You are on page 1of 32

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan –Modyul 6
Kasaysayan at Pag-unlad ng
Wikang Pambansa

Self-Learning Kit
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Wendell Taraya


Editor: Nanette A. Garrido
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief : Maria Lourdes L. Ipong, Dev. Ed. D.
Name of Division EPS In Charge of LRMS : Nanette Nacor
Name of Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VII
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan –
Modyul 6: Kasaysayan at
Pag-unlad ng Wikang
Pambansa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kasaysayan at Pag-unlad
ng Wikang Pambansa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala mula sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang
Pambansa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan


ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Alamin

♫ ♪ Wikang Pambansa ang gamit kong salita,


bayan kong sinilangan
hangad kong lagi ang kalayaan. ♫ ♪

Mga linya ito ng sikat na kantang Ako’y Pinoy ni Florante de Leon.


Mahihinuha na katambal ang wika sa pagkamit ng kasarinlan ng ating
bansa.
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ang isa sa mga
palatandaan na may sariling pagkakakilanlan ang isang bansa. Bago
paman nagkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas, dumaan muna ito
sa maraming pagsubok at pagsusuri.
mula sa Facebook ni Tayo na at sariwain natin ang mga kaganapan sa pagkabuo at
Wen Taraya pag-unlad ng wikang pambansa.
Sa bahaging ito ay aalamin natin ang kasanayan, aralin at mga
tiyak na layunin na dapat mong matutuhan at makamit gamit ang modyul
na ito.

Kasanayang Pampagkatuto:

➢ Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-


unlad ng Wikang Pambansa. F11PS-Ig-88

Aralin 8:

➢ Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa

Pagkatapos matutuhan ang mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy sa mga kaganapan sa pag-unlad ng wikang pambansa;


2. nakabibigay ng sariling pananaw hinggil sa pinagdaanan ng wikang pambansa; at
3. nakabubuo ng isang timeline tungkol sa pagkabuo at pag-unlad ng wikang pambansa.

1
Subukin

Ang bahaging ito ng modyul ay susubok sa iyong mga kaalaman


hinggil sa paksang pag-uusapan. Sikaping maging totoo sa pagsagot ng
bawat bilang. Huwag magpadalos-dalos sa iyong pagsagot.

mula sa Facebook ni
Wen Taraya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang at isulat ang titik ng tamang sagot sa
isang malinis na papel.

1. Ano ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsusulat ng mga Pilipino?


A. Alibata B. Baybayin C. Cuneiform D. Sanskrit
2. Ano ang tiyak na patunay na umiral ang sinaunang paraan ng pagsusulat sa Pilipinas?
A. akdang pampanitikan ng mga tao
B. nakalimbag na mga aklat at sulatin
C. nakaukit na sinaunang letra sa banga
D. natuklasan na espisimin sa balat ng puno
3. Ilang simbolo mayroon ang baybayin?
A. 14 B. 15 C. 16 D. 17
4. Ano ang tawag sa pinaka-unang aklat sa Pilipinas na nakasulat sa paraang baybayin?
A. Doctrina Christiana C. Panitikang Filipino
B. Noli Me Tangere D. Salmo at Mga Awit
5. Aling salita ang HINDI naiambag ng mga Tsino sa kanilang pamamalagi sa Pilipinas?
A. Gusi B. Pinggan C. Puto D. Tinghoy
6. Ano ang layunin ng mga Tsino sa kanilang pagpunta sa Pilipinas?
A. Makikipagkalakalan C. Mang-impluwensiya
B. Mananakop D. Maninirahan
7. Kailan dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa Pilipinas?
A. Pebrero 13, 1562 C. Pebrero 13, 1564
B. Pebrero 13, 1563 D. Pebrero 13, 1565
8. Sa anong saligang batas nakasaad na ang wikang Tagalog ang siyang magiging wikang
opisyal ng mga Pilipino?
A. Batas Komowelt Blg. 184 C. Kautusan Blg. 41
B. Biak-na-Bato D. Monroe Educational Commission
9. Anong wika ang ginamit sa mga paaralan sa panahon ng Kastila?
A. Filipino B. Kastila C. Tagalog D. Vernakular
10. Ano ang magandang naidulot ng panahon ng Kastila sa pag-unlad ng wikang
pambansa?
A. Nalimot nila ang paganism C. Nagkaroon ang wikang panlahat
B. Nalinang ang katutubong wika D. Natutuhan nila ng wikang Kastila

2
11. Ano ang pagkakaiba ng mga Amerikano sa Kastila sa larangan ng paggamit
ng wika sa kani-kanilang mga kapanahunan?
A. Hindi itinuro ng Amerikano ang Ingles at hindi itinuro ng Kastila ang Espanyol.
B. Itinuro ng Amerikano ang Ingles at itinuro ng mga Kastila ang Wikang Katutubo.
C. Hindi itinuro ng Amerikano ang Ingles samantalang itinuro ng Kastila ang Espanyol.
D. Itinuro ng Amerikano ang Ingles samantalang hindi itinuro ng Kastila ang Espanyol.
12. Alin ang HINDI nilalayon ng Pangkalahatang Kautusan Bilang 41 sa Panahon ng mga
Amerikano?
A. paggamit ng wikang katutubo sa paaralan
B. paggamit ng wikang Amerikano sa paaralan
C. isang komprehensibong sistema ng edukasyon
D. sapilitang pagpapasok ng mga bata sa paaralan
13. Saan madaling natututo ang mga mag-aaral ayon sa Monroe Educational Commission?
A. wikang Ingles ang gagamiting panturo
B. wikang Katutubo ang gagamiting panturo
C. wikang Espanyol ang gagamiting panturo
D. wikang Pambansa ang gagamiting panturo
14. Bakit tinawag na panahon ng kamulatan ang panahon ng Propaganda at Himagsikan?
A. impluwensiya ito ng mga ideolohiya mula sa ibang bansa
B. natatakot ang mga Pilipino na tuluyang masakop ang bansa
C. labis na nasaktan ang mga Pilipino sa sinapit ng mga dayuhan
D. nagising ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino
15. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa?
A. Maisakatuparan ang ipinaglaban ng mga bayaning Pilipino.
B. Mailapat ang mga napagkasunduang batas hinggil sa wika.
C. Magkaintindihan ang lahat ng mamamayan sa buong bansa.
D. Magkaroon ng minimithing kapayapaan sa bansang Pilipinas.

