ang mga
babae sa modernong panahon ay malayang
magsuot ng kahit na ano, kung dati ay baro't saya
ngayon naman ay mini-skirt at walang manggas na
tila humihila sa may mga masasamang loob upang
sila’y pagsamantalahan.

Dahilan ito ng pagdami ng kaso ng panghahalay


sa mga kababaihan ngayon dahil mas iniisip nila ang
kanilang mga kasuotan kesa sa kanilang mga
kaligtasan. Nakukuha narin ngmga kababaihan sa
modernong panahon ang paninigarilyo at pag-inom
na nagdudulot ng mga sakit sakalusugan. Likas
talaga sa mga kababaihang Pilipina ang mga
ganitong katangian ngunit sila ay dapat paring
igalangat hindi itrato bilang isang alipin kundi isang
kabiyak ng buhay sa ating mga kalalakihan at
minamahal ng buong puso.

You might also like