You are on page 1of 24

Pagtukoy at pagtanggap ng

mga pagbabago sa sarili


Mrs. Liza u. Pasco
Ap/esp teacher
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa
a. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa
aspektong: (a) pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad, (b) papel sa
lipunan bilang babae o lalaki, (c) asal sa pakikipagkapwa at sa lipunan, at (d) kakayahang
makagawa ng maingat na pagpapasya
b. Natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
c. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:
• pagkakaroon ng tiwala sa sarili
• paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa
paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-aasawa / pagpapamilya), at
• pagiging mabuti at mapanagutang tao
 Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
 Gawain:Panuto: Upang mas maunawaan
natin ang iyong tinatahak bilang nasa
baiting ika-7, suriin ang pangungusap
kung ito ay (√) Ako Ngayon o (X) Hindi
pa nararanasan.
 1. Paborito kong magbasa
 2. Nahihilig ka na sa pag aalaga ng halaman
 3. Hindi ako mapalagay pag walang cellphone
 4. Ayaw mo kalaro ang iyong kapatid
 5. Sumusunod ka sa covid-19 health protocols
 6. Mas nais mong makapaglaro sa mga mas bata pa sa iyo
 7. Nagbibigay ng tamang solusyun sa problema ng pamilya
 8. Nadadalas ang pagharap sa salamin
 9. May pagbabago sa iyong katawan
 10. Humahanga sa ibang kasarian
Pagbabago sa sarili, pakikipag-ugnayan at
pakikipagkaibigan
Ang kabataang kagaya mo ay nakararanas ng
iba’t-ibang pagbabago sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata. Ang mga
pagbabagong iyon ay normal na nagaganap at
dapat na maganap sa isang kagaya mo. Ano ba
ang pagbabago sa sarili? Ano-ano ang ilan sa
mga patunay na ang isang nagdadalaga at
nagbibinata ay nagkakaroon ng pagbabago sa
iba’t-ibang aspekto?
Pagbabago sa sarili- ito ang mga bagay na nagaganap sa iba’t-
ibang aspekto ng sarili sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

Mga ilang patunay na ang isang nagdadalaga at nagbibinata


ay nagkakaroon ng pagbabago sa iba’t-ibang aspekto ng sarili:
1. Pangkaisipan
• Nagiging bukas sa pakikipgapalitan ng kuro-kuro o kaalaman sa iba
• Mas mabilis maalala ang mga bagay-bagay
• Nakapagbibigay ng nararapat na rason para sa mga kaisipan
• Nakagagawa ng tunguhin sa hinaharap
• May sariling paniniwala
2. Panlipunan
 Mas nakapagsasabi ng sikreto sa kaibigan kaysa sa magulang

 Mas ninanais na makasama sa maramihang kaibigan at nababawasan


ang pagnanais na sa iisang kaibigan lamang mapalapit
 Hindi masyadong nagpapakita ng pagmamahal ang mga lalaki

 Hindi masyadong malalapit sa mga nakababatang kapatid

 Ang mga kabataang babae ay mas nagnanais na mapalapit sa katulad


na kasarian
 Karaniwang hindi maunawaan ang dahilan ng paghihigpit ng
magulang
3. Pandamdamin
 Nagiging mas mabilis magalit na naipupukol sa mga
nakatatanda ang ikinagagalit
 Mas malay sa kanyang pisikal na kaanyuan gayundin sa
mga grado sa paaralan
 Iniisip ang kasikatan ng iba pang mga kagayang
kabataan
 Mas nagnanais na mapag-isa

 Nakapag-iisip ng malalim

 Nagkakaroon ng paghanga sa ibang tao.


