You are on page 1of 13

KALIKASAN LIKAS NA YAMAN

Tao’y nilikha upang siyang mangalaga Likas na yaman, ating ingatan


Sa kalikasan na nagbibigay buhay at saya Gamitin sa tama nang walang pag-aalinlangan
Ating pagyamanin, huwag sisirain Marapat nating alagaan at proteksyunan
Dahil ito’y biyaya ng Diyos sa atin. Dahil ito ang daan upang ito’y mapagyaman

Ang ating kalikasan ay mahalaga Mga tanawing naggagandahan


Para sa ating ikagiginhawa’t ikaliligaya Malilibang tayo kung ating pupuntahan
Huwag nating pabayaan nang basta-basta Makikita natin mga nagtataasang kabundukan
Dahil di natin alam ang igaganti niya. Maisasapuso natin ang yaman nito at kahalagahan.

Atin itong mahalin na parang tao rin. Nilikha ng Diyos ang likas na yaman
Itatak natin sa ‘ting puso’t damdamin Upang atin itong pakinabangan
Damhin natin ang katahimikan at tuwa Dito tayo nakakakuha ng ating ikinabubuhay
Dulot ng kalikasan na handog ni Bathala. Para sa pamilya’t mga mahal sa buhay.

Tayong mga tao’y lubos na pinagpala Kaya atin itong lubos na bigyang-halaga
Sa kayamanang dulot ng ating kalikasan Dahil ito ang ipinamana ng ating Maylikha
Likas na ito’y ibinigay na ating pag-asa Huwag nating pabayaang may sumira
Pagyamanin, paunlarin at ating mahalin. Ating mahalin, likas na yaman ating sadya.
AKLAT TULAD NG PUNO

Ano nga ba ang silbi ng aklat? Ano mang hirap ang dinaranas

Bakit palagi natin itong binubuklat? Tao’y sadya pa ring malakas

Makatutulong ba ito upang tayo ay mamulat? Tulad ng punong sa kinatatayua’y di paaalpas

O simbolo lang ito upang maging sikat? Ganyan tayong mga tao, hindi basta-basta umaatras.

Isang bagay na ating kaagapay Kahit ano mang paninirang gawin

Upang tayo’y maging mahusay Minamaliit man at aapi-apihin

Aklat lamang ang nagpapatunay Tulad ng punong pinuputol man din

Na ang isipan ng tao’y buhay na buhay. Ng mga taong walang alam gawin.

Nang dahil sa aklat tayo’y natututo Matatag na puno, ubod ng tibay

Nagagawa nitong hasain ang utak ng tao Tulad ng taong handang umalalay

Kaya tayo ngayon ay nagiging matalino Sa mga taong kinakapos sa pamumuhay

Sa lubos na pang-unawa at pagbabasa ng libro. At patuloy na nagtitiis sa hamon ng buhay.

Kaya kaibigan huwag nang mag-alala Ating harapin lahat ng pagsubok sa mundo

Sa iyong pag-aaral kasama mo siya. Huwag tayong agad-agad na lang susuko

Aklat ang iyong magiging pag-asa Laging tatandaan na may Diyos tayo

Nagsisilbing sandata pati na sa problema. Hindi man tayo nilikhang perpekto, mayroon namang prinsipyo.
TRUE LOVE IKAW LANG ANG MAMAHALIN
Ngayon ko lang ulit naranasan

Ang magkaroon ng lubos na kasiyahan


Ano itong aking nadarama?
Na matagal ko ng pinaghahandaan
Ako’y parang lumulutang sa tuwa
Kahit ako’y maraming pinagdadaanan
Sa tuwing napagmamasdan kita
Ang pagdating mo sa buhay ko
Puso ko’y di mapakali sa kaba.
ang nagbigay kulay at saya sa aking puso

nagkaroon ng liwanag ang madilim kong mundo


Sa mga araw na lumilipas
noong ika’y naging bahagi ng buhay ko.
Mukha mo pa rin ay hindi kumukupas

Pangalan mo lagi ang binibigkas Ang ngiting dulot mo nakapapawi ng lungkot ko

Hangga’t hindi nauuubos ang bukas. Ang maamong mukha mo, pinagagaan ang loob ko

Ang mahigpit na hawak ng iyong mga kamay

True love na nga ba itong nararamdaman ko? Ang siyang nagpapatatag sa aking buhay.

