You are on page 1of 9

Tekstong

argumentatibo :
Alamin ang mga Hakbang
Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib
. Nangungumbinsi batay sa datos . Nangungumbinsi batay sa opinyon
o impormasyon
. Nakahihikayat dahil sa merito . Nakahihikayat sa pamamagitan ng
ng mga ebidensiya pagpukaw ng emosyon ng mambabasa
at pagpokus s krebilidad ng may akda
. Obhetibo . Subhetibo
“Huwag matakot na magsalita at
manindigan para sa katapatan at
katotohanan laban sa kawalan ng
hustisya, kasinungalingan, at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa
buong daigdig ay gagawa nito,
mababago ang mundo.”

WILLIAM FAULKNER
Tekstong Argumentatibo
isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa
isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan,
kaugnay na mga literatura at pag-aaral,ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirical na
pananaliksik.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong
Argumentatibo
1. Mahalaga at napapanahong paksa
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiyang argumento
5. Matibay na ebidensiya para sa argumento
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo.


2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang
mga dahilan mo sa pagpanig ditto.
3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta
sa iyong posisyon.
4. Gumawa ng burador (draft)
a. unang talata: Panimula
b. Ikalawang talata : Kaligiran
c. Ikatlong talata: ebidensiyang susuporta sa posisyon.
d. ikaapat na talata: Counter argument. Asahan mong mayroon ibang
mambabasa na hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito
ang iyong mga lohikal na dahilan kung bakit iyon ang iyong posisyon.
e. ikalimang talata: unang kongklusyon na lalagom sa iyong sinulat
f. ikaanim na talata: ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “E, ano
ngayon kung yan ang iyong posisyon?”
5. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo
6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa wika at mekaniks
7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging
pinal na kopya.

You might also like