Sa pagkakataong ito, ihambing ang iyong mga sagot sa Susi


ng Pagwawasto na makikita sa ikalabing-isang bahagi ng modyul
upang suriin kung nakuha mo nang tama ang lahat ng mga ito.
Sikaping naging totoo ka sa pagwawasto upang maging
makabuluhan ang pagpapatuloy mo sa mga susunod na bahagi ng
modyul.

Kung nakuha mo ang lahat ng aytem nang may kadalian,


maaari mo nang laktawan ang modyul na ito. Kung hindi mo naman
nakuha ang perpektong marka, maging masigasig sa pagpapatuloy
at matuto nang higit pa.

Huwag kalimutang ilakip ang sinagutang papel sa pagsumite


ng modyul na ito.

3
Balikan

Sa bahaging ito ng modyul ay babalikan mo ang mga nauna nang


aralin na maaaring maiugnay sa kasalukuyang leksyon. Maging masipag
sa pagtukoy sa mga nakaimbak na kaalaman upang higit na mapadali
ang pagkatuto sa bagong aralin.

Mga Tala Para sa Guro

Batay sa iyong pag-aaral sa naunang modyul tungkol sa Konseptong Pangwika,


nalaman mo na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ito ay nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987.

Upang makapagpatuloy ay kailangang mong buuin ang graphic organizer sa


ibaba.

Ang Wikang Filipino ay binubuo ng mga wikain sa Pilipinas (Leyson, et.al, 2005).
Isulat ito isa-isa sa inilaang mga espasyo. Gayahin ang pormat sa isang malinis na papel.

1. ________
10. ________ 2. ________

9. ________ 3. ________
Wikang
Filipino

4. ________
8. ________

7. ________ 5. ________
6. ________

4
Upang matukoy mo kung naging tama ang iyong mga kasagutan, tingnan ang Susi
ng Pagwawasto na makikita sa likurang bahagi ng modyul na ito.

Kung naging tama ang iyong mga kasagutan ay maaari ka nang magpatuloy sa
susunod na bahagi ng modyul na ito.

Tuklasin

Sa bahaging ito ay tutuklasin natin ang mga bagong kaalaman


na magsisilbing lunsaran para sa iyong ganap na pagkatuto sa modyul
na ito.

Pansinin ang mga pinaghalong letra sa ibaba. Ayusin ang mga ito upang mabuo ang
nakatagong salita. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na katanungan. Gayahin ang pormat
sa isang malinis na papel.

1. YABINBAY – ___________________
2. EBADERECIO – ___________________
3. ADABAKA – ___________________
4. BELAGAPOTN OLPIPINI – ___________________
5. PATONGABEL NOLIPIFI – ___________________
6. ERKUVANRAL – ___________________
7. GOGALAT – ___________________
8. GATSLIH – ___________________
9. GAWIKN OLPIINIP – ___________________
10. LABIARLA – ___________________

Pamprosesong Tanong:
Ngayong natagpuan mo na ang mga nakatagong salita, bilang
pangkalahatan anong kaisipan ang ipinahihiwatig ng mga ito?

5
Tama! Ang mga salita ay tungkol sa Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang
Pambansang Filipino.

Tingnan natin kung naging tama ang iyong mga hinuha sa naunang pahina.
Ihambing ang mga ito sa Susi ng Pagwawasto sa likurang bahagi ng modyul.

Suriin

Sa bahaging ito ng modyul ay susuriin natin ang aralin na dapat


mong matutuhan. Kaya kinakailangan mong basahin at unawaing
mabuti ang bawat pangungusap upang magkaroon ng katiyakan ang
iyong pagkatuto.
Gagabayan ka nina Bb. At G. Wika 2020 sa iyong pag-aaral sa
bahaging ito. Sikaping masusi kang nakakasabay sa kanilang
pagtatalakay.

Ang wika ang siyang nagbibigay ng buhay sa isang lipunang ginagalawan. Mahalaga
ito para sa ating sarili, sa kapwa at sa lipunan sa layuning pangkomunikasyon. Nagagawa ng
wika na mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng kaalaman mula sa paligid,
mapatatag ang relasyong sosyal sa ating kapwa at makabuo ng isang kolektibong karanasan
na may tiyak na pagkakakilanlan (Badayos, et. Al, 2008).

Alam mo ba?
Ang ating kinikilalang wikang pambansa sa kasalukuyan
ay bunga ng samot-saring usapin, pag-aaral at pagtatakda ng
mga batas at probisyong nakaugat sa mga pangyayaring
bumubuo sa bawat yugto ng ating kasaysayan, bilang tugon sa
mga pagbabagong bunsod ng panahon at pangangailangan ng
mga gumagamit nito.
Humaharap at patuloy pa ring humaharap sa iba’t ibang
hamon ang ating wika gaya na lamang ng bilingguwalismo,
estandardisasyon, intelektuwalisasyon at multilingguwalisasyon.
Isa itong patunay na buhay at dinamiko ang ating wika, ang pag-
mula sa Facebook ni iral ng pagbabago dito ay kaalinsabay ng pagbabagong
Wen Taraya
nagaganap sa lipunan (Nuncio, et.al, 2016).

