You are on page 1of 8

ARALIN 3: MAPANURING PAGSULAT SA AKADEMIYA: PAGBUO

NG MAPANURING SANAYSAY

Layunin

1. Naipapaliwanag ang katuturan, kalikasan, at kahulugan ng mapanuring pagsusulat sa


akademiya

2. Natitiyak ang proseso ng mapanuring pagsulat, at

3. Nakasulat ng piktoryal na sanaysay O sanaysay-palarawan

Akademiko

Malaking hamon sa isang mag aaral na makasulat ng mapanuring teksto sa loob ng akademiya.
Ang kaalaman at kasaysayan sa mapanuring pag sulat ng maaga pa lang ay natutuhan na ay
salik sa matagumpay na pag aaral sa mataas na edukasyon.

Sa mapanuring pag sulat kailangan ang nag susulat ng teksto ay isang mapanuring pag-iisip at
napapaloob sa mapanuring pag-iisip ang pagiging analitikal ang analitikal ay
napaghihiwahiwalay at pinaggugrupo ang mga ideya sa loob ng teksto upang maunawan at
gawan ng ebalwasyon. At pagiging kritikal naiiugnay dito ang mga ideya sa realidad sa labas ng
teksto at magagawan ng pagsusuri ang nabubukng mga relasyon kaugnay rito.

Narito ang ilang katangian ng mapanuring pagsulat bagamat naayon sa disiplina o kurso ang
mga katangian ng akademikong pagsulat, may mga pangkalahatang katangian ang mapanuring
pagsulat sa akademiya.

1. Layunin - ito ay ang pagpapaunlad o paghamon sa konsepto o katuwiran.

Halimbawa:
Sa problema ng environmental pollution o pag dumi ng kapaligiran ang magagandang
intensyonsa isang larangan ay nagkakaroon ng masamang epekto sa ibang larangan.

2. Tono - pag sinabing tono impersonal hindi yung parang pakikipag usap lang at hindi rin
emosoyon.

Halimbawa:

Impersonal

Ang pagkamatulungin natin ay nahahaluan ng


pagkamawain,pagkamakialam,pagkausyoso,pakikipagkapuwa,pakikisama, at marami pang iba

Personal

Matulungin kaba? Maawain? Pakialamero? Usisero? Di marunong mag kapuwa tao? Di


marunong makisama?

Ikatlong panauhan ang gami dito.

3. Batayan ng datos - Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang patunayan ang batayan
ng katuwiran dito.

Obhetibo ang posisyon - batay ito sa pananaliksik, iniiwasan dito ang anomang pagkiling.
Makikita ang pagka-obhetibo sa paksa, organisasyon at mga ditalye.

Katotohanan vs Opinion - Kailangan ang pruweba o ebidensiyang mapagkakatiwalaan o


talagang nangyari, hindi haka haka o gawa gawa lamang. At ang opinon naman ay batay
sa sariling damdamin, karanasan, at paniniwala.

4. Balangkas ng kaisipan (framework) o perspektiba - ito ang piniling ideya o kaisipan na


gustong patunayan ng sumulat. Binibigyang pagkakataon dito ng sumulat na ipokus ang
atensiyon ng mambabasa sa ispesipikong doreksiyon o anggulo hanggang sa umabot sa
konklusyon. Ginagamit ng sumulat ang mga datos at konsepto upang paunlarin ang argumento.

Halimbawa:
Paggamit ng teoryang Innateness ni Noam Chomsky para patunayang hindi kailangang idikta sa
bata ang mga salita para matuto; sa halip ay matututuhan niya ito sa kaniyang normal na
kapaligiran.

5. Perspektiba - nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na problema.

Halimbawa:

Ang kasaysayan ay hindi kapalaran. Maraming pagkakamali ang kasaysayan na hindi dapat
maulit at mga krimen ng mga tao at gobyerno na hindi dapat hayaan maganap muli.

6. Target na mambabasa - kritikal, mapanuri, at may kaalaman din sa paksa kaya naman mga
akademiko o propesyonal ang target nito. Tinatawag silang mga kadiskursong komunidad.

Estraktura at Proseso ng Mapanuring Pagsulat

Angisang akademikong akda ay karaniwang may tatlong pangunahing estraktura: introduksyon,


katawan, at kongklusyon. May proseso upang matamo ang epektibong pagsulat sa bawat bahagi.

