You are on page 1of 8

KAYA MO IYAN

Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang bigyang-diin ang

kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat. Ito ay may layuning
malinang ang isa sa mga makrong kasanayan, ang pagsulat partikular sa
akademikong pagsulat.

Sa pamamagitan ng pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto na

nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat, ikaw bilang mag-aaral ay
inaasahang malinang at matamo ang mga sumusunod na layunin:
1. Nauunawaan ang ilang pananaw sa pagsulat;
2. Nasusuri ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng
akademikong sulatin na ginamit sa pag-aaral sa iba’t-ibang larangan;
3. Nabibigyang-halaga ang pagsulat ng akademikong sulatin; at
4. Nakapagsasagawa ng isang panimulang sulatin sa akademikong
pagsulat.

PANIMULANG GAWAIN

Sanggunian: www. google.com

 Nakikilala mo ba ang mga larawan nasa itaas?

 Sa iyong palagay, saan kaya sila may pagkakatulad?

Para sa akin, ang pagsulat ay ________________________________

______________________________________________________________
Mahalaga sa akin ang pagsulat dahil __________________________
______________________________________________________________

ALAM MO BA?

Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

 Masistemang paggamit sa espisipikong lingguwistikong pahayag (Rogers,

2005). Ibig sabihin, may natatanging simbolo (mga titik, bantas, at iba
pang marka) para sa bawat ponema o tunog, at ang mga simbolong ito
ang ginagamit sa pagsusulat ng mga pahayag.
 Sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan
sa mga pahayag (Daniels & Bright, 1996). Permanente dahil nakasulat o
nakaukit ang mga pananda sa papel, kahoy, bato, at iba pang materyal.
 Masistema ang pagsulat dahil bawat pananda ay may katumbas na
makabuluhang tunog at isinaayos ang mga panandang ito upang
makabuo ng makabuluhang salita o pangungusap. Masistema ang
pagsulat dahil ginagabayan ito ng mga bantas sa gramatika.
 Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang
pagsulat.
 Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat. Napagkasunduan ang tumbasan
ng mga titik, ang kahulugan ng salita, ang kabuluhan ng pagpapahayag. Sa
ibang salita, nag-iiba-iba ang sistema ng pagsulat depende sa wika at
kultura.
 Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord at pagpepreserba ng wika.
 Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat
(Fischer,2001)
 Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
 Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon (Goody, 1987)
Sanggunian: (Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik-DIWA Textbook)

Gawain 1
1. Saan nakadepende ang pagsulat?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
2. Bakit sinasabing masistema ang pagsulat?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Ano ang kaibahan ng panandang nakikita (titik, bantas, marka) sa
panandang naririnig?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

4. Paano naging kasangkapan ng komunikasyon ang pagsulat?

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
5. Paano nagiging arbitraryo ang sistema ng pagsulat?
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Gawain 2: Dugtungan Mo

Matapos kong matutunan ang ilang batayan sa pagsulat, ngayon ang

pagsulat para sa akin ay __________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Ang kahalagahan ng pagsulat sa aking istrand na napili ay___________

______________________________________________________________
______________________________________________________________

Maikling Pagsusulit 1

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan, piliin at bilugan

ang wastong kasagutan.

1. Ayon sa kanya, komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng

pagsulat.
a. Daniels & Bright c. Goody
b. Fisher d. Rogers

2. Ito ay alinmang sistema ng komunikasyong nakabatay sa

kumbensiyonal, permanente at nakikitang simbolo.
a. pagbasa c. pagsulat
b. pagsasalita d. pananaliksik

3. Ang pagsulat ay nakadepende sa ___________. Kung wala nito,

walang pagsulat.
a. kultura c. tradisyunal
b. tao d. wika

4. Ayon kay Goody, ang pagsulat ay pundasyon ng _____________.

a. bansa c. pamayanan
b. lipunan d. sibilisasyon

5. Napagkasunduan ang tumbasan ng mga titik, ang kahulugan ng salita,

ang kabuluhan ng pagpapahayag. Anong katangian ng pagsulat ang
isinasaad ng pahayag?
a. arbitraryo c. masistema
b. dinamiko d. masining

PAG-ISIPAN MO
Ano-ano na ang mga naisulat mo? Nagsulat ka na ba ng tulang
tungkol sa iyong hinahangaan o ng mga kuwentong ipinabasa mo sa publiko
sa iyong social media account? Nagsulat ka na ba ng sanaysay na
nagpapaliwanag ng iyong pananaw sa isang isyu?

Paano masasabing ang isang manunulat ay epektibo? ___________________

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang manunulat?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Sa iyong palagay, paano nagkakaiba ang akademikong pagsulat sa personal

na pagsulat?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

ALAM MO BA?

Akademikong Pagsulat

Ang pagsulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao upang

tugunan ang mga personal na pangangailangan. Nagsusulat ang tao hindi
lamang upang magpahayag ng saloobin at bumuo at magpatatag ng mga
ugnayan, bagkus ay upang mapabuti ang sarili. Maliban sa mga ito,
nagsusulat din ang tao upang tugunan ang mga akademiko at propesyonal na
pangangailangan.
Sa isang globalisadong mundo, nakaaangat ang mga indibidwal na
may kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat. Isa
itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip. May
kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga
ideya, mag-isip ng lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at
magsuri at gumawa ng sintesis.
Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote,
panukalang proyekto, talumpati, sintesis, at repleksibong sanaysay, katitikan
ng pulong, pagsulat ng agenda, posisyong papel, photo essay o lakbay-
sanaysay.