6
Kaibigan, pag-uusapan natin ngayon ang kasaysayan at
pag-unlad ng wikang pambansa.

PANAHON NG KATUTUBO
800 B.C. – 800 A.D.
Sinasabing nagmula ang pinaka-unang paraan ng
pagsasalita at pagsulat ng mga Pilipino sa Indian – Indonesian na
paraan. Ito ay sa paraang pagpapantig o Syllabic Writing na mas
kilala bilang Baybayin.
mula sa Natuklasan ng mga arkeologo ang espisimen sa isang
Facebook ni
Wen Taraya banga na may nakaukit na mga sinaunang letra. Ito ang nagsilbing
palatandaan na may umiral na sinaunang paraan ng pagsulat.
Mayroon ng sining at panitikan ang mga Pilipino bago
paman dumating ang mga Kastila. Pinatunayan ito ni Padre
Chirino sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604) sinabi
niya na may sariling sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon
at ito ay tinawag na Baybayin. Ngunit sa kasamaang palad ay
sinunog ang gawa ng mga katutubo ng mga Kastila dahil gawa
daw ito ng demonyo.
Naibahagi sa panahong ito ang mga salitang: dala, anak,
asawa, diwa, biyaya, puri, masama, wika, aklat, galit, sadya,
sandata, mutya, panday at salita at mayroon lamang katinig na B,
D,G,H,K,L,M,N,NG,P,S,T,W,Y.

Upang iyong makilala nang lubos ang sinaunang paraan ng


pagsusulat ng mga Pilipino, narito ang mga simbolong ginagamit sa
Baybayin.

wikipedia.org

7
PANAHON NG TSINO
NEW STONE AGE
10 century – 15th century
th

(Tang, Yuan at Sung Dynasties)


Dumating ang mga Tsino sa Pilipinas na may layuning
makipagkalakalan. Naibahagi nila ang mga salitang pancit, susi,
pinggan, tsa, gusi (big jar), tinghoy (oil Lamp), mangkok (bowl) sa
bokabularyo ng mga Pilipino.

PANAHON NG KASTILA (1565-1872)


Marso 15, 1521 nang dumating si Fernando Magellanes sa
Pilipinas. Sinundan ito ni Miguel Lopez de Legaspi noong Pebrero
13, 1565.
Ipinag-utos ng hari ng Espanya na turuan ng wikang Kastila
ang mga katutubo. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi itinuro ng
mga kastila ang kanilang wika, sa halip sila ang nag-aral ng wika ng
mga katutubo.
Ginawang sapilitan ang pag-aaral at ang vernakular o ang
wikang katutubo ang wikang ginamit. Samantalang wikang Kastila
naman ang ginamit sa pamahalaan.
Gayunpaman, nakabuti ang pasyang ito dahil nasimulan ang
paglinang sa mga rehiyunal na wika. Nalimot ng mga taong-bayan
ang kanilang paganismo, ngunit hindi ang kanilang katutubong
wika.
Nakaambag ang mga Kastila sa panitikan ng Pilipinas sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Romanisasyon ng Alibata o Baybayin (Abecederio)
2. Pagkakasulat ng Aklat Gramatika ng iba’t ibang wikain sa
Pilipinas.
Nagsulat ang mga prayle ng mga diksyunaryo, naging
bihasa sila sa katutubong wika at ito’y kanilang ginamit sa pagtuturo
ng Katekismo.
Nagbukas din sila ng mga paaralan sa layuning maituro
ang relihiyon.

8
PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN (1872-1898)
PANAHONAng NGpanahong
PROPAGANDA ito ay AT
tinatawag ding Panahon ng
HIMAGSIKAN
Kamulatan dahil dito namulat ang isipan at damdaming makabayan
ng1872-1898
mga Pilipino. Pinangunahan ito ng pangkat ng mga Ilustrado na
sina Rizal, Luna, del Pilar, Lopez Jaena atbp.
Sila ay ang mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa
gaya Espanya (Europa) at doon ay natuto sila ng ibang ideolohiya
tulad ng Nasyonalismo at Demokrasya.
Naitatag din sa panahong ito ang Kartilya ng Katipunan ni
Emilio Jacinto na nakasulat sa wikang Tagalog.
Maraming naisulat na akdang pampanitikan sa wikang
Tagalog tulad ng tula, sanaysay, kuwento, liham at talumpati upang
magising ang mga Pilipino.
Noong Nobyembre 1, 1897 sa pamamagitan ng Saligang
Batas ng Biak-na-Bato isinaad na “Ang Wikang Tagalog ang siyang
magiging wikang opisyal ng mga Pilipino.”
Itinadhana rin sa Artikulo 123 na ang ituturo sa
elementarya ay wastong pagbasa, pagsasalita at pagsulat ng wikang
opisyal na Tagalog at ang pangunahing simulain ng Ingles.

