You are on page 1of 8

2020

IKA-5 NA LINGGO

ARALIN 3: Mapanuring Pagsulat sa Akademiya: Pagbuo ng Mapanuring Sanaysay

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 naipapaliwanag ang katuturan, kalikasan, at kabuluhan ng mapanuring pagsulat sa akademiya;
 natitiyak ang proseso ng mapanuring pagsulat; at
 nakasusulat ng piktoryal na sanaysay o sanaysay na palarawan.

MAHALAGANG PAG-UUGALI
Mahuhubog ang magandang pag-uugali at malilinang ang sariling kakayahan sa pagsulat.

Paalala!!! Lahat ng mungkahing gawain ay sasagutan sa yellow paper.

PAGGANYAK

1. Gumawa ng isang wish list na may limang aytem at ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang gusto
mo. Hindi kasama sa wish list ang mga bagay, gamit ,tao,at lugar, kundi mga dapat sanang
mangyari. Pangangatuwiranan ang wish list.

Wish list

1.

2.

3.

4.

5.

Dahilan o Katuwiran

1. 3. 5.

2.
4.

1
Gumawa ng isang Venn diagram na nagkokompara sa dalawang bagay( halimbawa: pag-ibig at
pagmamahal; artista at siyentista; backpack at maleta; dahon at bulaklak).Paghambingin ang
pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ito. Ipaliwanag ito ng malinaw at makatuwiran.

Paksa: _________________________________________
Pagkakapareho
o
Pagkakaiba Pagkakaiba

PAGTALAKAY SA ARALIN
Mapanuring Pagsulat at Tekstong Akademiko
Malaking hamon sa isang mag-aaral na makasulat ng mapanuring teksto sa loob ng akademiya.
Ang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagsulat na maaga lang ay natututuhan na ay salik sa
matagumpay na pag-aaral sa mataasa na edukasyon.Kakailanganin sa mapanuring pagsulat ang isang
mapanuring pag-iisip. Natalakay na ito sa Aralin 1. Nakapaloob sa mapanuring pag-iisip ang pagiging
analitikal (napaghihiwalay at napaggugrupo ang mga ideya sa loob ng teksto upang maunawaan at gawan
ng ebalwasyon) at kritikal (naiuugnay ang mga ideya sa iba’t ibang reyalidad sa labas ng teksto at
nagagawan ng pagsusuri ang nabubuong mga relasyon kaugnay rito).
Narito ang ilang katangian ng mapanuring pagsulat.Bagama’t naaayon sa disiplina o kurso ang mga
katangian ng akademikong pagsulat, may mga pangkalahatang katangian ang mapaunring pagsulat sa
akademiya.
1. Layunin- Karaniwang nagpapaunlad o paghapon ito sa konsepto o katuwiran.
2. Tono- Impersonal ito, hindi parang nakikipag-usap lang . Hindi rin ito emosyonal.
3. Batayan ng datos- Pananaliksik at kaalamang masusing sinusuri upang patunayan ang batayan
ng katuwiran dito.
 Obhetibo- batay ito sa pananaliksik. Iniiwasan dito ang anomang pagkiling. Makikita ang
pagka-obhetibo sa paksa, organisasayon at mga detalye.

