You are on page 1of 8

1.

) PANITIKAN - Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng


tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga
walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may
anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may
punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang
kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-
aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga
mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.

A.) TULA
- Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.Ang tula ay maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi . 

Silang Mapapalad At dila’y mamilipit


ni: Kiko Manalo Kapag kausap si Masungit.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Mapapalad ang mga walang pangarap
Dahil hindi nila kailangang hagilapin, Dahil hindi nila kailangang pag-aralan,
Ang mga “x” ni Math Ang mga bayani ng bayan
Na kaytagal nang hinahanap At magkakasalungat na istorya,
Hindi pa rin mahagilap. Sa libro ng akademya.

Mapalad ang mga walang pangarap, Mapalad ang mga walang pangarap,
‘Pagkat hindi nila kailangang sagutan Dahil hindi nila kailangang mamalimos,
Kung ano ang kahulugan  Ng mga uno at dos,
Ng Statistics at Trigo  Sa ilang gurong nakasentro
Sa buhay ng tao. Sa pagtitinda ng tocino.

Mapalad ang mga walang pangarap, Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang magpasya, Dahil hindi nila kailangang mag-imbento
Kung ano ang pipiliin Ng matataas na grado,
Aklat ba o DOTA, Sa nanay at tatay,
Facebook ba o Algebra. Na umaasang ang buhay,
Ay maiaahon ng mahinusay...
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang magpumilit, Silang mapapalad...
Na magsalita ng English,
B.) DULA
- Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok
sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang
itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.

Ito Pala Ang Inyo


ni Frederico b. Sebastian

Part 1 Bert: Sige na, magbihis ka na muna.