PANAHON NG AMERIKANO (1898-1990)


Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagbunsod ng
malaking pagbabago sa kalagayang pangwika sa Pilipinas.
Nagpatayo sila ng pitong pambayang paaralan sa Maynila at ang
naging unang guro ang mga sundalong Amerikano na nagturo ng
Ingles.
Noong Marso 4, 1900 alinsunod sa Pangkalahatang
Kautusan Blg. 41, si Kapitan Alberto Todd ay nagsagawa ng
mga hakbang tungo sa pagtatatag ng isang sistema ng
edukasyon. Narito ang kaniyang mga mungkahi:
* Pagtatag ng isang komprehensibong sistema ng edukasyon
* Paggamit sa wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo
* Pagpapatupad ng patakarang sapilitang pagpasok sa paaralan
Sa taong 1901 pinagtibay ng Philippine Commission sa
Bisa ng Batas 74 na gawing panturo sa mga paaralan ang
wikang Ingles.
Ang oryentasyon ng mga Amerikano sa Edukasyon ay
ang pagpilit sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
Malugod naman itong tinanggap ng mga katutubo dahil mabuti
ang pakikisama ng mga Amerikano at uhaw ang mga Pilipino sa
isang uri ng pag-aaral na liberal.

9
Bilang karagdagan, ang mga paksa sa paaralan sa
panahong ito ay tungkol sa Kulturang Amerikano, Literatura,
Kasaysayan, Pulitika at Ekonomiya.
Ipinagbawal ng mga Amerikano ang pag-aaral sa
anumang bagay sa Pilipino.
Nagkaroon ng alphabet (A is for Apple kahit walang apple
sa Pilipinas.)
Ang mga Lokal na produkto ay itinuring na baduy at
promdi samantalang ang mga imported ay hinirang na with class
o sosyal.
Pinaghalo rin ng mga Pilipino ang wikang English at
Tagalog kaya sumibol ang Enggalog o Taglish.
Nagkaroon ng Cebuano-English, Ilokano –English at
Carabao-English.
Sa taong 1925 batay sa sarbey na isinagawa ng Monroe
Educational Commission nakita na mabagal matuto ang mga
batang Pilipino kung Ingles ang Wikang Panturo sa paaralan.
Kaya noong 1932 ayon sa Panukalang Batas bilang 577
ginamit bilang wikang panturo sa mga paaralang primarya ang
mga katutubong wika mula taong panuruan 1932-1933.

PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN


1935-1942 (Komonwelt)
Ang misyon nina Quezon at Osmeña ay ang
pagpapahalaga sa importansya ng wikang pambansa.
Nilalayon din ng Edukasyon sa panahong ito ang
debelopment ng diwa ng pambansang pagkakaisa o nasyunalismo.
Naniniwala ang mga lider na mahalaga ang adapsyon ng
isang panlahat na pambansang wika.
Sa taong 1943 ay nagkaroon ng Kombensyong
Konstitusyonal na tinalakay ang problema sa wika at ang
pinakamahalagang tanong ay kung ano nga ba ang gagamiting
opisyal na wika?

10
Iminungkahi sa isinagawang deliberasyon ang mga sumusunod:
▪ Ingles ang dapat maging wikang Opisyal.
▪ Ingles at Español ang dapat maging wikang pambansa
▪ Tagalog ang dapat maging wikang opisyal
▪ Dapat magtatag ng Akademya ng Wikang Pambansa na ang
pangunahing tungkulin ay ang pag-aaral ng isang
pambansang wika
▪ Tagalog ang dapat maging pambansang wika
▪ Vernakular ang pambansang wika
▪ Magkaloob ng isang wikang pambansang na batay sa
diyalektong Tagalog
At batay sa mga mungkahi ay napagkasunduan nilang “Dapat
na katutubong Wika at hindi dayuhang Wika ang Wikang
Pambansa, at magpapatuloy bilang wikang opisyal ang
Ingles at Espanyol.”

Narito ang iba pang mga mahahalagang kaganapan sa


Panahong ito.
1935 – Saligang Batas ng 1935 (Art.Blg.XIV, s.3) – ang
kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at
pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na ibabatay sa mga
umiiral na katutubong wika sa kapuluan.
Nob. 13, 1936 – Batas Komonwelt Blg. 184 – Itinatag
ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) – Binigyan ng
kapangyarihang gumawa ng mga pag-aaral sa lahat ng mga
sinasalitang wika sa Pilipinas at magrekomenda ng
pinakamagaling na magiging batayan ng isang pambansang
wika. TAGALOG ang kanilang pinili.
Nob.9, 1939 – Isinumite ng mga miyembro ng surian kay
Pang. Quezon ang kanilang rekomendasyong Tagalog ang
gagamiting batayan ng wikang pambansa.
Dis.30, 1939 – Nagkabisa ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 – WIKANG TAGALOG ang gawing
batayan sa pagpili ng wikang pambansa.
Dis. 1939 – Nalimbag ang kauna-unahang Balarilang
Pilipino ni Lope K. Santos na kinalalang Ama ng Balarilang
Pilipino.
Abr.1, 1940- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263-
Pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at ang
Balarila ng Wikang Pambansa para magamit sa mga paaralan
sa buong kapuluan.
Hul.4, 1946 - Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570-
ang wikang pambansa ay sisimulang ituro bilang asignatura
mula unang baitang ng elementarya hanggang ika-apat na taon
sa sekondarya.

