You are on page 1of 14

Banghay ng Aralin sa Filipino

FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK


Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang paksa ng napakinggang talumpati.
2. Naipapaliwanag ang kahulugan at katangian ng talumpati.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S.Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Bookstore, Manila,
2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Talumpati ng Pangulo

Panlahatang Gawain: Iparinig at ipapanood sa klase ang talumpati ni Pangulong Benigno


Aquino III. Maaring gamitin ang video ng Pambansang Kongreso ng wika na may link na
https//www.youtube.com/watch?v=cANB8bMTuiM

Aktibiti 2: “Talaan ng Nilalaman”

Pangkatin ang klase sa apat at hayaang magbahagi ang bawat isa ng impormasyong
nakita sa pinanood na video.
Isaayos ang mga impormasyon gamit ang angkop na graphic organizer. Pumili ng isang
miyembro para sa pag-uulat.

Halimbawa:
Talumpati ni Benigno Aquino: Pambansang Kongreso
Panlahat na Kaisipan Espisipikong Kaisipan
1.
2.
3.

B. Analisis:

1. Saan ka karaniwang nakakapanood at nakakarinig ng talumpati?


2. Kapag nakakapanood ka ng talumpati, ano ang nagiging pidbak mo?
3. Para sa iyo, ano ang katangiang hinahanap mo sa isang talumpati at sa isang
mananalumpati?
4. Ano ang epekto sa iyo ng napakinggang talumpati bilang mag-aaral at sa paghahanda para
sa pagsulat ng sariling talumpati?
79
Tanggapin ang lahat ng sagot at paliwanag ng mag-aaral. Sabihin sa klase na ang
napakinggan ay isang talumpating tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao at ito ay isang
uri ng akademikong teksto/sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay,
paglalahad at pangangatwiran.

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, ipaliwanag ang mga layunin ng pagtatalumpati:

Talumpati

binibigkas sa
nanghihikayat naglalarawan nagsasalaysay naglalahad nangangatwiran
maraming tao

D. Aplikasyon: Sulat..Sulat din Kapag may Time

Ipatala sa mag-aaral ang mga napansing kagalingan at kahinaan ng talumpating


napakinggan/napanood upang maging batayan ng susulating talumpati. Isulat ito sa notbuk.

Talumpati ni Benigno Aquino: Pambansang Kongreso


Kagalingan Kahinaan
1.

Pamantayan sa Pagmamarka
Mga Kategorya Napakahusay Mahusay Katamtamang Kailangan pang
10-9 6-7 Husay Husayin
6-5 4-1
Kaangkupan sa Ang mga Angkop ang May mga Lahat ng
Task/Layunin datos/gawain ay datos/gawaing datos/gawain inilahad ay higit
inilahad ay inilahad na hindi na
nagpapakita ng gaanong nangangailanga
kaangkupan nagpapakita n ng
ng kaangkupan sa
kaangkupan gawain.
Kalinawan ng Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang Hindi malinaw
Presentasyon ginawang ginawang ginawang ang ginawang
pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwana pagpapakita ng
pagkakabuo ng / pagkakabuo ng g/ pagkakabuo mensaheng nais
mensaheng mensaheng ng mensaheng ipabatid
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid
Kooperasyon Ang lahat ng May pagkakaisa Dalawa sa Halos lahat ang
miyembro ng at miyembro ng miyembro ng
pangkat ay pagtutulungan pangkat ay pangkat ay
nagkakaisa at ang bawat hindi maayos walang disiplina.
respeto sa isa’t- miyembro. na nakikilahok Hindi maayos
isa. napakaayos Maayos ang sa gawain. ang
ng kanilang ipinakitang Maayos ang presentasyon.
ipinakitang presentasyon ng ipinakita nilang Nangangailanga
presentasyon bawat isa. presentasyon n ng disiplina at
dahil lahat ng at may respeto respeto sa
miyembro ay sa bawat isa. bawat isa.
kumikilos sa kailangan lahat
gawaing ng miyembro ay
nakaatang sa nikikipagtulunga
bawat isa. n sa gawain.

Pagkamalikhain Napakamalikhai Malikhain at Maayos na Walang buhay


/ Kasiningan n at mahusay na napalutang ang ipinakitang
napakahusay ng pagpapalutang ang ideya na pagpapalutang
pagpapalutang sa nais n nais ipabatid. ng mensahe at
sa nais ipabatid ipabatid
80 na ideya
na mensahe/impor
mensahe/impor masyon
masyon
IV. Kasunduan:

Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal ni Pangulong Benigno
Aquino III at maghanda para sa talakayan kinabukasan.