Introduksyon

Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. May gastong patunayan ang paksa at
makatutulong kung sa bahaging ito ay nalilinaw na nais patunayan sa pamamagitan ng
paksang pangungusap o tesis na pangungusap. Dito,napakikitid ang isang malawak na
paksa. Kailangan itong mapagdebatehan sa dahilang kung wala namang problema, ano
ang magiging tunguhin o patutunayan sa paksa?

Halimbawa: Masama sa kapaligiran ang polusyon (hindi na pagdedebatehan).

a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral


May iba’t ibang puwedeng patunayan kaugnay ng paksa. Narito ang ilang anyo at
halimbawa.

Fact o Opinyon

Halimbawa: Ang global warming ay penomenong pang-Asya.

Sanhi at Bunga

Halimbawa: Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa bansa.

Halaga

Halimbawa: Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang wika ng bata.

Solusyon at Patakaran

Halimbawa:Sa halip na K to 12, ang kahirapan muna ang dapat pagkaabalahan ng


gobyerno.

b. Paksang pangungusap

Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na pangungusap ang


magpapalakas din ng mga argumento at batayan o datos.

Maliban sa tesis na pangungusap na naglalahad ng sularanin o problema, mahalaga ring ilahad


nito ang layunin, rasyonal o kahalagahan ng paksa, at pamamaraan at datos na ginagamit bilnag
overview.

c.Atensiyon sa Simula

Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa, magkaroon din ng estratehiya kung paano
sisimulan ang introduksyon. Narito ang halimbawa:

Tanong

Halimbawa: Bakit kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Filipino sa


kolehiyo sa ilalalim ng Programang K to 12?

Impormasyon, Pigura

Halimbawa: Pinatunayan ng estadiska ng NEDA na 13 sa 17 rehiyon sa buong


bansa ang nakaranas ng kabawasan ng kahirapan noong 2012 kompara sa 2009.
Pinakamataas ditto ang CARAGA na bumaba sa 14.2 porsiyento ang naranasang
kahirapan. (www.neda.gov.ph)

Depinisyon

Halimbawa: Ang terminong malinaw na ikinakabit sa pagkalalaki ay ang


machismo ( mula sa Espanyol, ginagamit upang bawasan ang pangangailangang
ipagyabang ang pagkalalaki), na karaniwang umiiral sa mga bansang Latino-
Amerikano, lalo na sa Mexico.

-Salin, Greert Hofstede, Cultures Consequences, 2001, p. 309

Sipi

Halimbawa: Di gaya ng istorya sa bibliya ng mga Ebreo kung saan ang lalaki ang
unang nilikha kaysa sa babae, at ang babae ay nilikha mula sa kaniyang tadyang, na
naglalahad ng kultural na pagkiling sa dominansya ng lalaki, sa mito ng Subanen, ang
babae at lalaki ay galing sa iisang pigurang putik, hinati sa dalawa, at magkapareho sa
simula pa.

-Salin, Florentino Hormedo, “Pagmamahal and Pagmumura,” Essays. 1997

Katawan

a.) Sa bahaging ito pinauunlad ang pagsusulat ng talata. Mahalaga rito ang tuloy tuloy,
organisado, maayos, at makinis ang daloy ng mga ideya.

kung saan:

1. Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay sa naunang talata.


2. Ang mga sumusupotang ideya ay nagkakasama sa loob ng talata.

b.) Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis.

c.) Kaayusan ng talata - Maaaring batay ito sa kronolohikal na ayos, kahalagaan ng


ideya, hakbang-hakbang o serye.

d.) Pagpapaunlad ng talata maliban sa malakas na argumentong magpapatunay sa


isinasaad ng talata ang ebidensya batay sa pananaliksik.

1. May dalawang uri ang ebidensya:

•Pangunahin - ito ay ang mga karansan, enterbyu serbey, at iba pa.

•Di-pangunahin - mga teksto, libro, pahayagan.

2. Argumento - ito ang magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang datos sa gustong
patunayan ng tesis.

Datos - detalye , impormasyon

Depinisyo - pagkokompara, sanhi o bunga at iba pa.

Halimbawa at ilustrasyon

3. Pagbuo - ilang elemento sa pagbubuo ng talata ang dapat na bigyang diin gaya ng :

*Pagsisimula ng bagong talata

*Mga transisyon sa bawat talata at sa loob ng talata

*Haba ng talata

e.) Pagbuo ng pangungusap

-ilang mga dapat tandaan sa pagbuo ng pangungusap upang maging higit na


malinaw, tiyak, at maunawaan ang teksto :

1. Iba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap.

2. Paggamit ng iba't ibang uri ng pangungusap.

(payak, tambalan, hugnayan at iba pa)

*Iwasan ang maraming maikli at putol putol na pangungusap.

