You are on page 1of 13

LYKA CELINE C.

DE JESUS
11 LUKE

ANG AKING AMA’T INA


Mula sa sinapupunan ng aking ina
Siya ang kumalinga at humalina
Sa ama kong mapagmahal
Hindi mapapantayan kanyang pagpapagal

Aking ipinagmamalaki
Ama’t ina ko na laging nakatabi
Sa bawat galaw ko na kanilang sinasabi
Na ang tanging mithi ay magandang ugali

Kaya naman sa tula kong ito


Maipadama ko ang pagmamahal ko
Hindi mabibilang ang inyong mga sakripisyo
Kaya kayo’y mamahalin ng buong buhay ko

Ako ay nagpapasalamat sa aking magulang


Na ako’y lumaking mapagmahal at magalang
Igagalang kayo at irerespeto
At mamahalin hanggang sa wakas ng buhay ko

“PAG AALINLANGAN”
Sa nagdaang araw ng aking pag aaral
Ako ay nag aalinlangan
Kinakabahan ng di malaman
Kung tama ba ang piniling larangan

Nagkaroon ng agam- agam


Isip ay magulo, di malaman kung saan tatakbo
Ako ba ay susuko sa desisyong katumbas ay pagkatalo?
O lalaban pa din upang makipagsapalaran kahit walang kasiguraduhan?

Tunay nga na ang pagsusunog ng kilay ay hindi ganun kadali


Ginugulo ng bawat sandali,
Para ba ito sa sarili o sa pamilyang pinili?
Tama ba ito o mali?

Batid kong gumagawa ng paraan


Ang pamilyang nahihirapan
Para ako ay suportahan
Sa piniling larangan

At sa pamilyang laging nandyan sa akin,


Sa mga kaibigang naniniwala pa rin
Na kahit di makausap ng madalas
Ramdam ko sa puso nila ang suportang wagas
Na tanging sandata at nagbibigay sa akin ng lakas
Upang magpatuloy sa laban na di alam kung makakalagpas

Sa mga nagdaang araw


Di namalayan
Pagsubok ay unti unti na palang nalalampasan
Na ang dating pag aalinlangan
Napalitan ng kagalakan
Dahil sa laging nandyan
Mga taong akoy pinahahalagahan
Kahit na akoy nahihirapan
Sa desisyong pinaglaban

Aking natanto
Na mayroon pala akong kakayahan
Na lumaban at lagpasan ang pagsubok
Na kahit minsan ako’y nalulugmok
Sa mga bagay na di naman pala dapat ipagmukmok

KAPATID

Kapatid ko mahal, ko
Kahit minsan kami’y paliko-liko
Sa gulong kami’y napapako
Tila ito’y di- magbabago

Ngunit aming natanto pagmamahal namin mula sa puso


Bakit di- magkasundo
Sa aming nagawang pagtatalo

Kaya sa mga magkakapatid


Aming pinababatid
Ang pagsasama at pagmamahal
Di kailanman matatanggal
Pag- uunawaan at samahan
Juliano, Diana Marie F.
11 Luke
1.
Patutunguhan
Namumuti na ang buhok ko kakaintay
San nga ba patungo ang aking buhay
Ako ay natatakot para sa aking sarili
Para sa aking sarili

Nag-iisa nag iisip kung ano ang maaring gawin


Mga bagay pangarap na kay hirap abutin
Marami pang problema ang kailangang kayanin
Mga pagsubok na dapat harapin.

Ngunit ako'y nalilito kung saan ako patungo


Sa tuwid na daan o sa lubak na daan saan nga ba ako patungo
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko
Bahala na sa sarili ko Kung saan gustuhin ko.

Ako'y natatakot sa aking patutunguhan


Pero kailangang kayanin para sa ating mga pupuntahan
Mapunta man sa lubak na daan
Itoy ating malalagpasan

2).
ANG SAKIT NA DULOT NG PAGIBIG
Relasyong madami ang humahadlang,
Madalas kasama ang mga magulang.
Minsan naman ay ang mga Kaibigan,
Ngunit ating paring ipinaglalaban.
Saksi ang hangin sa lahat ng Ito,
Binubulong ang pagmamahal ko sayo.
Walang tigil ang pag patak ng luha mo,
Habang sinasambit na Mahal mo ako.

Mahal, ako nawa ay patawarin mo,


Tandaan mong ikaw lang ang mahal ko.
Ako nalang siyang lalayo sa atin,
Kaysa naman ikaw ang ilayo sa akin.

Ito na ang ating huling paguusap,


Sa pamamagitan ng tula na Ito.
Ako na ay magpapaalam sa iyo,
Mahal, ikaw Lamang ang iniirog ko

3.
UNAN
Pagsapit ng Gabi,
Ikaw ang aking katabi.
Sa tuwin'g ako'y nalulungkot,
Ikaw ang aking nasasandalan tuwing ako'y yamot.