2
 Katotohanan (fact) vs opinyon- Kailangan ang pruweba o ebidensiyang mapagkakatiwalaan o
talagang nangyari , hindi haka-haka o gawa gawa lamang.
 Opinion- Batay sa sariling damdamin, karanasan at paniniwala
4. Balangkas ng Kaisipan (Framework) o perspektiba –Ito ang piniling ideya o kaisipan na
gustong patunayan ng sumulat .Binibigyang pagkakataon dito ang sumulat na ipokus ang
atensiyon ng mambabasa sa ispesipikong direksiyon o anggulo hanggang sa umabot sa
konklusyon. Ginagamit ng sumulat ang mga datos at konsepto upang paunlarin ang argumento.
5. Perspektiba- Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na problema.
6. Target na mambabasa- Kritikal, mapanuri, at may kaalaman din sa paksa kaya ang mga
akademiko o propesyonal ang target nito. Tinatawag silang mga diskursong komunidad.
Estruktura at Proseso ng Mapanuring Pagsulat
Ang isang akademikong akda ay karaniwang may tatlong pangunahing estruktura: introduksiyon,
katawan, at kongklusyon. May proseso upang matamo ang epektibong pagsulat sa bawat bahagi.
1. INTRODUKSIYON
Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa.May gustong patunayan ang paksa at
makatutulong kung sa bahaging ito ay nalilinaw na ang nais patunayan sa pamamagitan ng
paksang pangungusap o tesis na pangungusap. Dito, napakikitid ang isang malawak na paksa.
Kailangan itong mapagdebatehan sa dahilang kung wala namang problema, ano ang magiging
tunguhin o patutunayan sa paksa?
Narito ang ilang mahalagang puntos sa pagsulat ng introduksiyon
a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral
May iba’t ibang puwedeng patunayan kaugnay ng paksa.Narito ang ilang anyo at halimbawa.
 Fact o Opinyon
Halimbawa: Ang global warming ay penomenong pang Asya.
 Sanhi at Bunga
Halimbawa: Ang popularadid ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa bansa.
 Halaga
Halimbawa: Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang wika ng bata.
 Solusyon at Patakaran
Halimbawa: Sa halip na K-12, ang kahirapan muna ang dapat pagkaabalahan ng
gobyerno.
b. Paksang Pangungusap
Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na pangungusap ang magpapalakas
din ng mga argumento at batayan o datos.Maliban sa tesis na pangungusap na naglalahad ng
suliranin o problema, mahalaga ring ilahad nito ang layunin, rasyonal o kahalagahan ng paksa, at
pamamaraan at datos na ginagamit bilang overview.
c. Atensiyon sa Simula
Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa, magkakaroon din ng estratehiya kung paano
sisimulan ang introduksiyon.Narito ang ilang halimbawa.
 Tanong
Halimbawa: Bakit kailangan ipagpatuloy ang pag-aaral ng Pilipino sa kolehiyo sa ilalim
ng programang K-12?
 Impormasyon, Pigura

3
Halimbawa: Pinatunayan ng estadistika ng NEDA na 13 sa 17 rehiyon sa buong bansa
ang nakaranas ng kabawasan ng kahirapan noong 2012 kumpara noong
2009.Pinakamataas ditto ang Caraga na bumaba ng 14.2%.Ang naranasang kahirapan.
(www.neda,gov.ph)
 Depinisyon
Halimbawa: Ang terminong malinaw na ikinakabit sa pagkalalaki ay ang machismo
(mula sa Espanyol, ginagamit upang bawasan ang pangangailangang ipagyabang ang
pagkalalaki), na karaniwang umiiral sa mga bansang Latino, Amerikano lalo na sa
Meximo.
-Salin, Geert Hofstede Consequence, 2001, p.309
 Sipi
Halimbawa: Di gaya ng istorya sa bibliya ng mga Ebreo kung saan ang lalaki ang unang
nilikha kaysa sa babae, at ang babae ay nilikha mula sa kanyang tadyang, na naglalahad
ng kultural na pagkiling sa dominansiya ng lalaki, sa mito ng Subanen, ang babae at
lalaki ay galing sa iisang pigurang putik, hinati sa dalawa,at magkapareho sa simula pa.
-Salin, Florentino Hornedo
2. KATAWAN
a. Sa bahaging ito pinapaunalad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang tuloy-
tuloy,organisado, maayos at makinis na daloy ng ideya kung saan:
 Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata.
 Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata.
b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis
c. Kaayusan ng talata- Maaaring batay ito sa kronolohikal na ayos , kahalagahan ng ideya, hakbang
–hakbang, o serye.
d. Pagpapaunlad ng talata- Maliban sa malakas na argumento magpapatunay sa isinasaad ng talata
ang ebidensiya batay sa pananaliksik.
1. Ebidensiya – May dalawang uri ang ebidensiya: pangunahin at di- pangunahin
-Pangunahin- interbyu, karanasan, sarbey, anekdota, eksperemento
-Di- pangunahin- mga teksto, libro, artikulo, pahayagan, website
2. Argumento- Ito ang magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang datos sa gustong
patunayan o tesis. Sapat at angkop ba ang datos o ebidensiya para pangatuwiranan ang paksa?
Lohikal ba ito?
Ang argumento ay mapapalalawak at mapalalakas pa sa pamamagitan ng sumusunod:
-Datos- estadistika, detalye,impormasyon
-Mga testimonya- sipi, anekdota
-Depinisyon, pagkokompara, sanhi at bunga, at iba pa.
3. Pagbubuo- Ilang elemento sa pagbubuo ng talata ang dapat bigyang diin gaya ng:
 Pagsisimula ng bagong talata
Isinasagawa ito:
-Kapag may bagong ideya o punto
-Kapag magkokompara ng impormasyon o ideya;
-Bilang pahinga para sa mambabasa kung masyadong mahaba na ang talata; at
-Kapag tatapusin ang introduksyon o sisimulan ang kongklusyon.

