You are on page 1of 7

1|Pahina

Module 9 - Pananaliksik

Layunin:

Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,


metodo, at etika sa pananaliksik

Introduksyon:

Sa araling ito ay tatalakayin ang pananaliksik. Ano nga ba ang pananaliksik, bakit
ito mahalaga? Ano ang naitutulong nito sa tao, sa lipunan, at sa isang bansa. Sa
pamamagitan ng pananaliksik ay nabibigyan tayo ng mga bagong ideya,
kaalaman, at maging ang pag-asa dahil sa pananaliksik nagkakaroon ng
pagkakataon na alamin at tuklasin ang mga bagay na hindi pa nalalaman ng
sangkatauhan. Halina’t ating simulan ang pagkatotoo sa pananaliksik!

2|Pahina
Ano nga ba ang pananaliksik? Bakit madalas natin itong naririnig, lalo na mga
akademikong tao? Mahalaga ba ito? Dito ay malalaman natin ang tunay na kahulugan
nito. Isipin na ikaw ay nasa isang lugar na hindi mo alam o hindi ka pamilyar, ano ang
pinakaakmang gawin? Una, maaari kang magtanong sa mga taong nakikita mo upang
malaman kung nasaan ka o ituro ang tamang daan papunta sa iyong paroroonan. Sa
pamamagitan ng pagtatanong may natuklasan kang isang bagay, nangangahulugan
lamang na mayroon kang bagong impormasyong nalaman at ito ang isa sa mga layunin
ng pananaliksik. Ikalawa, ay maghanap ng mapa o di naman kaya ay gamitin ang
teknolohiya na mayroon ka upang alamin kung paano ka makapupunta sa iyong
paroroonan. Sa pamamagitan ng paghahanap sa mga nakalimbag na impormasyon tulad
ng mapa, mga literature, mga pag-aaral sa libro at pahayagan ay nakatutuklas ka ng mga
bagong kaalaman.

Sa dalawang binigay na halimbawa ay makikita na nagagamit natin sa pang-araw-


araw na buhay ang pananaliksik. Makikita din sa sitwasyon na sa pamamagitan ng
pananaliksik ay nagkakaroon tayo ng mga bagong kaalaman na maaari nating magamit
sa ating mga ginawa. Tuklasin naman natin mula sa ibang mga dalubhasa ang kahulugan
ng pananaliksik para sa kanila.

Ayon kina McMillan at Schemacher (1989) et.al na binanggit sa aklat nina Luz
Colendrino-Bucu et.al, na nabanggit din sa libro nina Javier, N.L.R. (2016) et.al,
na Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik, na ang pananaliksik
ay isang sistematikong proseso ng paglikom at pag-aanalisa ng mga impormasyon
sa ilang kadahilanan.

Ayon naman kay Payton (1979) na nabanggit sa libro nina Javier, N.L.R.
(2016) et.al, na Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik , na
ang pananaliksik bilang isang proseso na naghahanap ng kongretong kasagutan sa
mga katanungan sa tulong ng organisasyon, obhektibo, at makatotohanang paraan.

Ayon naman sa Oxford Encyclopedic English Dictionary (1991) na nabanggit


din sa libro nina Javier, N.L.R. (2016) et.al, na Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang
teksto tungo sa pananaliksik, binigyan ang salitang pananaliksik ng isang kahulugan,
ganito; ito ay isang sistematikong pagsusuri o pag-aanalisa sa iba’t ibang mga pag-
aaral at kagamitan upang makabuo ng isang panibagong kaalaman, kaisipan, at
konklusyon.

Ilan lamang sila sa mga dalubhasa na nagbigay ng sarili nilang pagpapakahulugan


sa salitang pananaliksik, bagamat iba’t ibang tao at iba’t ibang pananaw sa buhay ay
3|Pahina
halos magkakatugma ang kanilang pagpapakahulugan. Sa kabuuan, ang pananaliksik ay
isang masistematiko at maprosesong paghahanap ng mga impormasyon na sasagot o
lulutas sa isang suliranin. Javier, N.L.R. et.al (2016)

Ngayon na nalaman na natin ang kahulugan ng pananaliksik ay alamin naman


natin ang kahalagahan nito. Sino nga ba ang makikinabang ng pananaliksik? At, bakit
nga ba ito mahalaga?

Sa paglipas ng panahon, marami nang natuklasan ang sangkatauhan sa


pamamagitan ng pananaliksik, malaki ang naging bahagi nito sa pag-unlad ng ating
bansa, gayundin sa mundo. Nagkaroon ng malawak na kaalaman ang mga tao sa mga
sa kanyang paligid, madali na niyang nabibigyang solusyon ang mga problema, ngunit
kahit marami na tayong nalalaman ay hindi natin maiwasan na magtanong ng magtanong
patungkol sa mga bagay sa ating paligid. Makikita sa ibaba ang mga nakapaloob sa
kahalagahan ng pananaliksik.

Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Pagkakategorya – Sa pamamagitan ng pananaliksik ay nauuri ang mga


bagay sa ating kapaligiran. Ito nakatutulong sa pagsagot sa mga tanong gaya
ng, “Alin sa mga probinsya ng Pilipinas ang napanatili ang ganda ng
kalikasan?”, “Sino ang mga pwedeng lumabas sa ECQ?”.
2. Pagpapaliwanag – Sa pamamagitan ng pananaliksik ay naipapaliwanag sa
mga tao ang mga bagay na hindi nito lubos na maunawaan.
3. Prediksyon – Ang isang pananaliksik ay tinatawag din “Hypotheses”. Sa
madaling salita ito ay mga pahayag na may kalabuan pa o pa malinaw kung
tama, ngunit sa pamamagitan ng mabusising pag-aaral ito ay nabibigyang
linaw. Kung ang isang prediksyon ay hindi tinanggap ng nakararami, ang mga
mananaliksik ay bubuo ng mga teorya o konklusyon na sasagot sa mga
katanungan.
4. Pagmamanipula – Sa pamamagitan ng pananaliksik ay namamanipula o
napaghahandaan ang mga posibleng mangyari na hindi kontolado ng isang tao.
Tulad na lamang ng pagbabago ng panahon, pagkakaroon ng sigalot, atbp.
Halimbawa sa pagbabago ng panahon, noong unang panahon at batay sa mga
kwentong bayan kapag nag-iingay ang langit ito ay galit, kung kaya’t ang mga
tao ay nagsasagawa ng mga ritwal o pagdarasal upang tumigil ang pag-iingay
ng langit, ngunit ngayon sa tulong ng pananaliksik ay alam na natin ang mga
dapat gawin kapag tayo ay nakariring ng kulog o ingay sa kalangitan. Sa
madaling salita ay naaagapan na natin ang mga pangyayari sa pamamagitan
ng pananalisik.

4|Pahina
Ngayon na nalaman na natin ang kahalagahan ng pananaliksik sa tao, tuklasin
naman natin ang mga katangian nito. Ang mga katangiang malalaman sa ibaba ay mula
kina Calmorin & Calmorin (1995) na nabanggit sa libro nina Javier, N.L.R. (2016)
et.al, na Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik.

Katangian ng Pananaliksik

1. Empirikal – Sa pangangalap ng mga datos ay nakasalalay ito sa karanasan


ng mananaliksik, sa kadahilanang nakabatay ito sa direktang obserbasyon o
karanasan ng mananaliksik.
2. Lohikal – Ang pananaliksik ay mayroong proseso at metodong susundin sa
pangangalap ng mga datos.
3. Siklikal o paikot – Ang isang pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin
at nagtatapos din sa isang panibagong suliranin.
4. Mapanuri o analikal – Sa pananaliksik ay kailangan ng mabusising pagsusuri
simula sa pangangalap ng mga datos hanggang sa huli.
5. Nauulit – Ang isang pananaliksik ay maaaring maulit sa pareho at ibang
disenyo.
6. Kritikal – Sa pananaliksik ay nangangailangan ng kritikal na pagsusuri ng mga
datos at hindi lamang basta tinatanggap ang mga impormasyong nakalap.

A. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.


1. _________________ Ito ay isang katangian ng pananaliksik na kung saan ay
mahalaga na may direktang karanasan ang isang mananaliksik.
2. _________________ Ito ay isang sistematiko, may proseso, metodo, at sa
pamamagitan nito ay nabibigyang solusyon ang mga suliranin.
3. _________________ Ito ay katangian ng pananaliksik na kung saan ang isang
pananaliksik ay nagsisimula sa suliranin at nagtatapos muli sa suliranin batay sa
naging pag-aaral
4. _________________ Mahalaga na nauuri ang mga bagay sa ating kapaligiran
upang mabilis na masagot ang mga katanungan.
5. _________________ Siya ang nagpahayag na ang pananaliksik bilang isang
proseso ay naghahanap ng kongretong kasagutan sa mga katanungan

5|Pahina
B. Panuto: Sagutin ang mga katanungan.
1. Ano ang naitutulong ng pananaliksik sa ating buhay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang magsaliksik?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Sino ang mga maaaring magsagawa ng pananaliksik?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pangwakas na Gawin
Panuto: Maghanap ng isang pananaliksik sa Filipino basahin ito at pag-aralan.
Ilagay dito ang pamagat ng pananaliksik, ang mananaliksik, at ang naging buod
ng pananaliksik. Pagkatapos mo itong basahin ay suriin mo ito sa tulong ng mga
tanong sa ibaba.

1. Patungkol saan ang pananaliksik?


2. Ano ang suliraning nais bigyang solusyon ng mananaliksik?
3. Sa pagbasa ng pananaliksik, nakita mo ba ang mga katangian ng isang
pananaliksik? Ibigay ang mga halimbawa.
4. Paano kinalap ng mananaliksik ang kanyang mga datos?
5. Nabigyan ba ng mananaliksik ng solusyon ang suliranin? Kung oo, paano?
Kung hindi, bakit?
6. Bilang isang mambabasa, mayroon ka bang mga natutunan?
7. Sa iyong palagay, magagamit ba, at epektibo ang solusyon na binigay ng
mananaliksik?

6|Pahina
Reperensya:

Gonzalvo, R.P Jr. (2016). PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK.
Pacay, W.L. III. (2016). PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK.
Javier, N.L.R. (2016). PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK.
Pabalat ng Modyul: Canva.com
(https://www.canva.com/design/play?category=tACFat6uXco&type=TACQ-jGq9fY)
Larawan: Research Questions , Free Transparent Clipart – Clipart Key
(https://www.google.com/search?q=researchers&tbm=isch&chips=q:researchers
,g_1:clipart:IxFfKrZ0xEM%3D&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjyr6iFgrDwAhUjNqYK
HYXLBhgQ4lYoAHoECAEQGQ&biw=1349&bih=657#imgrc=849LEa9HKJQ-TM)

7|Pahina

You might also like