11
PANAHON NG HAPON (1942-1945)
Sa panahong ito sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Nasarado ang lahat ng mga Paaralan
Sa muling pagbubukas nito ipinagamit na wikang panturo
ang wikang katutubo. Sa pamamagitan ng paaralan ay
pinasimulan nila ang paglaganap ng ideolohiyang Hapones.
Ibig ng mga Hapones na malimutan ng mga Pilipino ang
wikang Ingles. Naging maunlad ang wikang pambansa at ang
panitikang Pilipino.
Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinalit
ang Wikang Pambansa at Niponggo.
Ang mga paksa ng pagtuturo ay tungkol sa pamumuhay
at kulturang Hapones, kasaysayan ng Silangang Asya, mga
awiting Pilipino at Hapones.
Naging aktibo si Pang. Jose P. Laurel sa paglahok sa
paghahanda ng bagong konstitusyong nagtakda ng ilang
reporma sa edukasyon.
Noong Nobyembre 30, 1943 batay sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 10 ay itinuro ang wikang pambansa mula
elementarya hanggang sa kolehiyo. At noong Enero 3, 1944 ay
binuksan ang isang Surian ng Tagalog na magtuturo ng tagalog
sa mga gurong hindi tagalog.
Walang kumontra sa mga panukala dahil takot ang lahat
sa mga Hapones.

PANAHON NG BAGONG REPUBLIKA (1946-1972)


Noong Hulyo 4, 1946 ayon sa Batas Komonwelt Blg. 570
isinaad na ang wikang pambansa ay isa nang Wikang Opisyal sa
Pilipinas.
Sa taong 1946, ang wikang pambansa ay tinawag na
“Wikang Pambansang Pilipino.”
Sa taong 1951 ang wikang pambansa ay tinawag na
“Wikang Pilipino.”
Noong Marso 26, 1954 ay nilagdaan ni Pang. Ramon
Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 13, ang Pagdiriwang Ng
Linggo Ng Wika tuwing Marso 29-Abril 4.
Noong Setyembre 23, 1955 batay sa Proklamasyon Blg.
186 ay inilipat ang petsa ng pagdiriwang sa Agosto 13-19.
itinapat ito sa kaarawan ng Pang. Quezon.
Noong Agosto 13, 1959 ayon sa Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 ang wikang pambansa ay tinawag na
“PILIPINO.”

12
Bilang karagdagan, sa taong 1970 ayon sa Resolusyon
blg. 70 ang wikang pambansa ay naging wikang panturo sa
antas elementarya.
Noong Hulyo 29, 1971 batay sa Memorandum Sirkular
488 inirekomenda ang pagdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.
Muling binuo naman ni Pang. Marcos ang Surian ng
Wikang Pambansa (SWP) at itinakda ang mga kapangyarihan nito.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN (1972-1985)


Sa taong 1972 ayon sa Saligang Batas ng 1972 (Art. XV,s.2-3) ang
Batasang Pambansa ay nagsagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang
tatawaging Pilipino at hangga’t di binabago ang batas, ang Ingles
at Pilipino ang mananatiling mga opisyal na wika ng Pilipinas.
Sa taong 1973 ayon sa Resolusyon Blg. 73-7 inilunsad ang
Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
Noong September 10, 1983 inaprubahan ng Constitutional
Commission ang pormal na pagpatibay ng Filipino bilang Wikang
Pambansa.

1986- KASALUKUYAN
Noong Oktubre 12, 1986 ay pinagtibay ang implementasyon
ng paggamit ng Filipino bilang pambansang wika.
Noong Enero 1987 ayon sa Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 117 ay pinalitan ang SWP ng LWP o Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas.
Noong Mayo 1987 ay inilabas ni Dr. Lourdes Quisumbing
(Kalihim ng Edukasyon) ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 32
na gagamit sa Filipino bilang wika ng literasi at English bilang wika
ng agham at teknolohiya.
Isinaad naman sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 ang
pagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng
ortograpiyang Filipino. Ito ay tinawag na “Ang Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.”
Noong Agosto 14, 1991 batay sa Batas Republika Blg.
7104 nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Noong Hulyo 15, 1997 ay nilagdaan ni Pang. Fidel V.
Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagpahayag sa taunang
pagdiriwang ng Buwan Ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-
31.

13
Ngayon, nananatili ang Filipino bilang wikang pambansa ng
Pilipinas.
Bilang paglalahat, ang Filipino ay ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga
panghihiramm sa mga wika ng Pilipinas at sa di-katutubong wika at
sa evolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para sa iba’t ibang
sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang
sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag. Inihango sa Resolusyon blg. 96-1 na Pinagtibay
noong Agosto 26, 1996 ng Lupon ng mga Komisyoner ng KWF
(Komisyon ng Wikang Filipino).

PAGSASANAY
Hanapin sa loob ng kahon ang tiyak na kapanahunan na tinutukoy ng bawat bilang. Titik
lamang ang isulat sa isang malinis na papel.

A. Katutubo B. Tsino C. Kastila D. Propaganda at Himagsikan


E. Amerikano F. Malasariling Pamahalaan G. Hapon
H. Bagong Republika I. Bagong Lipunan J. 1986 - Kasalukuyan

_____ 1. Inukit sa mga banga ang mga simbolong kumakatawan sa paraan ng pagsusulat.
_____ 2. Namulat ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino.
_____ 3. Pumunta sa Pilipinas na may layuning makipagkalakalan.
_____ 4. Hindi nila itinuro ang kanilang wika sa halip sila ang nag-aral ng wika ng mga
katutubo.
_____ 5. Ang wikang pambansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino.
_____ 6. Napagkasunduan na dapat katutubong wika at hindi dayuhang wika ang wikang
pambansa at magpatuloy bilang wikang opisyal ang Ingles at Espanyol.
_____ 7. Nagkaroon ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino.
_____ 8. Inilunsad ang Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
_____ 9. Ipinagbawal ang pag-aaral ng anumang bagay tungkol sa Pilipino.
_____ 10. Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinalit ang wikang pambansa
at Niponggo.
_____ 11. Itinalaga ang Filipino bilang wika ng literasi at English bilang wika ng agham at
teknolohiya.
_____ 12. Naitatag ang Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto.
_____ 13. Nalimbag ang Aklat Gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.
_____ 14. Nilagdaan ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29-Abril 4.
_____ 15. Natuklasan na mabagal matuto ang mga batang Pilipino kung Ingles ang wikang
panturo sa paaralan.