4. Moral

 Nauunawaan ang tama at mali  Nakapag-


iisip kung tama o mali ang isang
pagpipilian
 May kakayahang makitungo ng patas at
makatarungan
 Nagaalala sa kalagayan ng kapwa
 Nakapagpapasiya ng naaayon sa tama at
Mabuti
5. Ispiritwal

 May kakayahang makipag-ugnayan sa


Diyos
 May paniniwala sa manlilikha
 Bukas ang isip sa mga bagay patungkol
sa Diyos
 Sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata ay may mga nararapat
at inaasahang kakayahan at kilos na
dapat na mapaunlad upang
magkaroon ng maayos na pakikipag-
ugnayan sa kapwa. Ano ba ang
Pakikipag-ugnayan?
Pakikipag-ugnayan- ito ay ang
ating pakikipag-interaksyon o
pakikipagkonekta natin sa
ibang tao na may layunin na
makapagpapaunlad sa bawat
isa.

 May inaasahang kakayahan at kilos na dapat mapaunlad


ayon kay Havighurst (Hurlock, 1982, p.11). Ito ay ang mga
sumusunod:
 Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
(more mature relations) sa mga kasing edad
Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o
lalaki
 Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat
ng tamang pamamahala sa mga ito
 Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa
 Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya
 Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
 Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay
sa mabuting asal
 Tunay na masarap mabuhay ng may
maayos na pakikipag-ugnayan sa
kapwa at higit pa doon ay ang
pagkakaroon ng kaibigan na
makakasama sa lahat ng panahon.
Ano nga ba ang pakikipagkaibigan?
Pakikipagkaibigan-
ito ay ang malalim na
ugnayan sa isang tao
na napapalooban ng
pag-ibig at malasakit
at may layunin na
magtulungan at
magdamayan sa
ikatatagumpay ng
bawat isa.
Ilan sa mga elemento na makatutulong sa
pagpagkakaroon ng matatag na pakikipagkaibigan:

 Pagtitiwala
 Katapatan
 Bukas na Komunikasyon
 Pagmamalasakit
 Pagtutulungan/Pagdadamayan
Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, may walong inaasahang
kakayahan at kilos na dapat malinang ayon kay Manuel Dy (Hurlock,1982,
p.11). Ang mga ito ay ang sumusunod:

 Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature


relations) sa mga kasing edad

 Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki

 Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang


pamamahala sa mga ito.

 Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa


 Pagkakaroon ng kakayahang makagawa
ng maingat na pagpapasya
 Paghahanda para sa paghahanapbuhay

 Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga


(values) na gabay sa mabuting asal.
 Paghahanda para sa pag-aasawa at
pagpapamilya na iyong haharapin sa
yugto ng pagdadalaga/pagbibinata.
 Gawain. Panuto: Tukuyin kung anong aspeto
ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat ang
letra ng napiling sagot.
Pamimilian:
a) kung Pangkaisipan
b) kung Panlipunan
c) kung Pandamdamin
d) kung Moral.
e) Kung Ispiritwal
1. Laging sinasabi mo na si nanay ang may
kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong tatay.
2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya
ng mga awitin at tula.
3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o
barkada kesa sa iyong mga kapatid.
4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya
kapag mayroong munting suliranin.
5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.
6. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat
.
7. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.
8. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong
mga kapitbahay lalo nasa panahon ng kalamidad at
sakuna.
9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong
pag-aaral.
10. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may
itinuturing ka ring “bestfriend”.
11. May paghanga ka na sa isang tao.
12. Ayaw mo na may lamangan lalo na sa iyong
mga kapatid, nais mo ay pantaypantay na
pagtingin.
13. Nagiging madasalin at malaki takot sa Diyos.
14. Nagiging mahusay ka na sa
pakikipagtalastasan at pagbibigay mungkahi.
15. Mas nakagagawa ka ng iyong mga gawain
kapag nag-iisa lamang
sagot
1.Moral 8. Moral
2.Pangkaisipan 9. Pangkaisipan
3.Panlipunan 10. Panglipunan
4.Moral 11. Pandamdamin
5.Pandamdamin 12. Pandamdamin
6.Pangkaisipan 13. Pang Ispiritwal
7.Pangkaisipan 14. Pangkaisipan
15. Pandamdamin

You might also like