You are on page 1of 27

PAUL JOHN A.

MARIANO, LPT
Ang panukalang proyekto ay
nangangahulugang isang kasulutan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa
tao o samahang pag-uukulan nitong siyang
tatanggap at magpapatibay nito.
Ayon kay Bensim Nebiu 2000, ang panukalang
proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng
mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Idinagdag pa niya na sa isang panukalang
proyekto, makikita ang detalyadong pagtalakay sa
dahilan at pangangailangan sa proyekto (project
justification), panahon sa pagsasagawa ng
proyekto (activities and implementation timeline),
at kakailanganing resorses (human, material, and
financial resources required).
Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang
nakasulat; minsan ito ay sa anyong oral na
presentasyon, o kaya kombinasyon ng mga ito.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Mayroon ding tinatawag na maikli at
mahabang panukalang proyekto.
Ang isang maikling proyekto ay mayroon
lamang dalawa hanggang 10 pahina na kadalasan ay
nasa anyong liham.
Ang isang mahabang proyekto ay naglalaman
ng mahigit sa sampung pahina. Magkapareho
lamang ang laman ng dalawang uri ng proposal;
nagiging elaborated lamang at sumusunod sa isang
structured format ang mahabang bersyon.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


- American Red Cross (2006)
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Wala pa ring kasinghalaga ang sapat na
oras sa pagpaplano sa isang proyekto.
Kung maagap ang pagpaplano, binibigyang
pagkakataon ng nagsasagawa nito na makausap
ang mga stakeholder, matalakay ang kanilang
pangangailangan, at masuri ang panukalang
proyekto nang may sapat na oras.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Kung may kasama sa panukala,
makabubuting bigyan ng tungkulin ang bawat
isa upang maging kolaboratibo ang paghahanda.
Mabibigyan din nito ang bawat isa ng
pagkakataong maging aktibo sa pakikilahok sa
bawat gawain sa proseso ng pagpaplano at
pagsulat ng panukalang proyekto.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Minsan, dahil sa kawalan ng mahusay na
pagpaplano, nagiging di-realistiko ang panukala.
Dapat maisaalang-alang ng nagpapanukala
kung ano lamang ang kakayanin sa loob ng
panahong nakatalaga at kung ano ang posibleng
makamit batay sa mga nag-e-exist na resorses.
Tandaan na ang nilalaman ng panukala ay laging
SMART (specific, measurable, attainable,
realistic, at time-bound.)

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Matuto sa sariling karanasan at sa
karanasan ng iba. Kung may pagkakataong balik-
tanawan at suriin ang resulta ng mga
naipanukalang proyekto sa organisasyong
pagahaharapan ng panukala ay gawin ito.
Sa paggawa nito, mas mabibigyan ng ideya
ang proponent kung paano at ano ang mga
konsedirasyon ng organisasyon o indibidwal sa
pagtugon sa mga naihahaing panukala sa kanila.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Huwag maging masaklaw sa mga pahayag
sa panukala. Kailangang maging tiyak sa mga
ipinapanukala.
Kaakibat ng pagiging tiyak ng mga ito,
kailangan ding maging makatotohanan sa bawat
elemento ng panukala.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ang mga teknikal na jargon ay para sa mga
teknikal o espesyalisadong indibidwal.
Makabubuti sa isang proposal na naisulat ito sa
isang wikang pangkaraniwan at naiintindihan ng
lahat. Huwag dapat ipalagay na naiintindihan ng
nagbabasa ng panukala ang lahat ng mga
teknikal jargon na ginamit sa pagsulat.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Marahil, hindi lamang iisang proposal ang
naipadala sa organisasyon o sa indibidwal na
target ng isang panukala. Kung gayon,
makabubuting ang pormat na napili ay yaong
malinaw at madaling basahin.
Makatutulong ito ng malaki sa taong
nagbibigay ebalwasyon sa panukala. Mas
bibigyang pansin din ang isang panukalang
malianw at madaling maunawaan.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Maliban sa kawalan ng sapat na pagpaplano,
ang kadalasang dahilan ng di-pag-aproba sa isang
proposal ay ang di-magkatugmang prayoridad ng
organisasyong pinaglalaanan ng panukala sa
mismong panukalang proyekto.
Dahil dito, tiyakin na ang layunin ng
panukalang proyekto ay isa sa mga top of the list na
prioridad ng hinihingian ng suportang pinansiyal o
ng mag-aapruba sa panukala.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


May kakaibang lakas kung mga salitang kilos
ang gagamitin sa mga pahayag sa panukalang
proyekto. Dahil kailangan ng pag-apruba, mas
mabuting may dating maging ang mga salitang
gagamitin.
Kabilang sa mga salitang kilos na maaaring
gamitin ang simulan, ikumpara, maghandog,
mangulo, mag-organisa, suportahan,
magpakahulugan, gumawa, gumamit at iba pa.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Sa pagsulat nito, alamin ang mga
elementong kasama sa proseso. Sa isang
masaklaw na pagtingin, karaniwang naglalaman
ang panukalang proyekto ng pahina ng titulo,
pahina ng nilalaman, abstrak, konteksto,
katuwiran ng proyekto, layunin, target na
benepisyaryo, implementasyon ng proyekto,
badyet, pagmonitor at ebalwasyon, pag-uulat,
pangasiwaan at tauhan, at mga lakip. (Nebiu,
2002).

