You are on page 1of 31

PAUL JOHN A.

MARIANO, LPT
Alin sa mga sumusunod ang sa palagay mo ay
bahagi o kasama ng isang panukalang saliksik?
Hindi
Kasama
Kasama
1. Lisatahan ng mga interest ng mananaliksik
2. Budyet na kailangan sa saliksik
3. Listahan ng mga gustong magawa sa saliksik
4. Listahan ng mga gagamiting libro at iba pang sanggunian sa saliksik
5. Paraan ng pagkuha ng datos ng mananaliksik
6. Impormasyon tungkol sa mga dati nang nagawang saliksik ng
mananaliksik
7. Impormasyon tungkol sa dati nang nagawang saliksik ng mananaliksik
8. Balangkas ng saliksik
9. Listahan ng mga taong dapat interbiyuhin para sa saliksik
10. Iskedyul ng pagbuo ng saliksik

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Kung bahagi ka ng isang kompanya o ahensya ng
pamahalaan na hihingan ng pondo para sa isang
proyektong saliksik, ano-anong impormasyon ang hihingin
mo sa proponent o taong nagpapanukala ng saliksik? Bakit
kailangan mo ang mga impormasyong ito ?
Impormasyong Hihingin sa Paliwanag Kung Bakit
Nagpanukala Kailangan ang Impormasyon
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Ang tagumpay ng anomang proyektong
saliksik ay nakasalalay sa isang pinag-iisipan at
sistematikong plano. Isang masalimuot na
proseso ang pananaliksik na binubuo ng
mraming hakbang. Kaya naman sa simula pa
lamang, dapat ay malinaw na sa isip ng
mananaliksik ang direksyon ng kaniyang
proyekto. Ang plano ay dinedetalye sa
tinatawag na research proposal o panukalang
saliksik.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ang panukalang saliksik ay inihaharap sa isang
tagapayo o pangkat ng tagapayo, kundi nama’y sa
isang tanggapan o institusyon na maaaring
sumuporta para maisagawa ang saliksik. Sa, una
ginagawa ito bilang kahingian bago sulatin ang tesis
para sa digring batsilyer, masteral, o doktoral.
Ikalawa, bilang kahingian ng tanggapan o
institusyong nagbibigay-pondo para matasa kung
karapat-dapat ang proyekto na paglalaanan ng
tulong pinansiyal.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
• Tinutukoy sa bahaging ito ang paksa at
suliranin ng saliksik upang magkaroon agad ng
ideya ang babasa.
• Sa introduksiyon din ipinaliliwanag ang mga
personal at panlipunang dahilan kung bakit
napili ang paksa.
• Ipaliwanag din ang kabuluhan ng pakasa sa
mas malawak na lipunan.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


• Kapag nakaisip na ng isang paksa, humanap pa
ng isang mas maliit at mas espesipikong
aspekto ng paksa.
• Ang suliranin ay ipinahahayag sa
pamamagitan ng isang tanong.
• Maari ding ilahad kung bakit mahalagang
mapag-aralan ito.
• Dito rin ipinapaliwanag ang mga susing
konsepto na nakapaloob sa suliranin.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


• Tumutukoy sa mga pag-aaral na may
kinalaman sa pinaplanong pag-aaral.
• Napakahalaga ng rebyung ito dahil dito
makikita kung may nakagawa na ng saliksik na
katulad ng ipinapanukala.
• Dito rin nalalaman ang kahalagahan ng saliksik
dahil maipapakita kung ano ang nagawa na
noon at kung ano ang magiging ambag naman
sa sariling pag-aaral.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


• Isa-isahin ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral
na tumutukoy sa mga espesipikong gagawin sa
saliksik.
• Nakasulat ang bawat layunin gamit ang mga verb
o pandiwa.
• Ang bawat layunin ay dapat na espesipiko,
maaaring isakatuparan, at nasusulat.
• Karaniwang binabalikan ang mga tiyak na layunin
para matiyak kung natamo ang lahat ng mga
layunin.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Dito ipinaliliwanag kung bakit mahalagang
gawin ang pag-aaral dahil sa maiaambag nito sa
isang akademikong disiplina, maidaragdag na
impormasyon o kabatiran hinggil sa isang
napapanahong isyu, o maibibigay na sagot sa
isang problema ng lipunan.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


• Ipinaliliwanag ang mga ideyang gagamitin sa
pagtingin, pagpapahalaga, o pagsusuri sa mga
datos na natipon sa saliksik.
• Sa bahaging ito rin ipinaliliwanag kung paano
ilalapat ang mga ideyang ito sa datos.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ang metodo ay tumutukoy sa mga paraan
ng pagsasagawa ng saliksik o sa mga paraan ng
pagkuha at pagtitipon ng mga datos. Ilan sa
pinakakaraniwang paraan ay ang saliksik sa
aklatan, panayam, sarbey, questionaire, focus
group discusion, at obserbasyon. Sa bahaging ito
ng panukalang saliksik, kailangang ipaliwanag
kung ano sa mga paraang ito ang gagamitin at
kung paano ito gagamitin sa pag-aaral.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


