You are on page 1of 1

MARVIN PAME BSE2b Gng.

MARCAIDA

Ikaw ay tila ibong umaawit sa halamanan


Na kumukuha ng atensyon sa lahat na nilalang
Ikaw ay mundong umiikot sa aking kaisipan
At karagatan na umaapaw sa kagandahan

Patay ang kapunuan pag ika’y nalulumbay


Malungkot ang kalangitan pag ikaw’y matamlay
Sumisikip ang aking dibdib pag ika’y di masilip
Ang mundo ko’y balot ng kadiliman pag ika’y di nasisilayan

Handang ipaglaban ang lahat sa pag ibig na tapat


Ang mundo mo’y kukulayan ng pusong uhaw sa pagmamahal
Ako ba’y matatanggap sa kabila ng aking kahirapan?
Mapag bibigyan ba ang pusong handa nang lumaban

O pag ibig nasan ka? Kung totoo ka lumabas na


Kayong mga tukso ay lilipulin dahil walang makakapigil sa akin
Iiwan ang lahat basta ikaw ang kapiling ko
Handing mag paalila sa pagmamahal mo

Natagpuan kona ang rason para mabuhay


Sagot na binigay ng Diyos na magbibigay ng kulay
Wala nang mas hihigat pa sa ligaya na iyong ibinigay
Handa nang mamatay pagkat kalangita’y iyo nang naibigay

Mga ginamit na tayutay:


 Pagtutulad
 Pagwawangis
 Pagtatao
 Eksaherasyon
 Pag tawag
 Tanong retorikal
 Panaramdam

You might also like