Bawat minuto ikaw palagi ang nasa isipan ko,


Gusto ko nasa tabi kita palagi
Hinahangad na sana ika’y laging makasama ko
Para ang kalungkutan ko’y iyong mapawi
Nagbabakasakaling ika’y mapaibig nang todo.
At madadama ko ang iyong pag-aalaga

Na sa akin ay lubos mong pinapakita.


Wala nanag mas titindi pa sa pagmamahal ko
Pangako sa’yo ay aking tutuparin
Ito’y ibibigay ko nang buong-buo para sa’yo
Kahit marami ang gustong pumigil sa akin
Ikaw na ang nais makasama habang buhay
Ito lang ang nais kong sambitin
Ikaw lamang ang makapagbibigay ng ligaya nang tunay. Ikaw lamang ang aking mamahalin.
Gaano man kalayo ang distansya natin sa isa’t isa

HINDI MAPASUSUBALIANG PAG-IBIG Pag-ibig ko sayo’y walang sinumang makapipigil pa

(Tula para sa aking minamahal) Tiwala at pagmamahal sa isa’t isa’y bumuhos pa

Kahit tayo ngayon ay magkalayo man sa tuwina

Ilang buwan na ang nakalilipas nang tayong dalawa ay mag-umpisa Tandaan mong ikaw lang lang at wala ng iba

Sa pagmamahalang ating nabuo nang hindi sinasadya Dahil MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA!

Aking naalala ang paghawak mo sa aking mga palad, sinta

Buong puso at wagas na pag-ibig ang aking nadama

Namasdan sa iyong mga mata ang walang humpay na ligaya. AGOS NG TUBIG SA ILOG

Ang lalaking tulad mo ang siyang pinangarap ko sa aking buhay Habang aking pinagmamasdan
Dumalangin sa Diyos, ikaw ang Kanyang sa aki’y ibinigay Ang mga puno sa gilid ng daan
Maraming salamat sa Poong Maykapal, napawi ang lumbay Aking narinig, agos ng tubig sa ilugan
‘pagkat nariyan Siyang sa ati’y palaging gumagabay Ito’y aking pinuntahan, nakita ko ang
Sa lahat ng mga pangarap nating dalawa, Siya’y nakaalalay. Mga puno sa ilog na nagyayabungan.

Ako’y masayang-masaya sa mga araw na nakakasama kita Biglang lumakas ang agos ng tubig
Mga panahong ikaw at ako ay nagdadamayan sa problema Ako’y natakot sa tinig na narinig
Magkasama tayong dalawa sa pagharap ng bagong umaga Ako’y napalingon sa mga gilid-gilid
Na punong-puno ng pagmamahal at pagtitiwala sa isa’t isa. Aking nakita ang isang taong nakatindig

Siya’y walang iba kundi ang aking mangingibig.


ANG PAMILYA
Ako’y nagulat noong siya’y aking nakita

Biglang natulala, sa hatid niyang sorpresa


Pamilya, nagsisilbing sandigan ng lipunan
Ngunit narinig kong muli ang agos ng tubig
Pinatatatag ang samahan ng karamihan
Sa ilog na sa akin ay nakapaligid.
Nakapagdudulot ng tunay na kaligayahan

Nasusukat ang ating kalakasan at katatagan.


Aking napagtanto, ito rin pala ay parang pag-ibig

Tuluy-tuloy ang pag-agos, tono ay dinidinig


Pamilya ang unang humubog ng aking pagkatao
Gaya ng patuloy na pagtibok ng aking puso
Dito ako unang natutong humarap sa tao at magpakatotoo
Na ikaw ang laging isinisigaw nito.
Sila ang nagturo sa aking harapin ang mundo

Nang may tiwala at lakas ng loob sa sarili ko.

Pamilya na siyang magtatanggol sayo

Ipaglalaban ka sa sinumang tao

Magiging kakampi at kasa-kasama mo

Tutulungan at mamahalin ka nang buong-puso.

