You are on page 1of 22

PAGSULAT NG

TALUMPATI
Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang bigyang-
diin ang pagsulat ng talumpati. Ito ay may layuning
malinang ang isa sa mga anyo ng sulating akademiko na
magagamit sa wastong paglalahad ng mga kaisipan.

Sa pamamagitan ng mga pinakamahalagang


kasanayan sa pagkatuto na natutukoy ang katangian ng
isang sulating akademiko, nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin, nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa, gayundin ang pagsasaalang-alang sa etika sa
pagbuo nito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang
malinang at matamo ang mga sumusunod na layunin:
1.Natutukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati;
2.Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na
may kaugnayan sa pagbuo ng talumpati;
3.Nailalahad ang katangian at kalikasan ng talumpati;
4.Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng talumpati;
5.Nabibigkas nang maayos at may damdamin ang isinulat na
talumpati;
6.Nakasusulat ng isang organisado, malikhain, at kapani-
paniwalang talumpati;
7.Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng
akademikong sulatin.
Saan kaya madalas makita ang mga
personang nasa larawan? Sino-sino
kaya ang nasa kanilang harapan? Bakit
kaya ganun na lang ang ekspresyon ng
isang lalaki sa kaliwa at bakit ibang-iba
siya doon sa kanan? Kapag nagsasalita
ka sa harap ng maraming tao, alin sa
dalawang larawan ang maaari mong
maipakita?
Ang pagsasalita sa harap ng maraming tao
ay hindi ganun kadali kung iisipin, hindi ganun
kadali kung gagawin lalo’t kung wala kang
tiwala sa iyong sarili. Isa sa nagpapalakas ng
tiwala sa sarili ay may kamalayan siya sa
kanyang mga ipinapahayag.

Isang paraan ng pagsasalita sa madla o sa


harap ng maraming tao ay tinatawag na
talumpati.
Bukod sa binanggit kaninang katangian ng
taong nagsasalita sa harap ng maraming tao o
mananalumpati. Sa iyong palagay, ano-ano pa
kayang mga katangian ang dapat niyang taglayin
Minsan nagkakaroon ng paghahanda ang
mananalumpati sa kanyang sasabihin at ito ay
kanya munang isusulat bago bigkasin sa harap ng
madla. Sa iyong palagay, ano naman kaya ang
dapat taglayin ng isang sulating akademikong
talumpati?
Uri ng Talumpati
Ayon sa layunin nito- impormatibo, nanghihikayat,
nang-aaliw at okasyonal.
Impormatibo – Ito ay naglalahad ng mga kaalaman tungkol
sa isang partikular na
paksa.
Nanghihikayat – layuning hikayatin ang tagapakinig na
magsagawa ng isang partikular na kilos o kaya hikayatin na
panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita
Mang-aliw – layuning magbigay kasiyahan sa mga
tagapakinig
Okasyonal – talumpati na isinusulat at binibigkas para sa
isang partikular na okasyon
Ayon sa kahandaan- impromptu at
extemporaneous
Impromptu -halos walang paghahanda
sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati
Extemporaneous –pinaghandaan sa
pamamagitan ng pagsulat ng speech
plan upang maging epektibo ang
pagbigkas
May ilang nagtatalumpating binabasa ang kanilang
sinasabi upang walang makaligtaang mahahalagang
impormasyon. May iba namang kinakabisado ang
kanilang talumpati. Sa binabasang talumpati, may
tendensiya ritong mabagot ang tagapakinig dahil
limitado ang eye contact at wala gaanong kilos sa bahagi
ng nagtatalumpati. Sa kinabisadong talumpati, may
tendensiya namang makalimutan ng nagsasalita ang
kaniyang talumpati. Bilang solusyon, ginagawang
magaan ng mga mananalumpati ang wika at tono ng
talumpati upang hindi mahirapan ang mga tagapakinig.
Inaayos din ng mananalumpati ang organisasyon sa
paraang lohikal upang madali niyang maalala ang teksto.
1. Ano-ano ang mga layunin ng talumpating
impormatibo, nang-aaliw, at ang aral na
nakuha mo sa karanasang ito?
2. Ano ang kaibahan ng talumpating
impromptu sa talumpating
extemporaneous?
3. Kung ikaw ay naanyayahan sa pagtitipon ng
mga kabataan sa inyong bayan at hiningian
ka ng talumpati, anong uri ng talumpati ang
iyong ihahanda sa kanila? Bakit?
Proseso sa Pagsusulat ng
Talumpati
May sinusundang pormula sa
pagsulat ng talumpati. Isipin mo
na ang talumpati ay paglalakbay
paakyat at pababa ng bundok.
• Paghahanda
Mahalagang mapukaw ang
atensiyon ng tagapakinig sa
unang pangungusap pa lamang.
• Pag-unlad
Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa
kalagitnaan ng paglalakbay. Sa pagsulat,
siguraduhing nakatutok ang atensiyon nila.
Lumikha ng tensiyon, magkuwento, magbigay ng
mga halimbawa, maghambing at magtambis, o
gumamit ng mga tayutay at mga talinghagang
bukambibig. Sa paraang ito, hindi aalis ang
tagapakinig.
• Kasukdulan
Ito ang pagkakataong narating na
kasama ang tagapakinig ang tuktok
ng bundok. Sa bahaging ito, inilalahad
ang pinakamahalagang mensahe ng
talumpati. Ito rin ang bahaging
pinakamatindi na ang emosyon.
• Pagbaba
Isa itong pinakamahirap na bahagi ng
pagsulat ng talumpati. Maaaring ibuod ang
mahahalagang puntong tinalakay sa
talumpati. Maaari din namang mag-iwan
ng mga tanong. Anumang paraan ang piliin
sa pagtatapos, kailangang mahuli ng
kongklusyon ang diwa ng talumpati.
1. Paano ka magkuwento sa harap ng
ibang tao? May sinusunod ka bang
organisasyon?
2. Ano sa tingin mo ang kalakasan at
kahinaan mo sa pagsulat ng
talumpati? Ipaliwanag.
3. Ano sa tingin mo ang mga kalakasan
at kahinaan mo sa pagtatanghal ng
talumpati sa harap ng mga tao?
1. Bakit mahalagang mahatak ang atensiyon
ng nakikinig o nanonood ng talumpati?
2. Paano mapapanatili ang interes ng
tagapakinig?
3. Sa iyong palagay, makabubuti ba kung
sisimulan ang isang talumpati sa
kasukdulan nito? Pangatwiranan ang
sagot.
4. Paano tatapusin ang isang talumpati?
Magbigay ng mga halimbawa.
Gabay sa Pagsulat ng
Talumpati
Tuon
• Bakit ako magsusulat ng talumpati?
• Ano ang paksa?
• Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?
• Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga
tagapakinig?
• Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin
ko?
Tagapakinig
• Sino ang aking mga tagapakinig?
• Bakit sila makikinig sa talumpati?
• Anong mahahalagang bagay ang nais
kong baunin ng tagapakinig?
Pagsulat
• Paano ko pupukawin ang atensiyon ng
tagapakinig?
• Anong lengguwahe ang gagamitin ko?
• Ano ang tono ng aking talumpati?
• Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng
talumpati?
• Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?

You might also like