You are on page 1of 59

MGA BAHAGI AT PROSESO

NG PANANALIKSIK
Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
 Makabubuti kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay may malawak nang
pagkaunawa sa paksa ang mananaliksik upang maging madali sa kaniya ang mga susunod na
bahagi.
 Kung minsan, kapag masyado pang malawak ang paksang nais saliksikin, nakatutulong ang
pagbabasa tungkol sa paksa upang makahanap ng ispesipikong anggulo at mapaliit ang
saklaw nito.
 Gayundin, makapagbibigay ng ideya sa mananaliksik ang pagbabasa ng mga kaugnay na
literatura kung ang pinaplanong paksa ay may kahalintulad na o kaya naman ay wala pang
sapat na batayan o sanggunian.
 Mahalaga rin ang masinop na pagtatala ng makabuluhang impormasyon, konsepto, at teorya
na maaaring gumabay sa pananaliksik at kalaunan ay sa pagsusuri at interpretasyon ng datos.

 Sa antas na ito, may sapat nang kahandaan ang mananaliksik na isulat ang mga sumusunod
na mga preliminaryong bahagi ng pananaliksik: Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral,
Paglalahad ng Suliranin, Layunin at Kahalagahan ng Pagaaral, at Rebyu ng Kaugnay na
Literatura.
Disenyo at Pamamaraan ng
Pananaliksik
Halimbawa: Antas na paggamit ng apat na
core values ng UST ng mga guro sa kanilang
pagtuturo.
Halimbawa: Anong estratehiya ng pagtuturo
ang pinakaepektibo sa pagkatuto ng mga mag-
aaral na may suliranin sa pandinig?
Halimbawa: Pag-unlad ng Wikang Pambansa
ng Pilipinas
Halimbawa: Kaso ng isang doctor na piniling
maging caregiver sa Estados Unidos
Halimbawa: Komparatibong pagsusuri ng mga
panitikang pambata ng mga Tagalog at Bisaya
Halimbawa: Pagsusuri ng Kakayahan sa
Matematika ng mga Mag-aaral ng Divina Pastora
College Batay sa itinakdang Kompetensi ng
DepEd.
Halimbawa: Pagpapakahulugan kay Rizal ng
mga Militaryong Kilusan sa Banahaw
Eksploratori
Isinasagawa ang disenyong eksplorati kung wala pang
gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o
suliranin. Ang pokus nito ay ang magkaroon ng mas
malawak na kaalaman sa isang paksa na maaraing magbigay-
daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.

Halimbawa: Panimulang Pag-unawa sa


Masaker sa Mamasapano Kaugnay sa Usapang
Pangkapayapaan ng Mindanao
TEORITIKAL AT KONSEPTUWAL NA
BALANGKAS
TEORITIKAL NA BALANGKAS
 Ano nga ba ang teoritikal na balangkas? Tumutukoy ito sa mga teorya,
konsepto o kahulugan na ginagamit ng mananaliksik na may kaugnayan sa
isinasagawanag pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga teoryang ito,
naipapaliwanag ng mabuti ng mananaliksik ang kaligiran at lawak ng
pananaliksik. Bilang balangkas, ito ang nagsisilbing estruktura ng
pananaliksik na magpapaigting at susuporta sa pag-aaral.
 Dagdag pa rito,matutunghayan sa bahaging ito ang pagtukoy at
paglalarawan sa mga teoryang may kaugnayan sa pag-aaral. Nabibigyang-
linaw rin ang teoritikal na balangkas kung saan nagmula ang ganitong uri
ng pag-aaral.
 Sa pananaliliksik, maaaring higit sa isa ang mga teoryang may kinalaman
sa pananalliksik kaya’t binubuod sa teoryang balangkas ang pangunahing
ideya ng pag-aaral. Bukod sa mga teorya, maaari ring gumamit ng mga
modelo o pamamaraan mula sa mga dalubhasa na susuporta sa pag-aaral.
HALIMBAWA:

Paksa: Ibat-ibang Paraan ng Mabisang pagtuturo sa Hayskul


Ang paksang ibinigay ay may kinalaman sa paraan ng pagtuturo sa mga
estudyante sa hayskul. Ang mananaliksik ay marapat na maghanap ng
mga teoryang may kinalaman sa proseso ng pagkatuto ng isang bata.
Maaari rin siyang maghanap ng iba’t ibang estilo o pamamaraan ng
pagkatuto sa isang bata. Magagamit ang teoryang nakalap upang matukoy
kung ano ang mabisang paraan ng pagtuturo ng hayskul.
Pag-aralan ang ilang halimbawa ng teorya o modelo ng
pagkatuto na nauugnay rito.
1.Teoryang Classical Conditioning. Ang pangunahing
kaalaman tungkol sa classical conditioning ay natuklasan ni
Ivan Pavlov na nagsabing maaring matutunan ang isang
bagay sa pamamagitan ng pagkokondisyon.
Kaugnay sa proseso ng pagkatuto, maaari ring ikondisyon
ng guro ang mga bata upang matuto. Halimbawa,
magkakaroon ng ganap na kasanayan ang bata sa pagbibilang
kung madalas na nagbibigay ang guro ng pagsasanay.