*Iwasang paulit ulit ang pagtukoy sa paksa o tao.


*Iwasan ang pare-parehong pattern o ritmo ng pangungusap.

f.) Paggamit ng angkop na salita

-ang mga salitang ginagamit sa akademiko at mapanuring teksto ay sumusunod sa


ilang pamantayan at panuntunan gaya ng sumusunod:

1. Lebel ng pormalidad

2. Pormal , kaya hindi pinapaikli o dinadaglat ang mga salita.

3. Hindi nakasasakit o hindi nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa.

4. Gumagamit ng mga salitang maiintindihan ng mambabasa, hindi ng isang partikular


na grupo lamang.

5. Umiwas sa yupemismo o pailalim na gamit ng salita upang maitago ang katotohanan

Konklusyon

Ito ang huling bahagi ng teksto na isinagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng mga
tinalakay, paghahawig (paraphrase), o kaya'y paghamon, pagmungkahi, o resolusyon.

Halimbawa: Sa pangkalahatan, sinikap na maging matapat sa orihinal na pagbaybay ang mga


bibliograpikal na datos. Totoo ito lalo na sa mga entri sa panahon ng Kastila. Sa pamamagitan n
nito, inaasang higit na natala rin ng bibliograpikal ang karakter ng mga akdang isinalin.

-Lilia F. Antonio, Apat na siglo ng Pagsadalin, 1989

Etika Tagalog, pagiging tapat lang sa kung sino ang may hawak na pluma, ano ang inilarawan at
kapanahunang sinaklawan, subalit walng pagkakaila kung kanino patungkol ang akdang Ito ng
pagbubunyag at pagbubuo, walang iba kundi sa pagkabansang Pilipino.

-Nilo S. Ocampo, Paunang Salita, Etikang Tagalog , Ang Ikatlong

Nobela Ni Rizal, 1997

Sa pangkalahatang pagkakaugnay ng intoduksyon, katawan, at kongklusyon, dapat matiyak sa


pagsulat ng mapanuri at alademikong teksto ang kaisahan, kabuuan, at kaugnayan ng mga
ideya. Magkakaugnay ang mga pangungusap na binubuo na angkop at wastong mga salita at
kataga upang makompleto ang kahulugan sa loob ng talata. Magkakaugnay rin ang mga talata
upang tumungo sa kaisahan ng mga ideya mula simula (introduksyon) hanggang sa wakas
(kongklusyon). Sa ganitong paraan, hindi lamang ang teksto ang mabibigayang-kaalaman,
kasanayan, at kapangyarihan na magamit ang datos sa angkop at tamang pamamaraan, tamang
katuwiran sa paggagamitan nito, at sapat, tama, angkop, at makataong wika na nagbibigay-
pagpapahalaga sa kapuwa.

Kaugnay nito, madedebelop din ang pagiging mapanuring Manunulat na may mga
natatanging katangian.

Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring Manunulat

Aktibong nag-iisip kaugnay ng kahalagahan at kabuluhan ng sinulat sa kanyang


buhay, pamilya, komunidad, kapuwa, lipunan, bansa, at daigdig bawat sa dati
niyang kaalam at karanasan.

Gumagamit ng datos o batayan na pahayag o katuwiran na mapagkatiwalan at


hindi ayon sa haka-haka o pamamalagay lamang.

Nagtatanong kaugnay ng mga sitwasyon mula sa pag-analiaa ng mga datos,


ebalwasyon nito, pagbubuod at pag-uugnay nito sa paksa.

Malayang nag-iisip nang hindi hinahayaang maimpluwensiyahan ng iba't


ibangsalik at datos.

Sinusuri ang mga sitwasyon mula sa iba't ibang lente o parspektiba at hindi
lamang sa isang takbi ng isip.

Sinusuportahan ang iba't ibang perspektiba ng katawan at ebidensiya.

Tinatalakay ang mga ideya sa paraang organisado malinaw at masusi.

Nirerespeto ang kalagayang ng kapuwa kaugnay ng pisikal, sikolohiya, mental,


pag kakasarian, kabibilangang lahi, uri, grupo nito sa pamamagitan ng maingat
na paggamit ng wika.

You might also like