Sana pagdating ng Gabi,


Huwag Kang aalis sa aking tabi.
Dahil ikaw ang aking Karamay
Sa tuwin'g ako'y nalulumbay

Salamat sa iyo,
Dahil tuwing ako'y nasasaktan.
Ikaw ang tagasalo ng patak ng aking mga luha,
Dahil sa aking kapalpakan na aking nagawa.
Sana paglipas ng Gabi Huwag Kang aalis pa rin sa aking tabi.
Mahal Kung unan Sana huwag Kang magsawa,
Dahil ikaw Ang aking payapa.

Name: Freddierick Sico

Section: 11-HUMSS

Date: 03/13/2021

1.Unang tula

2am

Ginising moko ng gabing iyon

At sinabi na tapos na tayo

Nagtanong ako sayo, kung bakit

Ang sabi mo, ay wala ng tayo

Nabigla ako sa sinabi mo

Salita na gumibal sa mundo

Winasak mo ang pagkatao ko

Bakit mo na sabi sa akin to

Nagdusa ako sa ginawa mo

Hindi ganyan ang nakilala ko

Pait ng puso ang nadama ko

Sa panahong masaya patayo


Tinanggap ko na wala na tayo

Pinaiyak moko sa harap mo

Puso’t isipan ko’y sinira mo

Pasensya kana kung nagkulang ako

2.Pangalawang tula

Oras

Oras na para kalimutan ka

Kalimutan, na hindi na muling babalik pa

Sa mundong sinira ng kasakiman

Karma na ang syang maghuhusga

Paalam, dahil ako’y lilisan na

Dahil ako’y napagod at walang kwenta

Halaga na hindi ko naman nadama

Sayo at magpakailanman

Subalit hindi ako sumuko

Sa relasyon nating dalawa

Sadyang tadhana at ikaw ang sumira

Panahonna para iwan ka

Bahala kana, para ako’y sumaya

Sinira mo ang repotasyon ko

Dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa

Kasalanang, ikaw din ang sumira

3.Pangatlong tula

Kabaong
Kabaong na maganda

Sayo ang ginhawa

Problema ko’y nawawala

Kapag ako’y nahiga

Makinis na salat

Salat, na kasing kinis na perlas

Kabaong na walang katulad

Kulay puti at hugis bigas

Iniisip ang huling hantungan

Hantungan, para sa kamatayan

Iniisip kung anong pag pag lalagyan,

Para sa katawan na sinira ng kasalanan

Sa taong walang kwenta

At hindi humarap sa hustisya

Karma na ang siyang huhusga

At batas na ang magpaparusa

TRICIA BIANCA DECENA


11 LUKE

Pangarap lang kita

Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
Pero pagdating sayo
Lagi lang akong talo
Ikaw ay prinsesa na
Kaya hindi ko makuha
Ang puso mong napaliga
Buti pa sa panaginip ko

Mayroon pang ikaw at ako


Aaminin ko sa totoo
Hanggang pangarap lamang ako
Kung ganito palagi

Magandang matulog lagi


Para ako'y nalalagi
Sa puso kong may pighati
Selos na hindi ko mapigilan

SAKIT NA DULOT NG PAG IBIG

PAG PATAK NG LUHA SA MGA MATA

PAG BIGKAS NG SALITANG MALAYA KANA

INIISIP ANG NAKARAAN

NA HINDI NA PWEDENG BALIKAN

BABALIK NANAMAN AKO SA UMPISA

NGUNIT IKAW AY HINDI KO NA KASAMA

TUTUPARIN ANG PANGAKO NATING DALAWA

PANGAKO NA BINITAWAN NATING DALAWA

NGUNIT NGAYON AY AKO NALAMANG MAG ISA

ANG MAGTUTULOY SA KWENTO NATING DALAWA


PIPIKIT KO NA LAMANG ANG AKING MGA MATA

AT IIYAK ANG SAKIT NA AKING NADARAMA

HANGGANG DITO NALANG ANG KWENTO NATIN

DAHIL AKIN NA ITONG TATAPUSIN

MAGTUTULOY KA NANG BAGONG KWENTO

ANG WAKAS AY HINDI NA AKO

PAMILYA

Pamilyang laging kong kasama


Nagbibigay payo sa bawat isa
Gumagabay sa'min sa tuwituwina
Sila din ang aming tagapagpaala ala

Mabuting gawi'y sa bahay nagmumula


Asal ng magulang dito mo makikita
Tamang landas at pagdidisiplina
Dapat matutunan habang bata pa

Wastong pagkalinga at suporta


Pagpapasunud sa bawat myembro ng pamilya
Tahanang punong puno ng masasayang ala ala
Sa panahong buo at nagkakaisa

Pamilya'y syang pumapatnubay


Nagbibigay payo at gabay
Palaging sa isip ay itatatak
Upang di magkamali landas naming tinatahak
JESILYN MAE PASCUA
11 LUKE

"Bahaghari"

Kasing pula ng rosas ang iyong labi


Na sumasagisag sa pula ng bahaghari
Kahel and kulay ng iyong mga sa liwanag
Na siya namang mamamaalam ang araw na lulubog

At pag sibol na ilaw na dilaw


Sa gabing mapanglaw
Berdeng kapaligiran tulad ng iyong kagandahan
Hindi mag sasawang titigan

Umaabot sa asul na langit


Ang ngiting nang ikaw ay makamit
Ngunit napalitan ng pasa na kulay tina
Nang makitang may iba ka

Ngunit napalitan ito ng singtamis ng ube


Nang malaman kong kaibigan mo lang siya
Ang pagdating mo sa buhay ko
Ay ang paglabas ng bahagharing nagkulay sa mundo ko.

