You are on page 1of 18

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakikilala ang mga katangian


ng mahusay na sulating akademiko
sa pamamagitan ng mga binasang
halimbawa. CS_FA11/12PB-0m-o-
102
ANG POSISYONG
PAPEL
Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang sulatin na


nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng
isang indibidwal o grupo tungkol sa
makabuluhan at napapanahong isyu.
Naglalaman din ito ng mga katuwiran o
ebidensya para suportahan ang paninindigan.
Mga KATANGIAN ng posisyong
papel
Ang posisyong papel ay may mga
sumusunod na katangian:
1. naglalarawan ng posisyon sa isang
particular na isyu at ipinapaliwanag ang
basehan sa likod nito
Mga KATANGIAN ng posisyong
papel
2. Nakabatay sa fact ( estadistika, petsa, mga
pangyayari) na nagbibigay ng matibay na
pundasyon sa mga inilatag na argumento.
3. Hindi gumagamit ng mga personal na atake
upang siraan ang kabilang panig.
Mga KATANGIAN ng posisyong
papel
4. Gumagamit ng mga sangguniang
mapagkakatiwalaan at may awtoridad.
5. Gumagamit ng akademikong lengguwahe.
LAYUNIN
Ang layunin ng posisyong papel ay
kumbinsihin ang mga mambabasa na may
saysay at bisa ang mga argumentong inihain
sa kanila.
Naipakikilala ng may-akda ang
kanyang kredibilidad sa komunidad ng
mga may kinalaman sa nasabing
usapin.

Para sa lipunan naman, ang posisyong


papel ay tumutulong para maging malaya
ang mga tao sa magkakaibang pananaw
tungkol sa isang usaping panlipunan.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat
ng Posisyong Papel
1. Tiyakin ang Paksa

May dalawang posibleng paraang kung


paano nabubuo ang paksa sa posisyong papel. Una,
maaring reaksiyon ito sa isang mainit na usaping
kasalukuyan pinagtatalunan at pangalawa maaring
sagot lamang ito sa isang suliranin panlipunan.
2.Gumawa ng panimulang saliksik
Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng
panimulang saliksik. Maaaring magbasa-basa ng
diyaryo o magtanong-tanong ng opinyon sa mga
taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang
pagkakaunawa sa usapin. Sikaping maging bukas
muna ang isip para makabuo ng matalino at
makatuwrirang posisyon. Iwasan munang kumiling
sa isang panig na maaaring humadlang para
makita ang iba’t ibang pananaw sa usapin.
3. Bumuong posisyon o paninindigan batay sa
inihanay na mga katuwiran
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng
magkabilang panig upang matimbang ang dalawang
posisyon. Maaari ding pagtapat-tapatin ang bawat
katuwiran at kontra katuwiran para makita kung alin
ang walang katapat o hindi pa nasasagot. Tandaan na
hindi ito pahabaan ng listahan ng kutwiran. Kailangan
pa ring timbangin ang bigat at halaga ng bawat isa.
Batay sa paglilista at pagtitimbang bumuo ng isang
paninindigan.
4. Bumuo ng balangkas
Matapos matipon ang mga datos,
gumawa ng balangkas para matiyak ang
direksyon ng pagsulat ng posisyong papel.
Maaaring gamiting gabay ang mga
sumusunod na huwaran:
5. Sulatin ang posisyong papel

Kung may malinaw na balangkas, madali


nang maisulat ang posisyong papel. Kailangang
buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran.
Kailangan maiparamdam at maipahiwatig sa
mambabasa na kapani-paniwala ang mga
sinasabi sa posisyong papel. Ipakita ang
kaalaman at awtoridad sa usapin. Patunayan na
ang sariling paninindigan ang siyang tama at
nararapat.
6. Ibahagi ang posisyong papel
Walang silbi ang posisyong papel kung hindi
ito maibabahagi sa publiko. Maaaring magparami
ng kopya at ipamigay ito sa komonidad, ipaskil sa
mga lugar na mababasa ng mga tao, ipalathala sa
pahayagan, magpaabot ng kopya sa mga estasyon
ng telebisyon, radio, at iba pang daluyan. Maari ding
gamitin ang social media upang maaabot ang mas
maraming mambabasa.
Isang Halimbawa
ng Posisyong Papel
(Maaaring gawing
padron sa
pagbubuo ng
sariling posisyong
papel
A. Aplikasyon: Isyu ko, Ihanay mo

Pangkatang Gawain: Mula sa naisagawang


brainstorming sa bawat isang isyung nakapaskil
sa pisara. Ihanay ang mga katwirang naibigay
ng mga kaklase. Itala ito sa manila paper at
ibahagi sa klase.
Mga Kategorya Napakahusay 10-9 Mahusay 6-7 Katamtamang Husay Kailangan pang Husayin
6-5 4-1
Kaangkupan sa Ang mga datos/gawain ay Angkop ang May mga datos/gawain na hindi Lahat ng inilahad ay higit na
Task/Layunin inilahad ay nagpapakita datos/gawain g inilahad gaanong nagpapakita ng nangangailangan ng kaangkupan
ng kaangkupan sa gawain.
kaangkupan
Kalinawan ng Napakahusay ng Mahusay ang ginawang Maliwanag ang ginawang Hindi malinaw ang ginawang
Presentasyon ginawang pagpapaliwan pagpapaliwa nag/ pagpapaliwanag/ pagkakabuo pagpapakita ng mensaheng nais
ag/pagkakabu o ng pagkakabuo ng ng mensaheng ipinababatid ipabatid
mensaheng ipinababatid. mensaheng
ipinababatid
Ang lahat ng miyembro May pagkakaisa at Dalawa sa miyembro ng Halos lahat ang miyembro ng
Kooperasyon ng pangkat ay nagkakaisa pagtutulungan ang pangkat ay hindi maayos na pangkat ay walang disiplina.
at respeto sa isa’t-isa. bawat miyembro. nakikilahok sa gawain. Maayos Hindi maayos ang presentasyon.
napakaayos ng kanilang Maayos ang ipinakitang ang ipinakita nilang Nangangailangan ng disiplina at
ipinakitang presentasyon presentasyon ng bawat presentasyon at may respeto respeto sa bawat isa. kailangan
dahil lahat ng miyembro isa. sa bawat isa. lahat ng miyembro ay
ay kumikilos sa gawaing nikikipagtulungan sa gawain.
nakaatang sa bawat isa.

Pagkamalikha in/ Napakamalik hain at Malikhain at Maayos na napalutang ang Walang buhay ang
Kasiningan napakahusay ng mahusay na ideya na nais ipabatid. ipinakitang pagpapalutang
pagpapaluta ng sa nais pagpapaluta ng sa ng mensahe at ideya
ipabatid na nais n ipabatid na
mensahe/im mensahe/im
pormasyon
pormasyon

You might also like