Mga Katangian ng Akademikong Pagsulat

Magkaiba ang personal at akademikong pagsulat. Sa personal na
pagsulat, maaaring impormal ang wika nito. Maaari ding magaan ang tono at
kumbersasyonal ang wika. Madalas ay maligoy ang paglalahad ng personal
na pagsulat na karaniwan ding nangangailangan ng hindi literal na pagbasa.
Ngunit dahil ang pagsulat ay patuloy na nagbabago, may ilang
manunulat na pinagsasanib ang mga kumbensiyon sa akademikong pagsulat
at malikhaing pagsulat sa pagbuo ng akademikong teksto.

Mga Pamantayan
Walang isang paraan sa pagsulat ng mahusay na akademikong teksto.
Depende sa sitwasyon o kahingian, nagbabago-bago ang mga pamantayan
kung ano ang mahusay na estilo o nilalaman. Halimbawa, magkaiba ang
pamantayan ng Kolehiyo ng Agham at ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa
mahusay na papel-pananaliksik (magkakaiba ng paksa, ngunit may mga
parehong pamantayan gaya ng sigasig sa pananaliksik, organisasyon ng mga
ideya, atbp.). Ang mga guro ay may kani-kaniya ring hinahanap kapag
binabasa ang mga sanaysay ng kanilang mga estudyante.
Ganito rin ang mangyayari sa iba’t ibang propesyon. May gabay sa
pagsulat ang mga mamamahayag na kaiba sa gabay sa pagsulat na sinusunod
sa isang advertising agency. Magkakaiba rin ang kagustuhan ng mga
empleyado, namamahala sa laboratory, HR head, manager, at supervisor. Sa
madaling salita, tuwing nagsusulat ng akademikong teksto, mahalagang
alamin kung sino ang magbabasa nito.
Sanggunian: (Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik-DIWA Textbook)

Gawain 3

1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa akademikong pagsulat? _____________

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Bakit tinatawag na intelektuwal na pagsulat ang akademikong pagsulat? __

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Anong penomeno ang nagtutulak sa mga Pilipino na maging kompetetibo?
Ipaliwanag. _____________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
4. Paano makasusulat ng isang mahusay na akademikong sulatin? _________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. Maliban sa mga nabanggit na, magbigay ng iba pang halimbawa ng
akademikong sulatin. __________________________________________
____________________________________________________________
Gawain 4

Gamit ang Venn Diagram sa ibaba, ilahad ang pagkakaiba at

pagkakatulad ng katangian ng akademikong pagsulat at personal na pagsulat.

Akademikong pagsulat Personal na Pagsulat

Bilang mag-aaral, mahalaga sa akin ang akademikong pagsulat dahil

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Maikling Pagsusulit 2

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung wasto o

di-wasto ang mga ito batay sa konsepto ng akademiko at personal na
pagsulat. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at
MALI kung hindi.

____________1. Ang akademikong pagsulat ay intelektuwal na pagsulat na

nag-aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa.
____________2. Ang pagsulat ay isang pangangailangan upang tugunan ang
mga personal na pangangailangan.
____________3. Ang maikling kuwento, alamat, at pabula ay ilan lamang sa
halimbawa ng akademikong pagsulat.
____________ 4. Impormal na wika at madalas maligoy ang paglalahad ng
mga ideya sa pagsulat ng akademikong sulatin.
____________ 5. Mahalagang malaman kung sino ang magbabasa o
potensiyal na magbabasa ng isusulat na akademikong
teksto.

Gawain 5

1. Ano-ano ang kaibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Maaari bang gawing malikhain ang isang akademikong sulatin?

Pangatwiranan. _________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bakit “walang isang paraan” ng pagsulat ang mahusay na akademikong

teksto? ________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa kapag magsusulat ng

akademikong teksto? _____________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawain 6

Gumuhit ng isang bagay na maaaring sumimbolo sa kahalagahan ng

akademikong pagsulat sa paghubog ng kaisipan, pagkatapos bigyan ng
maikling paliwanag kung bakit iyon ang iyong napili?

_____________________________________________________________

PAGLALAPAT

Basahin nang maayos ang gawaing nakalahad sa ibaba. Bigyang-pansin

ang paraan ng pagmamarka sa iyong gagawing pinal na awtput para sa
araling ito. Ito ay gagawin sa long bond paper.

Ipagpalagay na manunulat ka sa isang magasin. Bahagi ng iyong trabaho

ang pagrerebyu ng pelikula. Inatasan ka ng iyong editor na rebyuhin ang
isang lumang pelikulang Pilipino para sa susunod na isyu ng magasin. Ito ang
mga gabay na kaniyang ibinigay: Isulat ang rebyu nang hindi bababa sa 500
salita at suriin kung napapanahon ang kuwento. Tandaan na ang buod ay
hindi rebyu. Mahalaga sa rebyu ang puna, insight, at realisasyon.
Mamarkahan ka batay sa mga sumusunod: estilo ng pagsulat, tamang
grammar at baybay ng mga salita, at nilalaman ng sulatin.
Sanggunian: (Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik-DIWA Textbook).

Kraytirya sa Pagmamarka
 Nilalaman 10 puntos
 Estilo ng pagsulat 5 puntos
 Tamang grammar at baybay ng mga salita 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

You might also like