Lingo 8 Araw 4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
81
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng
akademikong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Nauunawaan ang kahulugan ng pangangatwiran, paglalahad, pagsasalaysay at paglalarawan.
2. Nauuri ang mga ideyang nakapaloob sa talumpati batay sa nabanggit na paraan ng
pagpapahayag.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Bookstore,
Manila, 2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Concept Web

Panlahatang Gawain: Magdrowing ng concept web sa pisara gamit ang ilustrasyon sa ibaba

Gamit ang concept web,


tumawag ng mga mag- aaral at ipasulat sa pisara kung anong mga salita ang maaari nilang
iugnay sa paglalahad, pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan.

Aktibiti 2: Paghahabi ng Salita

Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Italaga ang bawat grupo sa bawat isang
termino na nakapalibot sa salitang talumpati. Ipasulat sa manila paper ang mga salitang
ibinahagi ng kamag-aaral at bumuo ng isang konkretong kahulugan nito. Ibahagi sa klase
pagkatapos.
Pangkat 1- Pangangatwiran
Pangkat 2- Paglalarawan
Pangkat 3- Pagsasalaysay
Pangkat 4- Paglalahad

B. Analisis:

1. Ibahagi ang nabuong kahulugan ng pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalahad at


paglalarawan.
2. Naunawaan bang mabuti ang kahulugan ng paglalahad, pangangatwiran, pagsasalaysay
at paglalarawan. Patunayan ang sagot

82
3. Kung susulat ka ng talumpati, alin sa mga nabanggit na paraan ang gagamitin mo?
Ipaliwanag ang sagot

Isa-isahin ang mga salitang isinulat ng mga mag-aaral at talakayin ang katangian
ng paglalahad, pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan batay sa mga salitang
ito.

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, magbigay ng paglalagom ng paraan ng pagpapahayag


na ginagamit sa talumpati.
Pangangatwiran

Paraan ng
pagpapaha
Paglalahad Paglalarawan
yag ng
talumpati

Pagsasalaysay

D. Aplikasyon: Pagtupad sa Worksheet:

Upang mas malinang pa ang pag-unawa ng mga mag-aaral, pangkatin ang klase. Batay sa
talakayan at binasang tekstong “Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal”. Ipasagot sa mag-aaral
ang worksheet na naglalaman ng mga katanungan sa ibaba:

Paglalahad

Sino ang Naging mabisa ba


Kailan binigkas Ano ang usaping
tagapagsalita ng ang paglalahad?
ang talumpati at inilahad ng
talumpati at sino Ipaliwanag ang
ano ang okasyon? tagapagsalita?
ang tagapakinig? sagot.

Pangangatwiran

Isa-isahin ang mga Naging mabisa ba


Magbigay ng 1-2
inihaing argumento ang
ebidensya na
ng tagapagsalita pangangatwiran?
sumuporta sa bawat
batay sa usaping Ipaliwanag ang
argumento.
inilahad. sagot.

83
Paglalarawan

Ibigay ang mga Naging mabisa ba


Ilarawan ang tuwid
katangian ni Rizal na ang paglalarawan?
na daan batay sa
inilarawan ng Ipaliwanag ang
talumpati.
tagapagsalita. sagot.

Pagsasalaysay

Isalaysay ang
buod ng isang
Naging mabisa ba
kwentong ginamit
ang
ng tagapagsalita
pagsasalaysay?
sa
Ipaliwanag ang
sagot.
talumpati.

Bigyan ng 10-15 minuto ang mga mag-aaral upang pag- usapan at sagutin ang
worksheet.
Pagkatapos ng pangkatang gawain, tumawag ng isang pangkat upang sagutin ang
isang partikular na katanungan sa itaas. Isa-isahin ang mga pangkat hanggang maubos ang
lahat ng tanong. Siguraduhing makakasagot ang lahat ng pangkat. Tumawag lamang ng isang
mag-aaral na magsasalita para sa isang pangkat.

E. Ebalwasyon:

Susumahin ng guro ang talakayan batay sa mga sagot ng mga mag-aaral. Muling
bigyang-diin ang katangian ng paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay at
ang naidudulot na epekto nito sa talumpati.

