You are on page 1of 3

Kontemporaryong Panitikan

JECKY A. KAGUI
MALT-Filipino
jeckykagui@gmail.com
+63 936 1261 153
Paaralang Gradwado
Pamantasan ng Katimugang Mindanao
Kabacan, Cotabato

MASTER OF ARTS IN LANGUAGE AND LITERATURE


(FILIPINO)

ANG KAPALARAN NG MGA MAPAPALAD/BUKAS-PALAD AT


SAWIMPALAD/KAPOS-PALAD SA GULONG NG PALAD NA IGINUHIT SA PALAD
(Ang Diskurso sa Horoscope sa mga Pangunahing Tabloid at Broadsheet)
Kapalaran - ay nagmula sa salitang ugat na ‘palad’ na metatesis ng salitang ‘dalap’
(Autronesian root/Bisaya) o ang unat na kamay. Ang likod ng dalap ay palad.
Ang ka- na nangangahulugang katakdaan o hangganan at -an na
nagangahulugang katayuan, kalagayan o panahon ng pangyayari.
Himalad - ay ang katutubong paraan ng pagbabasa ng guhit ng palad sa pamamagitan
ng isang lider-ispiritwal (babaylan) ng isang grupo. Diumano, ang mga
posibleng mangyari sa isang indibidwal ay nakatakda na sa kanya at
makatutulong ang guhit ng palad upang ito’y mabasa (Scott, 1994).
Panahon ng Kastila - nang manaig at malupig nila ang mga Pilipino, naipasa nito ang
paniniwalang pagbabasa ng palad subalit itinuring ito ng relihiyong Katoliko
bilang sa demonyo ang anumang anyo ng pagbabasa ng kapalaran o
panghuhula.
 Nailipat sa panata at debosyon sa mga santo at santa ang dating paghingi ng
gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay (Santillan at Conde 1988).
 Nagkaroon ng asimilasyon ng mga paniniwala at pagsasabuhay ng
paniniwala.
 Ang dating katutubong anito sa mga agimat, galing, anting-anting ay napalitan
ng mga wangis ng santo at santa.
Honorario Lopez - kauna-unahang naglabas ng aklat na tumatalakay sa ‘karunungang
lihim’. Ibinabandila ng kanyang aklat na Dimasalang Kalendaryong Tagalog
(1920) na nagtala ng:
Nilalaman ng Karunungang Lihim
1. Anim (6) na librong katutuklasan ng Astrolohiya
2. Anim (6) na Lunario Perpetuo na kakikitaan ng sasapitin ng tao sa kanyang
pangingibig
3. Paghahanap buhat, ibp.
Secretos de la Naturaleza - ay isang bahagi ng ‘Karunungang Lihim’ na nagtuturo sa
pagkilala sa tao, pagtingin sa kabuhayan sa palad ng kamay, sa mga nunal o
taling, tabas ng pagmumukha.
Nilalaman:
 Hipnotismo
 Tanungan ng panaginip
 Oraculo ni Faraon
 Tanungan ng kamatayan ng isang tao
 Signo ng pag-aasawa at ng paggawa ng gayuma
 Arte ng pagkakaroon ng magagandang anak
 Bagay na malalaman ng bagong kasal
 Kalihiman ng paggamot sa nakukulam
Kontemporaryong Panitikan

Tabloid at Broadsheet - ang pagkakaroon ng horoscope sa sa mga babasahin sa


Pilipinas , partikular sa dyaryo ay naging integral na bahagi o sangkap nito.
Regular itong lumalabas sa isang tiyak na bahagi ng dyaryo sa mga tiyak na
araw.
Tabloid -kadalasang makikita ang horoscope ng ibang human interest column gaya ng
sex, payo, gabay, sulat at panawagan
 Bulgar - wala itong tiyak ng posisyon pero laging kasama ng isang
nakakatakot na kolum o serye, pagtetext ng birthday at posibleng maging
kapalaran kaugnay ng birthday. Kay Maestro Honorio Ong nakapangalan ang
horoscope
 Philippine Star Ngayon - walang rin tiyak na posisyon ang horoscope pero
kasama ang pagbati, crossword, comics strip, paghingi/pagbigay ng payo at
iba pa. Kay Madam Rosa nakapangan ang horoscope.
 Bagong Tikatik - ang horoscope ay laging nasa gawing kaliwa ng page 8,
katabi ng Kataka-takang daigdig (mga kakatawa o kababalaghang istorya)
word hunt, text mate, at text jokes. Walang by-line.
Broadsheet - laging magkakasama ang horoscope, puzzle, at comics.
 Philippine Daily Inquirer - nakapangalan kay Francis Drake ang horoscope.
 The Philippine Star - nakapangalan ang horoscope kay Holiday Mathis.
 Manila Bulletin - walang nakalagay na pangalan ng sumuslat.

Tabloid:

 May pardon, hulmahan o pattern ang pagkakasulat ng horoscope sa mga ito.


 Karaniwang kinakausap ng zodiac signs ang mababasa tungkol sa kanilang
kapalaran. Walang ispesipikong mangyayari bagkus ay mga pangkalahatan na
posibleng mararansan.
 Minsan, butil-kaalamang ito ang siyang magiging gabay sa sinumang
magbabasang may ganoong zodiac sign.
 Makikita ang ilang laging tinutungo ng diskurso.

Broadsheet

 Tuwirang kinakausap din ng zodiac signs ang mababasa tungkol sa kanilang


kapalaran, may espesipiko ang mga posibleng mangyari.
 Hindi ito masyadong nagbibigay ng tuon sa mga butil-kaalaman, madalas na sa
isang ispesipikong lang ng buhay ang tuon nito.
 Pag-ibig lang kung pag-ibig, career lang kung career, kalusugan lang kung
kalusugan. Walang ibinibigay na maswerteng numero at kulay.

Iba’t Ibang Pagtingin sa Iisang Ayos ng mga Bituin

Key Word Bulgar PSN Tiktik


Problema/pagsubok/malas 5% 11% 10%
May kapal/langit/panginoon/poon/taas 33% 2% 2%
Swerte/pagpapala/biyaya 20% 2% 1%
Pag-ibig/mahal/minamahal/kasuyo/kapareha/soul mate 14% 18% 7%
Pera/negosyo/kabuhayan/trabaho 1% 17% 4%
Kontemporaryong Panitikan

Eros S. Atalia: Kapalaran ng Mapapalad

You might also like