Clary: sabik na sabik na akong makarating sa Clary: saan ako magbibihis?
bahay bert. Bert: Aba saan pa e di dito. Wala naman taong
Bert: totoo ba yan? makakakita sayo kundi…ako lang(titingin sa
Clary: oo naman. Ang hangin sa lalawigan ay manonood tapos tataas-taas ang kilay)
tunay na nakakaakit. Clary: Dito?!(titingin sa nanonood)
Bert: masaya ako dahil nasisiyahan ka mahal ko. Bert: Alam mo mahal ko, dito sa probinsya lalo
Clary: Nais ko na talagang makarating Bert sa na sa katulad kong mahirap wala ka ng makikita
ating paraiso!!!(papasok na sa maralitang bahay) pang room kundi ito lang.
Clary: Ito pala ang sinasabi mong bahay Bert. Clary: mamayang gabi na lang ako magbibihis.
Bert: Oo mahal ko. (magdadabog)
*tumitingin tingin pagkatapos umupo sa bangko Bert: Ikaw ang bahala. Pero ang gabi sa amin ay
ito ay bumagsak tunay na gabi?
Clary: Aray ko pohhh!!!! Clary: Huh?
Bert:Nasaktan ka ba mahal? Bert: walang electrisidad dito, mahal ko.
Clary:Nasaktan!?hello??!bumagsak kaya ako Clary: OMG! Di na talaga ako makakapag
dahil sa upuan na yan!Hindi mo man lang sinabi bihis!!! Sa Maynila na nga lang ako magbibihis.
na bulok na pala yan.(galit na galit) Bert: (tatawa) 
Bert: (aamuhin si Clary) Wag ka nang magalit.(I Clary: (iirap) At saka asan pala ang ating bed?
mamasahe ang binti ng babae) Matagal na kasi Bert: wala tayng katre mahal ko….
ako hindi nakakauwi dito mahal. Clary: Ano?! San Tayo matutulog?
*ngingiti na si Clary at babangon Bert: sa sahig mahal ko.
Clary: ito pala ang sinasabi mong paraiso. Kita Clary: Sa ganda kong ito matutulog ako sa
mo pala ang mga bituin kahit araw na araw. sahig?
Bert: oo nga. At ang sofa namin ay matigas Bert: masanay ka na…sapagkat mahirap lang
lamang. ak….
*tatawa ang dalawa Clary: tama na! wala na akong magagawa!!!
Clary: Bert….wala ka na bang damit maliban pa samahan mo na lang ako sa banyo at maliligo
diyan? muna ako.
Bert:Ano naman ang masama sa suot ko, mahal Part 2
kong Claring? Alberto: Wag ka na maligo Clary. Malamig ang
Clary: (nagalit) Baket noong dumadalaw ka pa panahon at hindi ka pa masyado sanay ditto.
sa amin ang ayos ng iyong suot? And by the way Clary: Bakit pati paliligo ko ay iyong
haven’t I told you call me Clary. pinapakialaman?At bakit ako magsasanay
Bert: ayaw mo bang Claro na lang?(tatawa) maligo, hindi ba ako naliligo?
Clary: its not Claro its Claryyyyy!(lalayo kay Alberto: Hindi sa hindi ka naliligo. Iba kase ang
bert at tatalikuran ito) banyo mo sa maynila sa banyo namin. Hindi ka
Bert: (yayakapin patalikod si Clary) sige Clary. nga makapagpalit dahil sa hiya ang pagliligo pa
Bakit nga pala tayo naguusap ng ganito,kakasal kaya sa batalan.
pa lamang natin ah? Clary: Sige na…..Mr. Alibi
Clary: Oo nga. Bert: (sa sarili) ang hirap pala magkaasawq lalo
na ang tulad ni Clary na laki sa Maynila at Bert: oo, yun ang kasilyas naming.
mayaman. At ano kaya ang mangyayari kung Clarita: what?! Sukdulan na ang mga pagsubok
malaman niya na ako ay may mga anak…. mo sa akin bert! Dito mo ba ako ititira?! Akala
*bumalik na galling sa batalan si Clary ko ba may sarili tayong paraiso at mamumuhay
Clary: Bert! Hindi ako pwedeng maligo tayo ng parang si Adan at si Eba!!!? Ano ang
doon….wala man lang harang yung… nangyari sa sinabi mo???
Bert: batalan, mahal *magugulat na lang si Clary may pumasok na
Clary: at bert wala pa akong nakikitang gripo. matanda
Saan kayo kumukuha dito ng tubig? Bert: (gulat) Tiya Isyang!!!
Bert: kumukuha kami ng tubig sa poso mga Tiya Isyang: Berto!(nakakunot ang noo)
kalahiting kilometro lang naman mula rito. * ang mga bata ay pupunta kay bert
Kung maliligo ka, sabihin mo na para ako ay Mga bata: tatay!tatay! tatay! wala ka bang
maguumpisa ng maglakad. pasalubong sa amin?(with a cute face)
Clary: Wag na, bert! sa maynila na lang ako * gulat na gulat si clary(nakatingin lang sa
maliligo. nakikita niyang pangyayari)
Bert: Sa maynila ka na rin maliligo at doon ka Bert: tiya isyang siya ay si clary ang aking
rin magbibihis? asawa , Clary ang aking tiya at aking mga….
Clary: oo.at asan dito yung…. Clary: Anak! Walang hiya ka, hindi ka nagsabi
Bert: Ano? sa akin ng buong katotohanan.
Clary: yung kasilyas. Uuwi na lang ako sa maynila. Doon may banyo,
Bert: wala kami. Karamihan sa amin ay wala toilet, bed, rooms at higit sa lahat walang mga
pang toilet, lalo na ang mga mahihirap na tulad makukulit na bata ang manggugulo sa akin.
ko. At hindi pa kase nakakarating ang *umalis si Clary at hinabol naman siya ni bert at
sibilisasyon sa amin e. nahawakan sa kamay
Clary: ano?! Ano ang gingamit niyo? Bert: Hindi ka maaring umalis na wala ako.
Bert: nakikita mo ba yun?(tuturo sa kabilang ……(nag iiyakan ang mga anak)
direksyon) Aling Isyang: Tumahimik kayo! Tinamaan kayo
Clary: yung kawayan? ng lintik.

C.) MAIKLING KWENTO - Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang


maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong
isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang
tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Bagong Kaibigan
(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang
kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana
at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko
sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang
hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng
dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi
ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit.
Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at
pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at
nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa.
Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga
bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang
malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga
hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-
maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“

D.) NOBELA - Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang


mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-
200,000 salitao 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at
naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Banaag at Sikat
Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at 
paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang
mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan
ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa
mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa
isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay.
Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang
mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at
ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng
mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiginganarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas,
ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na
ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit
itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa
galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa
Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga
seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang
pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong
nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa
karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y
isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay
naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe,
bagamat hindi kasing radikal nito. Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin,
sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang
pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang
mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng
sosyalismo. Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may
asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si
Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe
at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang
walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na
salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong
ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay
tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang
ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan
sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa
magbinhi ang kanilang pagmamahalan. Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang
kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan
nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si
Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa
dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-
minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng
kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng
kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan. Sa simula, si Meni ay
dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang
pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang
ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil
sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at
Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas.
Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang
kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa
mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si
Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa
mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol
sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa
kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa
lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi,
ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin,  salamat na lamang at ang kusinero ay
marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na
nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New
York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa
pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang  hindi
pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong. Kasama sa naghatid ng
bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala.
Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na
halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil
dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa
Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan
ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na
kanyangpinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si DonRamon ay
dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa
libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng
pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe
na inabot ng takipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang
ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang
namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at
kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang
bulag na pananampalataya.Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban
sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang
lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig
bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang
kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa
Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang
makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan.
Subalit matigas ang  paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng
pagdanak ng dugo. Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa
pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin
ang dilim ng gabi."

