You are on page 1of 15

Aralin 1: Alamin ang

Kaaya-ayang
Pagbabago
❑ Bakit mahalaga ang
pagkilala sa
ating sarili?
❑May pagbabago ba
sa iyong sarili?
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
• Natutukoy ang mga pagbabago sa
kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9
hanggang kasalukuyan sa aspetong:

a. Pagkikipag-ugnayan (more mature relations)


b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pamantayan sa pakikipagkapwa
d. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng
maingat na pagpapasya
□Ang tiwala sa sarili ay isang birtud kung saan
kinikilala at tinanggap ng isang tao ang
kaniyang kakayahan tungo sa kaniyang pag-
unlad. Sa isang tinedyer na katulad mo,
mahalagang malinang nang husto ang tiwala sa
sarili.
□Ngayon, higit kaianman sa iyong buhay,
kailangan mong tanggapin, linangin at patatagin
ang tiwala mo sa iyong sarili. Tanggapin mo
ang iyong sarili na mayroon kang kalakasan at
mayroon ka ring kahinaan, na sa pagdating ng
panahon ay mapalalakas mo rin.
• Sa panahong ito ng iyong pagdadalaga o pagbibinata,
marami kang dapat malaman, maunawaan at
matutuhan upang magkaroon ng tiwala sa sarili,
katulad ng:
1. Pagbabago sa Pisikal na Kaanyuan
2. Pag-unlad ng Emosyon
3. Papel sa Lipunan
4. Mapanagutang Asal sa Kapuwa at
Lipunan
5. Paggawa ng Pasiya
1. Pagbabago sa Pisikal na
Kaanyuan
•Ang pagbabago sa pisikal na kaanyuan ay
madaling makita sa isang tinedyer.
• Nagbabago ang kaniyang pangangatawan, taas
at timbang. Hindi lamang ang kaniyang
panlabas na anyo ang nagbabago kung hindi
maging ang kanyang kalamnan.
• Ang ilang piling bahagi ng kaniyang katawan
ay lumalaki. Ang kanyang pisikal na pag-unlad
ay mula sa kapanganakan hanggang pagtanda.
2. Pag-unlad ng Emosyon
• May mga pnahon na pabago-bago ang iyong emosyon.
Kung minsan nararamdaman mong ikaw ay minahal at
tinatanggap. Kung minsan ay nararamdaman mo na
ikaw ay masaya, masigla at matagumpay.
• Kapag may positibo kang naririnig tungkol sa iyo, ito
ang nagpapalakas ng iyong loob.
• May pagkakataon din na malungkot ka at
nararamdaman mo na parang walang nagmamahal sa
iyo. Subalit habang tumatanda ka, nagiging matatag
na ang iyong emosyon. Nakararanas ka rin paminsan-
minsan ng pagbabago ng emosyon ngunit hindi
kasindalas ng nararanasan mo ngayon.
3. Papel sa Lipunan
• Bagama’t bata pa ay mayroon na ring
mga inaasahang magagawa ang mga
tinedyer na katulad mo para sa lipunan.
• Ang mga simpleng pagtulog ng katulad mo
sa mga gawaing pampamayanan ay may
malaking epekto para sa kabuuan. Ito ay
isang pagsasanay na mas marami pang
responsibilidad na maaari mong gampanan
sa hinaharap.
4. Mapanagutang Asal sa Kapuwa
at Lipunan
• Ang bawat tao ay may mga
pamantayang sinusunod sa
pakikipagkapwa.
• May mga inaasahang takdang-asal sa
mga tao anman ang edad. Nararapat
kumilos na naaayon sa kanyang edad.
5. Paggawa ng Pasiya
• Kailan ka huling gumawa ng pasiya?
• Ano-ano ang iyong naging karanasan ukol
dito?
• Ang pagkakaroon ng kasanayan sa
pagpapasiya ay pundasyon ng
pagkkakaroon ng tiwala sa sarili.
Hinuhubog din nito ang pagiging
responsable ng mga tinedyer na tulad mo.
• Ang mga pagbabagong nararanasan ng
isang nagdadalaga o nagbinatang tulad
mo ay may kaakibat ring mga
pagbabago sa mga bagay na inaasahan
sa iyo ng iyong pamilya at ng lipunang
iyong kinabibilangan.
Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos ng
Nagdadalaga o Nagbibinata
a. Pakikipag-ugnayan sa kapuwa Tinedyer-ang
pakikipagkapwa sa kasing-edad ay nakapagpapasaya sa
mga nagdadalaga/nagbibinata

b. Papel na Gagampanan sa kapuwa at lipunan- Dapat na


malaman at maunawaan ang papel na gagampanan sa
pamilya na angkop sa babae at lalaki

c. Pagbabasa Katawan- Tanggapin ang mga pagbabagong


nagaganap sa katawan at ang wastong pamamahala nito
Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos ng
Nagdadalaga o Nagbibinata
d. Sariling Pagpapasiya- Matutong sumangguni sa mga
nakatatanda na makapagbibigay payo bago gumawa ng
sariling pagpapasiya.

e. Mapanagutang-asal- Ang iyong bawat kilos ay may


kaakibat na pananagutan. May mga pagkakataong ang
iyong pasiya ay hindi maganda ang nagiging bunga.
Maluwag mong tanggapin ang pananagutang ito.
“ Ang kabataang mat tiwala sa
sarili ay nakagaganap ng may
buong kakayahan at sandigan ng
lipunan sa kinabukasan.”
Sagutin ang mga katanungan:
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili?
Paano mo malilinang ang tiwala sa sarili?
2. Ano-ano ang kakayahan at kilos na inaasahan sa mga
nagdadalaga o nagbibinata?
3. Ano ang kahalagahan ng mapanagutang asal sa iyong
pakikipagkapwa-tao?
4. Paano mo tinatanggap ang mga pagbabagong pisikal,
emosyonal at intelektuwal na nararanasan mo sa
kasalukuyan?
5. Bakit ,mahalagang malinang ang mga inaasahang
kakayahan at kilos?

You might also like