4
 May transisyon sa bawat talata at sa loob ng talata – Nagsisilbi itong tulay upang maipakita
ang daloy ng ideya at pagpatuloy-tuloy ang mga ideya sa pagitan ng mga talata at
pangungusap sa loob ng talata.
e. Pagbuo ng Pangungusap
Ilang mga dapat tandaan sa pagbuo ng pangungusap upang maging higit na malinaw, tiyak, at
mauunawaan ang teksto:
1. Iba-ibahin ang uri at anyo ng pangunusap upang bigyang-tuon ang ideya at hindi maging
kabagot-bagot ang pagbasa sa sinulat na akda.
Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng sumusunod:
 Pagsalit-salitin ang maikli at mahabang pangungusap.
 Maglagay ng biglang maigsing pangungusap.
 Iba-ibahin ang simula ng mga pangungusap.
2. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap (payak, tambalan,hugnayan,at iba pa).
 Iwasan ang maraming maikli at putol- putol na pangungusap.Magagawa ito sa pamamagitan
ng pagkakabit ng dalawang pangungusap gamit ang mga pantukoy (pero, at, o ngunit, subalit,
kaya, kung kaya, para, dahil, ni, at iba pa).
 Iwasang paulit-ulit ang pagtukoy sa paksa o tao.Magagawa ito sa paggamit ng panghalip
(siya, sinoman,alinman, iyong,na siyang, at iba pa).
 Iwasan ang pare-parehong pattern o ritmo ng pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng
marker (dahil,noon,dati,para,sa halip,habang, maliban sa,parang) at transisyon (sa totoo,
gayunman,gayundin, ano’t anoman).
f. Paggamit ng angkop na salita
Ang mga salitang ginagamit sa akademiko at mapanuring teksto ay sumusunod sa ilang
pamantayan at panuntunan gaya ng sumusunod:
1. Lebel ng pormalidad – Pormal ang wikang ginagamit sa mga akademikong teksto, kung
kaya’t iniiwasan dito ang balbal na salita o kataga gaya ng pare, todits, yosi, kiyema, at iba
pa.
2. Pormal kaya hindi pinapaikli o dinadaglat ang mga salita.
3. Hundi nakakasakit o nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa gaya ng lahi,bayan,bansa, pisikal
na kalagayan, kultura, relihiyon,kasarian, trabaho, pinag-aralan ,pamilya at iba pa.
4. Gumagamit ng mga salitang maiintindihan ng mambabasa, hindi ng isang partikular na grupo
lamang.
5. Umiiwas sa yupemismo o pailalim na gamit ng salita upang itago ang katotohanan.
3.KONGKLUSYON
Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng mga
tinalakay, paghahawig (paraphrase), o kaya’y paghamon, pagmungkahi, o resolusyon.
Sa pangkalahatang pagkakaugnay ng introduksiyon, katawan, at kongklusyon, dapat matiyak sa
pagsulat ng mapanuri at akademikong teksto ang kaisahan, kabuuan, at kaugnayan ng mga ideya.
Magkakaugnay ang mga pangungusap na binubuo ng angkop at wastong mga salita at kataga upang
makompleto ang kahulugan sa loob ng talata.Magkakaugnay rin ang mga talata upang tumungo sa
kaisahan ng mga ideya mula simula (introduksiyon) hanggang sa wakas (kongklusyon). Sa ganitong
paraan, hindi lamang ang teksto ang mabibigyang- kaalaman,kasanayan , at kapangyarihan na magamit
ang datos sa angkop, at makataong wikang nagbibigay-pagpapahalaga sa kapuwa.

5
Kaugnay nito, madedebelop din ang pagiging mapanuring manunulat na may mga natatanging
katangian.
Mapanuring pag-iisip, Mapanuring Manunulat
Mula sa mapanuring pag iisip nabubuo ang isang mapanuring manunulat na nagtatagalay ng mga
sumusunod na katangian.
1. Aktibong pag-iisip kaugnay ng kahalagahan at kabuluhan ng sinulat sa kanyang buhay, pamilya,
komunidad, kapuwa, lipunan, bansa, at daigdig batay sa dati niyang kaalaman at karanasan.
2. Gumagamit ng datos o batayan na pahayag o katuwiran na mapagkakatiwalaan at hindi ayon sa
haka-haka o pamamalagay lamang.
3. Nagtatanong kaugnay ng mga sitwasyon mula sa pag-aanalisa ng mga datos, ebalwasyon nito,
pagbubuod, at pag-uugnay nito sa paksa.
4. Malayang nag-iisip nang hindi hinahayaang maimpluwensiyahan ng iba’t ibang salik at datos.
5. Sinusuri ang mga sitwasyon mula sa iba’t ibang lente o perspektiba at hindi lamang sa iisang
takbo ng isip.
6. Sinusuportahan ang iba’t ibang perspektibang katuwiran at ebidensiya.
7. Tinatalakay ang mga ideya sa paraang organisado , malinaw at masusi.
8. Nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa kaugnay ng pisikal, sikolohikal, mental,pangkasarian,
kinabibilangang lahi,uri, grupo,at etnisidad nito sa pamamagitan ng maingat na paggamit ng
wika.

