You are on page 1of 1

Noon at Ngayon

Sadyang kaybilis ang paglipas ng panahon. Kaakibat nito ay ang pagbago ng henerasyon. Sa
pagbabagong ito, ay sumasabay din sa daloy ng pagbabago ng mga tao at pag-unlad ang mundo.
Ang dating simpleng bisekleta o kariton na ating ginagamit sa transportasyon, ngayon ay de-
awtomatikong sasakyan na. Noon, ay aabutin pa ng ilang linggo bago maipa-abot ang mensahe
sa minamahal mo, isang pindot lang sa iyong telepono ay natanggap na niya ito. Kung ang dating
mga kabataan noon ay magkanda kuba-kuba na at halos magsunog ng kilay upang gawin ang
kanilang mga proyekto at takdang aralin na kinakailangan ng riserts, ngayon ilang pindot mo
lang sa google ay lalabas na ang ibat ibang mga impormasyon. Kung ang mga kabataan noon ay
abala lamang sa paglalaro ng piko, patintero at tumbang preso, ngayon abala na sa pag-seselfie,
pag- status sa facebook na may hugot o minsan pag-mention sa mga jowa nila ng mga sweet
lines, relationship goals at kung ano-ano pa. Samantalang nasa murang edad pa lang at hindi pa
alam maglaba ng panty at brief nila. Kung dati uuwi sa bahay magmamano sa mga magulang,
ngayon halos ‘di na umuwi kaka wal-wal minsan nag-oovertime pa sa internet shop kakalaro ng
counter strike, ROS, DOTA at kung ano-ano pa.

Kung ating pag-aaralang mabuti, marami na talagang pagbabago ang noon at ngayon. Ang dating
kaugalian, kultura at simpleng pamumuhay ng mga tao ay napalitan na . Dahil sa unti-unting
pagbabago ng ating mundong ginagalawan, ang mga pag-uugali ng tao at pananaw sa buhay ay
nag-iiba na rin. Sa pagdaan pa ng araw ay hindi natin namamalayan na nilalamon na pala tayo ng
sistema, hanggang sa ang kamang-mangan sa ating mga sarili ay nanaig na. Buksan ang iyong
mga mata, at huwag magpadala. Ang dati ibalik ating kultura’t kaugalian ay payabungan pa.

You might also like