2.Modelo ng Multiple Intelligences. Ayon kay Howard


Gardner, may iba’t ibang uri ng katalinuhan bukod sa IQ o
intelligence quotient. Ayon sa teoryang ito, mas mainam na
bigyang-halaga ang taglay na katalinuhan ng isang tao sa
halip na sukatin ang kaniyang katalinuhan. Ang estudyante
na magaling sa pagsasayaw ay may bodily kinesthetic na
katalinuhan. Ang estudyante na mahusay makitungo sa iba
ay may interpersonal na katalinuhan.
Sa pamamagitan ng teoritikal na balangkas, magkakaroon ng tiyak na direksyon
ang pananaliksik, dahil ito ang magiging gabay ng mananaliksik sa tuon ng
kaniyang pag-aaral. Narito ang ilang gabay sa pagsulat ng Teoritikal na Balangkas:

1.Alamin ang mga pangunahing konsepto upang madaling matukoy ang mga kaugnay
na teorya o modelong sasaliksikin.

2.Itala ang mga teorya o modelong nasaliksik at suriin kung alin sa mga ito ang ganap
na may kaugnayan sa paksa sa pamamagitan ng pagsisiyasat kung tumutugon ba ito sa
layunin at suliranin.

3.Siguraduhing lohikal ang presentasyon at wasto ang impormasyong ilalahad.


Konseptuwal na Balangkas
May kaugnayan ang konseptuwal na balangkas sa teoritikal
na balangkas sapagkat hango sa mga teorya o modelong tinukoy
ang mga konsepto o ideyang gagamitin. Sa konseptuwal na
balangkas, kailangang maipakita ng mananaliksik ang relasyon
ng mahahalagang konsepto na tinatawag na baryabol (variable).
Sa pagtukoy ng iba’t ibang baryabol at ang relasyon nila sa isa’t
isa, dapat nitong mabigyang-diin ang tekstong pahayag ng
pananaliksik. Samakatuwid, sa konseptuwal na balangkas
naipakikita ng mananaliksik ang kaniyang pagsusuri sa suliranin
matapos na matunghayan ang iba’t ibang teorya o modelong may
kinalaman sa pag-aaral.
ANG BARYABOL

Sa konseptuwal na balangkas, mahalaga ang papel ng mga


baryabol na kumakatawan sa mga konseptong tinukoy sa pag-
aaral. Sa pananaliksik, ang nakapag-iisang baryabol
(independent variable) ay hindi nagbabago at ito ang dahilan
kung bakit may pagbabagong nagaganap sa ibang baryabol.
Samantala, ang di nakapag-iisang baryabol (dependent
variable)
ay maaaring magbago bilang epekto ng nakapag-iisang
baryabol.
TUNGHAYAN NATIN ANG HALIMBAWA SA IBABA.
Paksa Antas ng Stress sa mga Empleyado ng Call Center

Tekstong pahayag Nakapagdudulot ng stress sa mga empleyado ang paiba-


ibang oras ng tulog at haba nito.
Suliranin Bakit mataas ang antas ng stress ng empleyadong
nagtatrabaho sa call center?
Layunin Tukuyin ang mga dahilan kung bakit mataas ang antas ng
stress ng empleyadong nagtatrabaho sa call center.
Mahahalagang konseptong nabanggit: stress, empleyado,
oras at haba ng pagtulog
Nakapag-iisang Oras ng pagtulog, haba ng pagtulog
baryabol
Di nakapag-iisang Antas ng stress ng mga empleyadong nagtatrabaho sa call
baryabol center.
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
 Ang metodo ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas; ang
metodolohiya naman ay kalipunan at pagkakaayos ng mga
kaalamang ito.
 Bukod sa disenyo at pamamaraan, nilalaman din ng bahaging
ito ang hakbang-hakbang na pangangalap ng datos, pagsusuri
ng datos, paglalarawan ng lunan ng pananaliksik at populasyon
o magiging tagasagot, at plano para sa presentasyon ng datos.
LIMANG MAHAHALAGANG
BAHAGI NG METODOLOHIYA
NG PANANALIKSIK
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

 Disenyo - tumutukoy sa kabuuang balangkas at


pagkakaayos ng pananaliksik
 Pamamaraan - tumutukoy sa kung paano
mabibigyang-katuparan ang disenyo. Iba’t ibang
pamamaraan ang maaaring isagawa ng isang
mananaliksik batay sa itinakdang suliranin ng
pananaliksik. Narito ang ilang batayang pamamaraan:
A. SARBEY