GAWAIN V:

Subukin ang natutuhan.


1. Ipaliwanag ang katuturan, kalikasan, at kabuluhan ng mapanuring pagsulat sa akademiya
2. Bumuo ng limang pangungusap na nagsisilbing panimula ng isang mapanuring pagsulat.

PANGUNGUSAP 1:

PANGUNGUSAP 2:

PANGUNGUSAP 3:

PANGUNGUSAP 4:

PANGUNGUSAP 5:

6
3. Magbigay ng tatlong ideya o patunay na magbibigay suporta sa isinulat na panimula.

1. 2. 3.

4. Bumuo ng tatlo hanggang limang pangungusap na maaaring maging kongklusyon ng isinulat sa


bilang 2 at 3.

PAGTATAYA

I. Panuto: Pumili ng isang senaryo sa mga sumusunod. Pagkatapos, sumulat ng isang pahinang
sanaysay na binubuo ng isa hanggang dalawang talata ukol dito.
1. Kung kailagang mong magbigay sa isang dalagitang may bilang na ang araw sa mundo, mula sa
iyong mga ari-arian, alin sa mga ito ang pipiliin mo at bakit?
a. Signature bag
b. ₱20, 000
c. Mamahaling cellphone
d. Mamahaling sapatos
2. Paano kung hindi na natutulog ang tao? Ano ang gagawin mo sa gabi at madaling araw?
3. Kung makakausap mo ang isang paruparu, ano ang sasabihin mo sa kanya?
4. Kung papipiliin ka, sa aling bansa mo gustong manirahan?Bakit?
5. Kung ikaw ay napadpad sa isang isang Isla na walang kasama, ano ang gagawin mo?
6. Kung bibigyan ka ng libreng isang linggong bakasyon sa kahit saang lugar sa Pilipinas, saan mo
gustong mapunta at bakit?
7. Kung bibigyan ka ng iskolrship sa ibang bansa para sa kursong Inhenyeriya pero ang talagang
gusto mong propesyon ay maging doctor, tatanggapin mo ba ito? Bakit?
8. Kung liligawan ng isang Amerikano ang isang kasambahay na hindi marunong sumulat at
bumasa o magsalita ng Ingles, dapat bang makipagrelasyon ang kasambahay sa dayuhan? Bakit?
II. Bumuo ng isang piktoryal na sanaysay o sanaysay na palarawan na naglalahad,
nangangatuwiran o nag-aadbokasya sa isang isyu o paksa. Bubuuin ito ng maikling teksto na
naglilinaw sa larawan o ilustrasyon.Tekstuwal at biswal na paglalahad ito na bubuo sa
pangkalahtang punto ng sanaysay.Bilang halimbawa,tingnan ang www.stjoan-
center.com/picessay.
Rubriks sa Pagtatasa

Kraytirya Mahina(0-5) Mahusay-husay(- Mahusay (9-10) Iskor


6-8)
Estruktura Malabo ang Malinaw ang Malinaw ang
intoduksiyon intoduksiyon introduksiyon,katawan
,at kongklusyon.
Katuwiran Hindi malinaw Ipinaliwanag ang Malinaw na
ang posisyon o katuwiran naipaliwanag ang
katangian. katuwiran, kompleto
at pinag-isipang

7
mabuti.
Ebidensiya Hindi tiniyak May ilang tiyak na Tiyak at naipaliwanag
ang ebidensiya, ebidensiya pero ng mabuti ang mga
kulang ang hindi naipaliwag ng ebidensiya
mga ebidensiya mabuti
Gamit ng wika Hindi inedit,
maraming May ilang mali Inedit at walang mali
maling bantas,
baybay at
pangungusap

GLOSARYO

balbal balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa


isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong
salitang kanto o salitang kalye.
daglat ito ay pananda na ginagamit para maging malinaw ang kahulugan ng mga
pangungusap.
yupemismo Ang katawagan sa mga katagang ginagamit upang humalili sa mga
salitang may kadalasang opensibo o negatibong konotasyon.

SANGGUNIAN
Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pamela C. Constantino,Galileo S. Zafra, Aurora
E.Batnag 2016, pahina 34-48

Inihanda ni:

Bb. Joan S. Tique


Baitang 12-Guro sa Filipino

You might also like