You are on page 1of 14

Benepisyo ng

Hanapbuhay sa Ibang
Bansa, Tanggapin Natin
❑Maraming Pilipino ang patuloy pa ring
nangingibang-bansa upang mabigyan ng
magandang bukas ang kanilang pamilya.
Maraming hatid na benepisyo ang
pagpapadala ng pera ng mga OFW sa ating
bansa. Ang perang kanilang ipinapadala ay
direktang napakikinabangan ng kanilang mga
kapamilya. Ito’y ginagamit upang matugunan
ang kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan sa pagpapabuti ng buhay ng
pamilyang Pilipino.
❑Ang perang natatanggap ng pamilyang Pilipino
mula sa kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa
ay magagamit nila upang linangin ang kanilang mga
talento sa hinaharap. At kapag kumikita na ang
isang indibidwal, malaki ang maiaambag niya sa
lipunan at sa ekonomiya ng bansa.
❑Hindi dahil maikakaila na ang paghahanapbuhay
ay ibang bansa ang nagiging dahilan upang
umunlad ang buhay sa Pilipinas. Kaya’t ang mga
kabataang may pangarap na paunlarin ang buhay
ng kanilang pamilya ay patuloy na nangangarap na
makarating sa ibang bansa upang doon
maghanapbuhay.
❑Ang OFW (Overseas Filipino Workers) remttance o
nananatiling mahalagang pinagkukunan ng puhunan ng
bansa ayon kay National Economic Development
Authority (NEDA) National Planning and Policy
Staff(NPPS) Director Rosemarie Edillon. Ayon sa
kaniya, ang tuluyang hindi pagdepende sa mga padala
ng OFW ay masasabing isang ambisyosong hakbang.
Sa katunayan, ang mga padala mula sa ibang bansa
ay mahalagang bahagi ng ekonomiya ng bansa, kahit
maunlad na, papaunlad o kahit anong yugto ng
ekonomikong kaunlaran. Hindi makatatayong mag-isa
ang bansa nang walang perang nagmumula sa OFW
dahil sa mahalagang gampanin nito sa ekonomikong
paglago na nakararating sa masa at kanilang
nadarama.
❑Kinokonsidera ng gobyerno ang mga padala ng OFW
bilang mahalang pagkukunan ng pagpapalago
pantao(human capital) sapagkat ang mga padalang ito
ay napupunta sa mga pamilya na ginagamit upang
tugunan ang mga pangangailangan sa pagkain, tirahan
at edukasyon.
❑Dagdag pa ni Edillon na dahil sa mga padala ng OFW,
ang pandaigdigang reserba ay nasa komportableng
lebel na nangangahulugang hindi masyadong apektado
ang bansa sa mga panlabas na panganib, hindi gaanong
pagdepende sa puhunan galing sa dayuhan at
pagkakaroon ng mas maraming pera upang mabayaran
ang mga utang ng bansa at mga inaangkat nito.
❑Binigyang-diin din ni Finance Undersecretary
Gil S. Beltran sa kaniyang talumpati sa “The
Inclusive Development and Migration Forum
2015’, ang mga kontribusyon ng mga
migranteng manggagawa sa pagpapbuti ng buhay
ng kanilang pamilya gayundin ng kanilang
komunidad at ng pambansang ekonomiya.
❑Sa Pilipinas, ang pagdaloy ng mga padala ay
may mahalagang gampanin sa ekonomiya.
Naging daan ito sa pagtaas ng antas ng
pambansang pag-iimpok sa domestikong puhunan
at ng akumulasyon ng dayuhang reserba.
❑Pinagtitibay nito ang kasalukuyang posisyon sa
pananalapi at pinahihintulutang makayanan ang
pagbago-bagong kondisyon ng pambansang ekonomiya.
❑Dagdag pa rito, napaigi nito ang pamantayan ng
pamumuhay ng mga pamilyang tumatanggap ng pera.
Naging daan ito upang mapalago ang nasa panggitnang
uri o middle class, na lumilikha ng lumalagong market
para sa mga bilihin at serbisyo.
❑Gayundin, ang perang galing sa mga migranteng
manggagawa ay nakapagbunga ng industriya na
nagbunsod ng paglikha ng kayamanan gaya ng
pamamahala ng pondo at mga pagmamay-ari ng lupa
para sa nadedebelop na middle class.
❑Malaking bahagi ng mga ipinapadala ng mga OFW ay
napupunta rin sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.