 Metodong ginagamit upang mangalap ng datos sa


sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon
o sampol ng pananaliksik.
 Kadalasang ginagamitan ng payak na questionnaire ang
sarbey na hinahayaang sagutan ng mga kalahok.
Halimbawa ng mga suliranin sa pananaliksik na maaaring
gamitan ng sarbey:
 Ilang bahagdan ng mga Pilipino ang nagtitiwala pa sa pangulo
ng Pilipinas?
 Gaano karaming mag-aaral ang nakauunawa sa isyu ng Charter
Change?
B. PAKIKIPANAYAM O INTERBYU

 Pagkuha ng Impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o


kaya ay may personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik.
 Naglalayong kumuha ng malalim at malawak na impormasyon
mula sa taong kakapanayamin.
IBA’T-IBANG URI NG PAKIKIPANAYAM
 Structured Interview o Nakabalangkas na Pakikipanayam. Ang
pakikipanayam na ito ay halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng
mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey. Layunin nitong gawing mas
malinaw sa tagasagot ang mga tanong na may kalabuan sa kanya.

o Semi-structured Interview o Pakikipanayam na Bahagdang Nakabalangkas.


Ang pakikipanayam na ito ay nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o
tagatanong sa magiging daloy ng panayam. Mahalaga sa ganitong uri ng
pakikipanayam ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnay na tanong
(Follow-up Question) upang mapalalim ang panayam.

o Unstructured o Walang Estruktura. Layunin nito na


galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa
paksa ng panayam. Kadalasang impormal ang paraan ng
pagtatanong sa ganitong uri ng panayam.
C. Dokumentaryong pagsusuri.
Isang pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit upang kumalap ng impormasyon
na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng
analitikal na pagbabasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga dokumento upang
malutas ang mga suliranin.

Madalas ginagamit ito bilang sekondaryang pamamaraan sa pagsusuri ng mga


kaugnay na literatura o kaya ay pangunahing pinagmumulan ng resulta ng
pananaliksik.

Ang mga uri ng dokumentong maaaring


pagmulan ng pagsusuri ay mga pampublikong
tala, iba’t-ibang uri ng media, biyograpiya,
katitikan ng mga pulong o tala ng mga
pangyayari sa isang kumperensya o kongreso,
mga ulat at plano, iba’t-ibang uri o genre ng
panitikan at maging mga biswal na dokumento
gaya ng sining biswal.
d. Nakabalangkas na Obserbasyon at
Pakikisalamuhang Obserbasyon

Ito ay ang pagmamasid ng mananaliksik sa Iminumungkahi niya ang mga


mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang pamamaraang pakapa-kapa,
sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos, pakikisalamuha, at
interaksiyon at pag-uugali sa pamamagitan ng pakikipagpalagayang-loob upang
gabay sa obserbasyon. makakuha ng makatotohanang datos
mula sa mga kalahok.

Ang mananaliksik ay nakikisalamuha at nakikisali


sa karaniwang mga proseso o pamumuhay ng
mga tao sa isang komunidad.

Ito ay pag-aaral sa kilos, pag-uugali at


interaksiyon ng mga kalahok sa isang likas na
kapaligiran.
2. Lokal o Populasyon ng Pananaliksik

Nakasaad rito ang mga batayang impormasyon tungkol sa


kalahok ng pananaliksik.

Kabilang dito kung sino, tagasaan o sa kung anong


institusyon o organisasyon may kaugnayan ang kalahok.
3. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
Inilalahad rito ang uri ng kasangkpan o instrumentong gagamitin
upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik.

Binubuo ang instrumento bago ang aktuwal na


pangangalap ng datos. Nagsisilbing bahagi ng
apendiks ng pananaliksik ang mismong
talatanungan, checklist o anumang bagay sa
mismong pananaliksik kung saan tinalakay
ang metodolohiya. Kailangan din ipaliwanag
ang pangkalahatang nilalaman, pagkakahati-
hati at balangkas ng instrumento.
4. Paraan sa Paglikom ng Datos

Ito ang mga hakbang-hakbang na plano at proseso sa


pagkuha ng datos.

Maaaring gumawa ng dayagram upang


maipakita ang mga hakbang sa pangangalap ng
datos o kaya ay ilahad na lamang ang mga ito.
5. Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Kung ito ay kuwatitatibo, nakapaloob rito ang iba’t-ibang


estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng
datos.