Pamilya, sila ang tunay mong malalapitan

Kapag may mabigat kang pinagdadaanan

Ang papawi sayong nadaramang kalungkutan


Susuportahan ka at ika’y kanilang aalagaan. Papatunayan sa lahat na makakamtan ko na

MUNTING PANGARAP Ang mga pangarap na magbibigay sa’kin ng saya.

Ni: APC
Munting pinapangarap sa aking pamilya

Bata pa lamang ako, mayroon na akong hangarin Maibibigay at maipadarama ko na sa kanila

Patuloy na dumadalangin sa Diyos na ito’y tuparin Sa grasya ng Panginoon, ito’y matutupad na rin

Mga pinapangarap sa buhay na ninanais abutin Kalakip ang sipag,tiyaga at puspusang panalangin.

Mithiin ko sa buhay ay aking binibigyang-pansin.

Isa lamang akong ordinaryong tao

Na nangangarap maabot lahat ng ambisyon ko


PAGGISING SA UMAGA
Kahit ako’y mahirap lamang sa buhay,

Magsisikap ako hanggang sa marating ang tagumpay.


Pagbangon sa umaga’y hindi madali

Sa sobrang lamig ay parang kinikiliti


Marami mang pagsubok ang aking kakaharapin
Sa kinahihigaay hindi mapakali
Ako’y magpapatuloy at ito’y aking kakayanin,
Katawa’y nilalamig, abot tenga ang ngiti.
Mga pangarap na aking minimithi

Gagawin ang lahat upang ako’y magwagi.


Papalabas na ang araw hindi pa bumabangon

Nakahiga pa rin sa kamang de kutson


Narito pa rin ako dahil sa munting pangarap
Kahit si nanay ay nag-umpisa nang magsermon
Titibayan ang loob sa sinumang makakaharap
Nagtutulug-tulugan pa rin, ayaw umahon.

Paggising sa umaga’y dapat agahan


NOONG UNA KITANG MAKILALA
Lalo’t may pasok ka pa naman

Mahirap pang bumyahe sa daan


Noong una kitang makilala
Trapik ang aabutin, maaantala ka na naman.
Buhay ko ay napuno ng sigla

Kakaibang saya ang aking nadarama


Kaya’t iwasan nang magmuni-muni
Sa tuwing ika’y nakikita ko na.
Kumils ka na’t ayusin ang sarili

Iligpit ang higaan at magmadali


Kapag pinagmamasdan ko ang iyong mga mata
Pagkat ang oras ay sadyang maikli.
Kumikislap na parang bituin o tala

Sa iyong napakagandang ngiti, ako’y natutulala


Masarap gumising sa tuwing umaga
Kaybilis ng tibok ng aking puso kapag ikay papalapit na.
Liwanag ngf pag-asa ang iyong makikita

Panibagong buhay na kaloob ng Dakilang Lumikha


Noong tayo’y unang nagkausap sa daan
Tayo’y manalangin at magpasalamat sa Kanya.
Kaba sa dibdib ay hindi ko mapigilan

Habang ika’y nagsasalita nang marahan

Tanong mo sa akin ay hindi ko masagutan.

Tayo’y nagkakakilala nang lubusan


Naging matalik na magkaibigan, Lungkot at pighating nararamda’y hindi man lang mapawi

Hindi nagtagal, tayo’y nagkaaminan Lungkot at pighati nararamdaman’y hindi man lang mapawi.

Ikaw at ako na pala’y nagmamahalan.

Ang makilala ka ang nagbigay sa akin ng pag-asa Ngunit huwag dapat mawalan ng pag-asa

Na harapin lahat ng aking mga problema Bumangon ka ika’y magsimula

Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon ng aking buhay Magtiwala sa Diyos at ito’y makakaya

Hinihiling na ika’y hindi na sa’kin mawalay. Na malampasan lahat ng mga kinkaharap na problema

MAgtiwala ka lang at ika’y magtatagumpay

Magsikap at magsipag upang guminhawa ang iyong buhay

Laging tandaan na nariyan palagi and Dakilang Lumikha


MAGTIWALA KA LANG
Na sayo’y aalalay upang manatiling matatag pa.