• Sa bahaging ito tinitiyak ang saklaw ng pag-
aaral.
• Tinutukoy ang mas maliit na bahagi o aspekto
ng paksa ng pag-aaral.
• Ipinaliliwanag kung bakit ito lamang ang
napiling pag-aralan.
• Tinutukoy ang mas tiyak na mga aspekto ng
teorya na ilalapat sa pag-aaral.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ang daloy ng pag-aaral ay ang
balangkas ng pag-aaral. Ito ang
pagkakasunod-sunod ng mga bahagi kapag
isinulat na ang pag-aaral.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Ang panukalang proyekto ay
nangangahulugang isang kasulutan ng munglahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa
tao o samahang pag-uukulan nitong siyang
tatanggap at magpapatibay nito.
Ayon kay Bensim Nebiu, ang panukalang
proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga
inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Sa pagsulat nito, alamin ang mga
elementong kasama sa proseso. Sa isang
masaklaw na pagtingin, karaniwang naglalaman
ang panukalang proyekto ng pahina ng titulo,
pahina ng nilalaman, abstrak, konteksto,
katuwiran ng proyekto, layunin, target na
benepisyaryo, implementasyon ng proyekto,
badyet, pagmonitor at ebalwasyon, pag-uulat,
pangasiwaan at tauhan, at mga lakip.
Sa pahinang ito ang titulo ng proyekto,
pangalan ng nagpanukalang organisasyon, lugar
at petsa ng preparasyon ng panukala at
ahensyang pinaglalaanan ng panukala.
Tandaan na ang titulo ng proyekto ay
dapat na maiksi at tuwiran, at dapat na
tumutukoy sa pangunahing aktibidad o
inaasahang resulta ng proyekto.
Mahalaga ang pahinang ito upang
madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal.
Naglalaman ito ng titulo ng bawat seksyon at
ang panimulang pahina ng mga ito.
Ito ang huling ginagawa na bahagi ng
panukala. Inaasahang makikita sa abstrak ang
pagtalakas sa suliranin, layunin, organisasyon na
responsible sa implementasyon, pangunahing
aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet.
Ang bahaging ito ay naglalaman sa
sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at kultural
ng panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga
kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na
naitala mula sa pagpaplano sa proyekto, o ng
mga datos na nakolekta mula sa iba’t ibang sors.
Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa
apat na sub-seksyon.

1. Pagpapahayag sa Suliranin. Tinatalakay sa bahaging


ito ang tiyak na suliraning pinagtutuunang
solusyunan ng panukala.
2. Prayoridad na Pangangailangan. Pinagtutuunan ng
bahaging ito ang pagpapaliwanag sa
pangangailangan ng mga target na makikinabang
dahil sa pagkakaroon ng suliranin.
3. Interbensyon. Ilalarawan sa bahaging ito ang
estratehiyang napili kung paano sosolusyunan ang
suliranin at gayondin tatalakayin kung papaanong
magdadala ng pagbabago ang gagawing hakbang.
4. Mag-iimplementang Organisasyon. Sa bahaging ito,
ilalarawan ang kapabilidad ng nagpapanukalang
organisasyon upang tugunan ang suliraning
inilahad. Ihahayag dito kung bakit, sila ang
pinakakarapat-dapat upang pagkatiwalaang
solusyunan ang suliranin.
Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng
panukalang proyekto. Kaugnay ng layong ito, iisa-isahin
din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala.
Tandaan na sa pagbuo ng isang layunin,
ikinokonsidera ang mga ss:
1. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin ng
panukala;
2. Dapat konektado ang masaklaw na lyunin sa bisyon ng
pagpapaunlad;
3. Dapat napapatunayan ang merito ng kontribusyon ng
layon sa bisyon.
Ipakikita sa bahaging ito kung sino ang
mga makikinabang sa panukalang proyekto at
kung paano sila makikinabang dito. Isasama rito
ang detalyadong deskripsiyon ng laki at
katangian ng benepisyaryo.
Ipakikita sa bahaging ito ang iskedyul at
alokasyon ng resorses. Mahalagang maipakita rito kung
sino ang gagawa sa mga aktibidad, at kailan at saan ito
gagawin.
1. ISKEDYUL. Ang detalye ng mga plinanong aktibidad
ay dapat maipakita. Magagamit ang mga
talahanayan sa pagpapakita ng mga ito.
2. ALOKASYON. Ipakikita dito ang mga kakailanganin
upang isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul.
Tinutukoy sa bahaging ito ang iba’t ibang kategorya
ng gastusin na kakailanganin para sa pagbabadyet.
3. BADYET. Ito ang buod ng gastusin at kikitain
ng panukalang proyekto.
4. PAGMONITOR AT EBALWASYON. Nakabatay
ang ebalwasyon at pagmonitor sa
panukalang proyekto sa kung paano at kailan
isasagawa ang mga aktibidad para
mamonitor ang pag-unlad ng proyekto;
anong metodo; sino ang magsasagawa.
5. PANGASIWAAN AT TAUHAN. Naglalaman ito ng
maikling deskripsiyon ng bawat miyembro ng grupo
na gumawa ng panukalang proposal. Kung ano ang
tungkuling nakaatang.
6. MGA LAKIP. Ito ang mga karagdagang dokumento o
sulatin na kakailanganin upang lalong mapagtibay
ang panukalang proyekto. Isasama rin sa bahaging
ito ang ano mang papeles na hihingin ng
organisasyon o indibidwal kung saan ipinapanukala
ang proyekto.

You might also like