You are on page 1of 6

KALUNGKUTAN

ni Patricia Luz A. Lipata

Puso’y lumamig, nanigas at naging manhid


Ayaw nang pagaanin pa, pagkat mahirap magsilid
Tinatawag ko ang ligaya ngunit bakit parang ayaw magpakita
Rito sa puso ko naglaho na lang bigla

Inisip ko ang bukas ngunit hindi ang ngayon


Siyang salungat sa sinasabi nila noon
Inuulit-ulit sa isip ang nakaraan ngunit
Ang kasalukuyan ay hindi maharap kahit saglit

Lumbay, ito ang salitang masagana ako


Unang nararamdaman pag nag-iisa ako
Sakit ang nagpapahirap sa aking puso
Lumalason sa aking mga lama’t buto

Lungkot, alam kong lahat tayo ay nakararaas nito


Iniisip ko nga minsan kung paano itatago
Pagkat hindi maaaring araw-araw na lang ganito
Ang puso ay matutuluyan na ngang maging bato

Tinatamad na rin sa paniniwala ng mga pangako


Aasa ka lang, at ang totoo ay hanggang pag-asa na lang

ALIBATA

Ang unang Alpabetong ating nakilala


Lumipas ang panahon at napalitan na
Ito mga letrang lubhang kahanga-hanga
Bawat pantig ay may simbolismong nakaangkla

Ang pagsulat sa ganitong paraan


Tila ay paglalakbay sa masalimuot na daan
Aminin ma’t sa hindi ilang letra’y mapapallitan
Kung susundin ang ganitong panuntunan
PAG-IBIG
ni Patricia Luz Lipata

Puso’y titibok sa taong hindi mo inaakala


Aasa ang puso at malulungkot nalang bigla
Gustuhin man na takasan ang nararadaman
- dadagain ang puso mo kung siya’y masisilayan

Iibig ka sa kanya ngunit may iniibig siyang iba


Baliwala ka kung ituring pagkat walang nadarama
Ibaling nalang lahat sa mga bagay na karapat-dapat
Gawin ang mga gawain at pag-aaral din dapat

Pilitin mo mang pigilan ang pagkabog


Ang mga instrumento ay kusang tutugtog
Giginawin ka na lamang bigla
-pagkat pag-ibig ang nadarama

Ang pag-ibig ay lubhang madaya


Babangungutin sa gabi hanggang sa umaga
Ilingon man ang ulo sa kana’t kaliwa
Mukha ng sinisinta ang laging makikita

ANG GURO

Ang hirap na dinanas ay di inalala


Na ang katawan kung minsa’y di na kinakaya
Ginagawa parin para sa mga bata
Pasasalamat ko sa’yo hangganan ma’y wala

Guro kang dakila, busilak ang kalooban


Uunahin ang pagtuturo para sa’ming kabataan
Rason mula sa’yo walang narinig kailanman
Oh! Pamanang kaalaman ay hindi makalilimutan
AKING PAARALAN
ni Patricia Luz A. Lipata

Paaralan kong hirang ako’y minulat sa katotohanan


Ang kaalaman na sa akin ay naghubog ng kaisipan
Mamanahin iyong mga karunungan
At yaon ay aking pakatatandaan

Ngayon ako’y hinuhubog at hinahasa ang isip


Tila unti-unting lumiliwanag aking paligid
Ang mga pangarap ay lalong tumitibay
Sa mga karunungang laging gumagabay

Ala-ala ko rito ay hinding hindi malilimutan


Nakalapat na ito sa aklat ng aking kasaysayan
Ngunit ang masasamang karanasan
Gamit ang panitik, iguguhit muli upang matabunan

Kung susumahin ang mga karunungan


Ang laking ambag sa musmos na kaisipan
Bagaman hindi lahat ay nalalaman
Umaapaw ang galak pagkat tinuruan

Yamang pamana ay ibabahagi ng kusa


At sa pagbabahagi ay hindi magsasawa
Oh! Paaralan kong sinisinta
Magpatuloy sa mabuting gawa

Siya na lang Palagi


ni Patricia Luz A. Lipata

Alam kong lahat ng katangiang mabubuti ay mayroon siya,


Nguni’t ang tulad kong laging nasa tabi,
Kahit sino ay hindi nakikita
At ayos lang nasanay na lamang

Sa araw-araw na kasama kita, pakiramdam ko’y parang wala ka,


Lagi mo kasing bukambibig ang pangalan niya, at
Ako, narito, sa tabi mo
Laging binabaliwala

Sawa na ako, sawang sawa na ako


Hindi ko na kaya. Ayoko na,
Sana ganito lang kadali sabihin sa iyo ang katagang nasambit ko,
Pero pilit na nagtitiis at maingat na nakatago
Ng aking puso na sa kailalimlaliman ay hindi ko kinuha upang maging mababaw
At maaring matisod ng iba, at ikalat sa mga kaibigan nila,
Hanggang sa malaman ng lahat at ako para ng gulay at bulak
Na nanlalambot sa kahihiyan na dulot ng aking nadarama.