14
Magaling!

Ngayong tapos ka na ay maaari mong ihambing ang iyong mga sagot gamit
ang Susi ng Pagwawasto sa likurang bahagi ng modyul.

Pagyamanin

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalaman ng gawain para


sa iyong malayang pagsasanay upang mas mapagyaman pa ang
iyong pag-unawa at kasanayan sa paksa.

Gawain: Pagbibigay ng Sariling Pananaw

Panuto: Sagutin ang mga katanungan nina Binibini at Ginoong Wika sa pamamagitan ng
pagbibigay ng iyong sariling pananaw. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel. Gawing
gabay ang pamantayan sa pagmamarka sa susunod na pahina.

1. Paano mo mapatunayan na 1. _________________________


nagkaroon ng sinaunang paraan ng ___________________________
pagsusulat ang mga Pilipino? ___________________________
2. Bakit ayaw ituro ng mga Kastila 2. _________________________
ang wikang Espanyol sa mga ___________________________
Pilipino? ___________________________
3. Paano ipinakita ng mga Pilipino
3. _________________________
ang kanilang pagkamulat sa
___________________________
panahon ng propaganda at ___________________________
himagsikan?

4. Anong masamang ugali ang nabuo 4. _________________________


sa mga Pilipino sa panahon ng ___________________________
Amerikano? Magbigay ng ___________________________
Halimbawa. 5. _________________________
5. Bakit mahalaga ang magkaroon ng ___________________________
isang wikang Pambansa? ___________________________

15
Upang iyong lubos na masuri ang kaangkupan ng iyong mga kasagutan sa gawain sa
naunang pahina, tingnan ang Susi ng Pagwawasto na makikita sa likurang bahagi ng modyul
na ito. Kung may kawastuhan ang iyong mga kasagutan ay maaari ka nang magpatuloy sa
susunod na mga bahagi.

Pamantayan sa Pagmamarka sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

Pamantayan Puntos

• Kalinawan sa ibinigay na pananaw 4

• Kaangkupan ng pananaw 4

• Kaayusan sa paggamit ng pahayag, salita, 2


baybay, bantas at iba pa.
KABUUAN 10

Isaisip

Sa bahaging ito nakapaloob ang mga gawain o pagsasanay


upang maisaisip mo ang mga natutuhan mula sa aralin.

Gawain 1: Paggawa ng Timeline

Batay sa napag-aralang Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ay gumawa


ng isang timeline ukol dito.

Ang gagawing timeline ay dapat nagpapakita ng mahahalagang kaganapan sa pag-


unlad ng wikang pambansa. May kalayaan ka sa paglikha ng ibang disenyo ukol dito. Gawin
ito sa isang malinis na papel.

Gawing gabay ang makikitang pamantayan sa pagmamarka sa susunod na pahina.

16
Halimbawang Timeline sa Kasaysayan at Pag-unlad ng wikang Pambansa.

Katutubo Hapon
Malasariling
_________________ Pamahalaan _________________
_________________ _________________
_________________ __________________ _________________
_____________. ________________. _____________.

Tsino Amerikano
Bagong Republika at
__________________ _________________ Bagong Lipunan
__________________ _________________
__________________ _________________ __________________
__________. _____________. ________________.

Kastila Kasalukuyan
Propaganda at
___________________ Himagsikan _________________
___________________ _________________
___________________ __________________ _________________
_______. ____________. _____________.

Pamantayan sa Pagmamarka para sa Gawain 1

Pamantayan Puntos
• Kalinawan ng konsepto 3
• Kaangkupan ng mga ibinigay na 3
kaganapan
• Pagkamalikhain / palamuti 2
• Tamang paggamit ng mga larawan, 2
simbolo, salita, baybay, bantas atbp.

KABUUAN 10 puntos panahon

Gawain 2: Pagpipili ng Kapanahunan

Sa lahat ng mga inilahad na mga kapanahunan sa pagbuo ng wikang pambansa,


alin doon ang sa tingin mo ang nagbibigay ng pinaka-malaking ambag sa pag-unlad ng
wikang pambansa? Magbigay ng mga patunay.
Gawing gabay ang pamantayan ng pagmamarka na makikita sa susunod na
pahina.

17
Pamantayan sa Pagmamarka para sa Gawain 2

Pamantayan Puntos
• Kalinawan ng Nilalaman 4
• Kaangkupan ng mga ibinigay na halimbawa 3
• Tamang paggamit ng mga salita, baybay, bantas 2
atbp.
• Kalinisan (Walang mga pagbubura) 1
KABUUAN 10

Ngayon ay ihambing ang iyong mga kasagutan sa posibleng mga sagot na


matatagpuan sa Susi ng Pagwawasto na makikita sa likurang bahagi ng modyul na ito.
Kung may kawastuhan ang iyong mga kasagutan ay maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na mga bahagi.

Isagawa

Ang bahaging ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisagawa ang bagong kaalaman at kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Gawain: Paggawa ng Poster

Ang Wikang Filipino ay dumaan sa napakaraming pag-aaral at pagsusuri ng mga


dalubwika. Hindi ito basta-bastang inihalal bilang pambansang wika ng Pilipinas. Nararapat
lamang na bilang isang Pilipino ay bibigyang pugay rin natin ito kasabay ng paggalang natin
sa iba pang mga pambansang simbolo.