IV. KAsunduan
Ipabasa ang mga tekstong may pamagat na nakatala sa ibaba at humada sa talakayan.
1. Talumpati sa Pagtatapos 2015 ni Keith Andrew D. Kibanoff
2. Dangal at Parangal ni Bienvenido Lumbera

Linggo 9 Araw 1

84
Banghay ng Aralin sa Filipino
FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Nakabubuo ng isang balangkas halaw sa binasang talumpati.
2. Natutukoy ang paraan ng pagpapahayag na ginamit sa binasang talumpati.
3. Nakapagpapasya ng balangkas ng sariling talumpating gagawin.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Bookstore,
Manila, 2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang


A. Aktibiti 1: Basahin at I-like

Pandalawahang Gawain: Ipakuha sa mga mag-aaral ang kopya nila ng Talumpati sa


Pagtatapos 2015 ni Keith Andrew D. Kibanoff at Dangal at Parangal ni Bienvenido
Lumbera.

Papiliin ang mga mag-aaral kung anong talumpati ang mas nagustuhan nila at humanap ng
kaklase na may kaparehong piniling talumpati. Magpagawa ng dalawang lebel na balangkas na
pangungusap ng talumpating pinili. Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga dapat isaalang- alang
sa paggawa ng isang balangkas. Magbigay ng 5-10 minuto para matapos ang gawain.
Pagkatapos ng gawain, tumawag ng tig-isang magkapareha upang ipresenta ang
ginawang balangkas para sa Talumpati sa Pagtatapos 2015 at Dangal at Parangal. Ipasulat
ito sa manila paper at pagkumparahin ang mga balangkas.

B. Analisis:

1. Paano sinimulan ang introduksyon ng dalawang talumpati?


2. Alin sa apat na paraan (paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay)
ang ginamit sa gitnang bahagi ng talumpati.?
3. Paano naman tinapos (konklusyon) ang mga talumpati?
4. Sa kabuuan, ano ang komentong masasabi mo sa talumpati?

Pagbabahagi ng karagdagang input

Ito rin ay nangangailangan ng nakakapukaw interes na introduksyon. Sa gitnang


bahagi nito, maaaring gamitin ang paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at
pagsasalaysay. At dapat ito ay may konklusyon o pagtatapos na naglalagom ng
pangunahing punto ng talumpati.
85
C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, ilahad ang bahagi ng talumpati at nilalaman ng


bawat isa.

Talumpati

Introduksiyon Katawan Konklusyon

Pagpapakilala ng Paksa Paglalahad Paglalagom

Pangangatwiran

Paglalarawan

Pagsasalaysay

D. Aplikasyon: Magbahaginan Tayo

Ipabasa sa piling mag-aaral ang introduksyon, ang bahaging nagsasaad ng


pagsasalaysay, paglalarawan. pangangatwiran at .paglalahad, at konklusyon ng talumpati.
Pagkatapos ay mag isip ng sariling pakasa ng talumpati at sundan ang banghay sa ibaba.
Maaaring pumili ng isa o dalawang paraan ng pagpapahayag lamang.

Paksa:________________________
Introduksyon
Katawan
Pagsasalaysay
Paglalarawan
Pangangatwiran
Paglalahad
Konklusyon

E. Ebalwasyon:

Tukuyin kung ang bawat pahayag ay simula, katawan o konklusyon ng talumpati.


1. Kaya sa inyo mga kabataan, palaging tandaan na ang edukasyon ang susi tungo sa
tagumpay.
2. Ipinagmamalaki ng pamahalaan ang mga programang pangkabataan gaya ng mga
leadership training at self awareness seminar na mag-aangat ng karunungan.
3. Muli magandang gabi at mabuhay tayong lahat.
4. Taos pusong pasasalamat ang nais kong ipahatid sa pagdalo ninyo sa programang ito.
5. Mula pa noong una hanggang sa kasalukuyang henerasyon ay kinikilala na ang husay at
talento ng mga kabataan.

86
Susi ng Pagwawasto
1. Konklusyon
2. Katawan
3. Konklusyon
4. Introduksiyon
5. Introduksiyon

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan:

Rebyuhin ang ginawang banghay ng talumpati at lagyan pa ito ng karagdagang input upang
maging masanay sa mga bahagi ng talumpati. GaGagamitin ito sa pagsisimula ng pagsulat ng
talumpati.

