You are on page 1of 3

Gawain 3: Pagkilatis sa Isang Maikling Kuwento (Trio Work)

Altapa, Princess Farida Ann


Gonzales, Fatima
Marcos, Arra Myrna
BSED 2B

Pamagat: Dosage of Serotinin ni inksteady

Isulat mo man ang iyong mga kuwento para sa iyong sarili o ibahagi ito sa malawak na
madla, ang malikhaing pagsulat ay ginagawang mas magandang lugar ang mundo. Mula sa
maikling kuwento na aming nabasa ay masasabi naming ito ay malikhain. Dahil ang kuwentong
ito ay may diin sa emosyon ng mga karakter, isang malayang pagsasalaysay ng mga emosyon ng
walang sinusunod na teknikalidad pagdating sa gamit ng mga tuldok, kuwit at iba pa. Kahit ang
pagpapalit ng pananaw mula sa pangatlong panauhan na pananaw papuntang pananaw ng unang
tao.

Ang kuwento na aming nabasa ay maganda at maraming aral na mapupulot. Hindi lamang
sa takbo ng kuwento makikita ang kagandahan, kundi pati na rin ang mga karakter na may
character development na nangyayari, ang mga palitan ng mga salita ay hindi lamang basta-basta.
Malalaman at pinag-isipan talaga ang bawat letrang itinitipa ng manunulat sa kanyang ginawang
kuwento. Ito ay naiiba mula sa ibang kuwento na nakapokus lamang sa pagmamahalan, walang
mapipintas mula sa karakter dahil perpekto na at yung problema napaka-common. Sa kwentong
ito, inilalarawan ang totoong buhay ng magkasintahan. Walang perpektong relasyon, lahat ay
nagkakamali, negatibong ugali, ang pagkakaroon ng ibang karelasyon habang may nobyo o nobya
at kahit ang mga kamalian na ginagawa na di inaamin ay nakasulat.

Ang tanging problema lamang ay mas konti ang punto de vista ng lalaki. Sa unang beses
na binasa naming ang kuwento, nainis kami sa lalaki dahil hindi niya pinakinggan ang babae bago
siya magdesisyon iwan ito. Bago tuluyang natapos ang istorya ay nagkaroon ng maikling
pagsasalaysay ang lalaki. Nalaman namin ang totoong emosyon ng lalaki, siya ay nasaktan lamang
kung kaya iniwan niya ang babae at yun ay nakakabitin. Kung siguro mas mahaba lamang ang
ginawang punto ng lalaki ay mas maintindihan naming ang kanyang nararamdaman. Hindi puro
nasa isang panig lang.

Ang isang aral na matutuhan mula sa kuwento ay ang pag-ibig ay nananaig sa lahat. Kahit
anong kakaharapin niyong problema ay makakaya niyo, kahit ilang taon pa ang dadaan na kayo
magkahiwalay, kung kayo talaga, gagawa talaga ang tadhana ng paraan para maging kayo. Isa
pang bagay na natutuhan namin ay mapagpatawad ang pag-ibig. Kahit anong kasalan ang ginawa
sayo, kahit walang hinhinging kapatawaran ay magugulat ka na lang napapatawad mo na dahil
hindi lamang sa mahal, kundi dahil sa yun ang dapat at para makalaya na ang iyong sarili mula sa
sakit ng nakaraan.

Ayon sa awtor ng kuwentong ito isang rason bakit niya isinulat ang istorya ay magbahi ng
mga aral. Ang tema ng kwento ay may kinalaman sa depresyon. Kung saan itinataguyod nito ang
pangangailangan para sa atensyon sa mental health. Maraming dahilan para ma-depress ang mga
tao. Hindi dahil nalulungkot sila at gustong makisabay sa uso. Ang depresyon ay isang labanan na
marami sa atin ay lumalaban nang mag-isa. At marami ang natatalo sa laban na ito. Hindi lamang
ito nakakaapekto sa mga tinedyer ngunit nararanasan din ito ng mga propesyonal. Kahit ang bida
sa kwentong ito na isang doktor sa pag-iisip ay nakakaranas din ng depresyon dahil sa labis na
sakit o kalungkutan. Kasama sa kwentong ito ang isa sa mga mungkahi ko sa mga kwentong
babasahin. Dahil hindi lamang sinasabi nito sayo ang sakit, saya, lungkot nito kundi pinaparamdam
talaga sa iyo ang mga emosyon ng istorya na para bang ikaw mismo ang bida.