Kaya bilang pagbibigay-pugay sa wikang Filipino, sa isang malinis na papel gumawa


ng isang poster tungkol sa temang “Wikang Filipino, saludo ako! Mula noon hanggang
ngayon.”

Gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka.

18
Pamantayan sa Pagmamarka para sa Paggawa ng Poster

Pamantayan Puntos
• Kalinawan ng Konsepto 30
• Kaugnayan sa tema 30

• Pagkamalikhain (Husay sa pagguhit at 30


Pagkamakulay)
• Kabuuang Impak 10
Kabuuan 100

Ngayong natapos mo na ang iyong poster, tiyak na mayroon ka nang maraming


nakaimbak na kaalaman hinggil sa araling ito. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na
bahagi.

Tayahin

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi
kaya basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem upang
maibigay ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa isang
malinis na papel.

1. Ano ang kahulugan ng SWP?


A. Simula ng Wika sa Pilipinas C. Simula ng Wikang Pambansa
B. Surian ng Wika sa Pilipinas D. Surian ng Wikang Pambansa
2. Ano ang katawagan sa wikang pambansa noong 1951?
A. Wikang Filipino C. Wikang Tagalog
B. Wikang Pilipino D. Wikang Vernakular
3. Anong wika ang ginamit ng mga prayle sa pagtuturo ng Katekismo?
A. Espanyol B. Filipino C. Katutubo D. Latin
4. Ano ang tema ng mga panitikan sa panahon ng kamulatan?
A. Paghihimagsik B. Pagmamakaawa C. Pagpupuri D. Pasasalamat
5. Anong wika ang isinaad sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato na maging wikang opisyal ng
mga Pilipino?
A. Katutubo B. Tagalog C. Tausog D. Waray

19
6. Sino ang naging unang guro ng mga Pilipino sa panahon ng Amerikano?
A. Ilustrados B. Iskolars C. Negosyante D. Sundalo
7. Ano ang ginamit bilang midyum ng pagtuturo sa panahon ng Amerikano?
A. Cebuano B. Filipino C. Ingles D. Tagalog
8. Sinong Kalihim ng Edukasyon ang nagpalabas ng kautusang gagamitin ang Filipino bilang
wika ng literasi at Ingles naman para sa agham at teknolohiya?
A. Lourdes Quisumbing C. Raul Roco
B. Onofre Corpuz D. Teodoro Evangelista
9. Sinong pangulo ang naglagda sa Proklamasyon blg. 13 na nagsasaad sa pagdiriwang ng
Linggo ng Wika tuwing Marso 29-Abril 4?
A. Jose P. Laurel C. Ramon D. Magsaysay
B. Manuel L. Quezon D. Rodrigo R. Duterte
10. Ano ang dahilan kung bakit kakaunti na lamang ang mga panitikan mula sa panahon ng
katutubo ang natitira sa kasalukuyan?
A. Ikinahihiya ito ng mga Pilipino C. Kinalimutan na ito ng mga Pilipino
B. Inukit ito sa nabubulok na bagay D. Sinunog itong lahat ng mga Kastila
11. Anong kabutihan sa wika ang naganap sa panahon ng Kastila sa kabila ng kanilang
pananakop sa bansa?
A. Nagkaroon ng relihiyon ang mga Pilipino
B. Nalinang ang mga rehiyunal na mga wikain
C. Natuto ang mga Pilipino ng wikang Espanyol
D. Nawala ang pagiging pagano ng mga Pilipino
12. Ano ang layunin sa pagkabuo ng Surian ng Tagalog?
A. Magtuturo ng Tagalog sa mga gurong hindi Tagalog
B. Magkaisa na gawing wikang pambansa ang Tagalog
C. Maghikayat sa mga Pilipino na magsalita ng Tagalog
D. Maglinang ng salitang katutubo para ilapat sa Tagalog
13. Bakit naging maunlad ang wikang pambansa at ang panitikang Pilipino sa kabila ng
pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Maraming mga manunulat ang gumawa ng akda hinggil sa digmaan
B. Nagkaroon ng kumbensiyon ng mga dalubwika at manunulat sa wika
C. Binigyang kalayaan ang Pilipino na paunlarin ang panitikan sa bansa
D. Sapilitang pinaggamit ang wikang pambansa para malimot ang Ingles
14. Paano pinapatibay at pinapaunlad ang wikang pambansa?
A. Pakikiangkop sa mga wikain sa labas at loob ng bansa
B. Pagsusuri sa mga kaligiran at katuturan ng lahat ng wika
C. Pagbabatay sa mga umiiral na katutubong wika sa bansa
D. Pananaliksik sa wikang nilikha ng iba’t ibang grupo ng tao
15. Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan at pag-unlad ng wikang pambansa?
A. Maisigaw sa lahat na ang mga Pilipino ay may kalayaan sa wika
B. Maipagmalaki ang pagka-Pilipino na mayroong sariling identidad
C. Mapahalagahan ang ginawang sakripisyo ng mga bayani sa bansa
D. Masusuri ang pait na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng dayuhan

Ngayong tapos ka na sa pagtataya, ihambing mo ang iyong mga sagot sa mga tiyak
na kasagutan ng pagsusulit na matatagpuan sa Susi ng Pagwawasto. Maging
makatotohanan sa pagwawasto upang makapagpatuloy ka sa susunod na bahagi ng modyul.

20
Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito ay may ibibigay sa iyo na panibagong


gawain upang mapaunlad ang iyong kaalaman at kasanayan sa
natutuhang aralin.