E.)SANAYSAY - Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng


personal na kuru-kuro ng may-akda.

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)


ni: J

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction.
Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang
alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na
panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at
mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka
na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang
alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na
impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na
pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain. 
Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang
epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang
sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na
pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang
mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo
sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang
desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa
ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak
sa iyong mga mahal sa buhay. 
Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na
nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring
mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit
maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga
programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng
alcohol. 
Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban
ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo
lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa
pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa
buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik
ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit
kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang
takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na
madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang
kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon.

F.) ANEKDOTA - Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o


kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga
pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
Anekdota sa buhay ni Jose Rizal
Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon
lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni
Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit
kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga
titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat
ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay
labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.

G.) BUGTONG - Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble


o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag dingpalaisipan ang bugtong).
[1]
 May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang
bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng
katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga
tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong
paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing
naglalaro ang mga bata.
BUGTONG

Buto't balat lumilipad. Sagot: Saranggola


Dalawang bangyasan, naghahagaran. Sagot: Binti
Tubo sa punso, walang buko. Sagot: Buhok
Limang puno ng niyog, isa'y matayog. Sagot: Daliri
Dalawang balahibuhin, masarap pagdaitin. Sagot: Mata at kilay
Isang bayabas, pito ang butas. Sagot: Mukha
H.) SALAWIKAIN - Ang mga salawikaing Pilipino  ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit
ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas.
Katumbas din ng salitang salawikain ang sawikain (bagaman maaari ring tumukoy ang sawikain sa
mga moto o idyoma), at ng Ilokanongsarsarita. Nilalarawan ang salawikain nagmumula sa Pilipinas
bilang makapangyarihan at makatang pagpapadama at payak na anyo ng mga pahiwatig. Kapag ginamit
sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang
punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan: ang Pilisopiyang Pilipino. Isang tanyag na katutubong
salawikaing Pilipino ang mga katagang: Ang taong hindi marunong umalala o lumingon sa kaniyang
pinanggalingan ay hindi makakarating sa kaniyang paroroonan. Isa itong salawikaing Tagalog na
naglalahad at humihikayat sa isang tao upang bigyan ng pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa kaniyang
pinagmulan at pinag-ugatan. Ipinababatid din ng kasabihang ito ang isang pagpapahalagang Pilipinong
tinatawag na utang na loob, ang pagbibigay ng angkop na pahalaga at pagtingin sa mga taong nakatulong
sa isang tao para magtagumpay sa buhay o adhikain. Pinagpangkat-pangkat ni Damiana L. Eugenio, isang
propersor mula sa Unibersidad ng Pilipinas, may-akda ng Philippine Proverb Lore (1975), at tinagurian
ding "Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas" ang mga salawikaing Pilipino sa anim na mga kaurian o
kategorya ayon sa mga paksa: ang mga salawikaing etikal (yung mga nagsasaad ng isang pangkalahatang
gawi hinggil sa buhay at sa mga batas na nangangasiwa sa mismong pamumuhay), ang mga salawikaing
nagmumungkahi ng mga pagpapahalaga at nagtatakwil sa mga bisyo, ang mga salawikaing nagpapadama
ng isang sistema ng mga pagpapahalaga, ang mga salawikaing naglalahad ng mga pangkalahatang
katotohanan at mga pagmamasid tungkol sa buhay at kalikasan ng tao, ang mga salawikaing nakakatawa,
at ang iba pang mga salawikain.

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.

1. Puri sa harap, sa likod paglibak 7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa
2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y pare
sitsaron 8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot
3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa sa harap ng dayo
gipitan 9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat
4. Matabang man ang paninda, matamis 10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi
naman ang anyaya ang kumot
5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng 11. May pakpak ang balita, may tainga ang
hila lupa
6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na 12. Sagana sa puri, dukha sa sarili
kaibigan

3)

You might also like