Linggo 9 Araw 2

87
Banghay ng Aralin sa Filipino
FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikon
sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Nakabubuo ng isang balangkas mula sa mga tema, sitwasyong gagamitin sa sariling talumpati.
2. Nakasusulat ng sariling talumpati gamit ang mga kaalamang natalakaymula sa mga halimbawa
ng talumpating nabasa.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Bookstore,
Manila, 2016. http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Handa.. Sulat

Pandalawahang Gawain: Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha upang eebalweyt


ang ginawang banghay na talumpati. Hingan ng komprehensibong komento ng kapareha.

B. Analisis:

1. Ano ang magiging pokus ng aking talumpati?


2. Sino ang magiging tagabasa ng aking talumpati?
3. Paano magiging kawiliwili ang aking talumpati?
4. Paano magiging makabuluhan ang aking talumpati?
Pagtalakay sa magiging pokus ng talumpati, magiging tagabasa nito at paraan upang
maging kawiliwili at kapakipakinabang ang talumpati.

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati.

88
Paksa Uri ng Mambabasa

Ang paksa ay kailangang nararapat na matukoy


makapukaw ng interes ng manunulat ang
ng mambabasa, demograpikong propayl
napapanahon at na mambabasa sapagkat
makabuluhan. dito maiibabatay ang
kaangkupan ng paksa.

Upang matamo ang


Karaniwang ito'y mga kawilihan at
isyung di satispaksiyon
panapagpapasyahan hinahangad ng
mambabasa

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, lagumin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat


ng talumpati.

E. Paglalapat / Aplikasyon: Ala eh.. Pili na:

Sabihin sa mga mag-aaral na gagawa sila ng talumpati at maaaring pumili sa mga


sumusunod:
1. Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 12 na magbibigay ng talumpati para sa
mga bagong pasok na mag-aaral sa Grade 11 sa pag-uumpisa ng klase sa senior
high school.
2. Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 12 na magbibigay ng talumpati para sa araw
ng pagtatapos ng klase sa senior high school na may temang “Kabataang Mula K
to 12, Tagapagdala ng Kaunlaran sa bansang Pilipinas.”
3. Kinatawan ng mag-aaral ng paaralan na magbibigay ng talumpati sa isang
paaralan sa junior high school upang himuking pumasok sa inyong paaralan
para mag-aral sa senior high school.
4. Kinatawan ng mag-aaral ng paaralan na magbibigay ng talumpati sa lahat ng mga
papasok na mag-aaral sa senior highschool upang himuking kumuha ng Academic
Track.

Matapos pumili ang mga mag-aaral, magpasulat sa isang buong papel ng dalawang
lebel na balangkas na pangungusap ng talumpati. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat may ng
pamagat, may introduksyon, may lohikal na pagkakasunod-sunod ang katawan at may
konklusyon ang isusulat na talumpati.

Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng balangkas ang mga mag-aaralupang


magabayan sila. Sa oras na matapos ang paggawa ng balangkas ng mag-aaral, kailangang
tsekan ng guro kung sapat na ito. Kapag natapos na ng mag-aaral ang balangkas, maaari
nang umpisahang isulat ang talumpati. Kailangang maipakita muna ang balangkas sa guro
bago umpisahang gumawa ng borador ng talumpati.

Mga kahingian sa pagsulat ng talumpati:


1. Bibigkasin sa loob ng 3-5 minuto.
2. 5-8 pahina na laktaw-laktaw o double space (maaaring kompyuterisado o
computerized o sulat kamay)
3. May pamagat, introduksyon, katawan at konklusyon.
4. Gumawa ng 4 na kopya ng talumpati.

IV. Kasunduan:

89
Ipauwi sa mag-aaral ang balangkas upang masimulan na ang pagsulat ng talumpati.
Dalhin ito sa sunod na araw.

Linggo 9 Araw 3-4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik.
Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan) ng mga sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0g-1-91

I. Tiyak na Layunin:
1. Nakasusulat ng sariling talumpati gamit ang mga kaalamang natalakay mula sa mga halimbawa
ng talumpating nabasa.
2. Narerebisa ang sinulat na talumpati at nakakagawa ng pinal na anyo.