Sa buhay ng isang tao normal lang ang magkaroon ng problema

May mga pagkakataong naiisip nating tayo’y sumuko na

Sapagkat gulung-gulong at nahihirapan na sa mga sitwasyon

Nawawalan na ng pag-asa kung paano makakabangon. WALANG HANGGAN

Ang iba’y ipinagsasawalang bahala na kung ano ang pwedeng mangyari Ikaw ay aking iniibig nang higit pa sa aking buhay

Sa kinakaharap na problemang sosulusyunan ay hindi madali Gagawin ang lahat upang hindi tayo magkahiwalay

Mabigat na pagsubok na dinaranas parang nakatali Buong pusong pagmamahal ko sayo’y aking ibibigay
Ikaw ang buhay ko , ang makakapagsaya sa’kin nang walang humpay.

Walang hanggan kitang mamahalin, aking sinta

Ikaw ang bumubuo sa araw ko sa tuwi-tuwina MANALIG KA


Walang hanggan kitang aalagaan at pagsisilbihan

Hindi ko hahayaang ikaw pa ay masaktan. Tayong mga tao ay sadyang makasalanan

Maraming bagay na tayong mga ginawang kamalian


Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagbago Kaya tayo ngayon ay labis nang nahihirapan
Ipinaramdam mo sa’kin kung gaano ako kahalaga sa’yo Sa lahat ng pagsubok na ating pinagdadaanan.
Kaya walang hanggan ang pagmamahal na ipararamdam ko.

Hindi natin binibigyang halaga ang mga biyaya ng Diyos


Mahal na mahal kita aking mahal Na sa ating lahat ay Kanyang ipinagkakaloob nang lubos
Lahat ng bagay ay handa kong isugal Sinsamantala, winawaldas at patuloy na inuubos
Na sa pag-iibigan natin ay walang makagigimbal Hanggang sa dumating ang araw na tayo’y makapos.
Magtiwala ka lang sa’kin at panghabambuhay na tayong magtatagal.

Ikaw ba, nagpapasalamat ka ba sa Kaniya?

Gumagawa k aba ng kabutihan sa iyong kapwa?

Pinahahalagahanmo ba lahat ng nilikha Niya?

O ito’y nililimot na lamang at binabalewala?

Hindi natin maipagkakaila na ganito ang ginagawa ng iba


Na kapag nagsasaya, Panginnoon ay nakakalimutan na

Magpasalamat man lang sa mga biyaya ay di man lang maalala

Nawawala na ang kanilang pananalig o pananampalataya. PAGKAKAIBIGANG TUNAY

Ibig ng Panginoon na Siya’y ating alalahanin


Aking mga kaibigan na laging karamay saan man
Na sa lahat ng oras, Siya’y nakaagapay sa atin
Sa panahon man ng kasiyahan maging sa kalungkutan
Kaya Siya’y gawing sentro sa buhay natin
Sa inyo’y nakaalalay sa problemang pinagdaraanan
Tayo sa Kanya’y dumalangin at Siya’y ating mahalin.
Mga totoong kaibigang handa kang samahan pag sila’y kailangan.

Sila ang ang mga kaibigan kong tunay na maaasahan

Sa panahong kailangan mo sila, palaging naririyan

Mananatiling nasa iyong tabi, hindi ka iiwan

Anuman ang mangyari, hindi ka pababayaan.

Kahit ngayon ay hindi na laging nagkikita

Ang iba man ay may kanaya-kanya ng pamilya

Ang iba naman ay nagtatrabaho na

Hindi pa rin nagbabago ang pagkakaibigan ng bawat isa.

Tunay na pagkakaibigan nating lahat ay ating panatilihin

Anumang bagay na siyang makabubuti ay siyang susundin.


Mga kahanga-hanga at magagandang ugali ang paiiralin Sa tulong ng akingpanulat, ako’y ganap nang metatag

Umang maging maayos at masaya at pagsasamahan natin. Nawawala ang takot na sa akin ay bumabagabag

Malaya akong nakapagsusulat, hindi na kahabag-habag

Ipagpapatuloy ang gawaing ito nang may tiyaga at sipag.