Gawain: Hugot at Pick-up Lines


Batay sa iyong mga natutuhan sa aralin, gumawa ng tig-iisang hugot at pick-up line
hinggil sa matinding pinagdaanan ng wikang pambansa mula sa panahon ng katutubo
hanggang sa kasalukuyang panahon. Isulat ito sa isang malinis na papel. Gawing gabay ang
pamantayan sa ibaba.

Hugot Line

____________________________________________________________________.

Pick-up Line

____________________________________________________________________.

Pamantayan sa pagmamarka

▪ Kaangkupan ng mga detalye ………………………………………50 puntos


▪ Kahusayan sa paggamit ng mga pahayag, salita , bantas atbp..40 puntos
▪ Kalinisan ng awtput …………………………………………………10 puntos

KABUUAN …………………………………………………………...100 puntos

Ngayong tapos ka na sa karagdagang gawain, ihambing ang iyong mga naging


kasagutan sa mga posibleng kasagutan na matatagpuan sa Susi ng Pagwawasto.

Magaling! Natapos mo nang mahusay ang modyul na ito. Binabati kita sa iyong
tagumpay. Nawa ay nagkaroon ka ng ganap na pagkatuto at napaunlad mo ang iyong mga
kasanayan.

21
22
Suriin (Pagsasanay)
1. A 9. E
2. D 10. G
3. B 11. J
4. C 12. D
5. H 13. C
6. F 14. H
7. J 15. E
8. I
Tuklasin
1. YABINBAY – BAYBAYIN
2. EBADERECIO – ABECEDERIO
3. ADABAKA – ABAKADA
4. BELAGAPOTN OLPIPINI – ALPABETONG PILIPINO
5. PATONGABEL NOLIPIFI – ALPABETONG FILIPINO
6. ERKUVANRAL – VERNAKULAR
7. GOGALAT – TAGALOG
8. GATSLIH – TAGLISH
9. GAWIKN OLPIINIP – WIKANG PILIPINO
10. LABIARLA – BALARILA
Subukin
1. B
2. C
3. D
4. A
5. C
6. A
7. D
8. B
9. D
10. B
11. D
12. A
13. B
14. D
15. C
Susi sa Pagwawasto
23
Isaisip (Gawain 2)
Tanong: Sa lahat ng mga inilahad na mga kapanahunan sa pagbuo ng wikang pambansa, alin doon ang
sa tingin mo ang nagbibigay ng pinaka-malaking ambag sa pag-unlad ng wikang pambansa? Magbigay ng mga
patunay.
May pinakamalaking ambag sap ag-unlad ng wikang pambansa ang Panahon ng Propaganda at
Himagsikan dahil sa panahong ito samu’t saring mga likhang sining ang yumanig hindi lamang sa Pilipinas pati
na rin sa buong mundo. Kabilang sa mga likhang sining na ito ay ang mga guhit, pinta, iskultura at higit sa lahat
ang mga akdang pampabitikan. Lahat ng mga nabanggit ay may iisa lamang na layunin, ang isiwalat ang
karahasang pinaggagawa ng mga Kastila sa Pilipinas. Layunin nila na magising ang mga Pilipino at makipaglaban
para sa kalayaan ng bansa. Sa huli, naging matagumpay naman ang kanilang mga ginawa at nakamit ang
minimithing kasarinlan.
Isaisip (Gawain 1)
Pagyamanin
1. Natuklasan ang mga sinaunang simbolo na ginamit sa pagsusulat ng mga sinaunang tao sa mga nahukay na
banga.
2. Natatakot silang malamangan ng mga Pilipino. Kapag marunong nang magsalita ng Espanyol ang mga
Pilipino baka magsumbong sila sa Espanya at malaman nito ang mga kabulastugang ginagawa ng mga Kastila
sa Pilipinas.
3. Bukod sa pakikipagdigma, nagsulat ang mga ilustrados ng mga akdang makabayan gaya ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal.
4. Nagiging makamunod ang mga pinoy. Nawala ang kanilang ugaling pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
at mas pinapahalagahan nila ang mga produktong dayuhan.
5. Mahalaga ang magkaroon ng sariling wika sapagkat ito ay susi ng pagkakaunawaan ng lahat ng mga tao sa
buong kapuluan at ito rin ang patunay na mayroon tayong sariling identidad.
24
Tayahin
1. D
2. B
3. C
Karagdagang Gawain 4. A
Hugot Line: 5. B
“Sanay wikang pambansa nalang ako para minsan naman ay ipaglalaban 6. D
mo!” 7. C
Pick-up line:
8. A
Wikang Pambansa ka ba? 9. C
Baket? 10. D
Kase, gagawin ko ang lahat umunlad ka lang! 11. B
12. A
13. D
14. C
15. B
Sanggunian

Elnar, Ritchel, Arlene L. Decipolo,. 2017. Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at


Kulturang Pilipino: Sanayang Aklat. Negros Oriental Division.

Leyson, Lededica D. Romeo S. Macan, Godfrey G. Montera, Avita A. Perez, Geraldine C.


Rebamonte, Rowena C. Largo. 2005. Sining ng Pakikipagtalastasan. Cebu City.

Nuncio, Rhoderick V. , Nuncio, Elizabeth M. 2016. Sidhaya 11: Komunikasyon at


Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: C & E Publishing.

Taylan, Dolores R. , Jayson D. Petras, jonathan V. Geronimo. 2016. Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Manila: Rex Book Store.

Mga Larawan

2006. wikipedia.org. January 21. Accessed July 13, 2020.


https://tl.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Baybayin_alpha.jpg.

Taraya, Wendell. 2019. facebook.com. June 27. Accessed July 4, 2020.


https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2610504382295619&set=pcb.261050472
2295585&type=1&theater.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

26

You might also like