Dosage of Serotinin ni inksteady


BUOD
Si Rovina Desamero ay isang doctok (physcologist) at siya ay nagmahal ng isang lalaki na
si Calix Dylan Fujimoto na isang engineer. Typical na ligawan, bumukod sa iisang bahay at
pinagpatuloy ang pagmamahalan na akala nila walang katapusan. Ngunit lahat ay natatapos, lahat
ay dumadaan sa pagsubok. Si Calix ay nagkaroon ng proyekto sa ibang lugar kung kaya ay
kinakailangan niyang iwan si Vina at siya naming inintindi ng huli dahil trabaho ito. Ngunit sa
paglisan pala ni Calix magsisimula ang lahat. Si Vina ay nagkaroon ng problema sa kanyang
pamilya na lagi naman, ang kanyang ina ay umalis sa kanilang bahay, siya ang isinisisi ng kanyang
ama. Ang kanyang kapatid na babae naman ay kinuha ang ibang pera niya para sa nobyo nito at
ang anak ng kanyang kuya na si Mark ang isa niyang kakampi. Ngunit dahil sa sobrang depresyon
ay nagpakamatay ito, ang kanyang pamangkin. Dahil sa pagsu-suicide ni Mark siya ang isinisisi
ng kanyang pamilya na tinaguriang doktor na nakakapagpagaling ng ibang tao ngunit sariling
pamangkin, kapamilya ay di man lang nakita na may problema ito.
Ang kanyang nobyo rin na si Calix ay unti-unti nang lumalayo ang dibdib sa kanya. Ang
taong inaakala niyang dadamayan siya sa problema ay lumalayo hanggang sa isang araw
kinakaialangan na niyang palayain ang sarili. Kinakailangan niyang hanapin ang sarili, umalis sa
lugar na puno ng kalungkutan. Nang sila ay naghiwalay ay akala niya magiging Malaya na siya ng
lubos. Ngunit dumaan ang ilang taon ay nakita niya si Calix sa simbahan kung saan siya nagse-
serve. Ilang taon ang dumaan ng tuluyan niyang tanggapin at lumapit sa panginoon. Nakita niya
mula ang dating kasintahan at mula non ay sinubukan nilang muli sumugal at umuwi sila sa
Pilipinas. Nang sila ay umuwi ang pamilya ni Vina ay humingi ng kapatawaran sa kanya at
natanggap na niya rin ang pagkamatay ng kanyang pamangkin na si Mark.
Nalaman niya rin na sa oras na umiiyak siya dahil sa kanyang magulang ay umiiyak rin si
Calix. Nalaman niya sa diary ni Calix ang lahat na ito ay nireyp ng amo. Walang seksuwalidad
ang reyp. Lahat ay maaari maging biktima. Lubos na nasaktan si Vina ng malaman niya ang
nangyari. Ngunit ang istorya ay nagtapos ng punong-puno ng bagong pag-asa at pag-ibig na mas
lalong ipinatibay ng mga pagsubok at ang pamagat ng istoryang ito ay maaaring nasa ingles ngunit
ang nilalaman ay nasa tagalog at palaging tandaan ang pag-ibig ay parang gamot. Pinapagaling
ang lahat ng masasakit na inyong naranasan sa buhay at ito ay pinamagatang “Dosage of
Serotonin”.

Link: https://www.wattpad.com/1038873770-dosage-of-serotonin-disclaimer

You might also like