SULAT KAMAY

Habang ang panahon ay lumilipas, ako’y magsusulat nang ayon sa aking paniniwala
Sa bawat akdang aking nasusulat gamit ang aking kamay
Hindi pabubulag sa kasinungalingan, mata’y ididilat at pandinig ay ipagagana
Natural kong naisisiwalat saloobin ng aking buhay
Magiging resposable sa mga balitang isisiwalat at ito’y ipakakalat
Mga damdaming nakakubli at kaisyipang nalalatay
Upang makatulong sa mga tao at sila’y mamulat sa katotohanang mabibigat.
Sa aking hangaring ito’y mapabuti at mapagtibay.

Iyong mapapansin sa porma at hugis ng mga letra

May kakaibang anyo at istilong nagpapasigla

Kaakibat nito ang kawastuhanb ng mga salita.

Na nais ipabatid at iparamdam sa bawat mambabasa

Ang mensaheng nakapaloob sa aking mga sinulat na akda.

Sa aking mga nabubuong ideya at mga konsepto

Na nagmumula sa aking puso patungo sa kamay ko

Naisasatitik at aking napahahayag nang totoo

Paggalang at pagrespeto ang nais na makamtan ko.


SA AKING PAG-IISA MARAMING SALAMAT PO!

Sa aking pag-iisa, ika’y palaging naaalala Maraming salamat sa inyo, Inay at Itay
Inaaala ang mga panahong kasa-kasama kita Ang diplomang hawak ko ay sa inyo ko iaalay
Mga araw na nagsasaya tayong dalawa Ako na po’y nagtapos at ito ang siyang patunay
Ang ating nakalipas na di na maibabalik pa. Na sa aking pag-aaral, ako ay nagtagumpay.

Sa aking pag-iisa, ako’y labis na nalulungkot Maraming salamat sa inyo, Inay at itay
Sa pagpatak ng luha, ang puso ko’y kumikirot Sapagkat kayo ang siyang sa aki’y umagapay
Sa sakit na nararamdaman ko na iyong idinulot Patuloy na nagbigay ng suporta at gumabay
Na ikaw lang din ang siyang makagagamot. Upang matarok ko ang inaasam na tagumpay.

Sa aking pag-iisa, nais kong makalimutan na kita Ngayong ako’y ganap nang nakapagtapos
Upang hindi na maalala pa ang pighati sa piling mo sinta Ako’y babawi sa inyo nang lubos-lubos
Ayoko nang maranasan ang masaktan pa Dugo’t pawis sa trabaho ay aking ibubuos
Hindi na ako magpapadala sa iyong pambobola. Upang tayo’y makaahon sa kahirapan at di na makapos.

Ngayon ay akin nang napagtanto sa aking sarili Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya
Na ako’y hindi nga perpekto at sadyang nagkakamali Upang mabigyan ko kayo ng buhay na masagana
Sa unang pag-ibig man ako ay nasawi Magsisikap magtrabaho para sa ating pamilya
Sinisigurado kong ito’y di na mauulit pang muli. Mananatiling magkasama sa hirap at ginhawa.
PANULAT
Panulat, ito ang laging hawak-hawak

Bagay na bahagi na ng aking pagkatao

Saan man mapunta, ito’y nagsislbing tatak.

Bawat akdang aking nasusulat, ako’y galak na galak

Ekspresyon ng damdamin at ng aking puso

Panulat, ito ang laging hawak-hawak.

Sa aking mukha’y mababanaag ang ngiti’t hlakhak

Sa bawat sulating aking nabuo.

Panulat, ito ang laging hawak-hawak.

Kasiyahan ng aking mambabasa’y aking itinatatak

Ginagawang kayamanan na parang ginto

Saan man mapunta, ito’y nagsisilbing tatak.

Hangad ko lang ang magbigak ng galak

Mapatunayan sa a<king sarili na ako’y nagpakatotoo

Panulat, ito ang laging hawak-hawak

Saan man mapunta, ito’y nagsisilbing tatak

You might also like