Makatutulong ito upang makapag-aral sila sa
magandang paaralan.
❑Bilang resulta, nakapagbibigay ito ng magandang
oportunidad na makapaghanap sila ng magandang
trabaho sa hinaharap.
❑Kaya naman, mahalagang sa murang gulang ng mga
bata ay maikintal na sa kanila ang magandang
kaugalian ng pagtitipid. Kailangang masanay silang
magtabi upang kapag sila’y nangailangan, mayroon
silang madudukot. Mahalagang maunawaan nila na
ang pera y mahirap kitain at dapat na maging
matalino sa paggastos nito.
❑Ang mga programa sa kaalamang pampinansyal sa
mga OFW at sa pamilya ay makatutulong upang ang
mga kinikita nila sa ibang bansa ay mapunta sa
tamang pamumuhunan.
❑Ang natalakay na ilang epekto ng pagpapadala ng
manggagawang Pilipino o OFW sa ibang bansa ay
mahalagan malaman natin. Ito ay upang magkaroon
din tayo ng malasakit sa kanilang sitwasyon at para
sa ating pamahalaan ay magbalangkas ng mga
hakbangin upang ang ating mga OFWs ay
maprotektahan ng interes. Ilan sa mga hakbang sa
kasalukuyan ng ating pamahalaan ay ang
pagbalangkas ng batas ukol sa ating OFWs.
❑Ang batas na tinutukoy ay ang RA 8042 o mas kilala na
Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Ilan sa layon
ng batas na ito ay ang mga sumusunod:
❖Pagsiguro sa maayos na pagpapadala ng mga OFWs at ang
pagbabawal sa pagpapadala ng ating kababayang manggagawa
kung kinakailangan
❖Pagbibigay ng legal at iba pang maaaring tulong na kailangan
ng mga OFWs.
❖Pagpaparusa sa mga tinatawag na “illegal recruiters” na
bumibiktima sa ating mga manggagawa
❖Pagsisiguro na pangunahin sa tungkulin ng Kagawaran ng
Ugnayang Panlabas ang pagbibigay-atensiyon sa kapakanan,
proteksiyon sa dignidad at mga karapatan ng mga Pilipino sa
ibang bansa.
❑Ang ilang probisyon ng batas na nabanggit ay
kumikilala sa malaking ambag ng ating mga
manggagawang Pilipino sa ating bansa partikular
sa ating ekonomiya. Marami pang mga batas na
binuo ang ating pamahalaan upang mas
mapalawig pa ang saklaw ng proteksiyon ng
pamahalaan sa ating mga kababayang
nagtatrabaho sa ibang bansa.
❑Ilan sa mga programang nabuo upang makapagbigay ng
oportunidad sa mga anak ng migrante at multikultural na
pamliya sa Pilipinas, Japan at Korea ay ang mga sumusunod:
❖Ang Ugnayan at Tulong Para sa Maralitang Pamilya
Foundation, Inc.(UGAT) isang samahan na nakatuon sa
pagtulong sa mahihirap na pamilya upang matugunan ang
kanilang sosyal, sikolohikal, emosyonal at espiritwal na
pangangailangan.
❖Ang Anak o Anak ng Nangingibang-bansa Aruga at Kaagapay
ay isang programa ng pagbubuo ng wastong kaugalian para sa
mga anak ng OFW upang mapag-usapan ang kanilang mga
pakiramdam, ang kanilang mga karanasan bilang mga naiwang
kasapi ng pamilya at maunawaan kung paano makakayanan
ang kanilang sitwasyon.
❑Ang Mindanao Migrants Center for Empowering Actions,
Inc.(MMCEAI) ay isang non-government organization na
nakabase sa Davao na tumutulong sa mga OFW at sa
pamilyang may pangangailangang legal, sikolohikal at
sosyal. Gayundin sa mga naghahanap ng
mapagkakakitaan at serbisyong pansuporta sa kanilang
kabuhayan at kapakanan.
- ang MMCEAI, sa pamamagitan ng kanilang programang
ANAK OFW, ay nagsasagawa ng mga pagtitipon, summer
camps at iba pang pagdiriwang sa pakikipagtulungan ng
mga lokal na paralan at komunidad bilang paraan upang
makatulong sa mga anak OFW.
Sagutin ang mga Katanungan:
1. Ano ang mga benepisyo ng pagtatrabaho
sa ibang bansa sa lipunan? ekonomiya? at
Pamilya?
2. Ano-anong mga suliranin ng mga OFW
ang nararansan nila sa ibang bansa?
3. Paano kaya maiwasan ng mga OFW ang
mga masamang nasumapit nila sa ibang
bansa?

You might also like