Pero hindi, nauumay na ako sa mga pangyayayari,


Sa mga bagay-bagay na paulit-ulit na nangyayari

Kaya, ito lang ang aking natatanging kahilingan sa iyo,


Sana hindi man isandaang porsyente ang atensyon na ibigay mo sa akin,
Kahit ikaapat na pinag aapat na bahagi ay aking tatanggapin,
Aking pahahalagahan at kita’y uunawain,
Nguni’t kung pilit lang ang iyong ginagawa,
Mas mainam ng iwan na kita,
Nang mabigyan mo ng lubusang atensyon siya.

Alam kong wala akong lugar at kahit katiting na espasyo diyan sa puso mo,
Pero nagbabasakali lang naman ako,
At kung talagang may hangganan ako sa iyo,
Gagawin ko ang lahat para makalimutan ka at ako’y lalayo,
Paalam sa iyo.

Marso Labingpito
ni Patricia Luz A. Lipata

Hindi kita nilimot, lagi kitang inaalala


Binulong ko sa iyo noon ay patuloy na tinutupad mo hanggang ngayon
Kaya ako sayo’y nagpapasalamat
Sapagkat kahit tulog ka ay hindi mo iyon nalilimutan.
Hindi na rin ako tulad ng dati na mahina
Pinalakas ako ng mga karanasan noong kasama kita, kayo.

At hanggang ngayon, patuloy at nasa proseso pa rin ako ng pagpapalakas,


ng kalooban, ng paniniwala sa Diyos, at pagpapalakas ng tiwala sa sarili.
Patuloy ang pagpilit na lumakas ang sarili
Dahil ang ngayon ay hindi na tulad ng dati,
Na sa tuwing may mga bagay na nagpaparamdam ay sumisiksik ako sa iyong bisig,
Hanggang sa ang takot ay tuluyang mawala.

Patawarin mo ako kung hindi kita mapuntahan


Sa lahat ng aking pagkukulang,
Pagkakamali dulot ng murang kaisipan at salat nakaalaman.
At ang totoo, ako’y lubos na nangungulila,
Ang nararamadam ko makalipas ang tatlong taon ay tulad parin ng nararamdaman ko
ngayon,
Na ang bagay na iyon ay ayaw ko ngang sumagi sa aking isip,
Labis ko iyong kainakatakutan at hindi ko hinahayaang lumakad sa aking isip ang
ganoong pangyayari,
Kahit alam kong lahat tayo ay patungo rin doon.

Nakapanghihinayang, sapagkat hindi mo ako nakikita,


Mali pala, hindi kita nakikita at nakakasama,
Kahit ilang beses kong isulat ang hinaing ng puso ko,
Paulit-ulit din ang sakit at pakiwari ko’y wala nanag pag-asang mabura pa ito.

Pangungulila

Lumuha ang pusong naaliw sa saya,


Nang ako'y iniwan ng mahal kong ama,
Mundo ay nabalot ng itim ang mata,
Hindi masilip salitang ligaya.

Pighati at kalungkutan ay di matakasan,


tinatanaw sa malayo ang iyong libingan,
ika'y nagtatampo sa bunsong di mapuntahan,
sapagkat dalawang isla ang ating pagitan.

Pakakataon ay dumating na ikaw ay bisitahin,


ngunit hinadlangan ng napakaraming gawain,
ang iyong giliw mula sa tubig, sa dugo isinalin,
pagkat lubos na nagdamdam ang aking damdamin.

Halaman akong diniligan ng mainam,


pilit kinaharap ang daluyong at lumaban,
pagkat ang iyong payo ay di nalimutan,
ito'y laging nakaguhit sa puso't isipan.
Walang Pamagat
ni Patricia Luz A. Lipata

Kay sarap alalahanin ng kahapon,


Ngunit mahirap balikan sugat na naghilom,
Sa pagsilip mo kasi ng nakaraan,
Maaring bumalik ang pusong nasaktan.

Patuloy ang mundo sa pag-inog,


Tulad ng buhay mong sunod sa agos ng ilog,
Mangyari na ang dapat mangyari,
Ipasa-diyos na lamang kung hindi mawari
.
Minsa’y hirap kang ngumiti
Marahil wala namang sanhi
Kung minsa’y napagkakamalan ka nilang suplada,
Pagka’t ang totoong ikaw’y di nila nakikita

Ang tulang ito ay walang pamagat,


Walang pamagat sapagkat hindi alam ang buhat,
Nais lamang ilabas lungkot nadarama,
Hirap kasing patirahin sa pusong bata.

You might also like