"Ikaw"
ikaw Yung tipong tao na Masarap mahalin Ikaw Yung Taong sa Sobrang Kabutihan pati Pag Mamakaawa
Kahit di Mu Kasalanan Ginagawa Ikaw Yung Kahit Walang kapintasahan pahumble pa.
Ikaw Yung Taong nagpangiti sa taong sing Tigas ng batong puso
Ikaw Yung Taong nagpalunok nang pride nang Isang taong sing taas Ng sampung palapag na gusali Ang
pride
Ikaw Ang tanging tao nagpaamo sa Leyong mas Matapang pa sa Kapeng barako Kaya nga Seguro napa
Mahal ako sa'yo.
Kasi isang galaw mu lang na papaluhod ako Di Namn kasi ako Yung tipong nang tao na Madaling
Mapaamo pero puta Isang kindat Isang Hawak sa Balikat Bumabaliktad ako pero Ikaw Isang sabii mu
lang nang I love you Natutunaw NaKo daming Panahong Na Ginugul sa Panliligaw pero sa matamis
Kung Oo Isang milongrosong ngiti Ang namutawi sa'yong mga Labi Isang Ngiting nun Ko lang
nasaksihan.
Isang Ngiting dulot nuy Kasiyahan
Isang Ngiting tila bang walang Hanggan Angsaya nang mga panahong lumilipas
Mga Panahong Kasama Ka
Mga Panahong tayo pang dalawa
Mga Panahong Meron pang Ikaw at Ako
Mga eksena Natin sa Kalye nang aquino street Brangay Bagong bato na parang tAyo dalawa Ang tao sa
Mundo at amg tanging liwanag Natin liwanag ng Buwan at Ginigising Muko sa Madaling Araw sabay
tapik sa Aking mga Balikat sabay sabing Babe Sana walang magbago
Babe Sana tAyo Parin Hanggang dulo
Pero puta asan Ka humanap Ka Ng Iba
Minsay natanong ko sa Sarili ku nag Kulang Bako sa palagay ko namay hindi
Ilang linggo mga Araw mga taon Ang lumipas bigla kang Nawala ganun Naba Talaga Kadaling
Kalimutan Ang ating Pinagsamahan.
Ganun Naba Kadaling itapon Ang lahat
Yung pinaghirapan mu Panliligaw ipagwawalang bahala mo Nalng ba Talaga
Walaa Naba Talaga akong Magagawa para Maayos to Kasii Kung Meron pa let me try Kung wala it's
fine.
Isa lang NamAn Ang nails Kung Malaman sa'yo
Minahal Muba Talaga akoo?
Kasii Kung Oo Ang Sagut mu Ganon Din NamAn Hindi Ku Kayang ipagpalit Lahat nang Kasiyahan
naibigay mu Simula Nang Ikaw at ako ay nag tagpo.pero bakit parang andali.
Andali Mong nakalimutan ako totoo nga Talaga ang Sinasabi Nila Pag Katapos ng mga ngiti kasunod nito
pighati .
Hindi Ku inasahang wawakasan mo mga Masasayang Araw na Ikaw at ako Ang bumuo pero ano nga ba
naman ang Magagawa Ku Di ako Ang Mahal mu.pero nais Ku Malaman mo Mahal parin Kita Kahit
Ginawa mukong Tangaa.

"DUDA"
Palaging may duda sa aking pagiisip
Magiging sapat nga ba ang lakas ng loob para harapin ang bukas
Tama nga bang ipinanga ang tapang kung aking kalooban ay ubos na
Matatawid ko ba ang takot at pangamba?
Ilang beses pumapasok sa isip ko ang mga “salitang hindi ko kaya”
“Tapos na ata”
“Talo na ako”
“Gusto ko ng sumuko”
Pero pilit mong pinakikita sa akin ang liwanag
Pilit mong pinatatanaw ang kagandahan ng pagsikat ng araw
Ang liwanag ng buwan
Ang mga bitwin nagsasayaw sa kalangitan
Pilit mong sinasabi na kung kaya nilang magningning sakanilang sarili nilang pamamaraan
Bakit ako’y hindi?
Pantay mo kaming binigyan ng pagmamahal
At para Sayo ay mananatili akong maningning
Ilang beses man matalo
Ilang beses mang sumuko
Ilang beses mang umayaw
Ilang beses man akong tumakbo
Ay hindi ka lilisan sa piling ko kahit isang beses.

You might also like