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Sa pahinang ito ang titulo ng proyekto,
pangalan ng nagpanukalang organisasyon, lugar
at petsa ng preparasyon ng panukala at
ahensyang pinaglalaanan ng panukala.
Tandaan na ang titulo ng proyekto ay
dapat na maiksi at tuwiran, at dapat na
tumutukoy sa pangunahing aktibidad o
inaasahang resulta ng proyekto.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Mahalaga ang pahinang ito upang
madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal.
Naglalaman ito ng titulo ng bawat seksyon at
ang panimulang pahina ng mga ito.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ito ang huling ginagawa na bahagi ng
panukala. Inaasahang makikita sa abstrak ang
pagtalakas sa suliranin, layunin, organisasyon na
responsible sa implementasyon, pangunahing
aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ang bahaging ito ay naglalaman sa
sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at kultural
ng panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga
kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na
naitala mula sa pagpaplano sa proyekto, o ng
mga datos na nakolekta mula sa iba’t ibang sors.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa
apat na sub-seksyon.

1. Pagpapahayag sa Suliranin. Tinatalakay sa bahaging


ito ang tiyak na suliraning pinagtutuunang
solusyunan ng panukala.
2. Prayoridad na Pangangailangan. Pinagtutuunan ng
bahaging ito ang pagpapaliwanag sa
pangangailangan ng mga target na makikinabang
dahil sa pagkakaroon ng suliranin.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


3. Interbensyon. Ilalarawan sa bahaging ito ang
estratehiyang napili kung paano sosolusyunan ang
suliranin at gayondin tatalakayin kung papaanong
magdadala ng pagbabago ang gagawing hakbang.
4. Mag-iimplementang Organisasyon. Sa bahaging ito,
ilalarawan ang kapabilidad ng nagpapanukalang
organisasyon upang tugunan ang suliraning
inilahad. Ihahayag dito kung bakit, sila ang
pinakakarapat-dapat upang pagkatiwalaang
solusyunan ang suliranin.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng
panukalang proyekto. Kaugnay ng layong ito, iisa-isahin
din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala.
Tandaan na sa pagbuo ng isang layunin,
ikinokonsidera ang mga ss:
1. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin ng
panukala;
2. Dapat konektado ang masaklaw na lyunin sa bisyon ng
pagpapaunlad;
3. Dapat napapatunayan ang merito ng kontribusyon ng
layon sa bisyon.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Ipakikita sa bahaging ito kung sino ang
mga makikinabang sa panukalang proyekto at
kung paano sila makikinabang dito. Isasama rito
ang detalyadong deskripsiyon ng laki at
katangian ng benepisyaryo.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ipakikita sa bahaging ito ang iskedyul at
alokasyon ng resorses. Mahalagang maipakita rito kung
sino ang gagawa sa mga aktibidad, at kailan at saan ito
gagawin.
1. ISKEDYUL. Ang detalye ng mga plinanong aktibidad
ay dapat maipakita. Magagamit ang mga
talahanayan sa pagpapakita ng mga ito.
2. ALOKASYON. Ipakikita dito ang mga kakailanganin
upang isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul.
Tinutukoy sa bahaging ito ang iba’t ibang kategorya
ng gastusin na kakailanganin para sa pagbabadyet.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
3. BADYET. Ito ang buod ng gastusin at kikitain
ng panukalang proyekto.
4. PAGMONITOR AT EBALWASYON. Nakabatay
ang ebalwasyon at pagmonitor sa
panukalang proyekto sa kung paano at kailan
isasagawa ang mga aktibidad para
mamonitor ang pag-unlad ng proyekto;
anong metodo; sino ang magsasagawa.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


5. PANGASIWAAN AT TAUHAN. Naglalaman ito ng
maikling deskripsiyon ng bawat miyembro ng grupo
na gumawa ng panukalang proposal. Kung ano ang
tungkuling nakaatang.
6. MGA LAKIP. Ito ang mga karagdagang dokumento o
sulatin na kakailanganin upang lalong mapagtibay
ang panukalang proyekto. Isasama rin sa bahaging
ito ang ano mang papeles na hihingin ng
organisasyon o indibidwal kung saan ipinapanukala
ang proyekto.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT

You might also like