II. Paksang Aralin: Pagsulat ng Talumpati


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Bookstore,
Manila, 2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

II. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Pakritik sa Talumpati

Indibidwal na Gawain: Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng pagki-kritik ng isinulat na


talumpati ng kaklase upang mas mapaganda pa ang talumpati.

90
Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging proseso ng worksyap.

1. Basahin sa harap ng mga kapangkat ang talumpati. Kailangang pakinggan ng mga


tagapakinig ang talumpati upang makapagbigay sila ng komento pagkatapos magtalumpati
ng kaklase. Huwag munang ibigay ang kopya ng talumpati.
2. Magbigay ng kopya ng talumpati sa mga kapangkat at ipabasa ito sa kanila upang
matingnan ang kamalian sa ispeling, gramatika at iba pa. Maaari na rin itong sulatan ng mga
positibo at negatibong komento na makakapagpaayos ng talumpati.
3. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang nagsulat ng talumpati.
4. Tatanungin ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat tungkol sa napakinggan
at nabasang talumpati.

B. Analisis:

1. Mayroon bang interesanteng introduksyon ang talumpati?


2. Naging lohikal ba ang daloy ng katawan?
3. Nagamit ba nang mahusay ang paglalarawan/ pagsasalay/ paglalahad/ pangangatwiran?
Magbigay ng mga ispesipikong halimbawa sa teksto.
4. Naging akma ba ang binigay na konklusyon/ pagtatapos?

C. Abstraksyon:

Paglalagom ng mga komento/pidbak sa mga sinulat na talumpati ng kamag-aaral.

D. Aplikasyon: Pagrebisa sa Talumpati

Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na irebisa ang kanilang talumpati batay
sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito sa guro sa susunod na sesyon.

Mga kahingian sa sulatin:

1. Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon.


2. 6-10 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay)
3. May pamagat, introduksyon, katawan at konklusyon.

Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat

Gawain sa Pagsulat: Talumpati


Pangalan ng mag-aaral:

Katangian 10 6 3 1

91
May isang May isang May isang Hindi
malinaw at malinaw at paksa. Hindi malinaw ang
tiyak na paksa, tiyak na gaanong paksa at ang
na paksa, ngunit malinaw ang mga
sinusuportahan hindi mga argumento.
ng mga detalyado ang suportang
Pokus at detalyadong mga impormasyon
Detalye impormasyon o suportang o argumento.
argumento. impormasyon
o argumento.

Kawili-wili ang May introduk- May Hindi


introduksyon, syon, introduksyon, malinaw ang
naipakilala nang mahusay na pagtalakay, at introduksyon
mahusay ang pagtalakay, at pagtatapos o pagtalakay
paksa. may konklusyon. sa paksa, at
Mahalaga at karampatang ang
nauukol sa pagtatapos o pagtatapos o
paksa ang konklusyon. konklusyon.
Organisasyon mga
impormasyon
na ibinahagi sa
isang maayos
na paraan.
Mahusay ang
pagtatapos o
konklusyon.
Malinaw ang May May kaunting Hindi
intensyon at intensyon at kalinawan sa malinaw ang
layunin ng layunin ang intensyon at intensyon at
manunulat. manunulat. layunin ng layunin ng
Kapansin- May manunulat. manunulat.
Tinig ng pansin ang kaalaman ang Limitado ang
Manunulat kahusayan manunulat sa kaniyang
ng manunulat paksa. kaalaman.
sa paksa.

Nasasabi ng Limitado ang


Malinaw ang Malinaw ang manunulat paggamit sa
paggamit ng paggamit ng ang nais mga salita.
mga salita. mga salita sabihin,
Pagpili ng Angkop ang bagaman sa bagaman
mga angkop gamit ng mga ilang walang
na salita salita, natural at
pagkakataon baryasyon sa
hindi pilit. ay hindi paggamit ng
angkop at mga salita.
natural.
Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa Hindi
pagkakaayos ng pagkakaayos ng mga maayos ang
Estruktura,
mga salita at ng mga salita pangungusap mga
Gramatika,
pangugusap. at na may pangungusap
Bantas,
Walang pangungusap. saysay. at hindi
Pagbabaybay
pagkakamali sa May kaunting Maraming maunawaan.
gramatika, pagkakamali mga Lubhang
bantas at sa gramatika, pagkakamali maraming
baybay. bantas at sa gramatika, pagkakamali
baybay. bantas at sa gramatika,
baybay. bantas at
baybay.

92

You might also like