Kung ito ay kuwalitatibo, tumutukoy ito sa kung paaanong


isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliliit na paksa na
magpapaliwanag sa mga datos na nakalap.
PAGPILI SA MGA IMPORMASYONG NAKALAP
Datos Empirikal

Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o


higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam at/o
eksperimentasyon). Ito ay dumaan sa pagsusuri at maaaring mapatunayang totoo o
hindi, makabuluhan o hindi.
Tatlong Uri ng Datos Empirikal
a.Tekstwal

•Paglalarawan sa datos sa paraang patalata


•Layong magbigay-diin sa mahahalagang datos
•Nababagay gamitin kung nais magbigay-pansin sa ilang datos o
numero

Halimbawa: Nalaman mula sa panayam na


ang Tonyo’s Lechon noong taong 2018 ay
nakabenta ng 5,600 na lechon sa buong taon,
pinakamaraming naibenta noong mga buwan
ng Marso at Abril at pinakakaunting benta
naman noong buwan ng Setyembre at
Oktubre.
b.Tabular
•Paglalarawan sa datos gamit ang istatistikal na talahanayan.
•Layong magpakita ng mga numero sa sistematikong anyo.
•Nababagay gamitin kung nais bigyang-pansin ang eksaktong datos o
numero, nang hindi na isinusulat sa talata ang mga ito.

Halimbawa:
Dami ng naibentang lechon ng Tonyo’s Lechon sa taong 2018
Enero- Mayo- Hulyo- Setyembre- Nobyembre
Buwan Marso-Abril
Pebrero Hunyo Agosto Oktubre -Disyembre
Bilang 1000 1500 90 1200 400 1300
c.Grapikal

•Paglalarawan sa datos gamit ang biswal na representasyon


•Layong magpakita ng pagbabago ng mga variable, o ng isang
variable laban sa iba pang variable
•Maaaring sa anyong line graph, pie graph at bar graph.
Mga Anyo ng Grapikal na Presentasyon
1. Line Graph - Nababagay gamitin kung nais ipakita ang
pagbabago sa variable o numero sa haba ng panahon.

Halimbawa: Pagpapakita kung paanong dumarami ang bilang ng


estudyanteng pumapasok sa kursong Nursing sa loob ng sampung taon.

Populasyon ng Enrollees ng Nursing sa loob ng sampung taon

600

400

200

2005 2006 2007 2008 2009 2010 2011 2012 2013 2014 2015
2. Pie Graph - Nababagay gamitin kung nais magpakita ng datos na
bahagi o porsyento ng isang kabuuan.

Halimbawa: Pagpapakita ng kung ilang porsyento ng mga estudyante ang


pumapasok sa kursong Nursing, Hotel and Restaurant Management, Education,
at Civil Engineering kumpara sa kabuuang populasyon.

Populasyon ng mga Enrollees noong taong 2014

HRM
CE
N
E
 Nursing (N)
 Education (E)
 Civil engineering (CE)
 Hotel and restaurant management (HRM)
3. Bar Graph - Nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkahiwalay at ipinaghahambing. Kumpara sa line graph, maaari din itong
maghambing, subalit mas nakapagpapakita ang bar graph ng maliliit na pagbabago
sa numero sa haba ng panahon.

Halimbawa: Pagpapakita ng kung ilan ang nag-enroll sa kursong Nursing laban sa


Education sa loob ng apat na taon.

Populasyon ng mga Enrollees ng Nursing at Education sa loob ng 4 na taon


500

0
2012 2013 2014 2015
Nursing Education
Presentasyon ng Datos Empirikal

Binubuo ng dalawang bahagi ang presentasyon ng datos empirikal,


ito ay ang paglalarawan sa metodo ng pananaliksik at presentasyon
ng datos.
Paglalarawan sa Metodo ng Pananaliksik

Sinasagot ang sumusunod na tanong:


• Ano ang uri ng datos na nakalap?
• Saan o kanino nanggaling ang datos?
• Kailan kinalap ang datos?
• Ano ang mga limitasyong nakaharap sa
pangangalap ng datos?
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Presentasyon ng Datos
Empirikal

•Hatiin sa mga bahagi ang presentasyon sa bawat konseptong


aaralin.
•Bigyang-diin ang mga pinakainteresanteng datos sa paggamit
ng anyong patalata.
•Gumamit ng angkop na tabular o grapikal na presentasyon kung
kinakailangan.
•Lagyan ng malilinaw na label ang mga tabular o grapikal na
presentasyon.
•Ikumpara ang mga resulta sa mga kaparehong pag-aaral.
Ipaliwanag kung bakit pareho o magkaiba ang nakalap na datos
kumpara sa iba.
Mga Paalala

•Siguraduhing malinaw, may kaisahan, at wasto ang mga


detalyeng nasa pantulong grapikal o tabular.
•Sa presentasyon ng datos empirikal, nagkakaroon ng malinaw
na tunguhin ang pananaliksik. Kung organisado ang paglalahad
ng datos, magiging maliwanag ang mga resulta para sa
mambabasa at magiging mas madali ang pagbubuo ng
kongklusyon.

You might also like